How to Seduce a Hunk Again [B...

Autorstwa xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... Więcej

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapter 21: The Plan (Part 2)

12.2K 762 84
Autorstwa xxxRavenJadexxx

Hindi ko inasahan na lalabas na natural ang pagkukunwa-kunwang maging kidnapper nito ni Joaquin. Kahit nakapikit ang mga mata ko'y pilit kong iminumulat ito to have a clear view on what's happening. Habang nangangatog sa takot itong si Joaquin version 1, si Mick nama'y parang tigre kung makatitig sa akala niya'y totoong kidnapper namin.

"Anong kailangan mo? Ba't mo kami dinalang lahat dito?" tanong ni Mick habang nakataas ang mga kamay niya sa mahigpit na utos ni Joaquin.

"Anong tingin mo?" pagngiti ni Joaquin version 2 na parang matsing. "Wala ka ng pakialam dun."

"Huh? Lahat ng kidnapper na halang ang kaluluwa e naghahanap ng kapalit. Pera naman ang habol mo diba? Ba't sinama mo pa kami ng pamangkin ko sa katarantaduhan mo? Pati ang isang 'to binitbit mo?" turo niya kay Joaquin sa likuran niya. "Yung lalaking iginapos mo, 'yan ang mapera. Wala kang mapapala sa 'min dahil hindi kami mayaman.

Aba, tarantadong Zanmiks 'to ha? Ako talaga ang ireto mag-isa sa kidnapper? Mukhang naghahanap siya ng lohikal na rason kung bakit dinukot kami. Ang kidnapper nga naman e may hinihiling na malaking kapalit in a form of money, treasure o kahit anu pang kayamanan kaya siguro siya nagtaka kung bakit apat kaming dinukot laban sa iisang tao.

Hindi kaagad nakasagot si Joaquin version 2 sa patutsada ni Mick. Hindi namin napagpraktisang maigi ang gagawing palabas kaya malamang kung sa malamang e bistado kami kapag may nabanggit kaming isang pahayag na hindi kapani-paniwala sa Zanmiks na 'to. Iniisip ko na lang na sana'y makahanap itong si Joaquin ng palusot para mas maging kapani-paniwala ang palabas na 'to.

"Kung iputok ko na kaya ng diretso sa bungo mo ang bala ng baril na 'to ha?" nagngingitngit sa galit na turan ni Joaquin sabay tutok ng bibig ng baril sa nuo ng walang kamuang-muang na si Mick. "Ikaw ang tarantado Pare! Hindi ako tanga para kindapin kayo ng walang dahilan. Hindi mo ba alam kung sino ako?"

Pakunot nuong tinitigan ni Mick ang mabangis na parang Tigreng si Joaquin version 2.

"Sino ka nga ba?" mahina ngunit pagalit na turan ni Mick.

Nangiting parang matsing muli si Joaquin sabay layo ng baril sa nuo ni Mick. "Wala ka bang alam? Hindi ba nasabi sayo ng pamangkin mo tarandatado ka? Ako si....." pagputol niya.

Si Alex nama'y kanina pa emote ng emote. Minsa'y gusto ko na siyang sapukin dahil hindi siya nakakatulong. Nakakarindi 'yung pag-ungol niya na kunwari'y gustong makatakas. Hindi kaya dapat ganun ang acting ng totoong hostage dahil more on mas takot sila kesa sa nagpapapalag at lumikha ng nakakarinding ingay. Buti na lang at hindi masyadong pansin ni Mick ito dahil deadma lang si Joaquin version 2 sa pagka-OA niya.

"Ako ang kukuha sa kayamanan ni Corazon Saavedra. Details? Alamin mo! At para maisakatuparan ko 'yun, kelangan ko ang mga taong magbibigay sa 'kin ng ideya kung saan nakatago 'yun."

"Walang alam ang pamangkin ko diyan. Si Jace lang ang kailangan mo. Pakawalan mo na kaming lahat. Iyong iyo na si Jace," si Mick.

Tarantado talagang Zanmiks na 'to. Kung may lakas lang ako ng loob o kaya'y hindi ako nakapagtimpi'y baka tumayo ako agad agad sa kinasasandalan ko para lumapit sa kanya at bigyan siya ng isang malupit na uppercut para malaman niya kung anong pinagsasasabi niya.

"Anong walang alam? Hindi mo ba alam na si Alex ang susi ng lahat ng 'to? Kailangan ko siya kaya wala kang ng magagawa. Kung gusto mong mabuhay, mabuti pang umalis ka na kasama ng 'pet' mo," pasigaw niyang sabi sabay turo sa likod ni Mick.

"Pet? Grabe ka!!" pagpalag ni Joaquin version 1.

