Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.6M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 367

324K 11.6K 11.5K
By eatmore2behappy

A/N: Naglagay lang ako hint sa isa sa characters sa kwento ni Angelo. Then hanggang dito muna, para meron ako entry sa pasko. 

Family talks

Jay-Jay's POV

Napaaray ako matapos isaksak ulit ang swero sa kamay ko. Dahil sa kaguluhan kanina hindi ko namalayan na nahugot na naman pala. Mas masakit nga lang dahil hindi siya tuluyang natanggal, kung kalahati ng karayom nasa ugat ko pa rin.

"Kapag natanggal pa ulit 'to, sa kabilang kamay na natin ilalagay," sabi ng nurse habang dinidikitan ng surgical tape ang karayom para hindi magalaw. 

Dinagdagan na rin niya para hindi madaling matanggal. Mukang nainis na rin siya dahil pangalawang beses ng natanggal ang swere ko.

"Sa leeg niyo na lang ilagay ang swero niya para magtino," inis na sabi ni Kuya Angelo.

Meron bang swero sa leeg?

Ako tuloy ang nahiya dahil sa sinabi niya. Mukang natakot naman ang nurse sa kanya dahil binilisan niya ang paglilinis ng mga ginamit niya at naglakad paalis ng hindi kami nililingon.

Katabi ko si Keifer na nakatayo lang at nakatinign sa 'kin. Umalis muna sila Sir Alvin at mga kaklase namin. Kasama din nila si Percy pero sabi niya babalik din siya agad.

"Tumigil ka nga Angelo," sita sa kanya ni Tita Gema bago lumapit sa 'kin.

Nakangiti siya sa 'kin no'ng una pero naglaho 'yon ng mapansin ang leeg ko. Agad akong yumuko. Naging kampante ako kanina, akala ko nawala ang marka sa leeg ko dahil wala namang sinasabi ang mga Ulupong.

"Anong nangyari dyan?" tanong niya at hinawakan ako sa baba para sana tignan mabuti pero umiwas ako. 

Agad niyang hinarap si Kuya. "Angelo?"

"What?" sagot naman ni Kuya.

"Bakit ganito ang leeg ni Jay-Jay?" May halong pagbabanta sa boses ni Tita.

Nagtaas ng kamay si Keifer para agawin ang atensyon niya. "It was done by my... f-father."

Parang ang tabang ng pagkakasabi niya ng father. Agad na nag-iba ang itsura ni Tita Gema at ganon si Mama na abala sa paglilinis ng mga kalat sa lamesa. Pati si Aries parang naalarma din. 

Hindi ko nga pala sinabi ang totoo na si Keigan ang may gawa nito. Ayoko na ring sabihin dahil baka iba ang isipin nila sa kapatid ni Keifer. Eh meron nga siyang pinagdadaanan.

"Paano nangyari 'yon?" tanong ni Mama at padabog pang binato ang hawak na plastic sa lamesa bago lumapit sa tabi ni Tita.

"Long story short, sinubukan niyang kuhanin ang bunsong kapatid ko but I think Jay-Jay tried to stop him and he hurt her," paliwanag ng Hari ng mga Ulupong.

Napangiwi ako. Hindi naman kasi ganon ang nangyari pero hindi ko naman pwedeng kontrahin dahil baka masabihan din siyang sinungaling.

Kita ko ang pag-aalala ni Mama at Tita Gema. Tinignan nila si Kuya na para bang hinihintay nilang magbigay siya ng paliwanag pero nagkibit balikat lang sila.

"Bakit magkasama ang kapatid mo at si Jay-Jay?" tanong ni Aries kay Keifer.

"He was also hospitalized and stayed here with Jay because of - "

"Food poisoning. Pareho sila ni Jay-Jay," putol ni Kuya sa sagot niya.

Nagpalitan pa sila ng tingin bago tumango ang Hari at tanggapin ang sinabi ng pinsan ko. Naiintindihan ko naman na hindi pwede sabihin ang totoong dahilan kung bakit kami na-ospital. Kaso ang hirap magsinungaling kung iba-iba kami ng kwento. 

"Hindi mo ba naisip na pinapahamak mo ang anak ko," biglang sabi ni Mama na talagang kinabigla naming lahat.

"Jeana," pigil sa kanya ni Tita Gema pero tinabig lang niya siya.

"Ma," sita ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.

