The CEO's Temporary Bride

By AnjSmykynyze

280K 11.3K 1.7K

When Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has... More

Chapter 1 : The Perfect Dare
Chapter 2: Wrong Turn
Chapter 3: She's Crushed
Chapter 4 - Securing Permit
Chapter 5 - First Day
Chapter 6 - Gift Giving Spree
Chapter 7 - Making Amendments
Chapter 8 - Erochlophobia
Chapter 9 - Rules of Engagement
Chapter 10 - The Unfolding
Chapter 11 - Dark and Twisty
Chapter 12 - Officially His
Chapter 13 - Say You Won't Let Go
Chapter 14 - Supply and Demand
Chapter 15 - What are the Odds?
Chapter 16 - Put on a Happy Face
Chapter 17 - One Sunny Day
Chapter 18 - History Repeats Itself
Chapter 19 - Hot Stuff
Chapter 20 - Butterfly Kisses
Chapter 21- A Needed Distraction
Chapter 22 - Dark Desires
Chapter 23 - University Ball
Chapter 24 - The Payment
Chapter 25 - Drown the Lie
Chapter 26 - Pop the Question
Chapter 27 - The Time Has Come
Chapter 28 - Sealed Fate
Chapter 29 - The Hard Bargain
Chapter 30 - Do I?
Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced
Chapter 32 - Unlucky Fate
Chapter 33 - Ready? Game!
Chapter 35 - His Bed Warmer
Chapter 36 - Her Vow
Chapter 37 - His Hatred
Chapter 38 - Broken Inside
Chapter 39 - Holding On
Chapter 40 - London Lovelorn
***
Chapter 41 - Clashes and Concealment
Chapter 42: Office Politics
Chapter 43: Schemes and Suspicion
CHAPTER 44: Secrets and Consequences
Chapter 45: Unwarranted Suspicions

Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!

5.2K 242 37
By AnjSmykynyze

Maghahating-gabi na nang marating ni Evo ang kanyang mansyon, hindi dahil sa iniiwasan niya si Tamara kundi dahil sa kanyang trabaho. Ayaw niya kasing magtambak ang kanyang trabaho pagkabalik niya galing sa magiging honeymoon nila ni Tamara.

"Good evening, Mr. McTavish," binati siya ng butler ng mansyon.

Tango lang ang isinagot ni Evo saka tuloy-tuloy na pumasok sa mansyon. Agad namang sumunod ang butler saka sinabing, "nakahanda na po ang iyong hapunan sa dining area."

Napahinto sa paglakad si Evo saka kunot noong hinarap ang butler, "kailan ba ako nagpahanda ng hapunan sa'yo?"

Agad na tumungo ang butler saka sinabing, "hindi po kami ang naghanda, Mr. McTavish. Si Miss Tamara po ang nagluto."

Bumuntong hinga si Evo saka sinabing, "hindi ako kakain."

Naiinis si Evo dahil balak niya talagang pahirapan si Tamara ngunit kusang kumikilos si Tamara kaya naisip niya na ang pagsalungat sa lahat na gagawin ni Tamara ang magiging isa sa mga paraan niya sa pagpapahirap sa dalaga.

"P-pero, naghihintay po si Miss Tamara sa hapagkainan," saad ng butler.

"Sabihin mo sa kanya na pagod ako, saka kumain na ako sa opisina," sagot ni Evo na patuloy na naglakad papasok ni mansyon.

Paakyat na sana siya sa hagdanan nang naisipan niyang mas mainam na puntahan niya si Tamara upang mas lalo itong inisin. Dahil dito, lumiko siya patungong dining area. Ilang sandal lang ay narating na niya ang dining area ngunit isang natutulog na Tamara ang nadatnan niya sa hapagkainan.

Nakita niya na maraming hinanda ang dalaga at marahil dahil dito ay napagod ito.

"Gigisingin ko po siya," agad na saad ng butler nang makita ang sitwasyon ngunit agad siyang pinigilan ni Evo saka sinabing, "saka mo siya gisingin kapag nakapasok na ako sa aking silid. At sabihin mo sa kanya na sa susunod, huwag na niya akong hintayin dahil sa opisina ako madalas kumakain."

Totoo ang sinabi ni Evo. Hindi siya sanay kumain sa mansyon dahil pinapaalala lang nito ang malungkot niyang pamumuhay. Mula noong naghiwalay ang mga magulang ni Evo, palagi na siyang walang kasama kapag kumakain sa hapagkainan.

