The Bride Hiring Heir (Bride...

By mzpublic

6.7M 66.6K 6.4K

In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir... More

Prologue
Contract 1- the Reason
Contract 2- the Meeting
Contract 3- Maputlang Masungit
Contract 4- the Contract
Contract 5- the Arc Ninjas
Contract 6- Heaven meet Ninjas..parteee ^_^
Contract 7- Parents..trap??
Contract 8- Hot and Heavy ^_^v
Contract 9- The Heaven!!!
Special Note: From Aish ^_^
Contract 10- Vera Wang
Contract 11- Meet my Parents..
Wedding POV Poll
Contract 12- Cold Feet and....Bolster?
Contract 13- Wedding!!! Parteeee!! *\^_^/*
Contract 14- Honeymoon..tooo KIDNAPPING!! O.O
Contract 15: Saranghae Jeju
Contract 16- Themes, Bear and Greek God!
Contract 17- Being his "look-im-not-gay" wife..begin!!
Contract 18- Back to Basic
Contract 19- Tom Cruise meet Angelina Jolie..
Contract 20- Welcome to High Society! Mrs Griffiths.
Contract 21- Surprise Lunch..Epic Fail?!!
Contract 22- Group date-saster?
Contract 23- Heaven's ride and a CAT!
Conract 24- Sweet and Sour sides of mine :)
Contract 25- Let the showdown begin..
Contract 26- Fair, School and all!
Birthday Celebration
Contract 27- Just Us ❤
Contract 28- Shekshi ako..:D
Contract 29- University Fair..affair?
Contract 30- Silent Treatment.
Contract 31- Ang "One Thing" ni Pusa..
Contract 32- Best Thing that ever been Mine..
Contract 33- Girls Time out!
Contract 34- at the Function
Contract 35- The Red Match over Black.
Contract 36- The Meddlesome Pusa..>:/
Contract 37- Talk and Luggage.
Contract 38- Skype-i-miss you.
Contract 39- In the Club..
Contract 40- Te Amo Brazil!
Contract 41- Back into your arms nga ba?
Contract 42- Liar, Liar Savannah's on Fire...
Contract 43- the beginning of the End.
Contract 44- Mysterious Flowers.,
Contract 45- the art of pain..
Contract 46- Love is Painful, love is sweet.
Contract 47- Confrontation with Kanikka.
Contract 49- Fun under the moonlight.
Contract 50- Battle of the Bikinis..
Contract 51- the Real story..
Contract 52- the Plan..
Contract 53- Double D, nah C+, A!
Contract 54- Busina at iba pa.
Contract 55- Love talks and Lunch.
Contract 56- Odd Circumstances.
Contract 57- Movie Marathon and more..
Contract 58- Kiss and Tell.
Contract 59- Frozen and Happy.
Contract 60- Slowpoke and Maputlang Masungit :)
Contract 61- Love is in the air..plane :)
Contract 62- Meteor Shower kisses.
Contract 63- Bleeding Love..
Contract 64- Baby Talk..
Contract 65- She's back with apology?
Contract 66- Christmas Special..
Contract 67- Heaven's day..
Contract 68- It's for real...
Contract 69- Storm on the calm night..
Contract 70- A decision has been made.. (Finale)
Epilogue
Announcement/ Pasasalamat

Contract 48- Friendship is Priceless.

74.6K 642 42
By mzpublic

This chap is for my very good freinds dito sa wattpad, sina Milky, Ysa, Sisterette, Fc, Gwen, Lheign, Ling, Paupau at Bunso. They are my family dito sa wattpad :)

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 47-

Its been days after ng confrontation namin ni Kanikka, simula din noong araw na yun hindi pa kami nagkakausap ni Heaven. Kung dati siya ang umiiwas sakin, ngayon naman ako na ang umiiwas sa kanya. Hindi ako umiiwas dahil sumusuko na ako, kundi dahil nasasaktan ako. Kasi noong araw na yun, nang pumasok ako sa kwarto ko, hindi man lang siya sumilip sakin. Hindi man lang niya ako tinanong kung ok lang ba ako. Kahit naman galit siya sakin, sana man lang dinaluhan niya ako kahit isang beses lang. Pero wala eh.

Ngayong araw narin pala ang punta namin sa Palawan. At hindi ko man lang natatanong si Heaven kung sasama siya at hindi rin ako nakapag paalam. Instead na umuwi ako sa bahay para kahit papano magkaayos kami, mas lalo lang yata kaming nagkalayo.

