Illicit Affair

By cc_chase

22K 1.2K 941

a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when th... More

CHARACTERS AND WARNING
PROLOGUE
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Darna's First Transformation
Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)
Chapter 4 - Case 1 CLOSED
Chapter 5 - Her Offer
Chapter 6 - Regina's Sexuality
Chapter 7 - Amusement Park Date
Chapter 8 - Era Salvador
Chapter 9 - New Worker
Chapter 10 - Night Date
Chapter 11 - Private Island
Chapter 12 - Bar
Chapter 13 - Babaeng Ahas
Chapter 14 - The Event PH
Chapter 15 - N Seoul Tower
Chapter 16 - Going Home
Chapter 17 - Seaside
Chapter 18 - Sudden Confession
Chapter 19 - Mix Signal
Chapter 20 - Jealousy
Chapter 21 - Bite
Chapter 22 - First Time
Chapter 24 - What's on your Back?
Chapter 25 - What If
Chapter 26 - Dream
Chapter 27 - Do You Like Me?
Chapter 28 - Beloved Regina
Chapter 29 - Architect
Chapter 30 - Beach
Chapter 31 - Drunk Regina
Chapter 32 - No
Chapter 33 - Kissing Valentina
Chapter 34 - Who are you?
Chapter 35 - Karaoke Night
Chapter 36 - Lost Necklace
Chapter 37 - Senior High Crush
Chapter 38 - The Last Fight
Chapter 39 - A mix of them
EPILOGUE
hello
Special Chapter

Chapter 23 - Engagement Party For Who?

402 26 28
By cc_chase

"SI BRIAN ROBLES."






























"AW MAN HE'S LUCKY!" Sambit nya with action pa 'yan ah. "At bakit?" Tanong ko. "Syempre kasi nagustuhan mo sya?" San na ba patungo 'tonv conversation namin? Medyo na a-awkward na ako. Mabuti na sigurong umalis na muna ako dito. "Alis na ako Lor, marami pa akong kailangang tapusin sa office." Sambit ko tapos tumayo na ako. "Teka hatid na kita." Sabay kaming bumalik sa work since hindi ko naman alam 'tong lugar na 'to tsaka wala sa'kin 'yung bag ko. Thankful talaga ako kay Lor dahil nandyan sya for me kanina, ngayon and sana sa future din.

Pagpasok ko ng office ko nandon si Regina nakaupo sa sofa. "Narda." Pagkakita nya sa'kin tumayo kaagad sya tapos niyakap nya ako.

Di mo na ako madadala sa ganyan miss-ma'am, ayoko na talaga sa'yo.

Tinulak ko sya papalayo sa'kin dahilan para matigil 'yung yakap nya sa'kin. She looks shocked.

"What the hell?"

"Let's keep things professional between us, ma'am." Sambit ko pero deep inside nasasaktan ako.

Baka kasi may kailangan nanaman sya sa'kin kaya ganito sya.

Naaalala lang naman nya ako kapag may kailangan sya.

"Ako na nga 'yung nag approach sa'yo tapos aayaw ka pa? Edi okay." Lumabas sya ng office ko ng galit at nakita rin 'yun ni Lor then tumingin sa'kin si Lor tapos nag thumbs up na parang nagtatanong so nag thumbs up rin ako ng nakangiti.

Bumalik ulit ako sa trabaho pero pumasok naman si Lor after a few minutes.

"Be my date." Gago ang straight forward nya naman?

"H-ha?! Hoy Floryn umayos ka ah mag-kaibigan lang tayo."

"No no! What i mean is, be my date sa upcoming party." Ay assumera ng taon talaga Narda!

"Ahhh, eh anong benefits makukuha ko dyan? Di naman ako mahilig sa ganyan."

"Makikilala mo kung sino talaga ako, so ano? Payag ka na?" Nakangiti sya habang naka thumbs up 'yung dalawa nyang kamay sa'kin so tumango ako at nag thumbs up ulit.

"Oo na pero pag di ko talaga nalaman kung sino ka ha." Nag chuckle sya at umiling-iling pa habang lumalabas sya ng office ko.

Feeling ko rin kasi interesting 'yung buhay nya eh, ni hindi nya nga makwento sa'kin o masabi kung anong name ng kapatid nya, kung mas bata ba sakanya o mas matanda.

Baka katulad lang rin sya ni Regina na may daddy issues.

Ano kaya susuotin ko dun? Di nya pala nasabi kung anong kailangang suotin dun.

Tatayo sana ako para puntahan si Lor at tanungin kung anong theme nung party para makahanap na kaagad ako ng bibilhan ng gown pero biglang pumasok si Regina ng office ko kaya napaupo ako ulit.