Tumango lamang ang butler saka hinayang dumaan si Evo sa kanyang harapan. Pagkatapos ng ilang minuto ay tinungo na rin nito si Tamara.

"Miss Tamara," saad ng butler habang mahinang niyogyog ang dalaga.

"H-huh?" agad na napaupo ng tuwid si Tamara saka sinabing, "n-nakatulog ako. Pasensya na po. Dumating na ba si Evo?"

"Oo, dumating siya pero nakapasok na siya sa kanyang silid," sagot ng butler.

"H-huh? Hindi mo ba sinabi sa kanya na ipinaghanda ko siya ng makakain?" natatarantang saad ni Tamara.

"Sinabi ko pero kumain na daw siya sa kanyang opisina," sabi ng butler.

Inis na bumuntong hininga si Tamara kaya agad na nagpaliwanag ang butler, "pasensya na Miss Tamara, hindi lang nasanay si Mr. McTavish na may asawa siyang naghihintay sa mansyon."

"Hindi naman niya talaga ako tinuring na asawa," nakasimangot na reklamo ni Tamara.

"Naninibago lang si Mr. McTavish. Pero huwag kang mag-alala, mababago rin siya," paliwanag ng butler.

"Sana nga," buntong hiningang saad ni Tamara saka tumayo, "iinitin ko na lang ang mga ito para bukas ng agahan."

"Kami na ang magligpit dito, Miss Tamara," agad na saad ng butler nang mapagtantong sisimulan na sana ni Tamara ang pagligpit ng mga hinandang pagkain sa hapagkainan.

Napahikab si Tamara saka sinabing, "sige po."

Antok na nilandas ni Tamara ang daan patungo sa kanyang silid ngunit bago niya marating ito aya napadaan siya sa mini library ni Evo. Bukas ang ilaw sa loob kaya naisip niyang nasa loob pa si Evo. Gusto niya sanang kumprontahin ang binata pero alam niyang wala siyang mapapala kung makikipag-away lang siya.

"Bukas, sisigurohin kong magtatanggumpay ako," saad ni Tamara saka nagpatuloy patungo sa kanyang silid.

____________________________

Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Tamara. Agad siyang bumangon at tinignan ang orasan. Limang minuto bago mag-alas otso. Inis siyang tumayo saka tinungo ang kusina. Nakita niyang naghahanda na ang mga katulong sa dining area.

"Magandang umaga po, Miss Tamara," binati siya ng isa sa mga katulong.

"S-si Evo?" agad niyang tanong.

"Maaga pong umalis si Mr. McTavish," sagot ng katulong.

"Nag-agahan ba siya? Kinain ba niya ang hinanda ko kagabi?" muling nagtanong si Tamara.

Bahagyang nagkatinginan muna ang mga katulong saka sumagot ang isa sa kanila, "nagmamadali pong umalis si Mr. McTavish."

Bumagsak ang balikat ni Tamara at agad itong napansin ng katulong kaya nagsalita ulit ito, "Hayaan mo muna si Mr. McTavish, nag-aadjust pa 'yun dahil hindi siya sanay na may kasama dito sa mansyon. Huwag kang mag-alala, magbabago rin siya, lalong-lalo na kapag matapos na ang inyong honeymoon."

Napakagat ng labi si Tamara nang marinig ang saad ng katulong, "may honeymoon pa pala. Muntik ko nang makalimutan."

"Miss Tamara, kain na po kayo," saad ng katulong.

Tumango lamang si Tamara saka tinungo ang hapagkainan, "kung iniisip ni Evo na natalo na niya ako, nagkakamali siya. May isa pa akong alas," sa isip ni Tamara.

Agad na naghanda si Tamara pagkatapos niyang kumain. Una niyang hinanda ang mga sangkap na lulutuin para sa dadalhin niyang pananghalian para kay Evo. Pagkatapos matiyak na kompleto na ang sangkap, agad siyang tumungo sa kanyang silid upang ihanda ang damit na kanyang susuotin. Batid niyang mamaliitin na naman siya ng mga receptionist na nakatalaga sa palapag ng opisina ni Evo kaya naisip niyang mag-ayos ngayon.

