Illicit Affair

De cc_chase

22K 1.2K 941

a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when th... Mai multe

CHARACTERS AND WARNING
PROLOGUE
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Darna's First Transformation
Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)
Chapter 4 - Case 1 CLOSED
Chapter 5 - Her Offer
Chapter 6 - Regina's Sexuality
Chapter 7 - Amusement Park Date
Chapter 8 - Era Salvador
Chapter 9 - New Worker
Chapter 10 - Night Date
Chapter 11 - Private Island
Chapter 12 - Bar
Chapter 13 - Babaeng Ahas
Chapter 14 - The Event PH
Chapter 15 - N Seoul Tower
Chapter 16 - Going Home
Chapter 17 - Seaside
Chapter 18 - Sudden Confession
Chapter 19 - Mix Signal
Chapter 20 - Jealousy
Chapter 21 - Bite
Chapter 22 - First Time
Chapter 23 - Engagement Party For Who?
Chapter 24 - What's on your Back?
Chapter 25 - What If
Chapter 26 - Dream
Chapter 27 - Do You Like Me?
Chapter 28 - Beloved Regina
Chapter 29 - Architect
Chapter 31 - Drunk Regina
Chapter 32 - No
Chapter 33 - Kissing Valentina
Chapter 34 - Who are you?
Chapter 35 - Karaoke Night
Chapter 36 - Lost Necklace
Chapter 37 - Senior High Crush
Chapter 38 - The Last Fight
Chapter 39 - A mix of them
EPILOGUE
hello
Special Chapter

Chapter 30 - Beach

371 25 21
De cc_chase

"FLORENCE?!"











































LAKING GULAT KO NANG makita ko sya sa harapan ng gate namin habang nakangiti sya. "Hoy anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko sakanya habang nagmamadali akong naglalakad papunta sa gate para pagbuksan sya. Pinapasok ko sya syempre sa loob tapos umupo kami dito sa may wooden sofa namin. Sinarado ko 'yung gate at pinto bago ako umupo sa tabi nya. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko. Mukhang sinusundan ako ni Flo ah, oh my god. OH MY GOD NAALALA KO 'YUNG SINABI NYA NA SEE YOU SOON BA 'YUN?! ITO NA BA 'YUN?!

"I'm the new architect! Duh!" What the--- pano sya naging architect?

"Teka lang ha." Tumango sya then nagsabi sya ng okay so ngumiti ako sakanya bago ako tumayo at medyo lumayo para tawagan si Regina.

Sinagot naman kaagad ni Regina.

"Yes Ms. Custodio?" Tawag nya sa'kin. "Hindi mo naman sinabi na si Flo 'yung new Architect! Tsaka pano sya naging architect?"

"Pano mo nalaman? Is she there already with you?"

"Sagutin mo muna tanong ko ma'am." Mataray kong sagot sakanya.

"Duh, she's the manager designer of our team. Kaya nga 'yun napili nya eh."

"Anyways, want me to go there?" Tanong nya sa'kin na parang kahit naman sabihin kong hindi pupunta pa rin sya.

"No." Sagot ko. "Okay! Take care!" Sabay end ng call.

What the hell?

Ganon-ganon lang? Di talaga sya pupunta? Nagpapakipot lang naman ako eh.

"So where do i sleep?" Tanong ni Flo pagkabalik ko sakanya.

Anong where do you sleep ka dyan? Ano dito ka matutulog?

Malamang Narda san nga raw sya matutulog diba.

"Aba humanap ka ng matutulugan mo! Wag dito!" Sigaw ko sakanya ng kaunti.

She chuckled. "Eh ayoko naman dun kila Regina, baka mamaya habang natutulog ako bigla akong saksakin nun." Well tama naman iniisip nya kasi feel ko rin minsan kayang gawin ni Regina 'yun lalo na't galit pa sya kay Flo?

"Ah basta wag ka dito!" Taboy ko sakanya. "Hala eh sa'n ako mag s-stay?" Kalmado nyang tanong ulit sa'kin.