"Ninjas! Wow ang gaganda niyo ah..pero mas maganda ka ballPena..pa hug naman diyan oh!" si Zag yan, andito kami sa airport ngayon. Dito na kasi kami magkikita kita. Tinanong nila sakin si Heaven, sabi ko susunod nalang. Ewan ko kung anong rason niya sa circle.

"Tch! Tigilan mo nga ako Zagotistic kung ayaw mong lumipad papuntang Palawan ngayon."

"Wooohhh, fiesty! I like that..may dalaw ka ba ballPena at ang init yata ng ulo mo?" pang-aasara parin ni Zag kay Pena. Pasalamat nalang talaga ako dahil ang kukulit ng mga kaibigan ko, kahit papano napapasaya nila ako.

"Isa pa talaga Zagotistic, mauuna ka talaga sa Palawan. Sige pa.." seryosong banta ni Pena. Pero makikita mo naman sa mukha niya na nakikipag lambingan lang siya kay Zag. :) Kahit naman kasi hindi niya sabihin samin, alam naming tatlo na nadadala na siya sa kakulitan ni Zag.

"Ok ok, titigil na. Hehehe. Pero teka lang..asan si Park at Alfie?"

"Wala pa eh, tumawag si baby Alfie sakin kanina na traffic daw siya. Si Park..oh ayan na pala..." sagot ni Jenny tapos tinuro si Park na may kasamang babae.

"Hey ninjas..Zag man!" bati samin ni Park. Yung kasama niyang babae medyo nahihiya pa.

"Naman man! May girlfriend ka na nga, late ka parin? Hindi ka na nahiya talaga.." biro ni Zag, pero kami ng ninjas titig na titig kay Park. Hindi kasi namin alam na may girlfriend na pala siya.

"Girlfriend?!" tanong sigaw naming apat.

"Ahh..hehehe. Oo..Leeya Mae nga pala. Girlfriend ko. Babes ang ninjas. Pena, Jenny, Monique at Savannah. Heaven's wife." pagpapakilala niya samin. Tapos kamot batok ulo pa. :)

"Hi Leeya Mae..pwede Leeya nalang tawag namin sayo?" bati ni Monique.

"Hi..oo naman. Nice to meet you all."

"Nice to meet you too. Welcome sa magulong barkadahan. Hehehe" bati ko rin. Napapansin ko lang na medyo mahiyain yata itong si Leeya.

"Oi Leeya, huwag ka nang mahiya samin ah. Magulo kami, kaya wag ka nang mahiya." dagdag naman ni Pena.

"Ahh..hehehe. Salamat girls."

Tapos ayun, after namin makilala si Leeya, hinintay pa namin si Alfie. Mabuti nalang medyo matagal pa rin ang boarding namin.

"Alfie baby! Ang tagal mo naman!" sambit ni Jenny nang dumating si Alfie sabay yakap at halik sa lips. Ayun, si Alfie mapula pa sa cherry. Hai, kawawang Alfie.

"Oi, oi..Jen nasa public place tayo, wag mo namang molestyahin dito si Alfie. Tingnan mo oh, pulang pula na sa hiya si Alfie." sambit ni Monique.

"Alfie baby, kinahihiya mo ako? Isang Jenny Tan kinahihiya mo?" nakasimangot na tanong ni Jenny sa mapula paring si Alfie.

"Ahh..hi-hindi naman sa ganun. Ahh.."

"Oh hindi naman pala eh..ayan! Pakiss nga ulit Alfie baby" at talagang hinalikan niya si Alfie. Hai. Kami na talaga naawa kay Alfie.

Kasunod ni Alfie, dumating naman si Pusa. Opo, kasama si Pusa dahil close din sila ni Zag eh.

After ng pangmomolestya ni Jenny kay Alfie, at pang aasar ni Pusa sakin nag check-in na kami ng luggage namin. Oo may luggage kami kasi dalawang linggo daw kami doon sa Palawan, para sulit daw na pahinga. Kaso hindi ako sigurado kung masusulit ko ba talaga ang bakasyong ito. Sana lang hindi na isama ni Heaven si Kanikka. Kaso lang, parang malabo yata yun mangyari dahil kasama naman siya sa circle eh.

Habang nagaantay kami ng boarding, napagusapan namin kung anong gagawin naming activities sa loob ng dalawang linggo.

Sabi ni Zag, pwede daw kami mag scuba diving, snorkelling at kung ano ano pang water sports. Tapos mag island hopping din, tapos sa mga lovers daw. Pwede bumisita sa isang secluded island din doon. Ang sabi daw, kung sino ang makakasama mo sa island na yun, siya na ang magiging kasama mo habang buhay. Kaya nga good for lovers daw yun na island. "Island of Hope" daw ang tawag dun.

