Illicit Affair

By cc_chase

22K 1.2K 941

a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when th... More

CHARACTERS AND WARNING
PROLOGUE
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Darna's First Transformation
Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)
Chapter 4 - Case 1 CLOSED
Chapter 5 - Her Offer
Chapter 6 - Regina's Sexuality
Chapter 7 - Amusement Park Date
Chapter 8 - Era Salvador
Chapter 9 - New Worker
Chapter 10 - Night Date
Chapter 11 - Private Island
Chapter 12 - Bar
Chapter 13 - Babaeng Ahas
Chapter 14 - The Event PH
Chapter 15 - N Seoul Tower
Chapter 16 - Going Home
Chapter 17 - Seaside
Chapter 18 - Sudden Confession
Chapter 19 - Mix Signal
Chapter 20 - Jealousy
Chapter 21 - Bite
Chapter 22 - First Time
Chapter 23 - Engagement Party For Who?
Chapter 24 - What's on your Back?
Chapter 25 - What If
Chapter 27 - Do You Like Me?
Chapter 28 - Beloved Regina
Chapter 29 - Architect
Chapter 30 - Beach
Chapter 31 - Drunk Regina
Chapter 32 - No
Chapter 33 - Kissing Valentina
Chapter 34 - Who are you?
Chapter 35 - Karaoke Night
Chapter 36 - Lost Necklace
Chapter 37 - Senior High Crush
Chapter 38 - The Last Fight
Chapter 39 - A mix of them
EPILOGUE
hello
Special Chapter

Chapter 26 - Dream

404 24 14
By cc_chase

"WHAT IF AKO SI VALENTINA?"











































ANO 'TO CONFESSION? "Ano ka dyan wag ka nga magbiro ng ganyan!" Sambit ko habang tinatawanan ko sya awkwardly thinking na binibiro nya lang ako. "Hindi nga, i'm dead serious. What if ako si Valentina?" Tanong nya ulit sa'kin. "Edi i'll ask you kung bakit mo ginagawa 'yung mga 'yun at pipilitin kong intindihin kung valid naman 'yung reason mo." Hindi ko kasi kayang kalabanin ka kung ikaw si Valentina kaya mas gugustuhin ko na intindihin at unawain ka kesa naman mawala ka sa'kin.

"Makes sense."

"Pano mo pala nakilala kung sino si Valentina?" Fuck here we go again! Another mistake!

"Ah ano diba sinabi mo na 'to sa'kin?" Buti nalang naalala ko 'yung moment na 'yun kaya na-convince naman sya agad.

"You really do have a great memory don't you?" She laughed cutely kaya sinabayan ko sya.

Bakit lahat ng ginagawa nya eh cute para sa'kin?

"Bakit mo pala natanong nanaman 'yan?"

"Wala lang, syempre i'm your bestfriend so if ever kaya mo ba akong tanggapin?" Ahh bestfriend tapos nag gaganunan?

"Oo naman pero syempre it'll take me some time alam mo 'yun?" Tumango sya sa'kin.

Simple conversation of ours pero sobrang deep. Feeling ko may tinatago pa rin sya sa'kin na mas malalim kesa dun sa engage na sila ni Era.

Baka hindi ko kayanin kung malalaman kong sya si Valentina pero alam ko naman na hindi sya 'yun since anlayo-layo nya sa babaeng ahas na 'yun.

5:30pm na nang ihatid nya ako sa condo ko, umalis na sya sa harapan ng pintuan ko at akmang isasarado ko na sana pero hinatak ako ni Ding papasok sa kabila.

"Hoy 'yung pintuan bukas pa!" Sigaw ko sakanya. "Kuya Brian sarado mo po 'yun." Oh bakit ang seryoso naman nitong loko na kapatid ko? May ginawa ba akong masama? Dapat ba akong kabahan? Hmmm.

Pagpasok namin sa condo nila pinaupo nila ako sa couch tapos 'yung upuan na ginagamit nila para kumain sa kusina dinala nila sa harapan ko at umupo silang dalawa.

"Ano ba kayo ni ate Regina?" Bungad na tanong ni Ding sa'kin. "Anong ano? Baliw ka may fiancé 'yung tao." Sagot ko sakanya. Hirap pa ako banggitin 'yun pero sana hindi nahalata.

"Engage na nga eh tapos may mga night outs pa kayo? May gusto ka ba sakanya?" This time si Brian naman nagtanong sa'kin na mukhang galit.

"Wala akong gusto sakanya, tsaka akala ko ba boto kayo sakanya?"