"Aba malay ko sa'yo, punta-punta ka dito di ka nag b-book ng hotel."

"Hello??? Nueva Esperanza? May hotel? Ayos ka lang?" Ay oo nga naman. Sorry my false.

"Pano mo nalaman na walang hotel dito?" This time ako naman nagtanong sakanya.

"Syempre i searched it up." Ay sabagay rin. Sino ba namang tangang pupunta dito tapos walang alam sa lugar?

Syempre wala!

"Oh sige na dun ka nalang matulog sa dating kwarto ng kapatid ko. Teka asan pala mga gamit mo?"

"Nasa labas."

"Anong nasa labas?!" Syempre agad kong binuksan 'yung pintuan tapos nakita ko nga na nasa labas ng gate talaga kaya kinuha ko tapos pinasok ko then sinarado ko na ulit at ni-lock 'yung pinto.

"Ba't mo iniwan sa labas?!" Tanong ko sakanya habang natatawa na ako. "Eh akala ko dadalhin mo dito sa loob!" Wtf ano ako alalay nya? Loka-loka amputek.

After nun tinulungan ko syang ilagay 'yung mga gamit nya sa loob ng kwarto ni Ding tapos natulog na rin kami.

Kinabukasan maaga akong nagising tapos bumili ako ng food naming dalawa ni Flo sa karinderya ni Aling Ruby which is sa tapat lang naman ng bahay namin.

"Flo! Gising na!" Tawag ko sakanya habang kinakatok ko sya. "Flo!" Tawag ko ulit sakanya since walang sumasagot.

Ano ba 'to deds na?

Maya-maya lumabas na sya tapos nag-uunat pa nga eh.

"Good morning." Bati nya sa'kin. "Good morning rin, ayan may food na tayo." Sabay turo ko sa nakahain na pagkain at kanin.

"Wow! did you cook this?" Tanong nya sa'kin sabay upo sa upuan at subo sa pagkain. "Hindi, binili ko 'to sa labas."

"Wow! This is so delicious!" Sambit nya sa'kin habang nakangiti sya at patuloy sa pagkain na parang wala nang mamaya at bukas.

"Oh dahan-dahan lang!" Naalala ko tuloy si Regina sakanya.

"Alam mo kumain rin kami ni Reg kahapon dyan, nung una ayaw pa nga eh pero nung kinatagalan nasarapan rin."

"Eh asahan mo 'yun super arte nun." Wow bina-bash nya na ngayon sa'kin si Reg ah.

Di ba sya nag w-worry na baka isumbong ko sya?

Oh well, i think wala naman na syang pake dun since they hate each other so parang wala na ring magbabago kung magsabi pa ako kay Regina.

"So how was your first day here?" Tanong nya sa'kin habang kumakain pa rin sya.

"Ayos naman, nag meeting lang kami kahapon tapos namasyal. Ikaw ba, pano ka naging architect?" Oh diba layo ng tanong ko? Sya naman naunang magtanong so she better answer that.

"That's really my work pero after i finish school pinag work na nga ako ni dad sa company nila Regina kaya nga manager designer ako dun." Nasabi nga ni Regina.

"Dapat nga after he introduced me as his daughter to the world magf-focus na ako as an architect but i decided na mag stay habang wala pa akong client." Dagdag pa nya.

"Teka bakit ka nga ulit nag panggap as a normal human being na walang connections?"

"They want to test out my skills and also kung pano mag trato mga workers dun. I also don't wanna be introduced as his daughter. I want a peaceful life. Ako nag request nun kay dad."

"Unlike Era, ever since she was a child gusto nya na lagi famous sya." Haynako what do we expect from Era ba? Halata naman sakanya eh. Feeling main character sya ganon.

"Sabagay, second child ka diba?" Tumango sya.

Sobrang magkaiba talaga sila ni Era, i wonder kung si Era ang ampon?

Eme.