"Bakit may reklamo?" sagot ni Joaquin version 2 sabay tutok ng baril sa isa.

"Wala, he-he. Pasensya na boss."

Matalino 'tong ka-triplets ko, kung totoo man 'yun. Paniwalang paniwala kaagad si Mick at mababasa 'yun sa hitsura ng mukha niya. Importante nga naman si Alex sa equation ng misyon na 'to kaya wala siyang magagawa para bawiin pabalik ang maldita niyang pamangkin. Sana nga'y mapapayag ang Zanmiks na 'to na tumakbo na lang palayo at hayaan na kaming maglakbay kasama si Alex kung saan man kami tangayin ng misyong ito. Knowing Mick, mukhang malabo niyang iwanan ang pamangkin niya sa ganitong bingit ng kamatayan.

"Ano pang hinihintay niyong dalawa? Umalis na kayo baka magkamali ako sa paghawak ng baril na 'to at maputok ko 'to sa mga mukha niyong tarantado kayo!"

Hindi man lang gumalaw si Mick habang si Joaquin na nasa likuran niya'y kinakalabit na siya upang umalis ng lugar. He's torn about staying or leaving dahil hindi nga naman niya pwedeng iwan na lang ang pamangkin niya sa ganung sitwasyon.

"Sasama ako. Tutulungan ko kayong mahanap 'yung kayamanan. Payagan mo lang ako, wala akong gagawing masama," medyo walang emosyong pagkakasabi ni Mick.

Nagulat ako sa suhestiyon niyang 'yun. Instead na tumakbo palayo ay nagvolunteer na lamang siyang tumulong sa paghahanap ng kayamanan. I don't know if it's a good thing or bad pero that's a clever idea para mailigtas niya ang pamangkin niya. Kung ako ang nasa posisyon ni Mick e baka tumakas na lang ako sabay tawag ng pulis para mahuli ang kumidnap sa pamangkin ko at mailigtas sya. I never thought na maiisip niyang sumama sa kidnaper ng kanyang pamangkin para matunton ang pinag-aagawang kayamanan.

"Bakit Mick? Umalis na tayo, ano bang nasa isip mo?" pangungulit ni Joaquin version 1 na tila hindi pabor sa sinabi ng kaibigan.

"Kung gusto mong umalis, umalis ka na. Sasama ako sa kanila!" pagsigaw niya sa takot na takot na kaaway ni Alex.

Itinutok muli ni Joaquin version 2 ang baril sa noo ng noo'y walang emosyong si Mick. "Ano ako? Tanga? Baka mamaya niyan itakas mo na lang ang mga bihag ko ng hindi ko namamalayan."

"Pangako.... hanggat hindi natin nakukuha ang gusto mo, hindi ako aalis para tumulong."

"At paano ako nakakasiguro? Ba't mo naman gustong sumama aber?" tanong ni Joaquin version 2 na tila naghahanap ng kumpirmasyon.

"Para sa pamangkin ko, may iba pa ba?"

Ulirang Tiyuhin talaga itong si Zanmiks. Alam kong galit din siya sa pamangkin niya sa ginawa nitong kapalpakan nung mag-date kami pero handa pa rin niyang ibuwis ang kanyang buhay para dito. Parang tunay na kapatid na rin kase ang turing niya sa haliparot na si Alex.

"Pag-iisipan ko," sagot ni Joaquin version 2. "Wag kang pakakasiguro dahil hindi ako madaling magtiwala sa taong gaya mo."

"Sasama ako.... bigyan mo ako ng chance para tumulong sa inyo. Please," dagdag ni Mick.

"Ano ka ba Mick? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Mamaya patayin tayo ng criminal na 'yan e. Muntik na niya akong patayin kanina," pagsitsit niya kay Mick na rinig na rinig naman naming lahat.

"Baka gusto mong tuluyan na kitang patayin 'pag hindi ka pa tumahimik tarantado ka?!" pagsigaw niya sa katukayo niyang takot na takot.

"Sorry po... sorry po.... hindi na mauulit... sorry po" takot na takot na sambit ni Joaquin version 1.

Kumbinsido itong si Mick na sumama at tumulong sa 'min. Kung ako'y nasa posisyon ni Joaquin version 2 e baka payagan ko na rin si Mick na sumama, pero masyadong delikado dahil hindi ko alam kung anong naglalaro sa isipan ng taong pinapasama ko. Kilala ko si Zanmiks pero hindi pa lubos na kilala kaya may air of mystery din akong nararamdaman sa kanya.

"Hoy pangit!" satsat ni Joaquin version 2 sa katukayo niya.

"Ako?!" sagot naman nung isa.

