Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicro...

By PsychopathxXx

272K 8.6K 1.1K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Weakness Detected
2. Wrong One
3. His Eyes Around
5. Old Married Couple
6. White Dress
7. The Honeymoon Part
8. Newly-Wed Spark
9. That Side of Him No One has Seen
10. Failing... Falling... Sweetheart
11. Possible Danger
12. A Weekend Getaway
13. Message Received
14. Family Tree
15. The Past and the Present
16. Clear Choice
17. Happy Birthday
18. An Eye for an Eye
19. Spoiled Kid
20. Triggers and Reminders
21. Double Trouble
22. Clingy Baby
23. Flames of Desire
24. Bracelets
25. Baby Tarsier and the Guards
26. Pleasure in Confession
27. Mommy!
28. Birthday Boy's Request
29. Pretty... Queen... Fili!
30. Wedding Vows
Epilogue: Perfect Match

4. Wanted Bride

7.9K 271 38
By PsychopathxXx

CHAPTER FOUR

Russle was already sleeping inside an enormous room.

Nahihilo ako hindi lang dahil sa mga natamo kong sugat. Mas lalo akong nahihilo sa laki ng mansyon ni Gotham. My mind couldn't grasp the concept of his wealth. Hindi ko mapigilang magtanong sa lalaki.

"Solo ka lang dito? Tangina, ang gara, ah."

Nakatuntong na rin naman ang mga paa ko sa mansyon ng mayayaman, hindi ako ignorante pero hindi ko maiwasang hindi mamangha. Sobra yata ang kabuuan ng mansyon para lang sa isang tao.

"No," umiling siyang namulsa. "You're with me now, remember?"

Sumama ang panlasa ko sa narinig, kusang kumunot ang aking noo.

"Tanga," I whispered.

Hindi naman iyon ang sagot sa tanong ko sa kanya. Ngayon pa lang, nag-iinit na ang dugo ko sa lalaki.

Paano ko magagawang tumagal sa kampon ng demonyo? Kung hindi lang sa pagtanaw ko ng utang na loob ko sa lalaki, hindi ako papayag sa ganitong set-up. Para na rin sa ikabubuti ng kapatid ko.

He saved Russle from the heartache of losing a sister by showing up the exact moment I needed his intervention. The hearts who are soft and kind to my brother makes mine softer.

But not with this asshole... I'm just tolerating his existence for my brother.

I sighed.

"I have to stay in another room. Ayokong makita ako ni Russle sa ganitong anyo. I don't want him to get scared. Hindi ko rin alam ang ipapaliwanag ko sa kanya kapag tinanong niya ako." Lumabas ako ng pinto ng kwarto, sumunod sa mga hakbang ko si Gotham hanggang lampasan niya ako.

"Follow me," he commanded.

Ilang minuto akong nakatayo sa puwesto bago ako sumunod sa kanya. Pumasok kami sa malaking silid. Lagpas triple pa yata ang laki noon sa inuupuhan naming apartment kay aling Cynthia.

Tauhan ni Gotham ang nag-asikaso sa iniwan naming kalat. Natatakot ako kung paano ko sasabihin kay Russle na wala na ang dati naming landlady na tumayo rin na parang pangalawa niyang ina. It would be hard for him to take.

"This will be---"

Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin, agad na humakbang ako patungo sa banyo nang mahagip ito ng aking mata. Pinuyod ko ang aking buhok at isinara ang pinto.

Nakipagtitigan ako sa repleksyon ko sa salamin. I had visible bruises on the face. Hindi ako p'wedeng humarap ng ganito sa kapatid ko. Kinagat ko ang aking labi. Maybe, make up could lessen the visibility of the bruises.

Inikot ko ang mata sa kabuuan ng banyo. Even the bathroom was bigger than our actual room before. Mamahalin din ang bawat gamit.

That car I stole from him was nothing. Barya lang iyon sa lalaki.

Nadatnan ko si Gotham na nakahiga sa ibabaw ng kama. His eyes were closed. Malaya kong napagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Tumaas ang kilay ko, in-ekis ko ang aking kamay sa dibdib.