Kasi talaga hindi mo talagang masasabi na magkapatid sila since si Flo gusto ng lowkey while si Era gusto nya sakanya 'yung spotlight. Bida-bida ganon.

Ano ba 'yan ba't ko ba pinag-iisipan ng masama si Era habang nasa harapan ko kapatid nya?

"Kelan pala mag s-start project mo?" Tanong ko sakanya para umiba topic namin.

"Now. I have a meeting with Regina ngayon para ibigay 'yung design ko." Tumango ulit ako sakanya.

Pag talaga nagtatanong ako sakanya sinasabi nya lahat like detailed.

Ganon rin naman si Regina pero kasi minsan feeling ko nagsisinungaling sya.

Nasa gitna kami ng usapan namin tapos biglang nag ring 'yung phone ko kaya sinagot ko agad dahol nakita ko na si Regina 'yung tumatawag.

"Yes ma'am?" Bungad ko kay Regina habang tumatayo ako sa kinauupuan ko. "Pack your things, we're going somewhere after my meeting with Florence." Bago pa man ako makapagtanong kung saan kami pupunta binaba nya na agad 'yung call.

"Ano raw?" Tanong ni Flo dahil siguro nakita nya kung sino 'yung tumatawag sa'kin since nasa table 'yung phone ko katabi ng plate ko.

"Bilisan mo na raw kumain dahil may meeting pa raw kayo." Pagsisinungaling ko sakanya ng konti.

"Oh sige." Sagot nya sa'kin.

Bumalik na ako sa upuan ko para kumain ulit tapos nang matapos na kaming kumain hinugasan ko 'yung plato namin tapos naligo na ako then chineck ko lang 'yung bag ko since di pa naman ako naglalabas ng mga gamit ko.

"Narda?" Rinig ko 'yung boses ni Regina na tinatawag ako sa labas. "Narda?" Tawag nya ulit kaya nagmadali akong pumunta sa labas para pagbuksan sya pero paglabas ko...

Nagkaharap na sila ni Flo at parang tumahimik 'tong lugar namin.

Nakita ko na tinitignan nila aling Ruby, Mara at kuya Pancho sila Flo at Regina kaya pinapasok ko na silang dalawa sa loob.

"Balik sa trabaho! Kulang benta at kita!" Sigaw ko sakanila pabiro tapos narinig ko silang tumawa.

Pagpasok nila pinaupo ko si Regina sa may wooden sofa namin pati na rin si Flo pero Flo remained standing habang tinitignan si Regina.

Awkward!

Sinenyasan ko si Flo na umupo pero ayaw nya kaya kinunutan ko sya ng kilay kaya kumuha naman sya ng bangko dun sa may kitchen namin para ilagay sa harapan ni Regina.

Ano ba 'yan kahit trabaho naman pag-uusapan nila antataas pa rin ng pride nila.

Grabe pala talaga pag pinagsasama 'tong dalawang 'to 'noh?
















































PAGKATAPOS NILANG MAG-USAP puro ka-awkwardan lang naman pinakita nila tapos parang sampong words lang nasabi nila sa isa't-isa kaya parang hindi worth it at parang hindi na rin sila nag meeting nun. Parang nagtitigan nga lang sila dito eh. "Ano Narda, let's go?" Tanong sa'kin ni Regina kaya tumango ako at tumalikod para kunin 'yung bag ko tapos narinig kong nagsalita si Flo. "Uh-ah! Sa'n kayo pupunta?" Tanong nya kay Regina habang naka turo sya sakanya. "Don't point at me and it's none of your business." Sagot ni Regina kay Flo.

"If you don't want to tell me then sasama ako." Tumakbo sya sa may kwarto ni Ding para kunin 'yung isang maleta nya.

"Mag b-beach kami! Now can you just stay here?!" Iritang sagot ni Regina. Ahhh mag b-beach pala.

"You can't stop me." Pang-asar na sagot ni Flo kaya nag groan si Regina.

"Narda call your family, sabihin mo i already booked them a private flight papunta dun and someone will wait for them there para ihatid sila sa mismong beach." Grabe rich hot mommy naman pala 'tong si Regina.