Isang yellow ang black corporate dress ang kanyang napili at hinanda niya rin ang kanyang paboritong stiletto. Nakangiting tumungo si Tamara bilang pagpugay sa kanyang sarili saka kinuha ang kanyang cellphone.

"Tamara, napatawag ka?" rinig niya ang masayang pagsagot ni Ellena sa kanyang tawag.

"Pasensya na po kung nakaabala ako," tugon ni Tamara na agad namang sinagot ni Ellena nang, "naku, walang problema. Wala naman akong ginagawa. Bakit ka nga pala napatawag?"

Bumuntong hininga muna si Tamara saka nagpaliwanag kay Ellena, "ipinaghanda ko nang pananghalian si Evo dahil maaga siyang umalis kanina at hindi nakakain ng almusal."

"That's so sweet of you, Tamara," pagpupuri ni Ellena kay Tamara.

"Kaya lang, baka hindi na naman ako makapasok sa opisina ni Evo ngayon," nagkunwaring nalungkot si Tamara.

"Anong hindi na naman makapasok? Bakit nasabi mo 'yan?" tanong ni Ellena.

"Nagpunta kasi ako kahapon para ibigay kay Evo ang hinanda kong pananghalian. Kaso, hindi ako pinapasok ng mga receptionist. Kailangan ko muna daw magpa-appointment sa asawa ko," saad ni Tamara na parang isang batang nagsusumbong sa lola.

"That's stupid! Kailanman ay hindi kailangan ng pahintulot ang pagbisita sa asawa, lalong lalo na kapag ang asawa mo ay ang mismong CEO ng kumpanya," halatang nagalit ang matanda.

"Kaya nga po humihingi ako ng tulong sa'yo," saad ni Tamara, "papatulong sana ako na malusutan ko ang mga receptionists. Hindi kasi sila naniniwalang ako ang asawa ni Evo."

"Ako ang bahala sa'yo. Anong oras ka pupunta sa kumpanya?" agad na tanong ni Ellena.

"Ihahanda ko lang ang pagkain saka mag-aayos," saad ni Tamara saka nagpatuloy, "mga bandang alas onse ako aalis ng mansyon."

"Dadaanan na lang kita," sagot ni Ellena.

Nagpaalam si Tamara bago tinapos ang tawag saka matagumpay na ngumiti habang hinarap ang sarili sa salamin, "tignan lang natin kung maiiwasan mo pa ako ngayon, Evo."

Tiyak niyang mapapagalitan din ni Ellena ang mga receptionists sa opisina ni Evo pero dahil sa pang-iinsulto ng mga ito sa kanya, naisip niyang dapat lang ding mapagsabihan ang mga ito.

____________________________

Tulad ng kanyang inaasahan, kasama niyang nakasakay sa elevator si Ellena. Kilala si Ellena sa buong kumpanya bilang lol ani Evo kaya nalalagpasan niya lahat na mga security protocol ng kumpanya. Nang bumukas na ang elevator, agad siyang nakilala ng mga receptionist kaya nagmadali ang mga itong batiin siya.

"Magandang umaga po, madam," magkakasabay na pagbati ng mga receptionists.

"Mabuti at kilala niyo ako," sagot ni Ellena.

"S-siyempre po," saad ng isa sa mga receptionist.

"Pwes, dapat niyo ring kilalanin ang asawa ng inyong amo," may galit sa boses ni Ellena.

"P-pero –" magsasalita sana ang isa sa kanila ngunit agad na sumabat si Ellena.

"Bilang asawa ni Evo, dapat niyo rin siyang irespeto. Ano pa ang hinihintay niyo? Sabihin niyo na kay Evo na nandito ang asawa't lola niya."

Agad na tumango ang mga receptionist saka kinuha ng isang receptionist ang intercom at agad na tinawagan si Evo.

"S-sir, nandito po ang lola mo," saad ng receptionist saka bahagyang napatigil upang tumingin kay Tamara saka nagpatuloy na sinabing, "kasama niya po ang asawa mo."

Agad na napaigting ang receptionist na halatang nasigawan ng amo pero bago ito magsalita ay nakarating na si Chad.

"Madam," binati ni Chad si Ellena saka binati din si Tamara.

Tumango lamang ang dalawang babae saka sumunod kay Chad patungo sa opisna ni Evo.

"Nieto!" saad ni Ellena nang makita si Evo saka ito niyakap.

"Abuela, naparito kayo," saad ni Evo.