"Boto kami nung wala pa syang fiancé. Nako ate sinasabi ko sa'yo." Nagpapalitan lang sila ni Brian ng salita na parang pinag-usapan nila kung paano ako ia-approach.

"Tigilan nyo na si Narda, malaki na 'yan." Sambit ni lola na nagsasaing sa kusina. "Eh kasi la ayaw lang namin masaktan 'tong si Narda." Sagot ni Brian kay lola.

Di na umimik pa si lola pero nandito pa rin ako nakayuko habang iniisip mga desisyon ko sa buhay kung tama ba mga ginagawa ko o mali na.

"Ate ayaw ka lang namin masaktan." Tumingin ako kay Ding at ngumiti. Pati pala 'yung party na 'yun binalita sa tv 'noh? Nationwide pala talaga o baka mamaya worldwide pa.

"Alam ko naman ginagawa ko katulad ng sinabi ni lola malaki na ako." Sasagot pa sana si Brian pero nagsalita na kaagad ako bago pa nya mabuka bibig nya.

"Ayos lang ako." Kahit deep inside nasasaktan na ako. Kahit minsan hindi ko na alam kung tama pa ba ginagawa ko at ipagpapatuloy ko pa ba.

"Dito ka na matulog ate tabi-tabi tayo nila kuya dito ngayon sa sala."

"Oy sama rin ako!" Sigaw ni lola samin kaya tumawa ako sakanila. "Ay la opo nga po pala flight namin ni Regina bukas 6pm sa Nueva Esperanza." Napatingin sila sa'kin lahat tapos si lola na nagsasaing napapunta sa kinauupuan ko.

"Ha? Anong gagawin nyo dun?" Tanong ni lola pagkalapit na pagkalapit nya pa lang sa'kin. "May project po kasi new branch ng V oil. Ano Brian sama ka ba?" Tanong ko kay Brian as if naman sasama sya para iwan work nya dito.

"Sunod nalang ako kapag one month na kayo dun or matapos ko na 'yung work ko dito." Oh diba sabi ko na nga ba eh. "Ilang araw pala kayo dun?" Tanong ulit ni lola. "Hindi ko pa alam lola eh. Hindi round trip 'yung binili ni Regina na ticket so baka magtagal kami dun."

"Ganon ba? Edi sabihin mo kay Regina dito nalang sya matulog ngayon---"

"La!" Sabay na sabi ni Ding at Brian kay lola. "Ano?!" Pagalit na tanong ni lola sa dalawa dahilan para matawa ako sakanila. "Tigilan nyo na nga 'yang kahibangan nyong dalawa pati si lola dinadamay nyo." Awat ko sakanilang tatlo.

"Pero apo, tawagan mo si Regina at sabihin mo dito na kamo sya matulog para na rin hindi kayo ma-late bukas."

"La engage na nga 'yung tao po." Nag face palm si Ding pagkatapos nyang sabihin 'yan kaya biglang kumunot ang noo ni lola. "Ano bang problema dun eh magkaibigan lang naman ang ate mo at si Regina? Kayo lang naman nag-iisip ng malisya!"

Tinawanan ko ulit si Ding at Brian kasi napagalitan sila ni Lola. "Ayan diba ang kukulit nyo kasi." Sambit ko sakanila pabulong pagkaalis ni lola sa pwesto namin para tignan 'yung sinaing nya.

"Basta ate ayoko na makita kang nakadikit dyan kay ate Regina baka mamaya ikaw pa mayari dyan." Tama naman si Ding pero there's something in me na hindi ko kayang layuan rin si Regina.

'yung kahit pilitin ko pa na lumayo sakanya eh hindi ko talaga kaya? O baka lang kasi sarili ko rin pinipigilan ko para hindi lumayo sakanya.

Alam ko naman na at the end of the day ako ang masasaktan at kung ako 'yung pipiliin ni Regina, Si Era naman ang masasaktan.

It's either i choose myself or i choose Era's happiness.

Isa pa laging worried si Regina kung what if sya nga talaga si Valentina kahit alam naman namin parehas na hindi sya kaya kailangan ko ring imbestigahan kung bakit sya 'yung tina-target ni Valentina.

Kung si Regina lang ba 'yung dinadalaw ni Valentina sa panaginip nya?

Naalala ko nung sa office, 'yung mga mata nya parang gusto akong tuklawin kahit nasa Narda form ako at wala naman akong ginagawang kasalanan sakanya.

'yung mga mata nyang nakakamatay at nakakapangamba.

Narealize ko rin na marami pa akong dapat asikasuhin kesa sa shitty lovelife ko na 'yan, makakapaghintay naman 'yan eh.

