WANDA For You

Av HEYNEENAMOR

463 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." Mer

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Outfit

12 1 0
Av HEYNEENAMOR

Arman's POV


UNANG araw pa lang ng babaeng ito sa trabaho niya, pakiramdam ko ay ubos na ubos na ang pasensya ko sa kanya. Yung totoo niyan, sinabihan ko na si Direk Pat na ayokong siya ang maging Road Manager ko. Dahil ganito—- ganito ang nakikita kong senaryo!!! Hinding hindi kami magkakasundo sa kahit na anong bagay. There is something on her na ayaw na ayaw ko. Masyado siyang maingay. Pakiramdam ko nawawala lahat ng concentration ko sa mga bagay dahil sa ingay niya. Ang sabi ni Direk Pat, bigyan ko ng chance si Gia. Ayaw ko man gawin pero wala akong choice. I need to work with this girl. Sabi ni Direk atleast 3 months. Okay. Pumayag ako. Pero kapag puro aberya ang mangyayari working with her, ako na ang magpapatapon diyan pabalik sa dati niyang trabaho. Tss.




Ang sama ng tingin ko sa kanya habang nakatingin ako dito. Nasa magkalayong sofa kami nakaupo ngayon, waiting for the samples ng outfit ko for next month na guesting ko sa concert.

Napahawak ako sa ulo ko ng maalala ko yung sinabi nito kanina. Sino siya para husgahan ang love life ko? Boring? Boring ang lovelife ko?? Pakiramdam ko ay naoffend ako sa sinabi nito. Coming from a girl? Tss.


Napatayo ako ng pumasok si Lily na dala-dala ang tatlong boxes na naglalaman siguro ng mga sample outfits. Lumapit ako dito para tulungan siya na maibaba sa couch ang mga box.


"Sir Arman, itong first box po yung sample ng first outfit. Ganitong ganito po yung design pero as per Direk Pat, navy blue daw po ang kailangan. Pero same fit po ito. Pasukat na lang." kinuha ko ang isang dark green na suit at   ang partner nito na pants tsaka ako pumasok sa fitting room. Paglabas ko ay nakatayo na si Gia sa tabi ni Lily.


Naglakad ako upang lumapit sa malaking mirror sa gilid ng pinto. Sakto ang fittings sa akin. Komportable naman. Pero hindi ito ang color na sinuggest ni Direk Pat so baka ipabago pa talaga.



"Sakto sayo yung fittings Arman. Hey, wait lang—— okay the buttons. Oh ayan, perfect! Ang perfect ng color sa complexion mo! Bakit magpapatahi pa ng ibang color ? Pwede na to!" nagulat ako ng lumapit si Gia sa akin para ayusin yung pagkakabotones ko sa upper part ng inner top. Ibinaba ko ang kamay niya na nakahawak parin sa balikat ko tsaka ako medyo lumayo at humarap kay Lily.



"As per Direk Pat's reco, navy blue daw dapat." paalala ko kay Lily kasi baka magpapaniwala to sa desisyon ni Gia, masyado lang tong nangengealam.



"Yes, navy blue po ang reco ni Direk Pat pero Sir Arman, agree din ako sa sinabi ni Miss Gia na bagay sago yung color ng Emerald green!"






"Naku wag kang maniwala——-"




"And as per advice ni Direk Pat sa akin kagabi, pwede naman din daw ako magdecide regarding sa kahit anong adjustments ng outfits mo Arman. So for me, okay na ako sa Emerald Green. I will informed Direk Pat regarding the changes, for sure di naman siya magagalit."




"Gia, si Direk Pat ang Manager ko at wala kang——-"





"Hello, direk Pat! Hi! Nandito na kami sa House of Rajo! Look oh, bagay ang color kay Arman diba? Pwede na to! No need na magpagawa ng bago! Bagay sa complexion niya!!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko si Gia na ka video call na ang manager ko! Kita mo yan!!!! Masyadong paladesisyon! Tama bang istorbohin si Direk Pat ng ganitong oras? Paano kung busy yun? Tss..