"Hinatid ko lang si Tamara," paliwanag ni Ellena, "binisita ko kasi sa mansyon at nadatnan ko siyang naghahanda ng pananghalian para sa'yo. I find it so sweet kaya naisip ko na dapat kong masaksihan ang paghatid niya nito sa'yo."

Pinigilan ni Evo ang galit na namumuo sa kanyang puso pero tinapunan niya ng galit na tingin si Tamara. Alam niyang pakana ni Tamara ang lahat na ito kaya balak niyang pagbayarin si Tamara.

"Uhm, Evo, kumain ka muna," malambing na saad ni Tamara habang tinungo ang mesa ni Evo.

Nakita ni Tamara na puno ng papeles ang mesa kaya nilibot niya ng tingin ang opisina. Lahat ng mesa ay may nakatambak na papeles kaya hindi niya alam kung saan niya pwede ilapag ang kanyang dalang pagkain.

Agad namang naintindihan ni Chad ang kanyang pag-alala kaya agad din itong niligpit ang mga papeles sa function table ni Evo saka sinabing, "dito mo na lang ilapag ang mga pagkain, Miss Tamara."

Matamis na ngumiti si Tamara saka tinungo ang mesa. Inayos niya ang pagkalagay ng mga pagkain saka hinarap si Chad at sinabing, "nagdala din ako ng para sa'yo," saka inabot ang lunchbox kay Chad.

"Hala sige, kain na kayo," saad ni Ellena.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ni Evo.

"Hinihintay ako ng aking mga amiga sa restaurant malapit dito," saad ni Ellena saka dinagdag ang, "saka makakaistorbo lang ako sa inyo. Sige na, kumain na kayong dalawa."

Hinintay muna ni Ellena na umupo muna si Evo malapit sa mesa saka sabay na kumain kasama si Tamara saka umalis ng opisina.

Masaya si Tamara dahil kahit tahimik lang na kumakain si Evo ay inubos naman nito ang lahat na hinanda niyang pagkain. Ilang minuto ang lumipas ay tumayo na si Evo saka tinungo ang intercom na nasa kanyang mesa.

"I want to talk to the two of you!" narinig ni Tamara ang ma-awtoridad na saad ni Evo.

Ilang sandali lang ang lumipas at pumasok na ang dalawang receptionist sa loob ng opisina ni Evo.

"M-mister McTavish," halatang takot na saad ng isang receptionist.

Napatigil naman si Tamra sa kanyang ginagawa habang tinignan ang dalawang receptionists na nakayuko sa harap ni Evo.

"Collect your separation pay at the HR office, you are fired!" walang emosyong saad ni Evo.

Tulad ng mga receptionists ay nagulat din si Tamara sa sinabi ni Evo.

"T-teka! Bakit mo sila tinanggal sa trabaho?" agad na pumagitna si Tamara sa pagitan nina Evo at ng mga receptionists.

"I told you," mariing saad ni Evo habang galit na tinitigan si Tamara, "no one can know that we are married. This is on you, Tamara."

"Hindi ba dapat mo silang panatilihin dito? They got the information, if you fire them, they might spread the news," pagtatanggol ni Tamara.

"There will be a contract that they will sign before receiving the separation pay," sagot ni Evo saka ibinaling ang tingin sa dalawang receptionists, "if you dare spread the news, don't forget what I can do to destroy your reputation and you will not be able to work at any company after that."

"H-hindi po," parehong umiiling ang dalawang receptionist habang umiiyak.

Naawa si Tamara sa dalawa saka lumapit kay Evo, "Evo, please don't do this. Gagawin ko ang lahat na gusto mo, huwag mo na silang tanggalin sa trabaho. Maawa ka naman sa kanila."

Hindi kumibo si Evo kaya muling nagsalita si Tamara, "Tell me, ano ang pwede kong gawin para makabawi. Gusto mo akong gawing alipin, do it! Huwag mo lang silang tanggalin sa trabaho."

Tumaas ang isang kilay ni Evo saka sumilay ang demonyong ngiti, "anything that I want, Tamara?"

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 13.7K 6
"Now tell me! Gusto mo ba talagang makasal sa akin at maging Mrs. dela Merced?" "Yes!" Mabilis na sagot nya, at hindi nagbabawi ng tingin rito. Kahit...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.4M 19.6K 42
Dice and Madisson