Tinangka pa niyang lumapit kay Keifer pero humarang na si Kuya Angelo.

"Malinaw na problemang pampamilya niyo lang 'to kaya dapat labas ang anak ko sa gulo niyo!" galit ang tono niya na para bang si Keifer ang dahilan ng lahat ng problema namin sa buhay.

Hinawakan ko ang kamay ng Hari at sandali siyang tumingin sa 'kin.

"This won't happen again. Nasalisihan lang talaga ako."

"Hindi na talaga. Dahil mas maganda kung maglayo na lang kayo. Iwasan mo na lang ang anak ko para hindi siya madamay sa problema mo sa Tatay mo," tuloy-tuloy na sabi niya.

Hindi ko maiwasang mainis sa mga sinasabi niya. Kailan pa siya naging huwarang Ina? Malinaw naman sa 'kin na mapapahamak talaga ako pero hindi naman ginusto ni Keifer 'yon. Kahit si Kuya alam 'yon pero hindi siya nagsasalita ng ganyan sa 'kin.

"Iuuwi ko na lang si Jay-Jay sa Lola niya."

"That's not a good idea, mas safe siya kung nasa tabi ko siya," sagot ng katabi ko at parang lalong nagalit si Mama sa kanya.

"Safe? Eh ikaw nga nagdadala sa kanya sa kapahamakan!"

"Parang hindi mo ko pinahamak ah," inis na sabat ko sa kanya. "Hindi ba ikaw 'tong nag-asawa ng mga lalaking nanakit sa 'kin?"

Natahimik sila. Humigpit ang hawak ni Keifer sa kamay ko na para bang pinipigilan niya kong magsalita pa. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Sobrang nakakasama lang ng loob ang mga sinasabi niya. Nahihirapan na nga ang tao sa mga problema niya tapos dadagdag pa masasakit na salita niya.

"Tsaka wag mo gawin 'yan, wag ka magsalita na parang ang huwaran mong Ina," dagdag ko pa.

"Jay," sita sa 'kin ni Kuya Angelo.

Bahagyang lumayo si Mama para tumalikod at hilamusan ang muka gamit dalawang kamay. Nagsisimula na namang lumabas lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero tuwing meron siyang gagawin na ikakagalit ko, parang lahat ng ginawa niyang masama bumabalik sa 'kin. Parang listahan na kapag merong nadagdag kusang binabalikan lahat ng mga naunang lista.

"Jay . . ." tawag sa 'kin ni Tita na para bang awang-awa siya sa sa 'min.

"Keifer, lumabas ka muna," utos ni Kuya.

Ayoko siyang paalisin. Alam kong pagtutulungan lang nila ko dito. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Nakaharap ako sa kanya habang paulit-ulit na umiiling. 

"Let him go, Jay," utos ni Kuya sa 'kin.

Napilitan akong bitawan siya. Ngumiti naman para sabihin, ayos lang ang lahat. Pero hindi ko kayang tanggapin 'yon. 

Lumabas si Keifer ng kwarto kagaya ng gusto nila. At tama nga ako dahil mukang balak nga nila akong pagtulungan. Agad na lumapit sa 'kin si Tita para sana tabihan ako pero nahiga ako agad at tinakpan ng unan ang ulo ko.

Sunod-sunod ang sermon ni Mama, paulit-ulit na sinasabi na matigas ang ulo ko, na para akong uhaw sa lalaki at hindi makahiwalay kay Keifer, na ako talaga ang gustong mapahamak, kung pangarap ko bang makipaghabulan kay kamatayan na muntik ko nang sagutin ng medyo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga salita niya eh okay naman siya kay Keifer dati.

Sa dami ng sinabi niya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kailan pa naging lullaby ang sermon ng Nanay ko?

Nagising ako ng maramdaman kong merong nag-aayos ng kumot ko. Nang idilat ko mga mata ko si Aries ang bumungad sa 'kin. Nagkasalubong pa kami ng tingin kaya agad kong hinatak ang kumot hanggang leeg ko tumagilid ng higa para maiwasan siya.

Narinig ko ang pag-flush ng inidoro kasunod ng pagbukas at sara ng pinto. Kung sino man ang galing sa C.R mukang naglabas siya ng sama ng loob dahil sa mabahong amoy na umalingasaw.