"Ano pang ginagawa mo rito? Hindi ba't ito ang kwarto ko na tutuluyan pansamantala? Why are you still here?" matapang kong tanong.

"Really, huh?" Ngumisi siya habang nakapikit. "You're getting rid of me in my own home?"

Muli siyang nagmulat at bumangon, nagtama ang aming mata. "This is the master's bedroom, my space and yours, too. We share everything in here."

Umakyat ang dugo ko sa mukha. "Sa daming kwarto, magkasama pa tayo sa iisa?" Inirapan ko siya. "'Wag mong sagarin ang pasensya ko, Gotham. Baka hindi ako makapagtimpi, samain ka sa akin."

"Hindi pasensya mo ang gusto kong sagarin," he chuckled.

Kumunot ang noo ko. Wala akong ideyang marunong siyang mag-tagalog, may accent nga lang ang kanyang pananalita. Ang akala ko lang nakakaintindi siya ng mga salita.

"Umalis ka na nga!" Itinaboy ko siya.

Humina ang kanyang pagtawa pero nanatili ang ngisi sa labi. He didn't move from the bed.

"You're so slow to take a hint of flirting, Filantropi. That's your weakest point," mayabang niyang turan.

I was more confused with what he said. Kinuha ko ang unan at kumot sa kama, dinala ko iyon sa malambot na sofa. Even the couch was a nice place to sleep. Probably, the floor was also a good option.

Pagod ang katawan ko. Biglang rumehistro sa aking katawan ang suntok, sipa at tadyak na natamo ko kanina. I was exhausted. Wala na akong pakialam sa lalaki. I just want to lie down and sleep peacefully.

Iyon ang ginawa ko, nahiga ako sa malambot na sofa. It was heavenly.

Tinahob ko ang kumot sa aking kabuuan hanggang mukha. Malamig pa rin kahit makapal ang kumot. The whole mansion was well-ventilated and air-conditioned. Agad akong hinihila ng antok.

Naalerto ako ng maramdaman ko ang aking katawan sa ere. I was still conscious, but I couldn't seem to move.

"Hush, you're not in danger." I heard the familiar voice whispering against my ear.

Lumapat ang aking likod sa mas malambot na bagay. It was more comfortable for my back. Tuluyang nilamon ako ng antok. When I woke up the next morning, a man was sleeping beside me.

Disoriented, the initial thing I did was to punch the man in the face. Pareho kaming nagising at natauhan. Bumungad sa akin ang dumudugong labi ni Gotham at magulo niyang buhok.

Magkasalubong ang kanyang dalawang kilay. "Damn it, woman. It's early in the morning." Pinahid niya ang munting dugo sa labi.

I checked myself. Balot na balot ang katawan ko ng kumot. I was still wearing my clothes from last night.

"Dapat kasi hindi ka tumatabi sa kung kani-kaninong babae," I tried to defend my wrong action.

"It's my fucking bed as well," he gritted his teeth.

He was annoyed, I was kinda loving his reaction. Natatawa ako sa inis niyang mukha. My victory didn't last long. Walang pasabing itinulak niya ako pahiga ng kama. He made me roll on the duvet.

Mas lalo pa niya akong binalot sa kumot na parang turon.

My hands and legs were bound together. Hindi ko magawang kumibo kahit anong pagpupumiglas ko.

"Better," he commented and lay again in bed.

Muli siyang nahiga sa tabi ko. Our faces were inches apart. Kitang - kita ko ang kanyang mukha sa malapitan. Napakatangos ng ilong, makapal ang kilay, mas mapula at masigla ang labi kaysa sa akin. Para siyang modelong hinugot sa magazine.

I don't know why he's staring at me, it's probably because of my black eye.

Pinitik niya ang aking ilong, agad naman akong natauhan.

"Sleep pa," I heard him murmur, his eyes were already closed.

For the record, it was a tempting offer. Nanakit pa rin ang katawan ko sa nangyari. I definitely needed the sleep. Hinayaan kong hilahin akong muli ng antok, wala na akong pakialam kung katabi ko si Gotham.