Nung nasa airplane na kami, kami ng ninjas ang magkakatabi, kaya walang asaran, awayan at halikan na nangyari. :)

After few hours, naka lapag narin kami sa Caticlan domestic airport. Sinalubong pa kami ng mga local ladies na may hawak na lei at sinabit samin.

"Wow! Ang ganda ng panahon dito sa Palawan..I can't wait to swim!" masayang pahayag ni Jenny. As usual :)

"Oo nga! I can't wait to wear my new bikini!" segunda naman ni Monique.

Kami ni Pena, wala lang. Tahimik lang at pangiti ngiti. :)

Pagkatapos namin sa airport, sinundo na kami ng van nila Zag tapos magfeferry naman kami papuntang amanpulo.

"How are you ms Jolie?" tanong sakin ni Pusa habang nasa ferry kami. Nasa labas ako ng ferry at nakatingin sa karagatan.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Napansin ko kasing ikaw lang mag isa kaya sinamahan na kita. Kawawa ka naman kasi.."

"Ewan ko sayo..wala ako sa mood makipag-asaran sayo ngayon." sagot ko na sa malayo parin nakatingin.

"Halata naman..you're eyes says it all." bigla naman akong napalingon sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"The usual sparks in your eyes has been long gone, and when you went back to your house napalitan na ng lungkot yang mata mo."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Pusa."

"Kahit anong deny mo pa ms Jolie, everyone of us knows na may problema kayo ni Heaven. Kaya lang walang gustong manghimasok kaya tahimik lang ang lahat.."

"Eh bakit nanghihimasok ka?" gusto ko sanag idagdag na isa siya ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito. Pero ayoko na muna. Kasi baka mas lumala ang situation.

"Because I care too much about you. At alam ko rin na ako lang ang kayang kumausap sayo na hindi natatakot na magalit ka. Kasi lagi ka namang galit sakin.."

"Hindi ko kailangan ang care mo. Kaya pwede ba iwan mo na ako."

"Iwan ka para pag naisipan mong tumalon diyan sa dagat walang makakakita sayo?"

"Hindi pa ako ganun ka baliw para tumalon, kaya pwede ba umalis ka na muna. Gusto kong mapag isa."

"Ayoko nga, kahit isang libong beses mo pa akong itaboy. Hindi ako aalis."

"Ang kulit mo rin na pusa ka ano? Hai!" at dahil ayaw nga ng pusa umalis, pinabayaan ko nalang siyang tumayo sa tabi ko.

"Bakit di kayo magkasama ni Heaven?" tanong niya pagkatapos ng mahaba haba ing katahimikan.

"Dahil may trabaho pa siya sa hotel."

"O dahil nagiiwasan kayong dalawa?" Pusa

"Hindi kami nagiiwasan, busy lang talaga siya."

"Busy sa pagaasikaso sa kaibigan niyang model. Diba?"

"Hindi ko alam..ok."

"Imposibling di mo alam, eh nasa isang bahay lang kayo nakatira."

"Sa hindi ko nga alam..anong magagawa ko?" medyo naiinis na sagot.

"Hindi mo alam kasi nga may problema kayo. Kasi nakatira lang kayo sa iisang bahay ang asides from it, wala na."

"Bakit ang dami mong sinasabi?" iritadong sagot ko na.

"Wala akong sinasabi, nilalabas ko lang ang nasa utak mo."

"Oh so ikaw na pala kahati ng utak ko ngayon?"

"Hindi ng utak, kundi ng puso mo."

"Tch tigilan mo na nga ako Pusa. Nakakairita ka na talaga.."

"Naiirita ka sakin dahil totoo ang sinasabi ko at ayaw mong tanggapin na may gusto ako sayo."

"Oo dahil may asawa na akong tao. Kaya pwede tantanan mo na ako."

"Only if you are happy with him, hanggang you're hurting il be here for you. Kahit itaboy mo ako ng ilang beses."

"Bakit ba sa babaeng may asawa ka pa naghahabol kung marami namang single?Hindi mo ba naisip na pwedeng ka makasira ng isang relasyon? At hindi lang basta relasyon, kundi kasal?"

"Dahil sa babaeng may asawa ang puso ko tumibok. At alam ko namang wala akong masisira, dahil wala naman akong nakikitang pwedeng masira."

"Tibok na hindi pupwede. At papano mo nalaman na wala ka pang masisira?"

"Malay mo, baka maging pwede rin sa pagdating ng panahon. Alam ko, basta alam ko."

"Ewan ko sayo. Diyan ka na nga." tapos iniwan ko na siya at pumasok na ako sa loob kung nasaan ng ninjas at si Leeya.