Eme!

Pumasok na kami sa kotse ni Regina and ito 'yung 6 seater car nya na kulay gray tapos nakatingin samin lahat ng kapitbahay namin so it's kind of awkward.

Ano 'yun nakarating na sakanila 'yung about sa issue nila ni Flo at Regina?

And paano naman?

But anyways dito ako sa likod pumwesto katabi si Flo pero pinapalipat ako ni Regina sa tabi nya.

"Hindi nyo ako driver. Narda lumipat ka dito sa harap." Utos nya sa'kin habang nakatingin sya samin sa pamamagitan ng salamin ng kotse nya.

"No Narda, stay here with me." Kinapitan ako ni Flo sa braso ko so humarap na samin si Regina tapos 'yung isang kamay ko hinihila ako papunta sa harapan.

"She's staying with me!" Hila sa'kin ni Regina habang sinasabi 'yan ng paulit-ulit. "No! Dito lang sya!" Sagot naman ni Flo.

"Manahimik kayo parehas!" Sigaw ko sakanila tapos nagtinginan silang dalawa sa'kin.

Pinalipat ko si Flo sa harapan.

"Never akong tatabi sa babaeng 'yan!" Sagot sa'kin ni Flo. "Me too! Tsaka ikaw pinapaupo ko dito Narda!"

"Lilipat ka sa harapan Florence o hindi nantayo matutuloy sa pupuntahan?!" Galit kong tanong sakanya.

"Isa!" Bilang ko.

Later on, lumipat si Flo ng pagalit sa harapan tapos pagalit rin syang nag seatbelt.

Parehas silang nakakunot ang kilay ngayon.

That's what you get! Pag-agawan nyo pa ako ha!

"This is so annoying." Pabulong na sabi ni Regina.

Hindi ko na pinansin kasi nag drive na rin si Regina kaya tinawagan ko na si lola para sabihin 'yung pinapasabi ni Regina.

Isasama raw nila si Brian pero hindi ko na sinabi dito sakanilang dalawa lalo na na alam ni Regina na may gusto ako dati kay Brian.

Baka mas lalong mag-init 'to sa galit eh.

Tatlong oras raw byahe namin by car sa pupuntahan namin including na 'yun sa bangka na sasakyan namin.

"This is so annoying!" Muling sabi ni Regina. "Mas annoying ka!" Sagot ni Flo sakanya.

"Mas pinaka annoying ka!" Childish na sagot ni Regina kay Flo.

Napaka isip bata nitong dalawang 'to pag magkasama.

Jusmiyo marimar ano ba 'tong pinasok ko.

Binuksan ko 'yung chips na nakalagay dito sa may plastic na nakita ko sa may likuran ng kotse since wala naman akong magawa.

"Oh baka gusto nyo munang kumain?" Kumuha si Flo sa ino-offer kong chips kaya kumuha rin si Regina ng marami.

Nakita ni Flo kung gaano karami 'yung chips na kinuha ni Regina kaya kinuha ni Flo 'yung buong lalagyanan ng chips sa'kin.

"I win." Tapos dumila si Flo kay Regina na napaka childish talaga jusme.

Sa sitwasyon ko ngayon hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit sa dalawang 'to.

Mukhang maling desisyon ata na pagtabihin silang dalawa eh, pero kung ako naman ang mamimili sakanila kung sinong tatabihan ko kanina mas pipiliin ko ring mag-isa ako eh.

Pagkadating namin sa may port may pinag parkingan lang rin si Regina dun sa sasakyan namin ng bangka tas iiwan nya raw 'yun dito for 2 days so meaning dalawang araw kami dun sa beach na 'yun.

"Oh Florence kung gusto mo bumalik ka na kasama ang kotse ko, diba may project ka pang gagawin?"

"Ay hindi na Regina dun ko nalang rin gagawin para mag enjoy rin ako!" Inirapan sya ni Regina out of annoyance siguro.

