The Bride Hiring Heir (Bride...

By mzpublic

6.7M 66.6K 6.4K

In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir... More

Prologue
Contract 1- the Reason
Contract 2- the Meeting
Contract 3- Maputlang Masungit
Contract 4- the Contract
Contract 5- the Arc Ninjas
Contract 6- Heaven meet Ninjas..parteee ^_^
Contract 7- Parents..trap??
Contract 8- Hot and Heavy ^_^v
Contract 9- The Heaven!!!
Special Note: From Aish ^_^
Contract 10- Vera Wang
Contract 11- Meet my Parents..
Wedding POV Poll
Contract 12- Cold Feet and....Bolster?
Contract 13- Wedding!!! Parteeee!! *\^_^/*
Contract 14- Honeymoon..tooo KIDNAPPING!! O.O
Contract 15: Saranghae Jeju
Contract 16- Themes, Bear and Greek God!
Contract 17- Being his "look-im-not-gay" wife..begin!!
Contract 18- Back to Basic
Contract 19- Tom Cruise meet Angelina Jolie..
Contract 20- Welcome to High Society! Mrs Griffiths.
Contract 21- Surprise Lunch..Epic Fail?!!
Contract 22- Group date-saster?
Contract 23- Heaven's ride and a CAT!
Conract 24- Sweet and Sour sides of mine :)
Contract 25- Let the showdown begin..
Contract 26- Fair, School and all!
Birthday Celebration
Contract 27- Just Us ❤
Contract 28- Shekshi ako..:D
Contract 29- University Fair..affair?
Contract 30- Silent Treatment.
Contract 31- Ang "One Thing" ni Pusa..
Contract 32- Best Thing that ever been Mine..
Contract 33- Girls Time out!
Contract 34- at the Function
Contract 35- The Red Match over Black.
Contract 36- The Meddlesome Pusa..>:/
Contract 37- Talk and Luggage.
Contract 38- Skype-i-miss you.
Contract 39- In the Club..
Contract 40- Te Amo Brazil!
Contract 41- Back into your arms nga ba?
Contract 42- Liar, Liar Savannah's on Fire...
Contract 43- the beginning of the End.
Contract 44- Mysterious Flowers.,
Contract 45- the art of pain..
Contract 47- Confrontation with Kanikka.
Contract 48- Friendship is Priceless.
Contract 49- Fun under the moonlight.
Contract 50- Battle of the Bikinis..
Contract 51- the Real story..
Contract 52- the Plan..
Contract 53- Double D, nah C+, A!
Contract 54- Busina at iba pa.
Contract 55- Love talks and Lunch.
Contract 56- Odd Circumstances.
Contract 57- Movie Marathon and more..
Contract 58- Kiss and Tell.
Contract 59- Frozen and Happy.
Contract 60- Slowpoke and Maputlang Masungit :)
Contract 61- Love is in the air..plane :)
Contract 62- Meteor Shower kisses.
Contract 63- Bleeding Love..
Contract 64- Baby Talk..
Contract 65- She's back with apology?
Contract 66- Christmas Special..
Contract 67- Heaven's day..
Contract 68- It's for real...
Contract 69- Storm on the calm night..
Contract 70- A decision has been made.. (Finale)
Epilogue
Announcement/ Pasasalamat

Contract 46- Love is Painful, love is sweet.

74.2K 674 34
By mzpublic

This chap is for Gillhie..:) kasi suportado niya so Sav. Hehehe

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 45-

Kanina pa ako gising pero wala akong balak bumangon kasi sa tuwing iisipin kong baba ako, naiisip ko din na baka andun pa sina Heaven at Kanikka sa baba. Sa kalagayan ng puso ko ngayon ayoko na muna makakita pa ng ano mang makakasakit sakin. Ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon at ayoko na munang lumuha pa. Dahil ang hapdi hapdi na ng mga mata ko at ang sakit sakit ng lalamunan ko.

Paggising ko kanina, tiningnan ko muna yung oras. Naka lagay doon 8pm na, ibig sabihin boung hapon akong umiyak at natulog. Pero bakit ganun, kahit boung maghapon na akong umiyak, bakit masakit parin dito sa loob. Bakit parang pinipiga at minamartelyo parin ang puso ko sa sakit. Ganito ba talaga pag nasasaktan ang isang tao? Pagtulog at pagising ramdam parin ang sakit. Kahit sa panaginip andun parin, lumuluha parin.

Nagkakagusto na ba ako kay Heaven? O Mahal ko na ba si Heaven? Kaya ba ako ganito nalang kung masaktan? Kaya parang piniga ang puso ko sa nakita ko kanina? Dahil nagsisimula na akong mahalin siya? Pero papano ko naman mamahalin ang taong hindi ko dapat na mahalin? Ang taong hindi ako kayang mahalin? Kaya din ba masakit masyado dito sa loob dahil alam kung kahit mahalin ko pa siya, hindi niya ako kayang mahalin at may mahal na siyang iba?