***

My brother easily adjusted to Gotham's mansion. He made friends with his goons. Ang kapatid ko na yata ang papalit bilang bagong may-ari ng bahay. Gotham was true to his words helping my brother, all in that one week, we were able to visit doctor specialists.

Isang linggo na rin akong naglalagay ng foundation para i-match sa kulay ng aking balat. Bahagyang natutuyo na ang natamo kong sugat, mabuti na lang hindi iyon nahahalata ng kapatid ko.

"Good morning, ate!" Russle rushed towards me.

Nasa table na siya kasama si Gotham, mukhang hinihintay nila ako sa dining table. Hinawakan niya ako sa kamay, naglakad kaming dalawa patungo sa mahabang mesa na may nakahaing iba't ibang putahe.

In just a few weeks, Russle is set for his operation. Si Gotham ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan ng kapatid ko. Everything I worked for years, he could do it in just a month.

Isa lang naman ang hinihinging kapalit ng lalaki--- asawa.

Tangina.

Ni hindi ko alam kung anong depinisyon niya ng asawa. Pinag-iisipan ko pa ang magiging desisyon ko... kaya ko naman sigurong punan kung hanggang sa papel lang. I rolled my eyes.

I hate myself for considering that kind of offer. It was a trap knowing the likes of Gotham. Tuso siyang tao. It was scaring me a bit that I couldn't read his mind. Mahirap basahin ang totoo niyang saloobin, hindi ko siya magawang tantiyahin.

But I do everything for my brother.

"Do I still have clothes on your mind?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

Inirapan ko siya at naupo malayo sa tayo ng lalaki. Ipinaghila pa ako ni bunso ng upuan, kinuha niya ang utensils at tumabi sa akin. Ginulo ko naman ang kanyang buhok.

Naglagay ako ng scrambled eggs, toast at saka sa sliced apples sa kanyang plato. Nagsalin din ako ng gatas. Panaka-naka ko siyang sinulyapan sa pagkain.

Napahawak ako sa dibdib ng may naglagay ng pagkain sa plato ko, nakaupo na si Gotham sa tabi ko. I didn't hear his footsteps. He was sneaky.

People with no heard footsteps are either assassin, a thief or a ghost. His dangerous reputation was established even more.

"Let's talk," saad ko.

He nodded, understanding what I meant. Kinakailangan naming mag-usap para sa set-up, lahat ng ginagawa niya para sa amin ng kapatid ko, alam kong mayroong kapalit. I need to know everything about his offer.

Kung sakali mang pumayag ako sa kagustuhan niya, hindi ako dehado.

***

Pinagmasdan ko si Russle mula sa balkonahe. He was playing with Gotham's men. Binilhan siya ng lalaki ng bubble blower na gustong - gusto ng kapatid ko. Bubbles were everywhere around the house.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi ng maamoy ko ang pamilyar na pabango. Gotham has that distinct, manly scent. Nasa paligid lang ang lalaki, kinumpirma ang hinuha ko nang sumulyap ako sa likuran.

Hindi ko na naman narinig ang kanyang mga yabag. I just smelled his scent. Kung hindi dahil sa gamit niyang pabango, malamang na magugulat ako sa presensya ng binata.

He smirked when our eyes met. Nakapamulsa siyang lumapit sa aking tayo.

We were still sharing the master's bedroom. The good thing is, Russle sleeps with us every night. Hindi kami naiiwang dalawa na solo sa kwarto maliban sa unang gabing dumating ako sa bahay niya.

"What do you want?" Walang emosyon kong tinitigan ang lalaki.

"A bride," he shrugged.

Umirap ako sa ere. Ilang ulit na niya iyong sinabi. "Anong klase ng bride ba ang gusto mo? You can pick any woman you want, and probably, none of them would refuse a bachelor like yourself."

Mas lalo siyang ngumisi. "Then, why are you refusing me?" His brow raised.

The glares were heated between us.

Sino bang nagsabing tumatanggi ako sa alok niya? After careful deliberation, I wanted to accept it. The main reason is my brother. I just have to beat him on his own game.