Ito rin kasing si Flo pang-asar eh.

Pagkasakay naming tatlo umandar na agad.

Naghubad si Regina na mukhang ready na at naka swimsuit na rin sya pagkasakay namin sa bangka.

Humingi rin muna sya ng glass of champagne bago kami umandar.

Nung medyo malalim na 'yung water umupo si Regina dun sa harapan ng boat.

"Tulak ko kaya 'to?" Pabirong bulong ni Flo sa'kin. "Baliw." Sagot ko sakanya.

Pinuntahan ko sya kaya ngayon nasa likuran na nya ako.

"Yes?" Tanong nya sa'kin habang nakatingin sta sa view. "Wala, gusto ko lang rin i-enjoy 'yung view." Sagot ko sakanya.

"Why don't you enjoy the view with Florence?" I smell jealousy pero syempre lowkey.

"Gusto mo ba? Sige balik nalang ako---" hinawakan nya ako.

"Stay." Ngumiti ako sakanya tapos ngayon nakahawak ako sa magkabilang bakal nito.

"May rainbow oh!" Turo ko sakanya. She chuckled then answered, "Yes."

Nararamdaman ko ngayon na nakatingin samin si Flo at para hindi sya ma out of place bumalik ako para kausapin sya.

Small talk ganon.

Para nga akong turumpo sa dalawang 'to dahil pag nagtatawanan kami ni Flo sumasama tingin ni Regina samin tapos pag okay na kami ni Regina si Flo naman ang maf-feel ko na na o-out of place.

After 1 hour namin sa bangka, finally nakarating na kami and all we have to do is maghintay kina lola.

"Finally! We're here!" Sambit ni Flo. "Oo nga eh, uwi ka na." Pabirong sagot ni Regina sakanya tapos nagtarayan nanaman 'yung dalawa gamit mga mata nila.

Nung una akala ko pa nga sa private island kami ni Regina pupunta pero nang makita ko 'to iba pala.

"Kanino pala 'to?" Tanong ko kay Regina habang naglalakad kaming tatlo sa resort.

"I just rented this side para makapag enjoy tayo, but you can still go to that side and that side pa rin to communicate with other tourists here." Tumango ako.

Grabe nag prepare ba sya ng matagal para sa ganito? Andami nya rin siguro nagastos since 'yung private plane pa na sasakyan nila Ding papunta dito.

Kayang-kaya na ata akong bilhin nito ni Regina eh.

I wonder kung sinong mas mayaman? Si Regina or family ni Flo?

Anyways, pagkapasok namin ng resort kami lang dalawa ni Regina ang inasikaso pero si Flo hindi.

"Wait! What about me?" Tanong ni Flo sa nag a-assist samin.

"Hindi ka kasi counted, book ka nalang sakanila if meron pa." Eh diba ni-rentahan nya nga 'yung buong resort na 'to? Meaning sa kabila pa sya mag b-book?

"Come on Regina!"

"I'm annoying, right?" I saw Regina's smirk at hindi ko alam kung matutuwa ako dun kaya i kept a straight look on my face.

"Reg." Tawag ko sakanya at para na rin suwayin sya.

"Give her a room nalang po pero sana malayo sa room namin, pwede?" Um-oo naman 'yung nag a-assist samin tapos pumunta 'yung isang nag w-work dun at inasikaso si Flo.

Pagpasok namin sa kwarto namin ni Regina ambango-bango and kita 'yung beach from outside.

It's perfect.

Pero tabi ba kami matutulog?

Pagkaalis nung babae na nag a-assist samin tinulungan nya akong ilapag 'yung bag ko sa lagayan dito.

"Isn't this great?" Tanong nya sa'kin habang nilalagay nya 'yung bag ko sa lagayan at habang nakikita ko rin syang nakangiti habang sinasabi 'yun.

"Oo pero sa'n ako matutulog?" Tanong ko sakanya habang umuupo ako sa kama na may rose petals pa.

Para tuloy kaming mag h-honeymoon nito.