"Ibibigay ko na kay Gia ang huling decision for your outfit Arman. Tsaka maganda ang taste ni Gia sa colors hah! Alam na alam niyang bagay sayo!"



Hindi na ako umimik hanggang matapos silang mag-usap. Nanalo na naman po sa pagdedecide itong RM ko. Paglabas namin ng House of Rajo ay walang imik kong ipinasok sa backseat ng sasakyan ko ang isang box ng outfit ko na pwede na naming mauwi. Next week ko pa makukuha yung dalawang additional na pinagawa namin.










"Arman! Buksan mo to!!!" narinig ko na ang reklamo nito ng hindi niya mabuksan ang pinto sa tabi ng drivers seat. Ni-locked ko talaga yun para hindi na siya umupo doon papunta sa next schedule namin. Ayoko siyang katabi. Nawawala yung sanity ko kapag nakikita siya ng mga mata ko. Tss..





"Sa likod ka umupo. Pwede ka pang humiga dito kung inaantok ka. Please lang, wag ka muna magsalita."



"Ayoko diyan! Gusto ko dito!!"





"Ayaw mo sumakay??? Bahala ka! Iiwan kita!" sabi ko dito sabay pasok ko sa drivers seat. Inip akong naghintay kung sasakay ba ito sa likod pero nanatili itong nakatayo sa gilid ng pinto. Ang sama ng tingin niya sa akin. Alam siguro niya na nakatingin ako sa kanya ngayon.


"Tss.. Ayaw pang sumakay! Akala ba niya mabubuksan niya yung pinto dito sa harap? Tss. Okay, siya na ang cause of delay para sa next schedule namin!!" bulong ko habang inuumpisahan ko ng paandarin ang sasakyan ko. Tiningnan ko ulit si Gia na ayaw paring sumakay sa likod. Tila may hinahanap iyon sa paanan niya na di ko maintindihan. May nahulog ba? Anong hinahanap niya?


Medyo tumayo ako para masilip kung ano yung pinupulot nito.






"Sh*t!" napamura ako ng makita ko kung ano yung bagay na pinulot ni Gia. Tila isa iyong matulis na bato. Itinaas niya iyon na tila pinapakita niya sa akin. Hanggang sa inilalapit ni Gia ang matulis na parte ng bato sa salamin ng bintana ko.




"Hoy! Nababaliw ka na ba??? Anong gagawin mo sa bintana ng sasakyan ko??!" napalabas ako ng di oras sa kotse ko para pigilan si Gia sa balak niyang pagbasag ba or what sa bintana. Nang makalapit ako sa kanya ay siya namang mabilis na pumasok sa front seat—— D*mn, mabubuksan nga pala yung parehong pinto kapag lumabas ako ng kotse! Naisahan ako ng witch na ito!!!















Gia's POV

Walang kahirap-hirap na isahan ang isang Arman Herrera. Akala ko ba matalino ito? Sus. Kayang-kaya ko naman pala siya. Nang makaupo ako sa harapan ay mabilis kong sinuot ang seatbelt ko para hindi na niya ako mapalipat sa likuran. Ayaw mo akong katabi hah? Pwes! Magdusa ka!




"Baliw ka na nga." rinig kong sabi nito.




"Kung baliw ako, anong tawag sayo??" sagot ko dito.




"Isusumbong ko lahat ng mga pinaggagawa mo . Ewan ko lang kung di ka pagalitan ni Direk Pat."



"Baka ikaw pa ang pagalitan ng Manager mo kapag nalaman niyang may isang event ka next week na tinanggal sa schedule mo?" napalingon si Arman sa akin ng sabihin ko iyon. Anong akala niya? Hindi ko mapapansin yung list ng schedule niya? Pinag compare ko kasi kagabi yung list na binigay ni Direk Pat at ni Arman, may isang schedule na binura niya. Ewan ko kung na edit out or what pero mukha iyong importanteng event. Personal event. Pero bakit ayaw niyang puntahan?







