Rebel Hearts

Galing kay heartlessnostalgia

1.8M 76.3K 39.1K

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely liv... Higit pa

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27 (Part One)
Kabanata 27 (Part Two)
Kabanata 28 (Part One)
Kabanata 28 (Part Two)
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 22

45K 2.1K 1K
Galing kay heartlessnostalgia

Kabanata 22

Hindi ako nahirapan sa paghahanap ng trabaho dahil maraming offers akong natanggap.

Thank you, Lord!

Mayro'ng sa university ko, mayro'ng sa probinsya pero ang pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang isang firm sa Peñablanca.

Malaki ang offer at maganda ang benefits. Plus, p'wede akong mag-stay sa Cagayan kasama si Mama na balak nang umuwi ngayon sa pinatayo naming bahay doon sa probinsya nang makabili kami no'ng second year college ako.

Hindi kalakihan ang bahay pero kapag nando'n na 'ko bilang Architect at may firm ay mapapa-renovate ko kaya magandang i-consider.

Ilang linggo rin akong nag-isip, itinitimbang ang mga bagay. Kapag dito ako sa Maynila ay wala namang problema pero si Mama ay nagbabalak na manirahan na sa bagong bahay namin sa Peñablanca. It's either siya ang luluwas kapag gusto niya 'kong bisitahin o ako.

Nalungkot ako sa isiping madalang kong makikita ang Mama ko. At kung sa probinsya ako'y madalas ko nang makikita ang mga kaibigan.

Sumimsim ako ng alak at tumitig sa kawalan habang nakaupo sa stool sa may counter.

"Ano, boss, nakapagdesisyon ka na?" kinalabit ako ni Jere. Hindi ako umimik kaagad at pinanuod ang ilaw na sumasayaw sa may dance floor.

"Magdesisyon ka na," ani Eunice na kumekembot pa sa gilid ko habang hawak ang baso ng inumin niya. "Para masaya, dali! Maraming bagong bar sa may Carig! Kendeng-kendeng tayo do'n!"

"Oo nga, boss," ani Junard. "Sumama ka sa bar do'n para mapigilan natin si Eunice. Malapit nang ma-dislocate baywang niya kakakembot kahit walang kasayaw."

"Tang ina mo, Junard," tumawa si Eunice at ambang hahampasin ang kaibigan. "Ano na, Maria—" tinakpan ko ang bibig niya.

"Teka, nag-iisip pa 'ko! Ang ingay mo!"

Pero tinawanan lang nila ako at nang 'di na kinaya ang katahimikan ko'y hinila na nila ako sa dance floor para sumayaw sa mga sikat na kanta ngayon.

A lot of things changed. During those years I'm gone, my friends found their calling, too. While I was in Manila studying Architecture, they stayed in Carig to find their career path.

Si Jere ay nag-business major at ngayon ay nagtatrabaho na sa opisina. Lumaki ang katawan at tumangkad, mas lalong gumwapo kahit masakit mang aminin at lalaki ang ulo ni gago. Madaming chicks ang nagpapa-cute sa kanila ni Junard na kagaya niya'y gumanda ring lalo ang katawan, tumangkad at gumwapo.

Huh! 'Di lang nila alam pero patpatin 'yan si Jere dati, akala mo'y makakalas ang braso pero ngayon ay ang ganda na ng katawan.

Si Junard naman ay isang teacher. Oh, 'di ba? Sinong maniniwala?! Teacher siya sa CSU ng P.E.! At bukod sa com shop nila nina Kuya Long, may gym din sila sa Cagayan at siya ang instructor!

Kaya 'di mo talaga makalaban si Junard. Kung dati ay kayang-kaya ko 'yang sapakin, ngayon magdadalawang-isip ka na at baka ang pabiro niyang suntok ay maging comatose sa 'yo.

Pero kaibigan ko sila at medyo matagal mang 'di nagkita-kita ay ako pa rin ang boss nila. Under pa rin 'yan si Junard at Jere ambahan ko lang ng kamao.

Nakakatawang isipin na ganito na sila ngayon samantalang dati ay mga maasim pa—s'yempre pwera sa 'kin.