"You're going with me to a party."

"Hindi ako pwede."

"Wala akong pake."

" I'll wait you there. I'll send you the address and the party is tomorrow. It's an engagement party so don't be late. I'll tell you the plan tomorrow when you're there." Umalis sya kaagad at hindi na ako hinayaan pang magsalita.

Hindi ko sya sisiputin dahil ayokong kung ano pang isipin ng mga tao dun. Hindi rin naman 'yun business party or what. Engagement party 'yun kaya kay Lor nalang ako sasama. Di ko alam kung anong theme at kelan pero atleast nararamdaman kong mag-eenjoy ako.

Lumabas ako kasi may meeting tapos si Regina nasa office pa rin nya. Nung nakita nya akong lalabas na nag-ayos na kaagad sya.

Paglabas ko sinalubong ako ni Lor, sabay na raw kami bumaba.

"'Yung party nga pala bukas engagement party 'yun. Sunduin nalang kita sainyo?" Lah? What if iisang event lang pala pupuntahan namin?

"Di mo naman alam address ko?"

"Bigay mo sa'kin number mo and address mo." Binigay nya 'yung phone nya sa'kin habang naglalakad kami papuntang elevator kaya nilagay ko 'yung number ko sa contacts nya.

'yung address ko naman nilagay ko sa notes nya.

"'yung address ko nasa notes mo ah, don't forget it." Tumango sya sa'kin at ngumiti.

Pagpasok namin ng elevator sumabay samin si Regina. Bali tatlo lang kami ngayon sa loob ng elevator kaya medyo awkward.

Oo early birdies kami dahil kailangan namin ayusin 'yung presentation mamaya.

Na field ng silence 'yung elevator tapos na end lang nung magbukas na 'yung pintuan nung elevator.

Syempre tutunog 'yun pag nagbukas.

Ako nauna lumabas tapos hinintay ko lang si Lor lumabas ng elevator.

Pagka labas nya hinawakan ko 'yung kamay nya pero mukhang walang pake si Regina, dire-diretso lang sya sa paglalakad papasok sa meeting room.

Habang inaayos ko 'yung presentation ko for later hinaharot naman ako ni Lor. Si Regina nakaupo sa pinaka dulo ng mahabang table na 'to tapos nakikita ko rin na pasimple nya kaming tinitignan habang binabasa nya 'yung isang file.

"Gaga wala akong kiliti dyan." Sabi ko pa sakanya habang nakangiti sakanya.

"Binabayaran ko kayo para magtrabaho at hindi maglandian. Sa harap ko pa talaga?" Galit na sabi ni Regina dahilan para matanggal 'yung mga ngiti ko sa mukha ko.

"Regina." Tawag ni Floryn kay Regina. "Ma'am Regina." Pag correct nya dito.

"Regina, ma'am Regina or whatever you want me to call you, napaka kj mo, you know?" Siniko ko si Lor pero mukhang wala syang pake dun dahil nakatingin pa rin sya kay Regina.

Ang init ng tinginan nila ngayon not until dumating si Era na laging late at minsan lang pumapasok.

Mukha na nga syang walang ambag eh.

"What's with the tension guys?" Jolly na tanong ni Era habang nakangiti.

"Nothing." Sabay na sabi ni Lor at Regina.

"Good morning Regina. What's the topic for this meeting again?" Rinig kong tanong nya kay Regina habang nilalapit nya 'yung upuan nya sakanya.

Alam ko naman na nandito lang sya kasi nandito si Regina. Wala talaga syang balak makinig sa meeting.

"I already texted you the topic right? It's about the branch in Nueva Esperanza."

"Oh yeah, i now remember." Regina looks annoyed pa rin lalo lang lumala 'yung looks ng pagka annoyed nya nung dumating si Era.

Hindi kaya si Regina at Lor ang magkapatid?

Come to think of it, hindi sya natatakot kay Regina.

Mayaman rin si Regina tapos sabi nya malapit lang daw bahay ni Regina sakanila.

Nakatira raw 'yung sister nya sa parents' house nya eh dun nakatira si Regina ngayon sa bahay ng tatay nya.

Nag a-assume nanaman ba ako or this time tama na ako?

Nang makarating na lahat at puno na dito sa meeting room nagsimula na ako.

"Good afternoon to you all, i'm here to discuss about the soon to be our branch in Nueva Esperanza." I clicked the laptop button para mag show up 'yung plan.

"So since si Mayor Zaldy Vallesteros na ang nag approach satin, why not sya 'yung pabilihin ng lupa dun para sa pwesto ng gas station natin?"