"Wala munang papasok sa loob. Nakakamatay," boses ni Percy na parang masaya pa siya sa pinakawalan niyang amoy.

"Fck. That smells like a rotten corpse," reklamo ni Keifer.

"Nakakasakit ng ulo ang amoy," boses ni Yuri.

"Open the door and get that smell out of here," utos ng kapatid ko.

Meron nagbukas ng pinto pero hindi rin nagtagal 'yon dahil may mga tao sa labas na nagrereklamo sa amoy mula sa banyo dito. Pasimple kong tinakpan ang ilong ko. Sobrang baho ng amoy.

Alam kong mabaho ang hininga ko pero hindi naman ganito na parang kasuklam-suklam ang mga pangyayari sa loob ng katawang lupa niya at ngayon lang naisipang lumabas dahil sa tamang panahong hinihintay.

Meron nagbukas ng bintana at don nila pilit pinaypay ang amoy palabas. Pakiramdam ko sumakit din ang tyan at katawan ko dahil sa amoy. Agad akong bumangon at pinaypayan ang sarili para matanggal ang amoy sa paligid ko.

Bakit parang kumakapit ang amoy?

"Ayos ka lang?" tanong sa 'kin ni Yuri habang palapit at ipit-ipit ang ilong niya.

Umiling ako. "Ang sakit sa ilong at ulo ng amoy."

Kinuha niya ang unan mula sa likod ko at ginamit 'yon pang-paypay para mabilis mawala ang amoy. Pati kumot ko ginamit ko na rin.

"Maybe we should buy air freshener," suhestyon ni Keifer.

"Sige, bili ka," sabi ni Percy pero agad siyang tinulak ni Aries.

"Ikaw ang bumili. This is your fault, so should be the one resolving this."

Nakasibangot namang naglakad palabas si Percy. Ngumuso pa siya pero huminto bago pa mabuksan ang pinto.

"Hindi niyo ko sasamahan?" nagtatampong tanong niya.

"HINDI!"

"NO!"

"NOPE!"

Sabay-sabay na sagot ng tatlong sa kanya. Hinawakan niya ang dibdib na parang nasaktan. Ako naman ang binalingan niya.

"Ikaw na lang sumama sa 'kin Jay," aya niya pero hinarangan agad siya ni Keifer.

"Kaya mo na yan. You're a grown up man."

"Grown up? Bata pa ko. 2 years old nga lang ako eh," pagtanggi niya at napaisip naman ako.

Anong 2 years old? Kupal!

"Yeah, 2 x 10," sagot naman ni Aries sa kanya.

"Baby pa ko. Di ba baby mo ko?" Bigla siyang ngumuso at nagpapadyak na parang bata. 

Gusto ko siyang hambalusin dahil sa inaasta niya. Muka siyang baby damulag. Nagtinginan lang kami ni Yuri na parang naasiwa din sa ginagawa ni Percy.

Tumigil ang step-brother ko sa ginagawa niya ng may kumatok at bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaking doctor at dalawang nurse. Gusto kong mahiya sa kanila dahil sa pagtakip nila ng mga ilong nila. Hindi pa rin kasi nawawala ang amoy na pinakawalan ni Percy.

Umalis sa tabi ko si Yuri matapos ibalik ang unan sa likod ko. 

Hindi siya ang Doctor na tumitingin sa 'kin simula ng dumating ako.

"Kumusta Miss Mariano?" tanong niya sa 'kin bago ako lapitan at dahan-dahang hawakan ang panga ko para makatingala ako.

Yung isang nurse naman, tinignang ang dextrose ko. 

"Hahawakan ko ang leeg mo," pagpapaalam ng doctor pero napatingin ako kina Aries at Keifer na bigla na lang lumapit sa 'min.

Tumingin sila sa 'kin bago tignan ng masama ang doctor. Bahagya kong nilipat ang mata ko sa gawi ni Yuri pero pati siya parang nakahanda ng sakmalin ang tumitingin sa 'kin.

Anong meron?

Bigla na lang akong napa-aray ng may dumiin sa leeg ko. Nararamdaman ko naman ang kamay niya pero hindi ganon kasakit kagaya ng huli kong naramdaman.

"Kung i-r-rate mo ang sakit from 1-10, gaano kasakit 'yon?" tanong niya.

"6 o 7 po," sagot ko.

"How about now?" 

