No Guns, No Entry | Gangster...

By I_am_a_badgirl

2.8M 79.6K 25.3K

When the good side die, the monster will rise. Gangster Academy: Book 2 More

No Guns, No Entry
#NoGunsNoEntry Will Never
#NoGunsNoEntry Start
#NoGunsNoEntry Congrats
#NoGunsNoEntry Male
#NoGunsNoEntry Snow Flakes
#NoGunsNoEntry The Forest and its Guards
#NoGunsNoEntry B*tchy Surprises
#NoGunsNoEntry The One
#NoGunsNoEntry Back
#NoGunsNoEntry Same
#NoGunsNoEntry Her
#NoGunsNoEntry Empress and her Emperor
#NoGunsNoEntry Gone Wild
#NoGunsNoEntry Emperor and Protector
#NoGunsNoEntry Phase One
#NoGunsNoEntry Mystery
#NoGunsNoEntry Things Happen
#NoGunsNoEntry Preparation/BFF
HUGOT NG BAYAN
#NoGunsNoEntry Party Preparations
#NoGunsNoEntry Intense Party
#NoGunsNoEntry Jokes are... Damn.
Wait, what?
#NoGunsNoEntry Letting Go
#NoGunsNoEntry Games
#NoGunsNoEntry Mga Bwisit-a
#NoGunsNoEntry Midnight Bwisit-a
#NoGunsNoEntry That's Life
#NoGunsNoEntry Out.

#NoGunsNoEntry Friends

82.3K 2.5K 570
By I_am_a_badgirl

"Two weeks? Ganoon katagal?" paniniguro ko sa sinabi ni Bea sa akin. Dalawang araw na matapos ang pirmahan ng kontrata namin ni Gabby. Isang simpleng tango lang ang sinagot niya sa akin. Baka nga kung pwede lang hindi na siya sumagot sa tinatanong ko ay ginawa niya.

Busy kasi siya sa pagtingin sa mga magazines na deliver kanina. Para siyang sira-ulo na takang-taka sa mga taste ng mga Pilipino at sa mga pictures. Isa pa ay busy siya sa sa pagkain na nakalagay ngayon sa center table.

Habang hawak niya sa kanang kamay ang magazine ay nasa kaliwang kamay niya ang isang balot. Aga-aga balot agad. Kaninang sinabi kong sisiw ang nasa loob at kakainin niya ng buo ay isang malakas na 'What?!' ang natanggap ko.

"You're a murderer! How can you postponed the growth of the soon-to-be-fried-chicken?!"

 

Tinawag pa akong murderer. Akala mo naman hindi siya ganoon. Sus. Pagkatapos naman niyang matikman ay hindi na tinigilan. Gustong-gusto pa nga niya. Murderer pala ha.

Dahil alam kong wala akong mapapala sa matakaw na si Bea ay umalis na lang ako sa sala. Two weeks ang aabutin ng phase two. Ang tagal. Hindi pa naman ako sanay maghintay. Sana lang maging maayos.

But first, I need to go to class. I need distraction.

Pero bwakanginangpucha na yan. Sa lahat naman ng pwedeng makasalubong sa hallway eh iyong pagmumukha pa ng taong ayokong makita. Mukha siyang masaya habang nakatayo sa may pader ng classroom ata niya at nakatingin sa sahig.

Ang sarap bangasan sa pagmumukha eh. Nakakairita.

Kung magiging totoo lang ang nasa isip ko baka may lumitaw ng bomba at pinaghahagisan ko siya. Sinasabi niyang mahal niya iyong dating ako ngayon pero paanon pag nalaman na niya iyong bunga ng kag*aguhan niya?

Kung pwede lang tumagos sa pader at lumusot na lang sa lugar na walang Dark ay ginawa ko na pero hindi maari iyon. Naramdaman niya ata na may pwersang gustong pumatay ng tao sa malapit sa kaniya kaya napatingin siya sa gawing kaliwa.

"Ikaw pala. Good Morning Empress." pormal na bati niya sa akin. Medyo tumango pa siya bilang pagbati pero isa lang ang ginawa ko.