"Teka teka, sigurado ka bang papayag 'yung kurakot na mayor na 'yun? He can't even build a proper facilities there."

"Ako na bahala dun ma'am, trust me." Tinuloy ko 'yung sinasabi ko tapos nung natapos na ako mag present ng idea ko nagpalakpakan silang lahat maliban kay Regina.

Nagpalakpakan naman silang lahat so meaning nun nagustuhan nila.

"Well i don't like your idea about mayor Zaldy buying a lot for us but i'm giving you one week para makausap 'yung gahaman na mayor na 'yun at papayagin sya." One week? Kayang-kaya 'yan!

"If hindi mo magawa, i'll fire you." Hindi ko na pala kaya. Tangina anliit-liit ng oras na binibigay nya tapos sisisantehin nya pa ako kapag di ko nagawa?

Kami rin naman kasi makakatipid kung magawa ko 'yun tapos ganyan pa sya.

Pero sige i accept the challenge ma'am!

Makikipag kamay sana ako as a deal pero tumayo na sya agad at inalisan ako.

Ending, kaming dalawa ni Lor naiwan tapos tinulungan nya ako magligpit ng projector and laptop.

Pag akyat namin nilagay ko lang sa office ko 'yung gamit ko tapos nag decide na kaming mag lunch since kanina pa lunch break kung hindi lang kami nag meeting.

Sabay kaming lumabas ng building ni Lor pero paglabas ko ng office nakita ko si Regina na dine-drain nya sarili nya sa work.

Napaka seryoso nyang tao ngayong araw nung nakita ko sya kaya hindi ko na rin sya niyaya.

Kumain ulit kami dun sa korean restaurant, as usual libre nya nanaman daw ako.

Ngayon talaga umaasa nalang ako sa libre nila eh.

"Huy thank you sa libre ah, unang sweldo lilibre kita ng bonggang-bongga!" Napa tawa ko naman sya sa sinabi ko.

"No worries, kaya naman kita ilibre for the rest of your life." Oops awkward moment again.

"So tell me Narda, how did you know you liked that Brian Robles before?" Oh ito ba kapalit ng panlilibre nya sa'kin?

"Sasabihin ko sa'yo pag nalaman ko kung sino ka talaga."

"Wow ano 'to exchange gift?" Tumawa kami parehas tapos kumain na.

"Narda?" May pamilyar na boses na tumawag sa'kin na nasa gilid ko.

Nang tumingin ako sa direksyon ng lalaking nagsalita at tumawag sa'kin.

"Ali?! Ali! Ikaw nga!" Tumayo ako agad tapos niyakap ko sya. Niyakap naman nya ako pabalik.

"Oh my god sobrang tagal na nating hindi nagkita!" Dagdag ko pa.

Pinaupo ko sya sa tabi ko para na rin mag lunch muna with us pero tumanggi sya. "Hindi na Narda pupuntahan ko pa kasi si Regina."

"Kamusta Lor?"

"Magkakilala kayo?"

"Oo naman!" Nakita kong nag sign si Lor ng shh kay Ali pero di ko nalang pinansin para magmukhang hindi ko nakita.

"Oh sya sige na aalis na ako ha? See you bukas sa party!" Ay kasama rin pala sya dun? Sabagay, back to work naman na sya at bodyguard sya ni Regina.

"Magkakilala kayo?" Ulit kong tanong kay Lor pagka alis ni Ali.

"Kasama si Ali bukas sa malalaman mo so wait patiently, alright?" Please naman wag mo naman silang gawing magkapatid talaga lord, nagbibiro lang naman ako kanina!

Promise hindi ko na ako mag o-overthink kahit kelan pag tinupad mo 'to!

Bakit ko ba kasi inadmit na gusto ko si Regina tapos kay Floryn pa? Oh tignan mo ngayon ganito ako, nag w-worry.

Teka ano bang wino-worry ko eh may nangyari na samin ni Regina? That means aware na si Regina na may gusto nga ako sakanya.

Ay basta bahala na bukas!

Pagkatapos namin mag lunch ni Lor bumalik na rin kami agad sa office pero wala na si Regina sa office nya.

Baka nag d-date pa sila ni Era?

Anyways!

Nag email ako kay Noah since nag e-email sya dati dito sa company kaya madali ko lang rin nakita. Waiting nalang ako sa response nya.





