"Oh san ka galing Sav?" tanong ni Pena pagkabalik ko upuan namin.

"Diyan lang sa labas nagpapahangin sana kaso inistorbo naman ng isang galang pusa"

"Oh..hinahanap ka nga ni Adam kanina pa."

"Kaya nga, ayun nahanap niya naman ako at ginulo ang pagpapahangin ko sana."

"Nagaalala lang daw kasi siya sayo. Baka daw tumalon ka bigla. Hehehe."

"Hai ewan ko sa kanya Pens, parang pusang gala talaga. Kahit saan nalang napupunta. Hmm.."

"Hayaan mo nalang, wala namang ginagawa sayo eh. Atleast nagaalala siya sayo, hindi tulad ni..."

"Busy lang siya Pens. Pati ba naman ikaw?"

"Mahirap kasi di mahalat Sav, lalo pa't halos kambal na tayong apat. Mahirap di mapansin na malungkot ka. Alam ko nag-usap na tayo, pero parang iba ang lungkot mo eh. Kahit gaano mo piliting maging masaya, hindi parin tulad ng dating Sav."

"Ok lang ako Pens, promise talaga pag hindi ko na kaya. Sa inyo din ako tatakbo, pero sa ngayon, hayaan niyo na muna ako. Huh?"

"Ok, kung yan ang desisyon mo. Basta andito lang ang ninjas para sayo."

"Salamat Pens. Hehehe. Tama na muna ang drama, mag pictue picture na muna tayo."

"Sige sige!" biglang sigaw ni Monique at Jenny.

"Gising pala kayo? Akala namin natutulog kayo yun pala nagtutulog tulugan lang. Hmm..sige na nga. Tayo na!" yaya ko sa kanila.

Minsan kahit gaano ka pa ka close sa mga kaibigan mo kailangan mo rin na matotong resulbahin ang problema na mag isa lang. May pagkakataon kasi na dapat sana maliit lang ang issue pag nasali ang mga kaibigan, nagiging malaki. May tendency kasi na sayo lang makinig ang mga kaibigan mo, ayaw nilang pakinggan ang ibang side. Kaya ikaw din nadadala na sa kanila. Kaya hanggat maari, susuluhin ko muna ang problema ko. Atleast ako alam ko pano timbangin ang mga pangyayari.

Alam naman ni Pena ang tungkol sa pagmanahal ko kay Heaven, so ok na yun. Hahayaan ko na muna sila na yun ang isipin na problema ko. Kasi pagsinabi kung si Kanikka talaga ang dahilan ng lahat ng ito, baka kung ano magawa nila kay Kanikka. Ako din mahihirapan, kasi ako ang maiipit sa kanilang lahat. Pag inaway nila si Kanikka, for sure kakampi si Heaven sa kanya, kaya ako din magakakaproblema lalo. Kaya mabuti pang sarilinin ko na muna ito.

Love is painful, love is sweet.

----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Sinong nag skip ng last chap? Hehehe. Ok lang ba ang chap na ito? Walang drama dito :) kaya sana nagustuhan niyo. Sino naeenjoy kina Zag at Pena? Eh kine Alfie baby at Jenny naman? Hehehe. Kung sino may type kay Park diyan, sorry pero taken na siya. Lol

Anyway since friendship naman ang topic dito, sino sa inyo ang may totoong bff? Hindi yung bff sa harap, boe(best of enemy) sa likod :) I have few, yung dalawa bestfriend ko na mula nung sipunin pa kami, yung tatlo nung nagaaral pa ako sa pinas at yung bagong dalawa nung nagaaral at hanggang nagtrabaho naman ako sa ibang bansa. Yan silang pito kahit ilang taon pa kaming di nagkita, nagkausap at the end of the day alam parin namin ang nangyayari sa aming lahat. At the end of the day sila parin ang nandiyan kung kailangan ko nang makakausap, kung malungkot ako, masaya or kung gusto ko lang nang ka chikahan. Hindi man kami araw araw na nagkikita, pero alam namin na sa oras ng kailangan namin ng karamay nandiyan lang ang isat isa samin.

Ang pagkakaibigan hindi nasusukat sa haba ng usapan sa text at chat or sa over the bakod na daldalan. Kundi sa pinagsamahan.

Wala lang random lang ako masyado kasi napagod ako sa kakatype. Hehehe.

Happy pagbabasa mga langga. Love your friends.

xoxo

ms A (Aish)

Continue Reading

You'll Also Like

556K 20.4K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
648K 7.9K 74
EDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga...
422K 5.7K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
68.7K 1K 5
"You don't find love... love finds you!"