Nag-Tourism major si Eunice at ngayon ay nagtatrabaho na sa may hotel sa may amin. Mas gumanda ang kaibigan ko no'ng nasa 20s na kami lalo. Mas pumuti at tumangkad ng kaunti, namumula pa ang mukha. Inaasar nga naming lumaklak ng Gluta.

Ang sabi niya sa 'min ay hindi raw, boyfriend lang daw ang dahilan ng glow niya.

Lumabi ako nang maalala kung sino ang boyfriend ni gaga. Ayaw ko nang isipin!

"Ikaw din, Revel," siniko ako ni Eunice habang bumubulong. "Mag-boyfriend ka na rin para mag-glow ka!"

Umirap ako sa hangin at pinanuod ang mga lalaking naiwan sa dance floor para makisayaw at nahihilo na ako kaya naupo muna kami ni Eunice sa couch at nagpapak ng pulutan.

"Anong connect ng boyfriend? Ano 'yan, glow stick?"

"Hindi sila glow stick pero may glow stick sila," she wiggled her brows.

Nabulunan ako ng mani. Humalakhak siya ng malakas at tinapik ang likod ko bago ako abutan ng alak.

Mabilis ko iyong ininom at sininghalan siya, "tang ina mo, bastos!"

Pero mas tumawa lang siya at tinuro ang dance floor, "sus! Conservative naman, akala mo 'di nagtagal sa Maynila! Tignan mo nga ang tao ro'n," sabay turo niya sa kabilang couch kung saan may naghahalikan na. "Normal lang 'yan, mag-boyfriend ka na kasi."

"May boyfriend ako, ah," sumandal ako.

"Ex," she clarified, "kailan? Years ago? No'ng second year college ka?"

"And so, at least may boyfriend," walang-gana kong sagot at muling sumagi sa utak ang katangahang iyon.

No'ng college ay may mga naging boyfriend ako. Dalawa. Una sa second semester ng 1st year tapos ay nag-break kami after isang buwan. Tapos ang sunod ay second semester ng 2nd year. Nagtagal ng tatlong buwan.

Nanligaw kasi at ang mga kaklase ko no'ng mga panahong 'yon ay may-boyfriend kaya nakiuso ako.

Bakit ba?

But yeah, that's my pathetic self. Nakakatawa kapag nai-imagine na ang awkward-awkward kong tao kasama sila. Lalo na ang unang boyfriend, para akong tuod at takot sa tao. Unang araw pa nga lang na mag-boyfriend kami ay gusto ko nang magtago sa pagsisisi pero may gusto kasi akong patunayan no'n.

Na kaya 'kong magsimula ng bago at magkainteres sa panibago at wala lang siya sa buhay ko pero ayos na 'ko ngayon. I don't even think about that man again, my friends never mentioned anything and I'm happy at that.

I'm done opening up healed wounds. I've moved on, already.

Love is childish. Love is messy and complicated. Siguro makakakita ako sa hinaharap ng pagmamahal na totoo sa edad ko ngayon pero 'di ko na inaangat ang kahit ano mang pag-asa't pag-aasam sa puso.

Hindi totoo ang pagmamahal na nababasa ko sa Wattpad. Mga boyfriend na nagtatagal, mga pagmamahal na tunay, na kahit matagal na panahon ang mananatili at 'di magbabago.

In reality, love is complicated. People cheat when they're done with you. When they found someone more beautiful and handsome, someone less complicated, they would abandon you.

Kagaya no'ng ginawa ng shokoy na nag-donate ng sperm kay Mama. Naging lamang dagat na, baka nga isa na siyang kuhol ngayon.

Kagaya no'ng nangyari kay Eunice sa boyfriend niya no'ng high school, si Bunak na mukhang tiyanak. Kung 'di lang siya masaya ngayon sa current boyfriend niya'y baka sinabi ko nang walang forever! Wala! Wala!

Kaso, masaya si gaga sa glow stick ni Alan!

Nagulat talaga 'ko nang malamang boyfriend na niya ang lalaking 'yon na palihim pa lang nanliligaw ilang taon na!

Hindi ko pa name-meet si Alan muli dahil nasa Cagayan at 'di nakakasama kapag nandito sa Maynila ang mga gunggong kong mga kaibigan at mabuti na rin iyon.

Kapag nakita ko kasi 'yon ay baka may maalala lang ako.