"Meron pa bang pangit dito?" sagot ng ala badboy na si Joaquin. "Talian mo 'tong kasama mo atsaka takpan mo 'yung bibig," patukoy niya kay Mick.

Hindi ko alam kung anong plano ni Joaquin pero pinatalian niya ng husto si Mick sa katukayo niya. After that, siya naman ang nagtali kay Joaquin version 1 atsaka ikinulong ang dalawa sa kwarto kung saan kami naroon kanina ni Mick. Matapos ikulong ni Joaquin ang dalawang bihag e biglang tayo agad nitong si Alex sabay nagtatatalon na akala mo'y tumama sa lotto. Since maluwang lang ang pagkakagapos namin, madali naman naming itong natanggal pati ang panyong nakatali sa mga bibig namin.

"OMG.... mahahalikan kita!" patakbong lumapit si Alex kay Joaquin at aktong hahalikan ito. Mabuti na lang at nakailag 'yung isa sa pagkapilya ng pamangkin ni Mick.

"Ano 'yan Alex?" angal ni Joaquin.

"He-he-he, sorry naman. I'm so proud of you kase, pang Best Actor ang performance mo. So proud of you!"

Tumayo naman ako sa pagkakasandal at pinagpag ang aking sarili. Pansin kong medyo nasugatan ako sa aking kaliwang kamay dahil sa pagkakatali kahit medyo maluwag lang ang pagkakatali dito.

"Magaling ka Joaquin!" pagcompliment ko sa kanya. "Pero mag-ingat ka, este tayo. Mahirap na kung mabisto tayo sa kalagitnaan ng misyon."

"Be Positive Brad. Alam ko na kung paano paglaruan ang utak ng dalawang 'yun. Kaya natin 'yan," pagngiti ni Joaquin.

"Naku mahahalikan ulit kita Joaquin!" ani Alex na aktong hahalikan ulit si Joaquin.

"Tumigil ka nga Alex!" pagsaway ko sa kanya. "Mukha kang tanga! 'Pag narinig tayo ng Kuya mo malaking gulo 'to. Matuto kang kumalma dahil walang nakaka-excite sa misyong ito okay?"

"Sorry naman Papa Jace? I'm just..... so excited. And I just can't hide it.... I know I know..." pakanta niyang sabi.

Maaaring maganda ang naging paglusot namin sa sitwasyon nina Mick at Joaquin pero ang totoo'y wala pa kaming dapat ikasaya dahil hindi pa naman talaga nag-uumpisa ang tunay na misyon.

"Lima na tayo!" ani Joaquin. "Ngayon, ang kailangan na lang nating bigyang pansin ay yung Mapa. Habang may oras pa tayo, kailangan natin 'yung pag-aralan."

Ang Mapa ay nasa loob ng kotse ko na nakalagay sa aking itim na bag kaya kailangan kong lumabas ng bahay para kunin ito. 'Pag balik ko'y agad ko itong ipinakita sa dalawa. Sa ngayo'y hindi pa kumpleto ang sangkap para matunton ang kayamanan pero confident naman ako na magiging successful ito gaya nung una kong misyon. This time, it involves treasure, a whole lot of treasure na tunay na pagmamay-ari ng Mama ko.

"Ready na ba kayo?" sabi ko sa dalawa na tila tinetempt kahit nakita na nila mismo ang nilalaman ng Mapa rati.

Ibinuklat ko 'to sa harap nila, na parang Scroll nung una naming misyon pero ang Mapang ito'y medyo may kalakihan ng konti. Pagbukas ko ng Mapa'y laking gulat naming tatlo sa nakita.

"O? Ba't walang laman?" pakunot nuong sabi ni Alex.

"Anong nangyari?" ani Joaquin.

Nagugulahan din ako dahil Blank Paper na lang ang nakikita namin. "Ba't nawala 'yung nakaguhit dito? Paano nangyari 'yun?" 


**


Bawal silent voter at tahimik magcomment hehe.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

107K 5.7K 38
Hindi siya nagbibinata. Hindi rin nagdadalaga. NAGBIBINAKLA! Rank 88 in Gen Fiction - Dec 20, 2017 Rank 171 in Gen Fiction - Oct 2, 2017 Rank 146...
7.5K 478 34
Highest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng naka...
16.3K 841 22
Sabi nila, 'love is blind and one of a kind'. Kakayanin niyong dalawa ang mga pagsubok na darating sa inyong buhay dahil sa may pinanghahawakan kayo...
1M 33.5K 60
Kung magkaboyfriend ka nang isang badboy, Ano ang gagawin mo? Ito ang storya ni Nico kung papaano niya mapapatino ang isang barumbado at basag ulo na...