Illicit Affair

By cc_chase

22K 1.2K 941

a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when th... More

CHARACTERS AND WARNING
PROLOGUE
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Darna's First Transformation
Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)
Chapter 4 - Case 1 CLOSED
Chapter 5 - Her Offer
Chapter 6 - Regina's Sexuality
Chapter 7 - Amusement Park Date
Chapter 8 - Era Salvador
Chapter 9 - New Worker
Chapter 10 - Night Date
Chapter 11 - Private Island
Chapter 12 - Bar
Chapter 13 - Babaeng Ahas
Chapter 14 - The Event PH
Chapter 15 - N Seoul Tower
Chapter 16 - Going Home
Chapter 17 - Seaside
Chapter 18 - Sudden Confession
Chapter 19 - Mix Signal
Chapter 20 - Jealousy
Chapter 21 - Bite
Chapter 22 - First Time
Chapter 23 - Engagement Party For Who?
Chapter 24 - What's on your Back?
Chapter 25 - What If
Chapter 26 - Dream
Chapter 28 - Beloved Regina
Chapter 29 - Architect
Chapter 30 - Beach
Chapter 31 - Drunk Regina
Chapter 32 - No
Chapter 33 - Kissing Valentina
Chapter 34 - Who are you?
Chapter 35 - Karaoke Night
Chapter 36 - Lost Necklace
Chapter 37 - Senior High Crush
Chapter 38 - The Last Fight
Chapter 39 - A mix of them
EPILOGUE
hello
Special Chapter

Chapter 27 - Do You Like Me?

414 26 9
By cc_chase

SINAMPAL NI REGINA SI FLO.

















































LAHAT KAMI NAGULAT sa ginawa ni Regina kaya agad kong nilapitan 'yung dalawa para di na sila magpang-abot pa ulit. "You bitch!" Pilit inaabot ni Flo si Regina habang si Brian at Ding nakaharang at hinihila papalayo si Flo kay Regina. Nakaharang naman ako kay Regina na baka mamaya dumagdag pa ng sampal kay Flo pero himalang kalmado sya after nyang gawin 'yun habang si Flo naman nag h-hysterical. "Brian dun muna kayo sa condo ko please. Kakausapin ko si Flo mamaya." Hindi ko naman ni-lock 'yung pinto ko sa condo kaya makakapasok sila.

Pagka labas nila pinaupo ko si Regina habang nagsasandok pa sya ng sinangag at itlog. "Teka lang! Can't you see na nagsasandok ako?" Taray ah!

"Ba't mo naman ginawa 'yun?" Si lola naman nakikinig samin habang nakaupo rin sya sa harapan ni Regina at kumakain. "Pasmado bibig nya eh."inirapan nya ako pagkatapos nya sabihin 'yun.

Well totoo naman wala namang ginagawa si Regina dito na masama and she even said na bestfriends lang kami so i'm assuming na never nya nang gagawin 'yung ginawa nya last time pati na rin 'yung ginawa namin sa condo nung gabing 'yun.

"Eh bakit kalmado ka pa?" Tanong ko ulit. "Gusto mo ba patulan ko? Papatulan ko." Tatayo sana sya pero hinila ko sya pababa para bumalik sya sa upuan nya.

"Regina." Tawag ni lola sakanya tapos sina-sign ko na si Regina ng "lagot ka." Kasi tumitingin sya sa'kin bago sya sumagot at nanlalaki rin 'yung mata nya sa takot siguro kay lola. "Po?" Sagot nya kay lola.

"Ano ba talaga kayo ng apo ko?" Holy shit i just choked in my own saliva sa tanong ni lola. Grabe biglaan? Ibang topic naman ata 'yan la!

"La!" Tawag ko kay lola and own way ko na rin para suwayin sya sa kung ano pang lalabas sa bibig nya.

"Po?" Diba maski si Regina napapa ulit nalang rin ng tanong kay lola. "Uulitin ko pa ba 'yung tanong ko iha?" Mataray na tanong ni lola sakanya pabalik.