Anyway, I moved on. Manlalalaki talaga 'ko sa Peñablanca!

Inisang inom ko ang natitirang margarita sa baso ko at tinaas ang kamay.

"Uuwi ako!" malakas kong sinabi at ang malakas na tili ni Eunice ang natanggap ko na umabot sa mga lalaki doon sa dance floor at wala pang ilang sandal ay nagtatatakbo na para yakapin ako at tumalon-talon.

"Uuwi na si boss! Uuwi na si boss!" sigawan nila sa tuwa.

Napangisi din ako at niyakap ang mga kaibigan. May mga naging kaibigan ako no'ng kolehiyo pero sila pa rin talaga ang mga totoo at nagtatagal.

"Kilabots! Cheers!" Junard exclaimed kasabay ng pagtatama namin ng mga baso ng alak at inom.

"Ikembot na natin 'yan!" sigaw na Eunice at nang mapunta kami sa dance floor ay iginiling ko na talaga.

"Tang ina mo, Revel, kailan ka pa naging hula hoop dancer?!" ani Eunice. Habang si Jere ay kukurap-kurap lang at napapatakip ng bibig sa 'kin.

Pumayag ang Mama at ang Tita na makikitira na rin sa bahay namin sa Cagayan habang nag-iikot siya sa buong mundo para mamasyal. Lumipat kami isang linggo pagkatapos sa bahay namin doon at nag-interview sa firm.

I was hired!

I was given a place, an apartment complex near the site for I was the on-call Architect for my first project.

Malaking kompanya ang firm dito. Hindi main office kaya hindi kalakihan no'ng pumunta ako no'ng interview pero ang mismong company ay sikat na sikat.

Aside from my achievement as a topnotcher, my alma mater helped me in landing a massive and high-paying job by giving me a list of approved partners advantageous for my plans and choice of place.

Sandejas Architectural Firm's newest branch here in Cagayan. Dalawang taon pa lang ang practice nila rito pero ang gaganda na ng feedback at ang maging Arkitekto para sa ganito ay sobra-sobra pa sa pinangarap ko.

Malaking proyekto kaagad ang nakuha ko una pa lang. Renovation at building extension.

Napalunok ako't hindi makapaniwala habang nakatayo sa site at may hard cap sa ulo.

Cagayan State University... nagbabalik na ang kilabot ng buhay n'yo!

We were welcomed in the site with my co-Architects with a cake, celebrating our first project and passing the licensure exam. May mga contractual Architects din na galing Maynila at naging kaklase ko sa ibang semester no'ng kolehiyo.

Pagkatapos ang ilang minutong celebration at diskusyon ng head naming tungkol sa mangyayari sa project ay nagsimula na kami. For our first day, we were allowed to look around and oversee the place for proper assessment at isa ako sa mga magpaplano sa extension ng university.

Napatitig ako sa pader. Ang pamilyar na pader kung saan kami noong nauupo at tumatalon kapag nagka-cutting at walang I.D.

Lumunok ako. Gigibain din ito para sa project at mawawala ang ala-ala namin sa pader na ito.

Inikot ko ang paningin habang abala silang lahat. Kumaway ako kay Nolan at nagpaalam.

"Alright, I'll see you at lunch?" ngumiti siya.

"Sure,"

I left after and went up the wall for an overlook while reminiscing the memories. I might have been broken here but growing up and maturing, I realized the happiness and great memories shone brighter than that pain.

Friendships and lessons matter most than that young, rebel love. It's part of the past now at wala na akong balak na balikan pa pero mapaglaro talaga ang tadhana.

Sa sobrang mapaglaro ay...ginagago ako ng tadhana!

Kanina lang, nagmo-monologue ako at nasa emo stage kagaya no'ng high school at ngayon...ngayon ay nasa braso na ako ng taong iniisip ko lang kani-kanina!

"Still jumping off the wall, huh? Want me to take you to the guidance, Architect?" he smiled handsomely, his very familiar black eyes glistening behind those eyeglasses.

Tumahip ang dibdib ko. Umawang ang labi ko't tumikhim muli, hinahagilap ang hangin sa baga habang nakatitig sa mukha niya.

Mas gumwapo siya. Iyon kaagad ang napansin ko.

Pinigilan ko ang pagsampal ng sarili sa kahibangan.