"Wala kang sasabihin kay Direk Pat." seryosong sabi nito sabay paandar ng kotse.




"Pero bakit ayaw mong puntahan yung birthday ng kapatid mo?"






"Road Manager lang kita. Wag kang mag invade ng privacy. That's against the contract Gia." seryosong sagot nito ng hindi lumilingon sa akin.



"Pero dapat kong malaman dahil kapag si Direk Pat ang maka-alam nun——-"




"Kailangan bang paulit-ulit kong ipaliwanag sayo na trabaho mo lang ay ayusin ang schedule ng trabaho ko, hindi ng personal life ko?!!" okay, nafeel ko na ang galit niya. I need to shut up na nga siguro. Galit na ito. At ramdam ko iyon sa tono ng boses niya. D*mn! That was scary. First time kong matakot sa boses niya.





"I'm sorry." mahinang sabi ko dito at hindi na muli ako nagsalita. Buong biyahe ay wala kaming imik pareho. Hanggang sa makarating kami sa restaurant kung saan magaganap ang meeting with Direk Pat & his team. Ito ang unang beses na mamemeet ko silang lahat. Bumalik ang exicitement ko. Pagpark na pagkapark ni Arman ay bumaba na agad ako sa sasakyan niya at hindi ko na siya hinintay pa. Pumasok na akong mag-isa sa loob at hinanap si Direk Pat.













Nang makita ko na si Direk Pat ay mabilis akong naglakad para makalapit dito. Wala akong pakialam sa alien na nasa labas pa yata or nakasunod na yata sa akin? Paglapit ko sa table nila ay nakangiti na akong bumeso kay Direk Pat and doon na niya ako pinakilala sa tatlong Angels na nakaupo din sa table namin. Dalawang babae ito at isang gay?





"Gia! This is Emman, co-writer ko sa ibang mga books na ginagawa ko!" Okay, Emman is his name. He's wearing a very lemony top kaya naamoy ko ng gay nga ito. And confirmed! Nakipagbeso ito sa akin.

"And this is Nana, isa sa Road Manager ng ibang artists na hawak ko !" itinuro nito ang isang morena girl na super pretty.


"Hi Miss Gia! I'm Nana! And finally! Nameet na kita!!!! Madalas kang nai-kkwneto ni Direk Pat sa amin!" nakangiting sabi nito at nakipagbeso ito sa akin. Okay, her character is like—— super duper funny! She makes face na ang weird pero nakakatawa! I like her.



"And this is Angelina! Ang ating Accountant slash Finance Specialist—— okay, about funds ang expenses, sa kanya ka lang mag concern!" and the last one is the super pretty meztisa na girl! Mukhang mahinhin! Aww.


"Hi! Anj na lang ang itawag mo sa akin! Nice to meet you!" binigyan ko sila ng masayang ngiti tsaka ako umupo sa tabi ni Direk Pat. At ang Alien ay kakarating lang sa table namin—— like 5 minutes siyang nag park sa labas? Tss. pa-VIP!!! Kainis.





"Hello guys!" nakangiting bati nito tsaka niya isa-isang bineso ang lahat—- syempre maliban sa akin. Hello, magkasama na kami kanina. Tsaka subukan lang niya, bubulagta talaga siya sa sahig. Hmp.




"Arman! Gia! hows your day hah? Unang araw niyong magkatrabaho? Kamusta ?? Any update??" tanong ni Direk Pat. Umupo si Arman sa vacant na chair sa gilid ko. Hindi ako kumikibo sa tanong ni Direk Pat. Nakasimangot lang ako at naghihintay na si Arman ang sumagot sa tanong.




Pero hindi din sumagot ang loko at inis ding nakatingin sa akin. Ay bwisit na to! Aaarrghhh.