"M-mag-kaibigan po kami ni Narda." Grabe bakit nandito pa ba ako? Para lang marinig 'yung indirect rejection nya sa'kin kahit hindi ko naman sya nililigawan?

"Ganon ba? Basta huwag na huwag mong sasaktan apo ko magiging ayos tayo lagi Regina." Sambit ni lola habang nakangiti sabay tusok ng tinidor nya ng madiin sa hotdog.

'Yung mukha ni Regina ngayon hindi maipinta, parang natatakot na ewan eh HAHAHAHAH!

Well, hindi na sya sumagot after that tapos iniwan ko na muna sila para puntahan si Flo sa kabila.

"Pupuntahan mo pa rin 'yung babaeng 'yun?" Medyo galit 'yung tono ng boses nya ngayon. "Kailangan Regina. Pagsasabihan ko na rin." Nakita kong tinarayan nya na lang ako gamit ang mga mata nya tapos sumubo na sya ng pagkain.

Pagpasok ko ng condo ko nakita ko na agad sila nanonood pa nga ng tv eh.

Pagkakita nila sa'kin pinatay nila 'yung tv tapos 'yung dalawang makulit din umalis para siguro bigyan kami ng privacy or ayaw nilang mapagalitan ko rin sila.

"Florence." Tawag ko sakanya. "Narda let me explain..." Malambing na sabi nya sa boses nya.

Kumuha ako ng upuan para umupo sa harapan nya at hindi sa tabi nya katulad nung ginawa sa'kin nila Ding kagabi.

Para syempre magmukha akong intimidating.

"Syempre alam ko naman kung anong ginagawa nyo and kung ano kayo, right?" Hindi ako sumagot at tumango nalang ako dahan-dahan.

"I'm just worried about my sister since ngayon engage na sila and also their reputation. Pag may iba pang nakaalam about this or makakita sainyo sa kung anong ginagawa nyo their reputation will fall down and mine too!" May point sya pero bakit naman malalaman ng iba kung walang magsasabi? Alam namin limitations namin ngayon at lalong-lalo na sa public.

Tsaka kelan pa ba sya naging worried sa sister nya? Era's a bitch nga raw diba?

"Look Narda, ayaw ko naman kayo mag separate ways or kung ano but please, kung hindi pa sila naghihiwalay ng kapatid ko know your limitations muna around her. Do you want to be her other woman?" Umiling ako.

"What you guys are doing is called illicit affair." She's not even married yet pero bawal naman talaga 'yung kung anong meron kami ni Regina.

Maski ako ina-admit ko.

"Pero hindi naman kasi tama 'yung hinala mo. Mag b-business trip kami sa province ko that's why she's here kasi susunduin nya na rin ako para hindi kami ma-late mamaya sa flight." I made her speechless and look down.

"Oh..." Ayan lang 'yung lumabas sa bibig nya pagkatapos kong sabihin 'yun. "Flo mas marami pa kasi akong kailangan gawin kesa sa lovelife ko."

"You're going away?" Iba naman 'yung sinagot nya sa sinabi ko. "Uh- oo." Sagot ko. "but for a month lang naman siguro or maybe 3 months? Depende kung kelan matatapos 'yung project dun or kailangan na naming bumalik." Tumingin sya sa'kin.

"That's so long! Can't she go there herself?" Para syang bata na pinipilit mag-stay 'yung mommy nya. "Ano ka ba Flo, assistant secretary nya ako natural ako isasama nya." Tumawa ako sakanya.

"Well okay, see you in 1 month or it depends months i guess." We both laughed together pero 'yung tawa nya sounds awkward for me or baka ino-over analyze ko lang talaga.

Pagkatapos naming mag-usap umalis na rin sya.

Dang it, hindi ko pala nasabi sakanya kung anong pakay nya sa'kin at bakit sya pumunta dito.

Paglabas nya pumasok na rin agad si Regina sa condo. Sinarado nya 'yung pinto.