Tumaas ng kamay ko at unti-unting lumuhod ang ibang daliri ko at sinamba ang aking gitnang daliri. Sambahin mo yang middle finger ko. G*ago ka.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero hindi na siya nagkomento. Siguro nakita niya sa pagmumukha ko na wag siyang magsasalita dahil baka kung anong bagay pa ang paliparin ko papunta sa kaniya.

"Seryoso?! On sale iyong mga Barney Items?! Waaa! I-reserve mo ako, phleeaseh!" Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan para pumunta sa classroom ko ng makita ko ang isang malaking ube sa daan.

Ay hindi pala ube iyon. Tao nga pala siya. Mukha lang ube dahil kulang na lang pati balat niya maging violet na. Ganoon pa din pala siya.

Walang nagbago sa pagkahumaling niya kay Darney? Tarney? Marney? Pota. Basta iyong malaking butiki ata iyon. Iyong kanta ng kanta na feeling niya lahat ng tao mahal siya dahil sa 'I love you, You love me' lyrics ng song. Tsk. False hopes. Hindi naman laging kapag 'I love you' eh 'You love me' na din. Psh.

Anong kinalaman ng mga butiking violet sa false hopes about sa love? Tsk. Kaya ang daming umaasa eh. Pati children show nagtuturo ng mga ganyan. Iyong iba naman tulad ng kay Dora ay puro pag-gagala ang inatupag. False hopes din na kapag nagpaalam ka sa parents mo papayagan ka kaagad. False hopes din sa hair goals. Never nasira ang hairdo niya eh.

Tsk. Ano ba yan? Pati palabas pambata kinaiinisan ko na.

"Umalis ka nga diyan sa daan." that statement came out of my mouth as a harsh command. Hindi ko mapigilan eh. Nairita ako bigla sa butiki. Isa pa nasanay na ata akong ganito ako.

Tinitigan muna ako ni Coldie ng ilang segundo. I can sense na nakikipagtalo siya sa sarili niya kung makikipag-away ba siya o palalampasin lang iyong pagiging bossy ko.

"Okay." Casual na sabi niya sa akin. So, she decided to be calm. Siguro kung ako si Zitty bigla niya akong dadambahan kung ginawa ko iyon.

Umakyat na ako ng hagdan pero natigil ako sa pag-akyat ng tawagin ako ni Coldie. Nilingon ko siya at nakatingin lang siya sa akin ng blangko.

"Can we talk?" seryosong sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. I'll just inform my professor later that I've got an emergency.

Tahimik lang kaming naka-upo ni Coldie sa magkatapat na upuan sa isang sulok ng Coffee Shop. We are outside the University. Gusto niyang sa labas kami mag-usap. Walang umiimik sa amin habang naka-upo at tahimik na nagkakape.

Mga ilang minuto din ang lumipas bago niya napagpasyahang magsalita.

"Bakit ka nakipagkasundo kay Gabby?" Hindi na ako nagulat na nalaman niya na. Hindi ko kayang itago ang ganoong kalaking bagay. Isa pa ay nasa Council pa din siya.

"Alam na ba ng iba?" balik kong tanong sa kaniya. Inaasahan kong sasabihin niyang oo pero umiling siya.

"Ngayon sagutin mo ang tanong ko, bakit?" Hindi ako umimiik sa tanong niya. Kapag sinabi ko ang dahilan, isa lang ang magiging resulta noon. Kailangan kong aminin ang lahat sa kaniya. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nangyari iyon.

Hindi pa din ako umiimik at mukhang nakuha niya na wala akong balak sumagot sa kung ano man ang gusto niyang marinig.

"Alam mo kung anong nakikita ko sayo? Isang taong walang puso."

 

Coldie, may puso ako. Napagod lang.

"Isang taong kahit kelan parang hindi niya gustong maging masaya."

 

Gusto kong maging masaya. Hindi ko lang magawa hanggat may mga bagay na magulo.