Bakit ba napaka komplikado ng pag-ibig? Bakit ba kailangan pang may masaktan para lang may sumaya? Bakit kailangang ako pa ang masaktan? Bakit hindi pwedeng iba nalang, bakit hindi pwedeng kami ni Heaven ang maging masaya at iba nalang ang masaktan? Bakit kailangan pang maging ako ang hired bride niya, bakit kailangang maging ako pa ang naka kontrata sa kanya. Bakit hindi pwedeng wala nalang hired bride at kontrata? Bakit hindi nalang totoo ang kasal namin at totoo ang lahat ng nangyari noong nakaraang buwan? Bakit kailangan pang maging ganito kami ngayon?

Pero ang sabi nga sa kasabihan, pag hindi para sayo. Hinding hindi magiging sayo. Kaya siguro kahit gaano pa kami naging masaya dati, ito naman ang naging kapalit. Dahil sa simula palang, hindi na kami para sa isa't isa. Parang isang magandang imagination lang ang nangyari at ngayon ito na ang katotohanan.

*Hey I just meet you, and this is crazy

But here's my number, so call me maybe*

Nahinto ako sa pagiisip dahil sa ringtone ng phone ko.

Pena calling...

"He--"

["Savannah Griffiths! Asan ka na? Kanina pa kami tawag ng tawag sayo hindi ka man lang sumasagot? Anong nangyari sayo? Ok ka lang ba?"]

"Nasa bahay na ako.." matamlay na sagot ko kay Pena.

["Mabuti naman, pero bakit hindi ka makasagot kanina? At bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?"]

"Dahil pagdating ko nakatulog na ako deretso. Hindi ako umiiyak Pens, nakatulog lang ..."

["Talaga lang huh? Eh bakit basag na basag ang boses mo? Parang boses nang umiiyak.."]

"Dahil kakagising ko lang po."

["Hai ewan sayo Sav. Kaibigan mo kami, kaya kahit anong pagsisinungaling mo alam namin na nagsisinungaling ka. Sana lang sabihin mo samin anong problema."]

"Pena..wala talaga. Kakagising ko lang talaga kaya ganito ako."

["Whatever Sav. Basta ba andito lang kami. Anyway napatawag lang ako dahil nagaalala kami sayo."]

"Salamat Pens sa pagaalala, pero ok lang talaga ako. Anywa, sige na huh dahil baba pa ako."

["Ok, basta kung gusto mo kaming kausap andito lang kami. At sana mapag-usapan niyo mag asawa kung ano problema niyo. Bye Sav."]

"Bye Pena, salamat" tapos binaba ko na ang phone ko at kinuha si Sarang tapos niyakap.

Naiiyak na naman kasi ako, kaya yayakapin ko nalang si Sarang para di ako maiyak. Nagiguilty narin kasi ako sa ninjas dahil sa paglilihim ko sa kanila. Tapos naiiyak rin ako kasi kahit wala akong sinasabi, alam parin nila at nererespeto nila ang desisyon kung manahimik. Hai.

*Grrrrrrrooaakk* Hai bakit naman ganito, kahit ang lungkot lungkot ko na nga nagugutom parin ako. Ayaw ko pa naman sanang bumaba talaga, pero sige na nga lang. Siguro naman wala na sila sa baba ngayon diba? Kasi halos mag aalas diyes narin ng gabi. Kaya mabuti pang bumaba nalang ako at kumain. I-kakain ko nalang itong sakit ng puso ko.

Habang pababa ako ng hagdan, dahan dahan lang ang hakbang ko para kahit andito pa sila hindi nila ako mapapansin. Nung nasa baba na ako, walang tao sa living room pero parang bukas yung pinto papuntang patio. Hindi ko nalang pinansin at dumeretso na ako sa kusina.

Pagpasok ko sa kusina, medyo nagulat pa ako sa dami ng pagkain sa mesa. Yung iba nakalagay sa bowl at yung iba natatakpan lang ng plastic. At napansin ko na halos lahat ng luto ay niluluto ko at paborito ko. Tulad ng kare kare, tomyum, adobo may fried noodles pa. Gusto ko man tumikim pero pinigil ko ang sarili ko. Baka kasi experimentong luto ito nina Heaven at Kanikka, baka pamasama pa ako.

Kaya ang ginawa ko, kumuha nalang ako ng maggie, itlog at petchay. Mag maggie soup nalang ako. Wala rin naman ako masyadong ganang kumain talaga.