Napansin ko na sya, papasok na sana ako ng kwarto para ilabas na 'yung gamit ko dito sa sofa pero io-open ko palang 'yung pintuan ko ng kwarto bigla nya akong niyakap patalikod.

"Regina..." Malambing na tawag ko sakanya habang naka back hug sya sa'kin at nakasandal rin 'yung chin nya sa shoulders ko.

"Hmmm?" Sagot nya sa'kin. Ang clingy nya talaga today and hindi ko alam kung magugustuhan ko ba na lagi syang ganito sa'kin sa situation namin ngayon o hindi eh.

I'm in between.

Humarap ako sakanya. "Alam mo na hindi pwede---" she peck a kiss on me while she's holding my waist. "Ano 'yun?" Tanong ko sakanya habang natatawa.

"I just showed you how attracted i am to you." Kasasabi ko lang na hindi pwede eh. She's really a stubborn woman.

Kumawala ako sa pagkaka hawak nya sa bewang ko, binuksan ko ang pinto ng kwarto ko tapos hindi ko sya pinapasok at sinaraduhan ko sya.

"You know that's not nice Narda!" Tumawa sya after that. Ngumiti rin ako afterwards tapos naligo na rin ako.

Suot ko ngayon is a nude color dress. Pagkakita nya sa'kin her mouth is half open. "You're so gorgeous!" Bungad nya sa'kin kaya nginitian ko sya softly.

"Thank you! Pero ano 'yung amoy na 'yun?" Inamoy-amoy ko kunwari ang buong paligid until maamoy ko sya kahit ambango-bango nya ngayon.

"Asim!" Her mouth is fully wide open now and looks offended kaya tumawa ako.

"Anong maasim?!" Inis nyang tanong sa'kin. "Ikaw!" Tinawanan ko sya. Ang cute nya magalit!

"I didn't ask kung sino, ang sabi ko ano!" Tinawanan ko lang sya nang tinawanan until sa mainis na nga sya sa'kin. "Stop laughing! Halika na sa bahay."

"Maghihintay nalang ako dito sa'yo." Sambit ko sakanya. "Pababalik-balikin mo pa ako? Let's go!" She's so pissed HAHAHAHAHA and it's still funny for me!

Syempre sinundan ko sya dala-dala 'yung maleta ko.

Di nga ako tinulungan ipasok sa kotse nya eh. Ganon siguro sya kainis sa'kin ngayon HAHAHAHAHA.

Pero okay lang atleast mission successful ako dun.

Pagdating namin sa bahay nila nandun pala si Era naghihintay sakanya.

"Oh hi my dear Regina! You're finally...." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Here."

"Why is the slutty secretary with you?" Tanong nya kay Regina sa  flirty voice nya pero nakatingin sya sa'kin with disgust. "Stop calling her slutty secretary." Mabait pa nga si Regina sakanya nito habang pinagsasabihan sya eh. Pasalamat nalang sya.

"Kiss me infront of her then i'll stop." Hinawakan ni Regina ng buong kamay nya 'yung mukha ni Era tsaka tinulak gamit 'yun.

"You wish, bitch." I was about to burst out on laughter kaya nang makarating kami sa kwarto ni Regina dun ko nilabas lahat ng tawa ko.

"I'll go shower na. If there's any problem just call out my name." Tumango ako sakanya tapos umupo ako sa may bed nya then humiga.

Kapal ng mukha ko sa part na 'to.

After nun nag-impake na rin si Regina. Onti lang naman nalagay nya since may mga ibang gamit na sya dito.

Di rin kasi sya mapirmi dito sa bahay nila, lagi rin syang umaalis kaya siguro hindi nya na naaasikaso.

Hinintay nalang namin dun mag 6pm, nanood kami ng movies tapos nagkulitan rin kasi syempre lulubos-lubusin ko na 'yung golden retriever energy nya ngayon dahil alam kong pag nasa Nueva Esperanza na kami bad mood nanaman 'to kay mayor for sure.