"Architect?" even his baritone voice and the way he said that made me fucking shiver!

"A-ahh!" muntik na akong mangisay sa braso niya at bahagyang tinulak ang dibdib niya para ibaba niya ako.

Unti-unti niya akong ibinaba, maingat pa ang paraan niya at pagtayo ko sa harapan niya ay natanto kong mas tumangkad siya.

"Are you okay?" seryosong tanong niya at namulsa, nakatitig sa mukha ko.

Okay? Okay ba 'ko? Hindi! Gusto kong mawala! Maglaho! Bumalik sa Maynila!

"Why did you go up there?" inangat niya ang tingin sa pader, "it'll be under renovation, it might crumble down."

Hindi pa rin ako nakasagot at nakatingin lang sa kanya na parang tuod.

Anong sasabihin ko?! Ano?! Ano?! Para akong nawalan ng boses doon.

Slowly, he smirked, the sun rays ran through his features, illuminating his black eyes watching me in amusement. "What? You missed those times your cutting classes and ending up in guidance?"

Taller and leaner than before. Ang itim niyang polo ay hinapit ang muscles sa braso niya. It fit his sculpted body just right while tucked in his gray slacks. His hair's trimmed cleanly with his dark-framed eyeglasses covering those sensual black eyes.

He's the same yet different at the same time.

His features honed. His broad forehead, aristocrat nose, his square jaw and sharp cheekbone. I even noticed the ghost stubbles on his chin and jaw from my place.

Wala akong masabi. Walang lumalabas na boses sa labi ko!

Magsalita ka, Revelia! Gaga!

Tumitig siya sa akin, nag-aantay ng sagot at nang mahanap ko ang boses ay pawang katangahan pa ang nasabi ko.

"Sino ka?" I blurted like a tree branch.

He stiffened. His shoulders squared while watching me in confusion.

Shit! Shit! Shit! Anong sino ka?!

His mouth parted, I know he's gonna say I'm weird or an idiot when I saw someone familiar behind.

A savior!

"Nolan!" sigaw ko at inangat ang kamay.

"Revel!" tawag niya at kumaway pabalik pagkakita sa 'kin.

"Teka, sabay na tayo!" malakas kong sabi bago sumulyap pabalik kay Damon na nakatingin na sa pwesto ni Nolan, kunot ang noo at hindi mabasa ang reaksyon.

"Ah, thank you," sinabi ko na para makuha ang atensyon ng huli.

Tumitig siya sa akin habang nag-iisip ako ng sasabihin, "I mean thank you for the help. Baka nabagok na 'ko kung walang sumalo. Sana all talaga may sumasalo kapag na-fall."

Awkward akong tumawa bago pa na-process ang sinabi.

Shit! Ano 'yong sinabi ko?!

"I always will," sagot niya. Napakurap-kurap ako at mas naguluhan.

Wala na ata ako sa sarili!

I cleared my throat and shifted on my feet, "anyway, thank you again. See you around!"

I glanced at Nolan, took a step away from Damon when I felt a grip on my elbow to pull me back. My breath hitched with my eyes widening when he gently fixed my hard hat to put it into place, his gentle fingers touching my flushing skin.

"Be careful," seryoso at mahina niyang sabi. "The site is dangerous, there might be debris falling."

"Alright," lumayo ako sa hawak niya at pormal na ngumiti. "I gotta go, thank you...Sir."

Hindi nagdadalawang-isip akong naglakad papaalis, papunta kay Nolan na napatitig pa kay Damon at nang makita akong papalapit na at hindi mabasa ang mukha ay umakbay siya sa 'kin sabay sulyap pa sa likuran.

"Saan tayo kakain, Revel?" malambing niyang bulong.

"Manahimik ka," mahinang singhal ko. "Bilisan natin maglakad—" pero nakatingin pa rin siya sa likod.

"Sino 'yon, bakit masama ang tingin—"

"Sabing bilisan mo nga!" mahinang singhap ko sabay hila na sa kanya papalayo.

Hindi na siya lumingon pero alam ko ang pagtataka niya habang papalayo kami. Bumalik kami sa site at pagkarating lang sa loob ng tent ko siya pinakawalan.

Dire-diretso ang lakad ko sa dispenser para kumuha ng tubig.