Pero there's this feeling of mine na natatakot mawala si Regina sa'kin kasi feeling ko at any moment or anytime pwede syang mawala.

Hindi ko alam kung paano sya mawawala pero feeling ko talaga may ganon na mangyayari.

"Kain na!" Sigaw ni lola samin habang nilalagay nya 'yung kanin na sinaing nya kanina sa lamesa. "Ate kain na daw." Sambit ni Ding sabay patay ng tv at tumayo bitbit ang upuan na nilagay nya sa harapan ko kanina.

"Ano apo tinext mo na ba si Regina?" Tanong ni lola sa'kin sa malambing nyang boses. "Hindi pa po. Wag na natin istorbohin si Regina la." Inakbayan ako ni Brian at tinapik-tapik nya 'yung braso ko. "Right decision." Tapos kinindatan nya rin ako.

Kadiri naman 'to jusme!

Pagka-upo ko sa upuan sa harap ng lamesa para kumain tinabihan ako ni Brian. "Ayan la ang i-ship natin, Kuya Brian at Ate Narda." Hinampas ko si Ding sa braso nya. "Aray!" Sambit nya habang nakangiti.

"Puro ka kalokohan! Lahat nalang talaga ng nakikita mo eh 'noh? Isa pa dyan!" Tumawa silang tatlo dahil sa mukha kong naiinis kay Ding. "Eh bakit ate dati mo namang crush si Kuya Brian ah!"

"Ding!" Kinunutan ko sya ng kilay sabay sama ng tingin sakanya. "M-may gusto ka sa'kin dati?"

"Wag kang feelingero Brian Robles, iba 'yung gusto sa crush." Inirapan ko sya. "Nagagaya na kay Regina ugali mo, ansungit mo na."

"Di ako masungit sadyang facts lang sinasabi ko." Nadamay nanaman si Regina sa usapan namin, kainis talaga ayaw nila tantanan 'yung taong wala naman dito.

"So ano totoo nga?" Makakatakas pa ba ako? Eh sinabi na nitong mokong na kapatid ko eh!

Di ko nalang pinansin 'yung tanong nya since alam naman na nya 'yung sagot. Jusme balak pa atang pag friendship over-in kami nitong kapatid ko.

Awkward na tuloy magiging situation namin nito everyday tapos dito pa sya nag s-stay sa condo nila lola.

Hindi ako kumikibo sa mga sinasabi nila tapos nung natapos na akong kumain tumayo ako tapos hinugasan ko labg 'yung pinagkainan ko at bumalik na ako sa condo ko.

Nakakaasar talaga at nakakawala sa mood. Bakit kasi kailangan pang ibalik 'yung past ko? Chismoso kasi si Ding eh di naman dapat nya malalaman na may gusto ako dati kay Brian.

Pumasok ako sa kwarto ko but the moment na isarado ko na 'yung pinto sumakit nanaman 'yung likuran ko na parang katulad nung sakit nung meron pa akong tuklaw ni Valentina sa likod.

"Ouch." Mahinhin kong sabi sa sarili ko pero pinasawalang bahala ko nalang since baka hindi pa sya fully healed at hindi naman siguro ganon kailangan pansinin.

Pagkahiga ko ay ipinikit ko na 'yung dalawang mata ko at natulog.

"Narda?" Tawag sa'kin ng isang pamilyar na boses. "Narda?" Tawag ulit nito sa'kin kaya tumayo ako sa hinihigaan ko at binuksan ko 'yung pintuan.

Si...

"Valentina..." Paano nya ako nahanap dito? "So you do remember me, Darna." Kilala nya ako? Kilala nya pagkatao ko? Paano?

"Narda! Help!" Tumingin ako sa gilid ko at nakita kong nagbago 'yung place. Papaano nagbago?

"Regina!" Tatakbo sana ako papunta kay Regina pero hinarangan ako ni Valentina. "Pakawalan mo sya!" Nakakulong sa hawla na malaki si Regina at nanghihingi sa'kin ng tulong.

"Sa tingin mo ba hahayaan ko kayo magkaroon ng happy ending?" Tumawa sya like evil dahilan para matakot ako sakanya.

Para matakot ako sa kapakanan ni Regina.

Lumapit si Valentina kay Regina at...

Tinuklaw nya ito.








































"REGINA!!!" NAGISING AKO pagkatapos kong isigaw ang pangalan ni Regina. It's just a dream pero it feels so real. Mukhang kailangan ko nang bilisan ang paghahanap sa real identitiy ni Valentina para na rin sa kapakanan ng lahat ng tao pati na rin sa kapakanan ni Regina. Ambilis ng tibok ng puso ko ngayon kaya hinawakan ko 'yung dibdib ko. Nagsisimula na akong magkaroon ng masamang panaginip tungkol kay Valentina katulad kay Regina. Should i check up on her? Baka mamaya totoo rin 'yung napanaginipan ko katulad nung kay Regina.