Tinapos namin 'yung movie na Twilight pero hanggang sa Eclipse lang kami since kailangan na namin gumayak.

Tinawag na ni Regina si Ali para ihatid kami sa airport.

Pagkasakay namin nag-usap sila. "I'll just buy you a plane ticket asap. Sumunod ka agad Ali ha?" Kahit naman nasakanya 'yung pambili ganyan sinasabi nya.

Sumagot si Ali ng yes tapos natahimik kami buong byahe.

Nang makauoo na kami sa seat namin sa eroplano tumawag muna ako kila lola para mag quick call at sinabi kong nandito na kami ni Regina sa may eroplano.

Pinakita ko si Regina tapos nag wave sya sakanila and nag smile. Pagka end ko ng call naging seryoso nanaman 'yung mukha ni Regina.

Sabi na nga ba eh, buti nalang na-enjoy ko 'yung golden retriever energy nya kanina.

"Narda." Tawag nya sa'kin. "Yes?" Sagot ko naman sakanya.

"Ano na 'yung kwento mo tungkol kay Brian?" Putek naalala nya pa 'yun?

"Gusto mo talaga malaman?" Tumango sya sa'kin in a cute way kaya pumayag akong ikwento basta sabi ko sakanya wag syang magagalit after.

Nag shake hands kami tapos nagsimula na akong magkwento.


























FLASHBACK











































GRADE 10 HIGHSCHOOL na kami ngayon nila Brian at ni beshie ko na si Mara. Dalawang buwan nang nakalilipas nang magsimula kaming mag-aral ngayong taon. "Beshie si Brian paparating oh!" Nasa cafeteria kami ngayon ng school namin. Sa private kaming tatlo nag-aaral dito sa Nueva Esperanza. "Asan?" Tanong ko. "Ayan uto-uto!" Hinampas ko si Mara sa braso nya. "Bakit mo ba nagustuhan si Brian besh? Mas marunong ka pa nga makipag suntukan kesa dun eh!" Sambit sa'kin ni Mara.

"Kailangan ba kapag lalaki eh marunong na makipag suntukan?" Sagot ko sakanya na sa huli ay may tanong rin.

"Hindi naman ganon besh, i mean paano ka nalang nya ipagtatanggol diba?"

"Eh hindi ko naman kailangan ng magtatanggol sa'kin. Kayang-kaya ko sarili ko tignan mo oh!" Tinaas ko 'yung uniform ko sa may braso ko tapos pinapakita ko sakanya 'yung muscle ko na wala namang lumalabas nang may biglang kumurot sa braso ko sa likuran ko.

"Payat nga eh!" Rinig kong asar ni Brian mula sa likuran ko tapos tumabi sya sa'kin.

Naalala ko kung bakit ko sya nagustuhan.

Una gusto sya ng nanay ko para sa'kin at close pa sila ni tatay.

Isa pa, gwapo rin naman si Brian kung hindi lang talaga basagulero.

Gustong-gusto ko 'yung buhok nya na malambot at laging nakaayos.

"Oy Narda ano? Ayos ka lang?" Tanong sa'kin ni Brian dahil natulala ako sakanya. "Hayan mo 'yan Brian ganyan talaga 'yan." Bwisit isa pa 'to parang hindi kaibigan eh. Onti nalang ibubuking na ako kay Brian na crush ko sya.

Well crush ko lang naman si Brian at wala rin akong balak sabihin sakanya dahil una aasarin lang ako nang aasarin nito, pangalawa baka wala kaming chance, pangatlo study first ako kaya hanggang crush lang at pang-apat ayaw kong masira friendship namin.

"Narda kilala mo ba 'yung transferee sa new section?" Tanong ni Mara. "Hindi eh, sino?"

"Kaya nga nagtatanong ako kasi di ko kilala!" Aba nahawaan na rin ng kalokohan ni Brian 'to?