KINABUKASAN, NAGISING ako sa katok ni lola at Ding sa labas. "Ate! Ate gising bilisan mo!" Ano ba 'tong mga 'to ang aga-aga nambubulabog? Maliban kay lola ofcourse. Jusme may zombie apocalypse ba? "Ano po ba 'yun?" Tanong ko habang mabagal akong naglalakad papalapit sa pintuan. "Pag nabuksan ko 'tong pinto Ding hahampasin kita sa ulo!" Sigaw ko sakanya.
Pano ba naman? Kumakatok tapos nag d-doorbell pa. Mamaya i-report na kami ng mga kapitbahay.

"Ate labas na bilis!" Pagbukas ko ng pintuan hinila nila ako sa condo nila tapos nakita ko si Regina at Floryn na nakaupo sa sofa nila dun. Katabi ni Brian si Regina habang tinititigan nila si Floryn.

Hindi rin siguro nila ako napansin dahil grabe 'yung tension sa mga titig nila. Nagbabaga.

Tumakbo ako pabalik ng condo ko tapos nag toothbrush ako, nagsabon ng katawan. In short naligo ako mabilisan tapos nung okay na bumalik ako sa kabila.

My goodness akala ko ba hihintayin nalang ako ni Regina sa place ng event? Bakit pumunta pa sya dito?

"Narda!" Tatlo nilang sabi tapos nagtinginan sila ulit ng masama.

Gago ba't ba nakikisali 'to si Brian sakanilang dalawa?

"Ano Narda let's go? Sa bahay na kita mismo aayusan." Sambit ni Lor.

"Let's go Narda we don't have much time. Naghihintay na sa'kin 'yung team ko." Sabi naman ni Regina.

"Ah eh." Tanging lumabas lang sa bibig ko 'yan.

Ayan diba pinili mo 'to Narda? So sino na nyan pipiliin mo?

"Tara na Lor?" Ngumiti naman widely si Lor nang piliin ko sya.

"Ate Lor? 1 point. Ate Regina? 0." Rinig kong sabi ni Ding kay lola. "Kuya Brian? 0." Yari ka talaga sa'kin pag-uwi ko mamaya. Pati bestfriend ko nilalagyan mo ng puntos? Anong role nyan dito?

"Bakit ako pinili mo?" Tanong ni Lor sa'kin habang nagmamaneho sya papunta sa condo nya. "Kailangan ko ba ng dahilan?" Sagot ko.

Sa totoo nyan ayoko lang talaga sabihin sakanya na pinili ko sya dahil iniiwasan ko na si Regina at ayoko na ng communication sakanya as much as possible na hindi naman related sa work namin.

Pagdating namin may isa lang na mag-aayos dun unlike nung kila Regina na marami. Meron na rin syang gown na binili for me and i can keep that raw.

Pagkatapos akong bihisan at ayusan ni Lor nagpakita ako sakanya. "What do you think?"

"Absolutely gorgeous!" Sambit nya habang nakangiti tapos nahihirapan rin sya banggitin 'yan.

Kasunod na inayusan sya. Parehas naming gown ma-glitters. Gabi rin kasi gaganapin 'yung party pero kailangan raw mga 5 nandun na kami.

Eh natapos kaming ayusan alas tres na. Grabe diba? Sabagay rin kasi mag-isa lang sya tapos sya na gumagawa ng lahat.

Baka nagtitipid si Lor?

Sumakay kami ng kotse ni Lor, as usual na kotse 'yung dala nya na black four seater na car nya.

Baka magkaiba lang sila ng taste magkapatid? Si Regina kasi maraming sasakyan iba-iba pa ata every week dinadala nun samantalang si Lor isa lang ata sasakyan nya?

Nang mag-umpisa na syang magmaneho ng sasakyan nya, tsaka sya nagsalita ulit. "So that's Brian Robles huh?" Here we go again...

"Pano mo nalaman?"

"Syempre nag introduce 'yung tao sa'kin. Dun pa pala sya sa lola mo nakatira." I see na nagkwentuhan na sila ni lola.

"Teka pano nga pala kayo nagpang abot ni Regina?"

"I got there first tapos 20 minutes after sya dumating. Mukha pa ngang galit eh. Ba't ba laging galit 'yun pag nakikita tayo magkasama?"

"Ewan ko rin dun."

"Baka nagseselos satin? Well sino ba namang hindi magseselos sa kagaya ko?" Narcissist ah!

"Lumalabas na true colors mo Lor." Inirapan ko sya tapos tumawa lang sya.

Pagkadating namin sa event i noticed na bahay 'to nila Regina.

Magkapatid nga ba talaga sila?

Tsaka bakit nandito sa bahay nila Regina ang event? Wala namang girlfriend si Regina.