"I can't imagine Zitty left the whole Empire to you." naaninag ko ang panghihina ng marinig kong sabihin niya ang pangalan ko dati.

A long silence followed. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kahit na maririnig ang tawanan ng ibang tao sa paligid, iba ang sa amin. Mabigat.

The silence is not comforting. It is suffocating.

Then I heard a silent sob. Napatingin ako kay Coldie. Nakayuko siya pero naaninag ko ang mga luha na tumutulo mula sa mga mata niya.

"Why are you crying?" Maybe I should congratulate myself. I think I mastered the art of pretension. Those question came out of my mouth as if I don't fcking care. It sound as if kaya lang ako nagtanong dahil para may maitanong lang. Na hindi talaga ako concern.

"Wala kang pake." She glared at me. She also pouted. Alam kong hindi dapat ako macute-an sa kaniya kaso ang cute niya lang talaga habang umiiyak tapos naka-pout pa din.

"Bakit ka nakangiti diyan?" sita sa akin ni Coldie. Doon ko lang napansin na nakangiti na nga ako. Nakatitig si Coldie sa akin na para bang gulat na gulat siya.

"Are you jealous of my lipstick? Or... Wait!" She paused. "Don't tell me naiingit ka sa Barney Shirt ko?!"

Hindi ko na napigilan. Tumawa ako ng pagkalakas-lakas. Sira-ulo talaga itong babae na ito. Never kong pagnanasaan ang labi niyang mas violet pa sa Crayola. Hinding hindi ko din pagnanasaan iyong butiki niyang tshirt.

Noong tumigil ako sa pagtawa ay tsaka ko lang napansin na nakatitig lang pala siya sa akin.

Nagsimula na naman siyang umiyak. Doon ako nagpanic. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi siya iyak ng iyak eh?

"Waiter!" Nagulat ako ng pagkalakas-lakas ang ginawang sigaw ni Coldie.

"Yes, Ma'am?" Magalang na approach naman nung waiter.

"Kumuha ka nga ng upuan. Tumabi ka dito sa table namin." demanding na utos ni Coldie. Hindi ko alam kung paanong ginagawa ni Coldie iyon. Iyong tipong kahit na maging demanding siya eh parang cute pa din kasi para lang siyang bata.

Kahit na mukhang naguguluhan ay sumunod na lang siya sa sinabi ni Coldie at kumuha ng upuan. Tumabi siya kay Coldie.

"Thanks. Ngayon pwedeng kunwari Teddy Bear ka muna ha?" Nakita kong nangunot ang noo ni Waiter dahil sa pinagsasasabi ni Coldie pero tumango na lang ulit siya. Mukhang motto ata dito ang 'Customers are always right.'.

"Good." tugon ni Coldie at saka siya nag-umpisang umiyak na naman. Nakita kong nataranta ang ekspresyon ni Waiter pero sinenyasan ko siya na hayaan lang si Coldie na sumandal sa balikat niya at umiyak.

"Zerah, di ba alam mo kung nasaan si Zitty?" tanong niya na sinagot ko naman ng pagtango.

"Sabihin mo itong sasabihin ko ha." tumango ulit ako sa sinabi niya.

"Bakit ka umalis? Bakit ka nawala? Alam mo bang medyo naguguluhan ako sa nangyari ng gabi na iyon? Sinasabi nila na umalis ka ng gabi na iyon matapos mong umamin na ikaw ang Empress." Hindi na ako nagtaka na iba ang nasa isip nila. They were drugged.

"Pero bakit iba ang napapanaginipan ko? Bakit iba ang nakikita ko sa ibang alaala ko? Gusto kong magtanong sayo pero bakit wala ka? Akala ko kaibigan mo ako eh." They were drugged for their memory to be erased. I think there is one plant that can do that to them.

Illusion trees. Those trees were used to them for them to have different memory. Alam kong kinailangang itago ng mga Elders ang totoo para na rin sa imahe ng buong Empire sa mga miyembro nito. Isa akong malaking kahihiyan bilang pinuno at hindi nila hahayaang mabago ang repotasyon ng grupo dahil lang sa nagkamali ako. Kinailangan nilang itago ang mga bagay na naganap ng gabing iyon pero ang gamitan sila ng mga droga na parang mga daga. Hindi ko alam kung tama pa ba.