"I was considering to be your bride, Gotham. Para sa kapatid ko. But you can't even tell me what kind of bride you need to be with." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinalikuran siya.

"You're considering, huh?" Humawak siya sa braso ko, muli niya akong hinarap sa kanya. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. "I want an understanding wife... I want someone who can cook for me---"

"Ah, you're looking for a maid, not a wife." I cut him off.

"---when I'm tired and knows how to calm me down... She should be my voice of reason." His glaring eyes never left mine.

None of his description fits me. Wala ako sa nabanggit. Pareho kaming apoy na magliliyab kapag sinindihan. I can't be his voice of reason, as myself is unreasonable most of the time.

Hindi ko siya kayang kalmahin. Baka kapag galit din siya, ganoon din ako. I wasn't even a terrific cook in the kitchen. I'm not fit to be anyone's housewife.

"Wala ako sa kategorya ng hinahanap mo," sinabi ko.

"You asked me of the qualities I wanted for a bride, you didn't ask me whom I wanted."

"Who do you want?" tanong ko.

Naging mailap ang kanyang mga mata. "You knew whom I want,"

Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo.

"Why me?" I crossed my arms around my chest.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi. I knew what he was trying to say, tinumbok ko na agad ang gusto niyang iparating.

"You're blunt. You know what you want. You're hard-headed. You gave me a show with your little stunts, it was fun to watch you. You're hot when you get angry... I can continue with my reasons, Filantropi." He answered, smirking widely. Palapit siya nang palapit sa gawi ko.

"Your dedication to your brother is incomparable, I admire you for that."

"Is that your way of confessing your love to me?" I taunted him.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. I want to see an awkward expression from him. Sinalubong niya ang aking tingin.

Magiging malaki yata ang ulo ko sa mabulaklak niyang pahaging sa dedikasyon ko kay Russle.

"How about yes?"

Unti - unting nawala ang ngisi sa labi ko. Imbes na siya ang mapikon sa mga tanong ko, it backfired on me. "Do we have to fall in love first before you marry me?" He raised a brow.

Humugot siya sa bulsa ng maliit na kahon. Binuksan niya ang aking kamay at inilagay ang singsing sa ikaapat na daliri ko sa kaliwang kamay.

"Marry me," Nakakatunaw ang titig niyang saad.

***

Ilang araw na akong hindi nagagawi sa kalye. Matapos ang engkwentro kay Bernabe, nag-lie low muna ako sa mga gawaing illegal. I stayed at Gotham's mansion most of the time taking care of my brother.

Ngayong wala na si aling Cynthia, hindi ko alam kung kanino ko ipagkakatiwala ang kapatid ko. Gotham has men but it's out of their job description to look for my brother. May trabaho rin ang binata, may pagkakataong wala ito sa bahay.

Inayos ko ang singsing sa ring finger ko. He asked me, and I said yes. The game was just beginning between us. Anuman ang kahihinatnan nitong pinasok kong gulo, sisiguruhin kong hindi ako ang talo.

Tinitigan ni ako ni Russle sa maamong ekspresyon. He knew I wasn't happy with what he did. Nalingat lang ako ng saglit, bumanat ng takbo ang batang makulit. Nadatnan ko na lang na hinihingal ito ng sobra at pagod na pagod.

Now he was suffering from that one time fun. Kanina ko pa siya napagsabihan, alam naman niyang bawal sa kanya ang extreme activities, pero may mga pagkakataong hindi maiwasan.

My brother is a kid, and he longs for that normal life. Halos pagkaitan na siya ng pagkakataong magkaroon ng normal na buhay at namnamin ang pagiging bata.

Hindi naman ako galit sa kanya, mas galit ako sa pagkakataon at sarili kong hindi kayang ibigay ang hinihinging kalayaan ng kapatid ko.

I was more mad at myself I let him out of my sight for a bit. It was my fault more than him being at fault.

"Ate..." Lumabi siya. "Galit ka pa rin ba sa akin?"

"Hindi ako galit," mabilis kong sagot. Huminga ako ng malalim.