"Duh, syempre here beside me! But don't worry, i won't do anything to you. Matutulog lang tayo, alright?" Ngumiti sya pagkatapos nyang magsalita at lumapit sa'kin ng nakangiti tapos umupo sa lap ko at niyakap ako.

"Akala ko ba wala tayong gagawin na anything. Ano 'to?" Awkward na tanong ko sakanya habang hinihimas ko 'yung likod nya.

"Anything ba 'to? This is a hug." Tama naman sya. Can't really argue with her since she's a lawyer.

Lol.

We stayed like that for a minute. "Hmmm this is nice." Sambit nya habang nakasandal ang mukha nya sa balikat ko habang nakayakap pa rin sya sa'kin.

"Narda! Narda! Let's go for a swim na!" Rinig kong tawag ni Flo mula sa labas at kinakatok kami.

"Narda! Narda!" Paulit-ulit nyang tawag sa'kin. "Teka sandali magpapalit lang! Hintayin mo'ko sa labas!" Sigaw ko.

Tumigil si Regina sa pagkakayakap sa'kin pero nakaupo pa rin sya sa lap ko.

"You're really joining her?" Tumango ako kaya tumayo sya. "Then okay, go without me." Lah? Nagtampo? Di naman sya inaano.

Edi tumayo talaga ako.

"Wait, wear this." Sambit nya habang binibigay nya sa'kin 'yung kanina nya pa pala hawak-hawak na swimsuit.

"I just bought this earlier and i think this will fit you." Wow so thoughtful naman pala, naaalala ako kahit saan.

Kinuha ko 'yung swimsuit na binibigay nya at syempre nagpasalamat rin ako sakanya.

Mamaya nalang ako magpapalit since mamaya pa naman ako mags-swimming. Aayain ko lang naman si Flo na mag ihaw tas manood sya sa'kin.

At syempre para na rin makaalis ako sa pagyakap ni Regina kanina. May sexual tension na rin kasi akong nararamdaman kaya right timing na rin 'yung pagdating nya.

Since ala-una palang naman ng tanghali at wala pa rin kaming kain, puro chichirya lang kanina sa kotse eh magpapasama na ako kay Flo para bumili ng kakainin namin sa nearest palengke dito.

"Oh ba't ka nakaganyan?" Tanong ko kay Flo nang makita ko syang nakabihis na ng pang swimming.

"Eh diba nga we're going to swim na?" Maarte nyang sabi. "Tanga hindi mamamalengke tayo, magluluto ako ng tanghalian natin. Palit ka dun bilis!" Natatawa ako sa reaction nya kasi dissapointed na ewan.

"You're going to the market?"

"Ay jusmiyo marimar kabayo!" Gulat kong sigaw nang marinig ko ang boses ni Regina mula sa pintuan ng room namin.

"You called me horse again."

"Expression lang 'yun but oo pupunta kami sa palengke. Sama ka?" Alam ko naman na di sya sasama samin ni Flo since maarte sya kaya niyaya ko sya.

"Sure!"

"I knew it! wait what?" Ano ba naman 'to! "Florence is going with you kaya dapat kasama rin ako. Let me just get my wallet." Ito nanaman po ang dalawang batang sasama sa'kin.

Nagpaturo lang kami kung saan 'yung nearest palengke dito tapos sabi samin sakay lang daw kami bg tricycle paglabas namin dito tapos sabihin namin sa palengke lang kami.

40 lang daw bayad tatlo na kami.

Please give me strength para matiis 'tong dalawang batang kasama ko.











































To Be Continued...

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.1M 19.8K 45
Maaari kayang mainlove Ka sa taong bwisit sa araw araw na pag gising mo?! I hate it! I'm Inlove with an annoying person!
249K 9.7K 37
Rastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
246K 8.2K 52
anong ggawin mo kung yung taong mahal na mahal mo eh nakalimutan ka ng dahil sa isang insedente... tuluyan mo na ba siyang kakalimutan? oh mas pipil...
687K 15.6K 49
hang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hi...