Pagkatapos kung mag luto, nilagay ko yung noodles sa bowl at umupo na sa mesa. Hinintay ko pa siyang lumamig ng kunti, at habang nag hihintay ako. Biglang pumasok si Heaven sa kusina.

"Bakit yan lang kinakain mo?" tanong niya habang tinitingnan ang pagkain ko.

"Dahil wala akong gana.."

"Why don't you try to eat some of this.." tapos tinuro niya yung mga pagkain.

"Ayoko..salamat"

"Are you sure? These are--" hindi ko na siya pinatapos sa sinabi niya. Tumayo na ako dala dala ang mangkuk ng noodles at palabas ng kusina.

"Where are you going?" mahinang tanong niya.

"Sa kwarto.." sagot ko habang nakatalikod sa kanya at tuloy tuloy na na umakyat sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, nilapag ko lang sa side table ang noodles at hinapo ang puso ko.

Alam ko, hindi maganda ang ginawa ko kay Heaven kanina. Pero hindi ko talaga siya kayang kausapin at lalong hindi ko kayang magkatabi kami. Pakiramdam ko maiiyak ako, pakiramdam ko pag nagtagal pa kami doon sa kusina bubuhos ang luha ko. At ayokong ipakita yun kay Heaven, ayokong makita niya akong umiiyak. Dahil baka iba isipin niya at baka magtanong siya bakit ako umiiyak. Hindi pa ako ready na sagutin kung ano man ang itatanong niya.

At dahil sa encounter namin kanina, nawala narin ang gana kung kumain. Pero ayaw ko naman na nagsasayang ng pagkain kaya kahit tumaba na ang noodles kinain ko parin. Pagkatapos, humiga na naman ako. Gusto ko sanang matulog ulit, pero ayaw ako dalawin ng antok eh. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang ipad at pumasok sa ask.fm.

Pagkapasok ko sa ask.fm, hinananap ko si mzpublicstories tapos nagtype ako ng tanong:

- Masakit ba talaga pag nagmahal?

-- Oo, dahil hindi ka nagmahal kung hindi ka nasaktan.

- Bakit? Di ba dapat masaya ka dahil nagmamahal ka?

-- Dahil pag nagmahal ka dapat sumugal ka, kaya minsan masaya, minsan masakit. Ganun naman ang sugal diba? Minsan nananalo, minsan natatalo.

- Bakit hindi nalang laging panalo, bakit kailangan pang matalo?

-- Dahil kailangan mong i balance ang lahat. Pano ka matototo sa laro ng sugal kung lage kang panalo. Pano ka matototo sa laro ng pag ibig kung lage kang masaya?

-- Papano niyo patatatagin ang pgmamahalan niyo kung lage kayong masaya, walang challenge. Kung hindi ka masasaktan, hindi ka mamumulat. Hindi mo malalaman ang tunay na anyo ng pag-ibig kung hindi mo makikilala ang sakit.

- Paano ko malalaman na worth it ang isang tao sa sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya? Pano kung nasasaktan lang ako pero wala naman palang kapalit.

-- Hindi mo malalaman ang worth ng taong minamahal mo kung hindi ka niya masasaktan, sadya man or hindi.

-- Ang pag-ibig parang tao lang yan, lalong tumatatag pag nasasaktan. Kaya kung nasasaktan kaman ngayon, alam mong totoong nagmamahal ka na. Kung sino man ang nagpapasakit sayo ngayon, totoong minamahal mo na siya. Kung gaano ka nasasaktan, ganun mo rin siya kamahal.

- Ibig sabihin kaya parang minamartelyo ang puso ko dahil mahal ko siya?

-- Nagbabasa ka ba? Kasasagot ko lang eh. Naman! Pero sige na nga, oo mahal mo siya. Kaya ka nasasaktan ng ganyan, kaya parang binabayo yang puso mo dahil mo siya.

-- Pero huwag kang mag alala, pagkatapos ng sakit walang humpay na kasiyahan naman ang papalit diyan.

- Papano ba malalaman kung mahal ka rin ng minamahal mo?

-- Ikaw lang sa sarili mo ang kayang tumuklas niyan. Minsan kasi, pag nasasaktan tayo, nagiging bulag tayo sa paligid lalo na sa taong nanakit satin. Kaya hindi natin nakikita na nasasaktan din pala sila, na kaya tayo nasasaktan, dahil nasaktan na natin sila.

-- Minsan wake up call din ang sakit, para makita natin na may nasasaktan na tao dahil satin, kaya nasasaktan din tayo.

-- Kaya idilat mo ang mga mata mo at buksan ng puso. Para malaman mo kung mahal karin ng minamahal mo.

- Kahit gaano pa kasakit?

-- Kahit gaano pa kasakit. Magpakatatag ka, para maging successful kayo.