Nagtaka ako kasi parang nakahawak lang siya sa leeg ko pero wala naman akong nararamdamang ginagawa niya. May kaunting kirot pero hindi naman kainda-inda.

"1 or 2 po,"

Binitiwan niya ko at kinuha ang chart sa katabi niyang nurse. 

"Kakaiba ang pain tolerance mo, ang bata mo pa para maka-experience ng ganyan," sabi niya na pinagtaka ko.

"Po?"

"Yung pakiramdam mo sa physical pain either delay or you have a high tolerance."

Tumango ako na parang naiintindihan ang sinasabi niya, kahit hindi naman talaga. Kuwari na lang para hindi mapahiya si Doc, nakaka-awa kung siya lang nakakaintindi ng sinasabi niya.

Oo, kawawa talaga.

"Sa dalas ko po sigurong makipag-away," pabirong sabi ko pero umiling siya.

"I doubt na dahil yon sa pakikipag-away lang," nakatingin siya sa hawak na chart. "Could be because of a trauma. May mga cases ng trauma na binabago ang pain perception ng isang tao. Although there's no proper study and it's nothing but a theory, hindi pa rin natin masasabi."

Sa lahat ng sinabi niya, isa lang ang nagmarka sa 'kin.

"Sinasabi niyo po ba na meron akong trauma para magkaroon ng pain eme na yan?"

Sinara niya ang chart at hinarap ako. "No. That's not what I'm saying." Tinuro niya ang dextrose ko. "Last na yan after that pwede na tanggalin ang IV." Hinarap ulit niya ko. "Kailan ka huling uminom ng tubig?"

Umiling ako. "Hindi pa, sabi sa 'kin hindi pa daw pwede."

"Sabi sa chart mo kanina ka pa binigyan ng go signal para uminom at kumain," sabay turo sa hawak.

Napanga-nga ako. Kanina pa pala ako pinayagan tapos kung pigilan ako ni Kuya parang pinagbabawal na gamot ang hinihingi ko. Tubig lang.

"S-Sabi ng pinsan ko . . ."

"Ni Angelo? Don't listen to him, he's not a doctor. Hindi ko nga alam kung paano naging CEO yon, eh ang bobo no'n," walang prenong sabi niya.

Si Kuya? Bobo?

"That's really coming from you, Lucius," komento ni Keifer sa kanya.

Tumawa lang ang Doctor na tinawag niyang Lucius. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Tinignan ko din si Yuri at Percy na nakatingin din sa kanila. Halatang magkakakilala sila. Muka ngang close din siya kay Kuya Angelo dahil ang lakas ng loob niyang sabihan ng ganon ang pinsan ko. 

Si Tiger at Sir Alvin nga hindi siya masabihan ng ganon. 

Tumawa ang Lucius. "What do you expect? I'm a Peralta after all." Inabot niya ang chart sa katabing nurse. "Pasabi na lang kay Angelo puntahan ako sa office meron kaming pag-uusapan."

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. "Pwede ka ng umuwi bukas."

Tumalikod na siya at lumakad paalis. May mga binilin ang isang nurse kay Aries bago tuluyang lumabas kasunod ni Doc. Pagsara ng pinto agad ko silang tinadtad ng tanong.

"Sino 'yon? Bakit kilala niya si Kuya? Bakit sinabihan niyang bobo si Kuya? Kamag-anak ba ni Ci-N 'yon? Bakit siya ang tumingin sa 'kin ngayon? Bakit hindi yung Doctor kahapon?" sunod-sunod na tanong ko pero wala namang sumasagot sa kanila. 

Binalik ni Aries ang ginagawang pagpay-pay sa hangin palabas ng bintana. Si Yuri naman inayos ang higaan ko. Lalakad na sana paalis si Keifer pero hinablot ko siya.

"Sagutin niyo nga muna ako!" inis na utos ko.

"That was Angelo's batchmate. Nakaalitan din niya, I just don't remember kung tungkol saan ang pinag-awayan nila. I think malayong kamag-anak ni Ci. Hindi ko alam kung bakit siya ang tumingin sa 'yo pero malamang wala ang Doctor na nag-asikaso sa 'yo kahapon," sagot naman niya at napabuntong hininga na parang napagod sa ginawa. 

Kakahingal ba?

"Nakaaway ni Kuya, kaya pala ang lakas ng loob magsalita ng ganon."