Makalipas ang ilang saglit ay humupa na ang iyak ni Coldie. Inalis na rin niya ang pagkakasandal niya sa braso ng waiter.

"Tandaan mo iyon ha? Pakisabi sa kaniya." sabi niya sa akin.

I sighed. I need to ask this. "What if bumalik siya? Pagkatapos iyong dahilan niya ay dahil nasaktan siya? Patatawarin mo ba siya?"

 

Mahabang katahimikan na naman iyong pumagita sa amin.

"Ahhm? Pwede na ba akong—" Napatigil sa pagsasalita iyong waiter kasi tinitigan ko ng masama. Hindi ba siya makaramdam? Seryoso iyong usapan eh.

"Shut up. Teddy bear ka nga di ba? Hindi nagsasalita ang teddy bear. Manahimik ka diyan,pwede?" sita ko sa kaniya. Napayuko naman siya dahil sa pagkapahiya.

Bumuntong hininga si Coldie ng mahaba. "Kung nasaktan siya, maiintindihan ko pero kung nagsinungaling siya para lang tumakbo..." binitin niya sa ere ang mga sasabihin niya at saka tumitig sa mga mata ko.

Hindi na niya tinapos ang mga salita niya. Basta ngumiti na lang siya ng malungkot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya dapat sa dulo pero siguro sa ngayon hindi na muna mahalaga iyon.

"Mauuna na ako, Empress. About kay Gabby, bahala ka na. Mukhang alam mo naman ang ginagawa mo. Nandito lang ako para maging Council ng Empire pero hanggang doon lang iyon. Susundin kita dahil ikaw ang nasa taas ng buong grupo." tumayo na siya at lumabas matapos noon.

 

Business like tone. Ganyan niya sinabi ang mga salitang iyon. Malayo sa bubbly na personality niya.

Hindi ko na pinansin iyong waiter na dahan-dahang tumatayo. Bahala siya diyan.

Napayuko na lang ako.

"Sorry talaga, Yelo."

"Tinawag mo akong Yelo?"

 

 

Sh*t.

 


IMPORTANT NOTE! (Hindi ako galit. :) )

Anie: Sorry medyo late. Kauuwi ko lang kasi kani-kanina lang. Nga pala, I am starting my work training this Monday. Yes. I will be working. Sa magtatanong, writer po sa isang company. Hindi publishing at baka may magkamali ng intindi.

To all rude update seekers, *insert Zerah's reaction here when she saw Dark in the hallway* J Hindi ako robot ha. J Maaring may panahon na hindi ako makapag-update dahil sa sobrang busy.

Mahirap magsulat ng isang chapter lalo na kung action scene dahil detailed dapat. Iyong mga rude comments na hindi naman criticism basta makapagmaldita lang eh nakakawala sa mood. Imbes na magsusulat na ako eh mababasa ko iyon so wag na lang. Poof! Just like that wala na ako sa mood. Hindi ako nagsusulat kapag ganoon. Baka may bigla kasing lumipad na bomba at mamatay silang lahat para tapos na.

Mayroon kasi nagcomment (hindi ko na sasabihin anong chapter dahil binura ko na at naoffend ako) ay grabe. Bakit daw ba ang tagal kong mag-ud at napapagod na daw siya kakahintay at may buhay pa daw siya sa labas ng Wattpad bilisan ko daw.

AKo wala? Edi wow. J Buti walang mura kasi kung meron.. alam na. J

Iyon lang. J Goodnight. 

Editor's note: wag ako ang sisihn nyo haha kakasend lang din sakin eh. Haha mejo busy si ate anie hope you understand. Palakpakan haha nakamobile lang ako. At reminder lang nagbabasa ako ng commens and yes, i do reply wahahaha. Hahaha namiss ko si Yelo haha. Kbye :)

Continue Reading

You'll Also Like

255K 9.9K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...