"Pero hindi mo ako pinapansin." Mas lalong lumungkot ang tono ng kanyang boses.

Hindi ko naman kayang magalit kay bunso, I was just worried. Bumalik na sa maayos ang heart rate niya, hindi kagaya kanina. Ako pa yata ang mauunang mamatay sa nerbiyos.

Hindi pa ako nakakasagot, nabaling ang atensyon niya sa taong parating. Bahagya akong sumulyap kay Gotham. He was wearing an expensive suit. None of his footsteps were heard, I just figured our he was already home with several vehicles arriving at the mansion.

"What's happening here?" Nagpalipat - lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Russle. His eyes fixated on my brother.

Humihikbing tumayo si Russle at lumapit sa bagong dating. Binuhat siya ni Gotham, hinaplos nito ng marahan ang likod ng kapatid ko.

"What's the problem, young man? Inaway ka ba ng ate mo?" Umamo ang boses niya sa kapatid ko.

Bigla na lang bumuhos ang pinipigilang luha ni Russle sa pisngi. "Hindi niya ako pinapansin kasi malikot ako. Kuya, hindi niya ako kabati," pag-iyak niya sa lalaki.

I shook my head and stopped myself from smiling. His reaction was priceless.

"Hindi rin natin siya kasama sa play. She's our enemy today." Gotham consoled him.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki. "Inaaway ba kita, Russle? Pinagsabihan ka lang ni ate, hindi kita inaaway." Mas lalo naman siyang yumakap kay Gotham, hindi na ako pinansin ng kapatid ko.

Inirapan ko si Gotham, napipikon ako sa mapang-asar niyang tingin. Baka pagbuhulin ko pa silang dalawa ng kapatid ko.

Iniwan ko ang dalawa sa sala ng kalmado na si bunso. I went to the kitchen to treat myself with a glass of water.

Nakahanap ng kakampi ang makulit na bata sa katauhan ni Gotham. For some reason, he was close with my brother. He would dedicate time to play with him. Pareho sila ng interests sa buhay kaya mabilis silang nag-click.

Maraming bagay ang ayaw ko...

Ayokong ma-attach ang kapatid ko sa mga taong panandalian lang sa buhay namin kagaya ni aling Cynthia. He was sad with the news. Wala akong nagawa kung hindi sabihin ang nangyari sa kanya ng magtanong siya kung babalik pa kami sa dating apartment. Maraming beses ko siyang nasaksihang umiiyak tuwing naalala ang ginang. Ayokong masaktan na naman siya sa panibagong karakter sa buhay niya.

Everything was just temporary. Hindi ko kailangang magpanggap sa sarili ko, alam kong kailangan ko si Gotham para sa kapatid ko. And he needs me. That deal is the only thing that makes this whole scenario work.

Kapag tapos na naming pakinabangan ang isa't isa, babalik ang lahat sa dati at ayokong masaktan ng husto ang kapatid ko.

"Sulking?" An annoying voice interrupted me.

"Shut up," Humarap ako sa kanya. Ibinaba ko ang pitsel ng tubig sa mesa. "P'wede ba pagdating sa kapatid ko, 'wag kang makialam masyado. Hindi sa lahat ng beses, dapat mong kampihan si Russle."

"Sinong gusto mong kampihan ko? Ikaw?" Nakangisi niya ng itanong niya iyon. "You're too uptight, loosen up a bit. He's just a kid, Fili. Kids are bound to do dumb, stupid things... stop making him cry."

"I'm not trying to make him cry. Pinagsabihan ko lang siya. I'm not even mad."

Totoo naman ang sinabi ko, ipinaalala ko lang kay Russle na hindi siya maaaring maglaro ng sobra. Hindi pa siya magaling sa sakit niya. Mas mahirap kapag naging komplikado. I don't want him to subject to more sufferings.

"Apologize to your brother," he demanded.

Mas lalo akong nairita sa tono ng pananalita niya. "Sino ka naman para utusan ako?" I gave him a death glare.