"Parang gets ko na kung kamusta ang first day niyo. Mukhang nakahanap na ng katapat si Arman. Diba Direk??" napatingin ako ng sumagot si Nana.



"Hahahhah. Gets ko na din. Mukhang unang araw palang, nasira na agad ng isa't-isa ang mood nila. Hahahha, that's why hindi talaga pwedeng pagsamahin ang dalawang Scorpio ng super tagal. The clash was there eh. I saw it. The fire—-" nagulat ako sa sinabi ni Emman. The guy besides me is a Scorpio?? Scorpio din? D*mn! That's why meron kami parehong trust issue! Pareho kaming Scorpio!!




"Scorpio ka?" gusto kong i-clear kay Arman . I ask him directly.



"And so??" sarcastic na sagot niya. Kita mo yan!!! Nakakainis!!! Arrrghhh.




"Wait lang hah, kayong dalawa nga—- sanayin niyo na ang sarili niyo na maging kind sa isa't-isa kasi madami-dami pa kayong araw na pagsasamahan. Lalo na sa announcement ko ngayon." napatingin ako kay Direk Pat ng magsalita ito.




"Direk , wala sa vocabulary ni Arman ang salitang "Kind", hindi niya alam yun." inis na sabi ko dito and I heard the 3 angels— laughing.



"Ikaw nga baka pasulatin ka ng 1000 words essay about "Being kind" wala kang masusulat." kaswal na sagot ni Arman tapos umayos ito ng upo at medyo umusog na tila ba ayaw na niya akong tabihan.



"Wait lang, hinahamon mo ba ako??" Di makapaniwalang tanong ko dito. Seriously? Essay? Ako ? Walang masusulat? Excuse me!!




"Hep! Hep! Guys, kumalma muna kayo—- inhale, outhale—— eh teka nga Gia, ano bang nangyari kanina? Anong update?"



"Nakuha na niya yung first outfit. Babalikan na lang po namin yung dalawa pa, maybe next week. Ay mali, siya na lang pala yung babalik. Bahala siya sa buhay niya." sagot ko kay Direk Pat. Si Direk naman ay nagpipigil ng tawa niya. Direk, nakaka-stress tong alaga mo. huhu



"Nana! Baka naman willing kang exchange tayo ng alaga kahit mga 3 months lang. Paubos na kasi yung pasensya ko dito." sabi ko kay Nana at natawa ito. Umiling siya tsaka tumingin kay Arman.



"Hindi ko kayang alagaan yan. Baka magselos pa ang Baby ko! Hahahahahah." napanganga ako sa sagot nito ng tila kinikilig siya. Sinong Baby? Jowa ba niya?


"Baby? Boyfriend mo??" tanong ko dito at tila kinikilig siyang tumango tsaka niya pinapakita ang isang singsing na may malaking diamond. OMG. She's engaged??




"Oh my Ghaaaaad!!! You're engaged ? Congratulations! Kaya pala ang blooming! Inlove naman pala!!!"



"Nana, you can't be my Road Manager. Babae mga hinahandle mo." sabat naman ni Arman.


"Yeah. Isa pa yun. Tama si Arman. Kaya sorry Gia, Arman is for you talaga." sagot ni Nana tapos biglang nag snap ng finger si Emman sa harap ko.


"Good luck girl!" nakangiting sabi ni Emman sa akin.




"Direk Pat, mag ffile na ng resignation si Gia. Magpapasa siya ngayon mismo. Diba Gia?" biglang sabi ni Arman na ikinagulat ko. Hello? Hindi ko naman kayang mawalan ng trabaho agad-agad nu? Kahit hirap na hirap ako dito eh kailangan kong tiyagain. Lalo na't July pa lang at malayo pa ang Pasko. Wala pa akong ipon masyado.




"Haha. Ang funny Arman." sarcastic na sabi ko dito.





"Arman naman, be kind to Gia." paalala ni Direk Pat dito.




"I can't." sagot nito. Apakan ko kaya ang paa nito. Tss.