"Kaklase ko, si ****** *********." Ang ganda at ang expensive ng pangalan, baka mamaya magkagusto dun si Brian.

Pero okay lang happy crush lang naman eh.





































END OF FLASHBACK



































































"AYUN LANG?" TANONG  NI  Regina nang matapos na akong magkwento. "Oo, bakit gusto mo pa ba?" Pabalik kong tanong sakanya. "Duh, no thanks. Kadiri naman ng "love story" nyo." Grabe naman 'to what if kaya i-pakwento ko sakanya 'yung "love story" nila ni Era? Emz, next time nalang baka mamaya tuluyan na 'tong ma-badtrip at mag-init sa galit. "So sino 'yung kaklase ni Brian?" Tanong nya sa'kin. "Ayun nga eh hindi ko na maalala kung sino." Tumango sya dahan-dahan. Bakit naman bigla syang nagka interest sa classmate ni Brian?

"Bakit nga pala di mo pinasabay si Ali dito satin?" Tanong ko sakanya para mabago naman 'yung topic namin.

"Can't you see that it's too crowded here?" Oo nga naman, ikaw kasi Narda eh.

Tinawag nya 'yung isang flight attendant tapos sinabi nya na gusto nya ng coffee kaya nakigaya na rin ako sakanya since nagising ako kanina alas singko na at di pa ako nakakatulog.

Who knows kung anong oras nagising si Regina kanina since bumyahe pa sya papunta sa'kin.

"Narda can i ask?" Ano nanaman 'to?

"Sure."

"Do you like me?" Ano bang mga tanungan 'to?

Buti nalang dumating 'yung flight attendant tapos sinerve samin 'yung coffee namin kaya na-interrupt kami.

Hindi ko rin kasi alam isasagot ko. Andito pa rin sa'kin 'yung fear of admitting sakanya na gusto ko sya.

Na baka gawin nya nanaman 'yung ginawa nya.

Hindi pa sana sya aalis ng condo kung hindi ko pa ginawa 'yun.

It feels so lonely tuloy pag umuuwi ako.

"So?"

"No ma'am." Ginamit ko na 'yung ma'am card pwede bang tumigil ka na sa tanong mo na 'yan?

"Then why did you kiss me back then?" Ayaw talaga tumahimik oh.

"I'm confusion po kasi nun ma'am."

"Confused." Pag correct nya sa'kin. Alam kong confused 'yun ma'am gusto ko lang patawanin ka tapos kalimutan mong tinanong mo 'yan.

"Same, hindi rin kita gusto. I just kissed you kasi i miss Era. Sorry for kissing you earlier pala ah? I see you as Era kanina eh." Wow, gumaganti ba sya?

Naghanap lang ba talaga sya ng paraan para gumanti sa'kin o ganon talaga nakikita nya sa'kin?

At anong nakain nya at naaalala nya sa'kin 'yung babaeng 'yun? Ni kanina nga mas malamig pa sya sa yelo nung nakausap nya si Era sa bahay nila.

Salamat sa mix signals ma'am ah, salamat talaga.

Sa lahat ng ibibigay mo na sobra sobra, mix signals at sakit pa. Bwisit talaga.

Matapos lang 'tong project na 'to magr-resign na talaga ako sa'yo isa nalang.

Wala na tuloy ako sa mood kaya hinintay ko nalang na medyo lumamig 'yung coffee ko para mainom ko tuloy-tuloy sa sobrang galit.

Nakakunot na 'yung kilay ko buong byahe namin at hindi ako nakatulog.

Di rin sya nakatulog pero sobrang tahimik sa seats namin.

Nakakainis, kahit sorry sa'kin dahil nasabi nya 'yun wala manlang akong narinig sakanya.

Teka bakit nga ba sya mags-sorry sa'kin?

Syempre ilang beses ka na nyang hinalikan Narda! Bulag ka talaga.

Tsk nababaliw na tuloy ako dito.