I would definitely apologize to Russle without him telling me to. Ayoko ng minamanduhan ako lalo na kung galing sa isang lalaki. It makes my blood boil.

Umakto siyang nag-iisip. His grin was arrogantly plastered on his face as he watched my sinister expression. Mas lalo itong ngumisi.

"Just your future husband, sweetheart." Kumindat pa ang loko.

Umakyat ang dugo ko sa pisngi, bigla akong pinamulahan sa kanyang komento.

"Gusto mo bang makatikim ng sapak?" Inamba ko sa kanya ang aking kamao na handang sapakin siya sa mukha.

"What? Did you say halik?"

That's it. That's where I lost my patience.

Inatake ko siya ng aking kamay, mabilis niya akong inilagan. He was skilled with combat. Walang kahirap - hirap niyang iniiwasan ang bawat suntok ko. His feet were dancing with the flow in sync.

Inobserbahan ko ang bawat galaw niya. I was trying to learn his moves and adapt it to use his moves against him, it was unpredictable. Tiniyempuhan ko ang kanyang sunod na galaw.

Sa unang pagkakataon, tumama ang aking kamao sa gilid ng kanyang labi.

We were both stunned.

May namuong emosyon sa kanyang mata. It faded away that fast. He took me by surprise to corner and pinned me against the closed refrigerator. I was expecting him to be mad.

Pinatotohanan ko ang banta ko, sinapak ko siya sa mukha.

'That's a good one, wife. One hella punch. Do you want to spar? Second floor, left wing. I'm available early in the morning, you can take your anger out on me." Tumindig ang balahibo ko sa tono ng kanyang pananalita ng baritono niyang boses.

Nanatili kami ng ilang segundo sa ganoong posisyon, para akong napapaso sa tensyon. Pareho kaming lumayo sa isa't isa nang makarinig kami ng mahinang hagikhik.

"Kuya bayaw, napaamo mo na ba ang ate ko? Hindi na ba siya masungit?" tanong ng kapatid kong may nakakalokong ngiti sa labi, para siyang nanalo sa lotto. He went to Gotham, and the man carried my brother like it was an easy task.

Hindi pa rin humuhupa ang pamumula ng aking mukha. I cleared my throat and met his eyes full of mischief.

"Let's go, bunso." Inilahad ko ang aking kamay. "You have to rest."

Lumipat si Russle sa akin. Naglalambing na hinalikan niya ang pisngi ko at yumakap sa aking leeg.

Pinigilan ni Gotham ang braso ko. "Have you eaten?"

Russle shook his head. "Hindi pa po kumakain si ate, tabi ako sa inyong matulog mamaya." Ngumiti siya sa aming dalawa.

"Akala ko ba sa kwarto mo tayo matutulog?" Tumaas ng bahagya ang kilay ko.

"Kawawa naman si kuya bayaw ko, wala siyang kasama pagtulog." He pouted.

Napaismid ako sa narinig. "Malaki na 'yan, hindi na niyan kailangan ng kasama sa pagtulog."

I heard him scoff. "You're always welcome to sleep at the master's bedroom," patungkol niya sa kapatid ko. "Let's get something to eat."

Hinila niya kami ni Russle palabas ng mansyon bago pa man ako pumayag. Nasa kusina na kami, mayroon naman siyang personal chefs, namalayan ko na lang nakasakay na kami ng sasakyan.

Si Russle ang sobrang excited, madalas siyang makipagkuwentuhan sa nagmamaneho ng sasakyan. Samantalang nanatili sa labas ang atensyon ko. I refused to give a glance at Gotham, but his stares were penetrating me.

Tumapat ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.

El Toro.

Everyone looked fancy with their shimmering dress. Hindi ko maiwasang ma-out of place sa lugar. I wasn't belong to the crowd of wealthy people.

Certainly not.

"Let's go,"

I was brought back to reality when I heard his voice. Bukas na ang pinto ng sasakyan, hinihintay na lang nila akong bumaba. Karga ni Gotham ang kapatid ko na nilalaro ang kanyang buhok.

"You need a hand?" He raised a brow.