Buong akala ko close friends sila. Mas higit pa sa frienship niya kay Sir Alvin, yung pala nakaalitan.

"Ibibili kita ng pagkain, anything you want?" tanong niya.

Ituturo ko sana ang mga pagkain sa lamesa na dala kanina ni Percy pero binawi ko din agad ang daliri ko ng makitang wala ng natira kundi mga basura at pinagkainan. 

Wow, ang bilis naubos.

"Beef pepper stake," sabi ko at ngumiti.

Ngumiti din siya sa 'kin. Lumapit siya at akmang hahalikan ako sa noo pero may unan na tumama sa muka niya.

"Ang alikabok naman ng kwartong 'to," dinig kong sabi ni Yuri sa likod ko at pinagpagan ang higaan ko.

Parang ang bigat ng pagpag niya dahil yumayanig ang kama sa bawat pagtama ng palad niya sa kutson. Ang tindi naman ng galit niya sa alikabok.

Tinignan siya ng masama ng Hari. Akala ko gaganti siya pero binaba lang niya ang unan sa higaan ko bago ako ngitian at magpaalam. Tinawag muna niya si Percy para ayain.

"Bumili ka ng air freshener," sabi niya sa step-brother ko.

"Ikaw na lang. Kaya mo na yan."

"BUMILI KA NA!" sabay na sigaw ni Yuri at Aries sa kanya. 

Napasibangot naman si Percy at padabog na naglakad kasunod ni Keifer. Para siyang bata na hindi na nasunod ang gusto. Napilitan tuloy ang Hari na batakin siya sa kwelyo.

Pagsara ng pinto naging tahimik kaming tatlo. Inayos ulit ni Yuri ang higaan ko. 

"Okay na, pwede ka na ulit mahiga," sabi pa niya at ngumiti.

Ngumiti din ako sa kanya. "Muka kang pagod na pagod,"

Inayos niya ang buhok bago punasan ang muka. Ngayon ko lang napansin na hindi niya suot ang salamin. Yumuko siya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang kulay ng buhok niya. Magkaiba!

Alam mo yung kulay pula na halatang kinulayan lang at yung tunay na redhair kagaya sa mga Scottish o kaya Russian. Ganon ang kulay ng buhok niya, naglalaro sa pekeng pula na simulat-sapul ko na nakikita sa kanya, at sa totoong redhair. 

Sinubukan kong abutin ang buhok niya pero mukang napansin niya ang balak ko. Agad siyang umiwas at takang napatingin sa 'kin. Para akong merong germs na kailangang iwasan.

"Why? What's wrong? Is there something in my hair?" tarantang tanong niya.

Gusto kong magtaka sa naging reaksyon niya. Buhok lang niya ang balak kong hawakan pero bakit parang merong problema sa anit niya. Naalala ko ang reaksyon ni Keifer ng minsan kong tangkaing punahin ang buhok ng bestfriend niya.

Yung reaksyon ni Keifer na para bang pinipigilan niya kong ungkatin o magtanong ng kahit na ano tungkol sa nasa buhok ni Yuri.

Meron ka bang tinatago sa anit mo?

"W-Wala, maalikabok lang," sagot ko pero alam kong hindi siya naniniwala.

Hindi naman mala-ginto ang ang hibla ng buhok niya pero kung makaiwas, parang umiiwas na manakawan ng dandruff. Maisasanla ko ba yan kapag nakuha ko? Siguro maligaya ang kuto sa anit niya dahil sa pagpapahalaga niya sa hair niya.

"I will j-just clean my hair," paalam ni Yuri at naglakad palabas ng kwarto.

Akala ko sa CR siya pupunta pero naalala ko andon pa pala ang iniwang demunyo ni Percy mula sa kaloob-looban niya. Mas mabuti nga kung sa loob na niya ayusin ang buhok.

Nagpaypay ako gamit ang kamay ko. Nawala na kasi ang lamig ng aircon dahil sa bukas na bintana. Napatingin ako kay Aries ng mapansin kong nakatingin siya sa 'kin. Agad din kaming nag-iwasan. 

Tuloy lang siya sa pagpapaypay sa hangin palabas ng bintana. Mabaho pa rin pero kaya ng pagtiisan. Lintik kasing tyan ng Step-brother ko, parang nagtago ng bulok na hayop sa tyan.