Hindi, p-protektahan naman sya ni Ali at siguro ng tatay nya.

Kumalma ka muna Narda.

Tumingin ako sa orasan at alas-singko palang pala ng madaling araw.

Pero papaano na ako makakatulog nito ulit eh nag-aalala ako kay Regina?

Siguro nga mas better kung tatawagan ko sya.

Kanina pa ako dial nang dial sa phone number nya pero hindi nya sinasagot.

Baka naman busy lang? Wag ko na kaya masyado i-overthink?

Alas-singko ng madaling araw? Busy?

Puntahan ko na kaya--- may nag doorbell.

Sino naman kaya 'to?

Binilisan ko 'yung lakad ko para makita kung sino tapos sumilip ako sa peephole.

Si Regina!

Binuksan ko kaagad 'yung pintuan nang makita ko sya sa peephole tapos niyakap ko sya agad. "Hey?" Natatawa nyang sabi. Narinig nya akong umiiyak kaya nagseryoso sya at tumigil sya sa pagtawa. "What's wrong Narda?" Tanong nya sa'kin.

Pinapasok ko sya sa loob tapos sa kwarto ko kami nag-usap. Umupo kami parehas sa kama ko.

"Can you tell me what's wrong?" Ulit nya sa tanong nya sa'kin kanina. "Akala ko kinuha ka na nya." Sambit ko sakanya habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Kinuha nino?" Tanong nya ulit sa'kin. "Valentina." Tumawa sya, "pano naman ako makukuha nun eh baka mainlove pa nga sa'kin 'yun?" Tumawa at napangiti ako sa sinabi nya.

Kayang-kaya nya talaga pabaguhin 'yung mood ko eh 'noh?

"See? Ang ganda mo kaya pag nakangiti ka, wag ka na umiyak ha?" Tumango ako sakanya habang sya nakahawak sa dalawa kong pisngi. "Bakit ka nga pala nandito?" This time ako naman nagtanong sakanya. "I just wanted to check you if you're doing fine. I had a dream earlier." I got interested sa sinabi nya at pinunasan ko na rin 'yung luha ko. "What dream?" Tanong ko ulit sakanya.

"You might get scared." Umiling ako. "No, hindi. Tell me kung anong panaginip mo." Pagpupumilit ko sakanya.

"I saw Valentina choking you..." So parehas pala kami ng panaginip? Pero ang difference naman ng panaginip namin 'yung akin nakakulong sya sa cage pero mas mabuti sigurong hindi ko na sabihin sakanya para hindi sya matakot.

"I got scared kaya pinuntahan kaagad kita dito. I hope hindi kita naistorbo at nagising?" She smiled at me awkwardly. "Hindi naman, kagigising ko lang rin nung nag doorbell ka so it's all fine."

"Matutulog ka pa ba? Dito ka na matulog tapos lalabas nalang muna ako para manood ng tv." Tumayo na ako para pumunta na sa sala at manood ng tv ngayong umaga pero niyakap nya ako habang nakatalikod ako sakanya para na rin pigilan siguro ako umalis sa kwartong 'to.

"Stay." Gustong-gusto nya siguro na nasa tabi nya lang ako kaya lagi nya akong sinasabihan na mag stay.

"Hindi ka ba inaantok? Baka maingayan ka lang sa'kin?" Tanong ko sakanya tapos humarap ako sakanya pero nakayakap pa rin sya sa'kin.

Tumangad sya sa'kin para tignan ang mukha ko habang nakayakap sya sa may bandang tyan ko.

"No, stay here." Ang clingy nya today ah tapos maya-maya o di kaya kinabukasan ang cold nito pustahan.

Alam ko na style mo Regina napaka mix signal mo eh pero syempre kikiligin ako kasi uto-uto ako eh.

Oh diba pati sarili ko basang-basa ko na.

Humiga kami parehas pero sya humiga sya sa may chest ko then nagkwentuhan kami.

"Do you have a first love?" Tanong nya sa'kin. Sya naman first love ko pero torpe ako na sabihin na sya. "Wala." Tinignan nya ako. "Liar!"

"Aba wala nga!" I chuckled. "Eh first crush?" Sabihin ko ba? Crush lang naman tsaka matagal naman na 'yun so ngayon wala nang malisya diba? Sige sabihin ko.