"Arman , bigyan mo ng chance si Gia. Mukhang magkakasundo din naman kayo niyan. Pero bakit ba kayo nag-aaway?" tanong nung Anj. Bakit kahit nagtatanong lang siya eh ang ganda ganda parin? Like! Para siyang Anghel!




"Change topic. So kamusta ang honeymoon niyo ni Gelo?" tanong ni Arman kay Anj. Wait? bagong kasal siya???




"Honeymoon talaga yung tinanong? Arman! Hahahah" natawa din ako ng tumawa si Direk Pat. Tila namumula ang pisngi ni Anj dahil sa tanong ni Arman.




"Wow! Congrats Anj! Kaya pala blooming din! Isa pa tong inlove!" sabi ko dito.



"Sana may magtanong din sa akin kung Inlove ba ako ngayon. Hehe. Ang sagot ko ay Oo! " kinikilig na sabat naman ni Emman. Natawa kaming lahat.




"Teka guys, bakit ako ang naging topic? Pwedeng ikaw naman Arman? May announcement si Direk Pat about sayo today diba!" sabi ni Anj.



"Ano bang announcement yun? Dapat ba akong kabahan? Please lang Direk, wag mo na akong padalhan ng isa pang Gia, baka mag quit na ako sa career ko talaga." Lah, epal talaga. Arrghhh..




"Sandali lang. Mamaya na yung announcement. Next week pala, may ipapadala ako sayo sa birthday ni Thea." napatingin ako kay Arman ng sabihin iyon ni Direk Pat. Sino si Thea?




"Hindi ako pupunta sa party ni Thea. May pupuntahan ako." sagot nito. Aahh! Yung kapatid niyang magbibirthday!



"Hah? Nasa schedule mo yun ah. Bakit hindi ka pupunta? Diba Gia nasa schedule yun ni Arman? Ako nga nag-ayos nun , request ng Mama mo iyon——"



"Hindi ako pupunta. Hindi din naman makakauwi si Mama dito. Tsaka may commitment na ako that day. Pupunta kami ni Gia sa Cebu for a wedding. Kakanta ako sa kasal." wait lang. Teka. Gia? Teka ako yun ah. Pupunta kami ng Cebu? Hindi ko to alam!




"Cebu??? Kailan? Bakit hindi ko ito alam??? Kakanta ka sa kasal? Teka? bakit kasama ako?"



"Bakit kasama ka? Diba Road Manager kita!? I accepted the invitation of my former colleagues from The Madrigal Singers. I'm going to sing sa kasal!"



"And bakit hindi ko ito alam?" tanong ni Direk Pat kay Arman. Hala! Ayan na!




"Nareceived ko lang yung invitation last night. Namoved ng mas maaga ang kasal eh. On Saturday. Pumayag na ako. Nakakahiyang tumanggi."



"Pupunta ka sa kasal ng Colleague mo pero sa birthday party ng kapatid mo, hindi? Never kang may namissed na party ng kapatid mo! Ineexpect ka ni Thea dun!"




"No. Madami na siyang bisita na pupunta. Hindi naman kailangan dun yung presensya ko."




"Arman if this is about—-"





"Direk. My decision is final. Pupunta kami ng Cebu ni Gia sa sabado." pagputol ni Arman sa dapat na sasabihin ni Direk Pat.





Okay? May dapat ba akong malaman? Mukhang may problema si Arman sa kapatid niya ah?




Pero teka lang—— Cebu?? Pupunta ako ng Cebu with Arman?? Pucha baka itulak pa ako sa eroplano. Katapusan ko na ba?












😈

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

6.6K 306 54
Warning Notice: This story might be disturbing for you, this is angst and flawed story, issues tackled might be triggering. After receiving a bad new...
83.4K 6.7K 35
Matapos ibalik sa mga Dalca ang Helderiet Woods, kinailangan nang umalis ni Mr. Phillips sa Grand Cabin upang manirahan pansamantala sa timog. At hin...
82.7K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
133K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2