Inirapan ko siya at kusang bumaba ng kotse. Ngumisi ito, nauna na silang maglakad ng kapatid ko papasok ng restaurant. Napapadako ang tingin ng karamihan sa gawi namin. Their stares were scrutinizing my jeans and shirt, it made me out of place with their sparkly dresses.

Nasa kusina na kami kanina, p'wede naman kaming kumain doon. Mayroon din siyang personal chefs na mag-aasikaso ng mga putahe pero mas pinili niya pa ring lumabas.

Why would I even expect he would take us to a cheap food place? Masyado siyang mayaman, madali lang gumasta ng pera.

We entered a private VIP room. It was enormous, there's a bit of playground my brother loved. Nakasunod na agad sa amin ang ilang staffs ng resto. Gotham and Russle inspected the small playground, my eyes were watching them.

"Ma'am, would you like to order?"

I shook my head. "Not yet, I'm waiting for them." Muling bumalik ang paningin ko sa dalawa.

My brother was talking to him animatedly, and he has a soft smile plastered on his lips. Hindi ko magawang umiwas ng tingin. I was aware he was a good-looking man, but it tripled with how he treats my brother.

Kumindat siya sa akin nang mahuli niya akong nakatingin.

***

"Kuya bayaw, p'wede mo ba akong basahan ng libro?"

Iyon ang nadatnan ko matapos ang mabilisang ligo ko sa banyo. Kinukulit na naman ng kapatid ko ang lalaki.

"Sure, big boy. Should we continue Harry Potter?" tanong niya sa kapatid ko.

Tumikhim ako. "Russle, matutulog na 'di ba?"

Ngumuso naman ang kapatid ko. He glanced at Gotham with his puppy eyes asking for help. "I'll read him one chapter, Fili. He could rest after that." He told me confidently.

"Please, ate, please..." I sighed. Kuhang - kuha na naman niya ang kiliti ko. "Please po, maganda kong ate. 'Di ba, ang ganda ng ate ko, kuya bayaw?" Siniko pa niya ang katabi.

Napairap ako sa ere. Gotham smirked and whispered something against his ear while looking at me with his taunting eyes. Nang-aasar siya, at bawat galaw niya epektib para asarin ako.

I acted impulsively. Kinuha ko ang unan sa nalapitan kong couch, ibinato ko iyon sa direksyon niya. He chuckled and got the pillow midway. Russle laughed with him. Pareho ko silang sinamaan ng tingin.

Tinanggal ko ang tuwalyang bumabalot sa medyo basa ko pang buhok. Binuhay ko ang hair dryer, at sinimulang patuyuin ang aking buhok. The two started their reading session.

Binabasa ni Gotham ang libro sa kapatid ko bago nila panoorin ang movie. They would invite me to watch with them, but I ended up not liking a single scene from the film. Madali ako ma-bore kapag nanonood.

My body was missing some actions, I'm thinking of going back to the street to let off steam.

"Good night, ate. Good night, kuya bayaw. Makikita ko pa kayo bukas, salamat sa araw na ito. Lagi akong masaya." Hinalikan niya ang aking noo. "Love you!"

"You will always see us, little bro." Ginulo niya ang buhok nito.

"Good night, bunso." I smiled. "I love you."

Pinahiga ko na siya sa gitna ng kama, inayos ko ang kanyang kumot. I kissed his forehead and kept caressing his face as he closed his eyes to sleep.

Nang mag-angat ako ng paningin, si Gotham ang sumalubong sa akin. Hubad baro pa rin siya tuwing natutulog. We just stared into each other's eyes for a moment. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon.

"Good night, sweetheart." Ngumisi siya at kumindat.

Continue Reading

You'll Also Like

15.5K 3K 34
In order to be safe, he's forced to used his twin's identity. Silently fighting to have justice for his twin's death but how could he continue it, fi...
813K 25.4K 53
[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor...
6K 265 11
ROMANCE/MELODRAMA/R18 They are sworn enemies. No victim, no hero, just villains in each other's lives. Yet, an unexpected situation will put their en...
1.9M 61K 36
Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other...