"Si Brian." Umalis sya sa pagkakahiga sa chest ko ng mabilis. "What?!" Galit nyang sabi and at the same time gulat rin. "Oo, bakit?"

"You mean Brian Robles?!" Pasigaw na nyang sabi ngayon. "Hinaan mo boses mo baliw ka ba nasa kabila lang 'yun!" Tumayo sya. "Oh san ka pupunta?"

"I'm going home. Bahala ka sa buhay mo." Sinundan ko sya para pigilan sya. "Teka teka! Hoy! Anyare sa'yo?!"

Binuksan nya 'yung pinto at patuloy syang naglakad hanggang sa nasa sala na kami.

"Magk-kwento ka nalang tapos bestfriend mo pa pala first crush mo! Kainis ka!"

"Eh ano bang problema dun?" Nilapitan ko sya. "Dati lang naman na 'yun so technically ex crush ko na si Brian." Mukha syang galit na ewan ngayon. "Ewan ko sa'yo Narda nakakainis ka!"

"Ba't ka ba nagagalit?"

"Wala!"

"Gusto mo ba ikaw first crush ko?" Nag pout sya sya sa'kin habang nakakunot 'yung kilay nya at nakatingin sya sa ibang direksyon tapos tumango sya.

She's so damn cute!

"AHAHHAAHAH!" Tinawanan ko sya, ewan ko kung bakit pero kasi ayan 'yung lumabas sa bibig ko bigla dahil siguro sa pag pout nya at pagseselos nya.

"Ba't ka tumawa?!" Galit nyang tanong nanaman sa'kin. "Ang cute kasi magselos ng baby-ma'am ko." Akala mo nakalimutan ko na 'yun ah.

"I told you to stop calling me that cringey ass nickname!" Sinusungitan nanaman ako kasi nagseselos. What if ako rin magselos kay ano? Eme!

"Oh sige na kumalma ka na dyan."

"Bago ako kumalma, tell me the whole story bakit mo naging crush si Brian." Ito naman si baby-ma'am parang crush lang halos mabaliw na. Buti nga di ko sinabing gusto eh baka mamaya mahimatay na 'to.

"Mamaya na sa eroplano para may topic tayo dun." She glared at me. "Walang magagawa 'yang tingin mo sa'kin. Help yourself kung nagugutom ka o pumunta ka sa kabila, mag-iimpake na ako." Akala mo makukuha mo ako sa ganyang tingin mo ah.

She shrugged kaya i silently laughed at her. She's so cute to the point na i wanna pinch her cheeks so bad!

Grabe sya mamula sa selos kanina jusme.

Nag-impake na ako ng halos tatlong oras, dadalhin ko 'yung maleta ko since hindi ko naman alam kung gaano katagal kami dun. Probably matatagalan pa nga kami since itatayo pa 'yung branch dun tapos mag l-launch pa tsaka mawawala ba 'yung mga opening event na 'yan pag nabuksan at natapos na 'yung branch sa Nueva Esperanza?

Hopefully magkaroon ng sembreak sila Ding sa school nila para paluwasin ko sila ng Nueva Esperanza.

Hihingiin ko na rin pala 'yung house key kila lola para dun ako mag stay sa bahay namin sa Nueva Esperanza.

Nam-miss ko na rin kasi 'yung presence dun lalo na't marami kaming memories dun nila Ding, Lola, Nanay, at Tatay.

Hindi ko na rin ii-inform sila Beshie, is-surprise ko sila sa pagdating ko dun.

"Narda! Si Florence ba 'yun at si Regina nag-sasagutan sa kabila!" Tawag ni Brian sakin. Hindi siguro ni-lock ni Regina 'yung main door ko kaya nakapasok sya dito sa condo pati na rin sa kwarto ko.

"Ha?! Bakit daw?!" Tanong ko sakanya pagtayo ko. "Hindi ko rin alam! Bilisan mo mukhang magpapatayan pa ata sa bahay ni lola!" Tumakbo ako palabas at nakita ko si Regina na may plato pang hawak tapos nilapag nya sa table habang nagsasagutan sila ni Florence na nakatayo sa harapan nya.

"Why are you even here? Aren't you engaged to my sister?!" Sosyal na kalmadong galit na sabi ni Flo kay Regina.

"It's none of your business, Florence." Kalmadong sagot naman ni Regina sakanya. "Are you flirting with Narda? Does Era knows this?"

Sinampal ni Regina si Flo.





























To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

39.2K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
456K 17.4K 43
A story in which an ordinary fan sleeps with her rockstar idol. Question is ... Can she go back to her ordinary self after Glaiza De Castro rocked h...
121K 3.7K 54
A-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018
96.9K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...