"Sa bahay ka na umuwi," sabi ni Aries ng hindi tumitingin sa 'kin.

Sino kausap niya? Meron na ba siya imaginary friend sa bintana?

Hindi ako sumagot at ngumuso lang. Bakit niya papauwiin sa bahay ang bago niyang friend. Nakakatakot yon.

"Ako na lang ang mag-stay sa unit ni Kuya Angelo."

Alam ko namang ako ang tinutukoy niya. Pero hindi pa rin ako sumasagot. Papanindigan ko ang iniisip kong meron siyang bagong friend na hindi ko nakikita.

"Ako na kakausap kay Kuya, para makuha na ang mga gamit mo."

Sige Jay-Jay, kuwari hindi ikaw kausap niya.

"Sa bahay ka na. Mas maasikaso ka do'n," patuloy lang niya.

Pero ako patuloy pa rin sa hindi pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung gaano ko katagal mapipigilang hindi siya kausapin. Pero dapat makayanan ko.

Mas mabuti na ang ganito. Ayoko ng dumagdag sa sakit na naranasan niya.

Mukang napansin din naman niya ang ginagawa kong pag-iwas. Malalim siyang napabuntong hininga.

"I know the truth Jay," sabi niya at bahagya ko siyang tinignan. 

Tumigil siya sa ginagawa at hinarap ako. Gusto kong lumabas ng kwarto. Parang alam ko na ang ibig nyang sabihin na truth na yan. Wala bang choices? Truth or dare? Bakit Truth lang kanya?

"You remembered that night? The night we both suffered from that guy? He kidnapped and attempt to separate us then things happen," kalmado siya habang sinasabi 'yon pero ako hindi.

Agad kong tinakpan ang magkabilang tenga ko. "H'WAG MO IPAALALA!" sigaw ko sa kanya.

Bumabalik sa 'kin lahat. Madilim na kwarto, maraming gamit na nagkalat, pati amoy ng lugar, basag na salamin at umaagos na dugo. At siya...si Aries sa sahig na hawak ang sugat. 

Ayoko na maisip 'yon. Ayoko na bumalik sa 'kin ang mga 'yon. Ayoko na 'yong maalala. 

Kaya ayoko rin makita si Aries, bukod sa hiya at konsensya hindi ko maiwasang makita ang muka niya na nasa ganong sitwasyon. Yung itsura niya habang nahihirapang huminga.

Hindi ko kaya. Ayokong bumalik ng paulit-ulit sa 'kin ang mga 'yon. Agad akong tumayo at akmang tatakbo palabas pero nahawakan niya ko sa braso. Sinubukan kong magpumiglas pero magkabilang balikat ko na ang hawak niya.

Hinarap niya ko sa muka niya. Agad akong napahagulgol ng iyak. 

"S-Sorry... Hindi ko s-sinasadya 'yon. Maniwala ka hindi kita g-gustong saksakin," sabi ko at akmang luluhod sa kanya pero pinigilan niya ko.

Kita ko ang gulat at pag-aalala sa muka niya pero mas nanaig sa 'kin ang konsensya. 

"Hanggang saan ang naalala mo? But Kuya Angelo said . . ." Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Patuloy lang ako sa pag-iyak at paghingi ng tawad sa kanya. Dahil sa 'kin, habang buhay na niyang daranasin ang paghihirap. Hindi man lang siya makakakilos ng maayos. Habang buhay ko siyang minarkahan.

"H-Hindi ko gustong g-gawin 'yon . . . Wala akong k-kontrol . . ."

Nakatitig siya ng matagal habang pinapakinggan ang mga sinasabi ko. Akala ko galit siya dahil wala pa rin siyang sinasabi hanggang sa unti-unti niya kong yakapin.

"Sshh . . . Hindi ako galit. Hindi galit si Kuya sa 'yo," bulong niya sa 'kin.

Pero alam kong kulang pa ang paghingi ko ng tawad sa kanya. Alam kong dapat magalit pa rin siya. Malaya siyang sumbatan ako, murahin at pahiyain ako. Dapat lang niya ko sumbatan. Dapat lang na hindi niya tanggapin ang paghingi ko ng tawad.

Lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil pakiramdam ko, masyado siyang mabait sa 'kin.

At ako? Puro pananakit lang ang binibigay sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
15.1M 584K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

75.9K 2.2K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
6.5M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...