-- Oh siya sige na, mag susulat pa ako ng UD para sa TBHH. Huwag ka na masyadong umiyak diyan dahil maraming naiiyak din dahil sayo.

-- Tandaan mo, walang nagmamahal na hindi nasasaktan.

- Ok po ms..salamat po, kahit ginawa ko nang twitter itong ask.fm mo.

-- Walang problema. Ito pa pala huling habilin ko sayo..Ang luha ang huling biyaya ng pag-ibig.

Pagkatapos kung makipag-usap kay mzpublicstories lumabas na ako sa ask.fm at pumasok naman sa ibang site. Gusto ko sanang pumasok sa facebook kaso lang may pictures kami Heaven dun eh. Masasaktan lang ako pag makikita yun.

Natapos ko nang libutin ang mga sikat na site pero wala paring maka kuha sa attention kaya lumabas na ako at sinirado and ipad.

Totoo ba talaga yung sinabi ni mzpublicstories? Totoong bang kaya ako nasasaktan dahil mahal ko na si Heaven? Pero kung mahal ko na talaga siya, papano ang kontrata namin? Papano na kung malalaman ni Heaven? Anong sasabihin ko? Papano na kung makikipag hiwalay na siya sakin? Hai..bakit ba ang hirap?

Minsan nga lang akong magmahal masyado pang komplikado. Bakit kung kailan natutong tumibok ang puso ko sa maling lalaki pa? Ito na ba ang sinasabing sugal ang pag-ibig? Dahil susugal ako kahit hindi ko alam ang magiging resulta.

Hindi ko na talaga alam. Mabuti pa matawagan si Pena para hindi na nagaalala ang ang mga yun.

* Ring..ring..ring...*

["Hello Sav? Napatawag ka? Ok ka lang ba?]

"Ok lang ako Pens, pasensya na kanina na huh medyo hindi lang kasi maganda ang gising ko"

["Hmmm, ok. Ok lang naman sakin Sav eh dahil naiintindihan kita. Sina Monique at Jenny lang ang medyo hindi ok. Alam mo namang mahal na mahal ka namin diba? Kaya masyado silang nagaalala sayo."]

"Pasesnya na talaga Pens, promise hindi ko na kayo pagaalalahin ng ganun. Sobrang napagod lang ako talaga kanina, tapos medyo hindi maganda ang naratnan ko sa bahay kaya itinulog ko nalang.

["Ah. Sav..nagmahal ka na ba?"]

"Huh?"

["Tinatanong kita kung nagmahal ka na ba?"]

"Oo naman Pens. Kaya nga may asawa na ako diba?"

["Hindi naman basihan sa kung may asawa ka na o wala ang pagmamahal Sav. Alam naman nating lahat na mabilisan lang ang kasal niyo ni Heaven. Sa ngayon ba nahuhulog ka na sa kanya?"]

"Hindi ko alam Pens..siguro."

["Kaya ka ba umiiyak dahil mahal mo na siya?"]

"Hindi naman ako umiiyak Pens.."

["Baka hindi mo alam na halatang sisinghot singhot ka ngayon..ok lang naman yan Sav. Kung mahal mo na si Heaven, hindi mo na kailangang itago samin. Sabi mo nga, asawa mo na siya, kaya pwede mo siyang mahalin."]

"Salamat Pens. Pero siguro nga talaga mahal ko na siya, pero pakiramdam ko hindi tama eh Pens."

["Bakit naman hindi tama? Dahil masakit? Sav, love is painful, love is sweet. Walang pagmamahal na puro sweet lang. Lahat may kasamang pain." ]

"Hai..sana simpling sakit lang eh." sana walang Kanikka na nagpapadagdag sa sakit.

["May masakit bang simply? Ofcourse pag masakit, mahirap yan Sav. Pero kung mahal mo na talaga asawa mo. Kakayanin mo yan, diba?"]

"Ok Pens. Salamat. Kakayanin ko 'to"

["Thats good. Basta andito lang kami, ok? Sige na goodnight. Pahinga ka nang mabuti. Huwag ka nang sisinghot singhot diyan. Bye Sav, ninjas loves you."]

"Goodnight Pens. I love you too ninjas."

----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Korn na korn lang masyado ang mga sagot ni mzpublicstories aka yours trully :D

Hindi ko alam anong sasabihin, hahaha. Ok nga pala, sobrang naaddict ako sa Subway Surf na laro. Nakakaloka lang, hahaha. Type ko din ang temple Run 2 kasi may babae na, kaso lang para din siyang lalaki kung tumakbo. Lol.

Happy pagbabasa mga langga❤ Next chap..be ready ;)

xoxo

ms A (Aish)

Continue Reading

You'll Also Like

23M 402K 89
*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY...
77.2K 2.3K 55
He's my one and only love until the end. The one and only VAMPIRE in my heart.
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...