"Sino 'yon?" ani Nolan at inisang diretso ko ang tubig, ibinaba ang baso, tumalon at walang tunog na sumigaw. "Hala? Baliw?"

"Siya 'yon!" maliit kong sabi at tinuro ang kawalan.

"Siya?" lumalim ang gatla sa noo niya bago napatayo, "si gagong ex?!"

Tumango ako at napasuntok siya sa hangin, "fuck, hindi ko alam! Kung alam ko edi sana hinalikan kita do'n sa harapan niya—"

Pinakitaan ko ng middle finger, "subukan mo't bibigwasan kita."

"Makabigwas naman 'to, akala mo 'di mo 'ko naging ex, ah?" tumaas ang sulok ng labi niya.

Umirap ako sa hangin at humalukipkip, "oh, gusto mong makisali sa gago squad? Sige, magsama kayong dalawa!"

"Oh, p'wede?" ngumisi siya, "gwapo nga, kagaya no'ng sinabi mo—"

"Wala 'kong sinabing gwapo!" I snapped.

"Edi akin na lang, ah? Payag ka? Jowain ko, yummy pa naman! Kita mo ang muscles 'te? Kapag inipit ako sa leeg no'n—"

"Mamamatay ka, tanga," padabog akong naupo.

"Ayos lang mamatay kung sa braso niya," ngumisi siya at kumindat sa 'kin, "ano? Final na? Akin na lang 'yong ex mo?"

"Edi lamunin mo," nagliwanag ang mukha niya. "H'wag pala, maalat 'yon!" singhal ko at sumandal sabay pikit ng mukha ko, inaalala ang mga katangahang ginawa at sinabi ko.

Sino ka? Sana all talaga may sumasalo kapag na-fall?

I cringed. Hinaplos ko ang braso para pigilan ang pagtataasan ng balahibo.

I didn't mean to act that way! I was caught off guard, that's why I acted poorly! Like an idiot! Sinong tanga ang huhugot kapag nakita ang ex? Brokenhearted 'yan?

Hinila ko ang buhok at sinipa-sipa ang paa.

"Hayaan mo, pag nakita mo ulit cold ka na dapat," alo niya sa 'kin.

"Dapat una pa lang," singhap ko at iminulat ang mata. "Pero nagulat ako, nag-panic! Sa dami ng sinabi niya ang sabi ko, sino ka?"

Malakas siyang humalakhak at pinanuod ako, "tanga nga,"

Nahulog ang balikat ko, "I was just caught off guard, nothing else! I'll be okay the next meeting!"

"Ay, may next pa?" lumabi siya sa 'kin, nagtatago ng mapang-asar na ngiti, nang-uuyam.

"Manahimik ka, baklita, kung ayaw mong ingudngod kita sa semento," pagod ko nang panakot na 'di man lang siya naapektuhan.

Nolan was a friend, and an ex-boyfriend, actually.

How did that happen?

We were classmates ever since freshmen college. Hindi pa kami close no'ng una pero naging kaibigan ko siya no'ng second year dahil magkagrupo kami sa mga group projects at baby thesis. We became close and then after a few months, he courted me.

Hindi ko siya gusto. As a friend, oo, pero para maging jowa? Hindi pero may lalaki kasing nangungulit sa 'kin noon at sa irita ko ay sinagot ko si Nolan.

Ang kaso, sa tatlong buwan naming kami ay para ko lang siyang kaibigan. I was guilty, alright, because I only said yes to be his girlfriend to push those annoying suitors away but he didn't seem to mind.

I just go with the flow but I was guilty I began avoiding him. He was worried and came after me asking for explanation at sa kaba ko ay nag-compose ako ng message para makipag-break sa notes.

First time kong magkaroon ng touch screen na cellphone noon kaya 'di ako marunog mag-copy-paste and to further embarrass myself, I screenshotted the break message instead, crop it and sent it to him like a fool.

I blocked him afterwards like a coward.

Akala ko'y ligtas na ako pero kinabukasan ay nahuli niya ako at ipinakita sa 'kin ang unsent message niyang makikipag-break na rin siya no'ng saktong pagka-send ko pero 'di na niya nagawa dahil blocked na siya.