Pagkababa namin ng sasakyan tinanong ko si Lor kung bakit dito gaganapin.

"Ay hindi mo alam?"

"Alam ang ano?"

"Just wait and see." Tumayo 'yung mga balahibo ko sa buong katawan ko. Anong dapat kong malaman?

Dapat ba akong kabahan?

"Florence! Andito ka na pala!"

"Hi dad." Nagyakapan silang mag-ama nung magkita na sila tapos tinitigan ko ng mabuti 'yung tatay nya at thank goodness at hindi sya 'yung tatay ni Regina!

Thank you talaga lord tinupad mo wish ko!

Magpapakabait na po ako for one whole day!

So wait, bakit dito gaganapin? May kapatid ba si Regina na ie-engae or binayaran nila 'tong bahay para dito ganapin?

Teka--- Florence?

"Dad this is Narda, Narda Custodio. My friend." Nakipag kamay ako sa tatay nya and surprisingly, mabait.

"I've heard a lot things about you! Lagi kang kinukwento ni Florence sa'kin and also ni---"

"Dad."

"Ah right." Mukhang nasabi na ni Lor 'yung plano nya sa tatay nya ah? Ganon ba sila ka-close?

"Well i'll leave you two alone, enjoy the party later!" Unti-unti nang dumating 'yung mga tao after that pero hindi ko pa rin natatanong bakit Florence tawag ng tatay nya sakanya.

"Lor bakit Florence tawag ng tatay mo sa'yo? Floryn ka diba?"

"I wanna look nerd syempre 'noh that's why i chose the name Floryn and besides, ayokong may makakilala sa'kin by my name." So they're famous and rich like Regina?

I'm not surprised na din kasi they can afford to rent this house nga para lang sa isang event.

Pero rent nga ba talaga?

Wait lang...

So meaning dito rin dapat ako isasama ni Regina kung sya 'yung sinamahan ko?

Omg! Pano ako magpapakita sakanya mamaya?! Sana hindi kami magkita!

Lumabas muna ako sa may pool area, tinakasan ko lang rin si Lor dahil gusto ko muna ng peace.

Sana lang hindi sila magalit pag nakita nila ako dito since hindi ko naman 'to bahay.

I just need time to think and to breathe lang rin. Di pa kasi nag-uumpisa 'yung event na w-worn out na 'yung energy ko.

Feeling ko talaga may dapat akong ikakaba ngayong gabi.

Feeling ko may hindi magandang mangyayari ngayon.

"Narda andito ka lang pala." Pagkatingin ko sa direksyon ng nagsasalita eh si Lor pala.

"I've been looking for you everywhere." Ay my bad. "Sorry, gusto ko lang muna kasi mapag-isa. Uwi nalang kaya ako?"

"Don't you want to know the real me?"

"Gusto pero---"

"You don't even know my surname." Oo nga 'noh, ever since hindi ko alam 'yung surname nya.

"Hindi mo ba pwedeng sabihin nalang sa'kin ngayon?"

"Hindi pa nga nagsisimula 'yung party but you look so tired already. Sige na ihahatid na kita." Ba't biglang nagbago isip nya? Did i upset her?

"Hindi na sige na, i'll wait nalang pero until malaman ko lang real identity mo okay?" Ngumiti naman sya kaagad at tumango. "But i think you may be interested in other topic for tonight aside from that."

"Ano 'yun?"

"I can't tell. Mamaya paniguradong magugulat ka." Si Lor talaga 'yung kind of a woman na mapagkakatiwalaan mo sa secrets mo eh 'noh? She looks soft and gentle rin.

"So ano na itatawag ko sa'yo ngayon? FLORENCE?" Diniinan ko talaga 'yung Florence sabay chuckle.

"Oy grabe ka naman sa Florence. You can call me by any names you want." Dogshowin ko kaya 'to?

Eme baka paalisin ako ng party at di ako pansinin habang-buhay eh.

"Flo?"

"Flo? Mhm i kinda like it but why Flo?"

"Di ko rin alam, lumabas lang sa bibig ko." Nagkatitigan kami habang nakangiti kami sa isa't-isa na parang nakalimutan ko na may iniisip pala ako kanina.

"So you're already here, Sis."



























To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

246K 8.2K 52
anong ggawin mo kung yung taong mahal na mahal mo eh nakalimutan ka ng dahil sa isang insedente... tuluyan mo na ba siyang kakalimutan? oh mas pipil...
97.2K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
249K 9.7K 37
Rastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
2.3K 55 30
This is a story of roommates, Missy and Denise, whose friendship blossomed from enemies to somewhere between lovers and friends. Are they going to de...