Elisz' POV
"Hoy gising!"
"Hmm" yan lang nasagot ko sa nang gigising sa akin.
"Gising na sabi Ma e!" sabi ni Keil.
Dinilat ko ang mata ko at sinamaan siya ng tingin, "Ano bang problema mo?!" sigaw ko.
"May date pa tayo diba!? Tignan mo oh! 7:30 na! 30 minutes na kong naghihintay dito oh. Tulog ka pa diyan!" sabi niya, nanlaki ang mata ko.
Kung 7:30 pa lang. At 7:00 ako nag hihintay kanina, ibig sabihin panaginip lang yung nangyari confession niya sa akin? Tinignan ko ang sarili ko, nasa sala ako. Hindi basag yung mga flower base at malinis pa ang bahay. Umakyat agad ako sa taas.
"Hoy saan ka pupunta?!" sigaw ni Keil at sinundan ako.
Sinilip ko sa terrace ko yung baba nito, walang patungan na nakakapag paangat. "WAAAAAAAH! PANAGINIP LANG YON?! WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
"Aray!" sabi niya at bigla niya kong pinitik sa ilong, nakatakip pa ang isa niyang kamay sa tenga niya.
"Ouch." Sabi ko at hinimas ang matangos kong ilong.
"Anong panaginip lang ba pinagsasabi mo dyan?" sabi niya sakin.
"Wala ka na don! Tara na nga!" hinatak ko siya pababa—papunta sa kotse niya.
"Hoy, ano ba. Ang bilis mo maglakad." Tinulak ko siya sa driver seat at binalibag ang pinto.
Sumakay na agad ako sa tabi niya at tinignan ko siyang nakangisi. "Wow, thanks. Ngayon ko lang pala nalaman na may pagkagentlewoman ka." Sabi niya sabay kindat, niroll ko na lang ang eyes kong pretty.
"Mag drive ka na lang, yan naman trabaho mo e." sabi ko habang nakaharap sa bintana.
"Yes boss!" sabi niya ng natatawa at pinaandar na ang sasakyan.
**
"Ang ganda ba?" sabi niya sakin.
Dinala niya ko sa garden na puro butterfly. May harang sa taas kaya hindi makakalabas ang mga ito, may table for two na napapaligiran ng mga candles. At puno ng bulaklak ang sahig, maliban sa red carpet na tinutungtongan ko.
"Sakto lang. Mas maganda kung aalis ka dito." Sabi ko sakanya sabay taray.
"Tss." Sabi niya na lang at nauna ng naglakad at naupo sa upuan malamang. WOW. Ang bait bait niya talaga.
Naupo ako ng padabog sa harap niya, "Wow, hindi ka naman rude noh?" sabi ko sakanya.
"Hindi naman." Sabi niya.
Nasakalagitnaan kami ng pagkain,
"Uh, Elisz may sasabihin ako. May kailangan kang malaman tungkol—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang mag ring ang phone niya, tinaas niya ito at pinakita sakin.
Ainah calling....
Tinarayan ko na lang siya para kunwari wala akong pake. At pinagtutusok ko na lang ang pag kain ko. Nakita kong nag sigh si Keil, at may pinindot siya. At binalik na niya ang phone niya sa bulsa niya.
Napangiti naman ako bigla.
Keil's POV
Biglang nag beep ang phone ko.
From Ainah:
Sean, I need you.
Nag sigh ako at pinatay ang cellphone ko. Nang matapos na kami kumain umalis na kami at nag drive ako papunta sa riverside. Naupo lang kami sa hood ng sasakyan ko at nagkwentuhan. Dito na ko aamin. Aaminin ko na sakanya ang lahat lahat. Na hindi talaga ako driver. Na may kailangan lang akong gawin. Na.. mahal ko siya.
"Anong ayaw mo sa isang tao?" tanong ko sakanya.
"Pretender." Sabi niya na nagliliyab ang mata niya sa galit. Bigla akong napalunok. "I don't like pretenders. Im not like them. Ako pag ayaw ko sa isang tao sinasabi ko. Kahit masama ako sa paningin ng iba ayos lang. Mag pepretend, mag papanggap, bakit? Kasi gusto nilang mang gamit. And that's pure bullshit. I hate pretenders." Sabi niya. I sighed.
"I have something to tell you Elisz, but please don't hate me." Napatingin naman siya sa akin.
"What?" sabi niya.
"I lo—"
*kring*
Ainah calling...
I rejected the phone call.
"Who's that?" tanong ni Eliszha.
"Ainah." Sagot ko sakanya.
"Bitch." Bulong niya.
"Let's go home." Sabi ko.
"Teka! May sasabihin ka diba?!" sabi niya sa akin.
"Ah, next time na lang. Kailangan mo na matulog. Finals niyo na bukas right? Baka hindi ka manalo sa deal natin."
"Come on! Ako pa ba?" pagmamayabang niya.
"Whatever you say." Sabi ko at pinag buksan na siya ng pinto.
Hindi ko na naman nagawang sabihin.