He made fun and teased me about the cropped screenshot I sent and embarrassed, I apologized and explained why I broke up with him. He listened. Sobrang gaan ng pakiramdam ko habang nagkikwento kay Nolan na naikwento ko na sa kanya ang karanasan ko sa pag-ibig no'ng high school.

Kung bakit ako nahihirapang mag-commit at maniwala sa mga lalaki at nagulat din ako sa confession niya sa 'kin.

He's gay.

He used me as a cover because our classmate—'yong gustong manligaw—ay pinsan niya pala at nararamdaman na hindi siya straight kaya nanligaw siya.

I was annoyed I smacked his nape until it almost fell rolling on the ground.

I'm not mad he's gay, I'm mad because he used me as a cover but I realized we used each other so...no big deal.

After that, we became friends. My only real friend in Manila while studying. Naipakilala ko na rin si Nolan sa mga barkada ko at minsan ay sumasama siya kapag 'di abala kapag nagpa-party at bar kami sa Maynila.

Sumama 'ko sa site inspection ni Nolan, palingon-lingon sa paligid at baka biglang may lumitaw na multo ng kahapon!

"Kalma," tumawa si Nolan, "wala 'yan, baka bisita lang dito, 'di kaya?"

"Ewan," bulong ko.

"'Di mo tinanong sina Eunice?"

Umiling ako, "'di na namin pinag-uusapan 'yan kaya malay ko. As if namang may paki ako? Past is past."

Tinitigan niya ako bago unti-unting tumaas ang sulok ng labi sa akin kaya bago pa makapang-asar ay nag-walk-out na 'ko para pumunta at makipag-usap sa mga foreman.

Nangangati na 'kong kausapin sina Eunice para magtanong tungkol kay Montezides pero baka sabihin nilang 'di pa 'ko nakaka-move on kaya kalmado lang akong kumakain, naninigas pa ang panga para ngumuya.

"Revel," biglang napaayos ng upo si Nolan sa harapan ko.

"Oh?" walang gana kong sinubo ang burger na umasenso na ngayon. Malaman at may gulay pa at cheese!

Naalala ko noon talaga, buy one, take one. Kapag walang patty sa isa, baka nasa kabila.

"Revelia!" sinipa niya 'ko.

"Ano?!" angil ko na, kulang na lang ay mangagat nang inangat niya ang kamay at dinala sa gilid ng labi ko. Tumalon ako, "Gag—"

"Ang kalat mo pa rin talagang kumain, Rev," baritono niyang sabi sabay punas sa gilid ng labi ko.

Kumunot ang noo ko.

Anong problema nito—

"There's no empty table, would you mind?" my back stiffened at the voice.

Shit. Act cool, Revel! Act cool!

Umawang ang labi ko para magsalita nang inunahan na 'ko ni Nolan.

"Sure, pare, no worries." He smiled coolly and handsomely sabay sulyap sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Upo ka d'yan, 'sensya na, ah? Talagang makalat pa rin kasi kumain itong si Rev..."

I felt his presence beside me the same time I got a waft of his cologne.

"Thank you," he answered as he placed his tray of foods on our table.

Bakit sa tabi ko? 'Di ba, p'wede kay Nolan na lang?

Lumayo ako kay Nolan at sumimsim ng shake, kinokondisyon ang sarili.

"Ah, magkakilala kayo ni Rev, right?" ani ng madaldal na Nolan, 'di pinapansin kahit pinanlalakihan ko na ng mata. "I saw you two talking earlier,"

Nilingon ko na si Damon at tumikhim hanggang sa makuha ko ang pansin niya.

His dark eyes and featured softened when our eyes clashed. Pumormal ako.

"Salamat nga pala kanina, pasensya na kung sinabi kong sino ka—"

"Damon," he moistened his lower lip and offered me his hand. "Damon Louis Montezides, a professor here. You are?"

Ano raw?

Kumurap-kurap ako. Professor? Professor siya?

May sumipa sa akin sa ilalim ng mesa.

"Revelia," tumikhim ako at pormal na tinanggap ang kamay niya. "Revelia Santo, Architect." I have never heard my voice that formal and proud.

His lip twitched. I don't know but I saw the pride and amusement lingering those eyes behind the glasses he's wearing and as I was about to withdraw my hand from him, he pulled it closer to place a kiss at the back of my palm.