"We have just landed to Nueva Esperanza, thank you for flying with us." Rinig namin parehas na sabi ng flight attendant na nagsasalita kaya kinuha na ni Regina 'yung bag nya at nauna na since ako 'yung nasa window seat.

Ni hindi manlang ako tulungan kunin 'yung bagpack ko sa taas. Nakakainis talaga pride nitong babaeng 'to!

"I'll help you with that ma'am." Sambit nung flight attendant sa'kin tapos inabot 'yung bagpack ko. "Thank you!" Pagpapasalamat ko sa flight attendant tapos naglakad na ako papalabas ng eroplano.

Nakita ko sya dun sa may kuhaan na ng maleta.

"Ambagal mo." Wow ako pa talaga mabagal eh ikaw nga 'tong hindi nanghihintay porket sinabi ko lang na hindi kita gusto?

Hindi ba pwedeng denial lang at takot ma-reject?

Hindi ko na sya sinagot sa sinabi nya sa'kin tapos may sumundo samin...

"Richard!" Sigaw ko nang makapasok na kami sa kotse ni Regina na ginamit nya nung pumunta kami dito para bumyahe pa-maynila.

Richard chuckled tapos nagyakapan kami.

"Why are you in the front seat Narda? Sit here with me." Tawag sa'kin ni Regina.

Iniiwasan ko na nga sya dahil sa sinabi nya tapos ngayon gaganyan nanaman sya.

Grabeng pagka mix signal 'yan oh.

"I refuse ma---"

"Isa."

The next thing i knew katabi nya na ako dito sa back seat ng kotse.

"Okay na ba kayong dalawa? Drive na ako." Nagpaalam pa samin si Richard bago sya magsimulang magmaneho tapos tinuturo ni Regina 'yung daan papunta sa mansyon nila dito sa Nueva Esperanza.

Eh saan pala pinark ni Richard 'yung sasakyan ni Regina?

Ah basta that doesn't matter, mapagkakatiwalaan naman si Richard.

"Ihatid mo na muna ako Richard sa bahay namin, alam mo naman kung saan 'yun diba?"

"Oo naman."

"No, diretso tayo sa bahay." Pag interrupt ni Regina sa usapan namin ni Richard.

"Hindi Richard ano, hatid mo nalang muna si Regina sakanila tapos ako naman ihatid mo." Sagot ko ulit.

"I won't allow na gamitin mo 'yung kotse ko na kayong dalawa lang."

"And why is that?"

"I don't trust you." Sagot nya sa tanong ko. Ako nanaman?

"Sige ibaba mo nalang ako dito sasakay nalang ako ng tricycle. Kabisado ko naman na 'to."

"Don't listen to Narda, Richard or you're fired."

"Pababain mo nalang sabi ako Regina, ayaw kitang kasama."

"And why?"

"Alam mo sa sarili mo 'yung sagot."

"Oh talaga? And why did you tell me that---"

"Shut up!"

"Make me!"

What the---

Parehas kaming natigil sa pagsasalita namin at nanahimik kami dito ngayon sa loob ng kotse.

Ang init ng mga sagutan namin kanina tapos sasagot sya ng ganon? Baliw ba sya?

Tumingin kami sa harap ng sabay after naming magtinginan habang nagsasagutan.

Tanging naririnig namin ay 'yung pag clear ng throat ni Richard at 'yun lang rin 'yung nag c-cause ng ingay dito sa kotse ni Regina at the moment.

Nang makarating na kami sa bahay ni Regina tahimik pa rin kami parehas tapos nagpaalam na rin si Richard tapos may biglang nag doorbell.

Gabing-gabi na may bisita pa rin? Sino nanaman kaya 'to?

Naglakad kami papunta sa gate tapos nakita namin si...

"Surprise!"

Noah.















































To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

318K 11.3K 65
Here we are, you tell me I'm the only one who makes you feel loved. I realized, when you touch me its like nothing I have known, could I let you go?
105K 1.7K 56
Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niy...
84K 3.7K 34
Apat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my r...
96.7K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...