Tumigil ang paghinga ko sa marahang halik na iyon, ang tingin niya'y 'di tinatanggal sa akin.

"Pleasure to meet you, Architect,"

"Same," malamig kong sabi sabay hila ng kamay at baling sa harapan para haluin ang straw ng shake ko.

Nagkatinginan kami ni Nolan at nakakaeskandalo ang mata niyang namimilog at namumulang mukha kaya sinipa ko siya sa ilalim at tinungo ang ulo para matabunan ng buhok ang mukhang nag-iinit.

"Nolan Villanueva," inilahad pa ni Nolan ang kamay niya sa huli. "Architect, too. Kasama ko si Rev dito sa project."

"Damon," he answered back and accepted Nolan's hand.

I watched them quietly while they're shaking hands and I swear I saw Damon's hand grip tightened on Nolan's. Kung nasaktan man ang huli ay 'di halata dahil nagliliwanag ang mukha niya at kumurap-kurap pa.

I kicked his foot. That took him back to reality and withdraw his hand from Damon's.

"Nice meeting you, pare," maangas niyang sabi sabay gwapo ngiti.

Umirap ako at tahimik na sumimsim ng shake.

Ayos naman ang acting ko, ano? Pormal naman, 'di ba? Nabawi na ang katangahan ko kanina?

Inabot ko ang tissue ko sa gilid para punasan ang basa sa kamay pero mukhang nanadya pang maging clumsy ako ngayon kaya nahulog ko.

I shifted on my seat, lowering my head to take the tissue when he beat me into it, reason why our fingers touched again. Our eyes met and I jolted when I felt that sharp feeling striking my nerve ends.

"T-thanks," inabot ko ng mabilis ang tissue sa kamay niya at tinitigan na lang ang pagkain at ang phone para malibang.

Hindi na ako muling nagsalita at gano'n din si Damon pero ramdam na ramdam ko ang pagsulyap niya sa pwesto ko. Our shoulders even touched and like the moment our hands entwined with that introduction and contact, I felt the electricity travelling from him to mine.

I shook my head.

Bakit ba ako naaapektuhan? 'Di na 'ko ang Revelia dati.

I crumpled the tissue and stood, "excuse me, I'll get going."

Umawang ang labi ni Nolan para magsalita pero tumalikod na ako para sana umalis pero narinig ko ang tawag niya.

"Wait, Architect,"

I shifted my gaze and watched him nonchalantly.

"Yes?"

His eyes roamed on my face before he stood and walked closer to me, throwing the Styrofoam in the trashcan.

"I was asked to show you and Architect Villanueva your temporary office," he watched me carefully.

I moved my attention to Nolan watching us like he's watching a movie. Kinagat niya ang burger niyang malaki ang ngiti. Tinaasan ko ng kilay.

"Ah!" napaahon siya bigla, "yeah, I remembered! My temporary office pala tayo!"

He strode closer to us and caught my waist, his finger claiming my backside, watching Damon's dark gaze lingering on it.

"Lead the way, professor," Nolan smirked and without even looking at me again, Damon walked past us to lead the way.

He led us to the college department na katabing building lang ng high school. I saw college students studying and with their own group of friends laughing and talking.

"Good afternoon, Sir!" the group of giggling girls greeted him.

He nodded, "good afternoon."

"Tuloy po ba ang quiz mamaya sa Physics?" they asked.

He's a Physics professor? I can't help but be amazed.

"Yes," the side of his lips tugged.

"Sirrrrr!" reklamo nila, "baka p'wedeng bukas na lang? Please? Please po?"

"Nope," he smirked. "Study well, ladies," then he walked away, leaving the girls gasping either in nervousness for that quiz or because the professor looked so damn good?

"Ang laway, 'te," I snapped and threw Nolan an annoyed look. "Pero 'di kita masisisi, naglalaway din ako, eh."

"Inaatake ka na naman ng kabadingan!" I smacked his stomach, owning a growl from him.

I saw Damon's form stiffened. He even stopped midway but brushed his fingers in his hair and continued walking.

"Ikaw talaga, Rev, masyado kang maloko," ani ng Nolan sa buong boses. "Sige ka, mas lalo akong mapo-fall n'yan sa 'yo."

Nilingon kami ni Damon, ang mga mata'y malamig.

"The kids are watching. PDA is prohibited in the campus," his jaw was even clenching.

Pride and confidence boomed inside my chest upon seeing his pissed face. The old, rebellious Revelia from high school came running back to me.

That young, rebel kid who did nothing but to piss and pester the president.

Tumaas ang kilay ko at ngumisi ng malamig, "oh, sorry, Sir. Strict ka pa rin pala—este ang university."

His brows almost met, inilayo ko ang katawan kay Nolan at inayos ang blouse ko.

"Sorry, hindi na," lumambing ang ngiti ko, "nakakahiya naman kung sa edad kong 'to, ma-guidance pa ako. Ayaw ko naman ng record ulit sa office."

His jaw tightened.

"Sorry, Sir," I purred, pursed my lips and looked around.

Mas lumaki ang hakbang niya palayo. His shoulders are squared, looking so pissed he didn't even greet the students back.

"Uh-oh, mukhang may binuhay kang dragon, Architect Santo," sumipol si Nolan at humalakhak ng mahina.

I smirked, "mas gusto ko 'yong bumubuga ng apoy."

"Want some help pissing the handsome dragon?" he offered. We both grinned like idiots, "is that a deal, Architect Santo?"

"It's a deal, Architect Villanueva," we shook hands and laughed evilly like fools.

Napunta kami sa malaking faculty room. Malaki iyon at ventilated, maganda pa ang pasok ng liwanag at ilaw sa mga salaming bintana.

Ang mga naunang Architect ay nandito na. Sumunod kami kay Damon na nakapamulsang pumasok doon at diretso ang lakad.

Inilahad niya ang lamesa sa gilid kaya lumapit kami ni Alan pero tumikhim siya, "Architect Santo, your office table will be there." He pointed the other end of the room.

"Huh?" gulong tanong ko. "Why not here?"

"There's no other available space," nagpamulsa siya at tinagilid ang ulo. "And it's closer to the drafting table."

Lumabi ako.

"Palit na lang tayo, Rev, you like? I can stay—"

"Ayos lang," sagot ko. I walked to the other side of the room, leaving my friend checking his, to check my table. It's a bit larger than most and has small barriers for privacy. Sa gilid ay may drafting table at may blue prints na ro'n na aaralin ko pa.

Inikot ko ang tingin sa space. I liked it. Neat and breathable while working. May privacy pa.

Sa may labas ay may wet floor sign pa nang umalis ang janitor na nagma-mop.

"Do you need anything?" he asked, leaning on the side. Nakasandal siya sa may barrier at nakahalukipkip, pinapanuod ako.

"No, thank you, Sir." Pormal kong sabi at naupo na sa swivel pero nanatili pa rin siyang nakatayo.

"What?" I snapped.

"If you," he licked his lower lip. "If you need something, I'm just here,"

Tumaas ang kilay ko at namula ang mukha niya bago bumaling kung saan, "I mean, my table's just here..." tinuro niya ang kabilang harang sa may gilid ko.

Tumaas ang kilay ko at sumandal sa swivel, humahalukipkip at pinapanuod siyang nagpa-panic.

"It's not like I placed you here on purpose," he answered defensively, his face flushing. "Ito lang ang bakante at—"

"You sounded so defensive, Sir," I smiled again.

"No," matigas niyang sabi, "I'm not defensive."

"Ows...?" I smiled playfully and crossed my legs, moving my swivel to face him entirely. "H'wag mong sabihing patay na patay ka pa rin sa 'kin?" biro ko.

He froze. I was waiting for him to say no, to be defensive but he remained staring, tensed as if he was caught off guard.

My heart thumped.

Napawi ang matamis kong ngiti.

Mabilis siyang tumalikod para tumakas papaalis pero sa halip na makaiwas ay tila slow motion ang nangyaring pagkadulas niya sa basang tiles nang nag-slide siya sa lapag, malakas ang paglagabog.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

407K 5.3K 39
Ang "and-they-lived-happily-ever-after" kind of life na inakala ng lahat ay mabilis na nauwi lang sa tragic ending. Ito ay dahil sa runaway husband n...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
10.5M 44K 8
Who knew that all it takes is just one badarse speed racer to capture the heart of a young bratty billionairess? Highest Rank Achieved: #2 in Romanc...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...