The cold Mr. Ceo

By Gelred

6.7K 279 11

A man who despises the world, humanity, and everything that can be left behind... Why did he transform into a... More

Prologue
Isa
Dalawa
TATLO
APAT
Lima
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
42
43
44
45
46
47

41

87 6 1
By Gelred

Pinatawag siya ni Zeq.

May pinapahanap na documents sa cabinet.

Hindi ito nagsasalita. Tahimik lang na naghahanap

Pasulyap sulyap si Zeq.

Maya maya ay lumapit si Tata at ibinigay ang folder.

"Paki timplahan na rin ako ng kape" utos nya

Tumango si Tata pero hindi naka tingin.

Pagkaalis niya ay napa kunot ang noo ni Zeq. Alam nyang bawal ang kape pero bakit hindi siya tinanggihan nito. Bagkus ay sumang ayon at umalis agad.

Dati drati ay sinusuway siya nito dahil masama ang kape kay Zeq.

Pagkalapag nya ay umalis na ito.

"Salamat sir" sabay sambit nila Tata at Vita sa pa free lunch ni Isiah.

Nakita iyon ni Zeq. Naningkit ang mata niyang sinundan ng tingin si Tata na tuwang tuwa sa ibinigay ni Isiah.

"ma'am delivery po para kay Ms. Tata Villacorta"

"Ako nga" aniya at inabot iyon.

Tinignan niya ang laman. Small size na cholate cake

Naisip niya agad na si Zeq ang nagbigay.

"Aah Vita, hindi kasi ako mahilig sa cake, sayo na lang ito" aniya

"Wow, ako mahilig. Sure ka akin na lang?"

"oo alam kung favorite mo yan eh"

"ayeee salamuch." tuwang tuwa si Vita na inabot iyon.

Snack break. Hindi sila umaalis sa mesa pero may kanya kanya silang kinakain.

Si Vita ay kumuha ng small portion ng cake at iyon ang kinakain niya.

Si Tata naman ay binuksan ang box ng pagkain na ibinigay kanina ni Isiah. Chocolate caramel na donut ang pinapapak nya.

Dumaan si Zeq. Nakita niya si Vita at ang kinakain nito. Lumingon siya kay Tata at nakita rin nya ang kinakain nito.

"sir gusto nyo?" alok ni Vita

"No thanks" seryoso ang mukha ni Zeq

Si Tata ay palihim na ngumisi.
"Akala mo hindi ko alam na ikaw nagpa deliver. Ganyan ba ang way mo para mag sorry. Pwes hindi mo ako madadaan sa mga sweets at bento box." aniya sa isip

"Emmmp ang sarap naman nito" aniya sabay tingin kay Zeq na nasa tapat nya

Bumaling sa ibang direksyon si Zeq at nag umpisang maglakad.

Natawa ng bahagya si Tata sa nakitang itshura nito

Niluwagan ni Zeq ang tie nya at umupo sa sofa.

Sa uwian ay nakisabay siya kay Vita at gusto rin niyang dalawin ang inaanak nitong si Dreison.

Malaki na ang inaanak niya. Nakakaupo na ito ng mag isa.

"Sa gwapo mong ito, ayaw ka panagutan ng tatay mo..... Hay naku pagsisisihan niya itong desisyon nya" ani Tata ng buhatin ito.

"Takot sa responsabilidad yung ama niya. Puro travel at bar ang alam."

"Kung gnun eh bakit ka pa nya binuntis?"

"Wala naman sa plano kaso pumalya ang withdrawal na ginagawa namin kaya nabuntis. "

"Naku, ikaw Dreison pag laki mo huwag mo gayahin ang tatay mo ha, be a good man and responsible"

"Dito ka na mag dinner" alok ni Vita

"Naku nag abala ka pa pero hindi ko tatanggihan yan." pagbibiro ni Tata

Magiliw ang bata habang kasabay nilang kumakain. 

"Bakit ikaw wala pa, o wala ka ng balang?" pagtatanong bigla ni Vita

"Hindi ko  nga rin alam eh"

"Paanong hindi alam, Kasi siguro natatakot sa mga kuya kuyahan mo kaya hindi natutuloy umakyat ng ligaw."

"hindi naman kaso mailap talaga ako sa lovelife."

"Puro ka rin kasi trabaho"

"Prang, kasi naman si nanay ayaw umalis sa poder ng lalaking yun kaya nagsisikap kapag nakaipon ng malaki laki ilalayo ko talaga siya sa mag amang yun"

"Grabe pa lang ma inlove ang nanay mo. I am impressed by your mother's love. She is head over heels, despite the fact that they treat her as if she is nothing special."

"Hindi naman talaga siya special kasi kinakawawa siya doon. Si Abbie kung makautos akala mo may katulong."

"Siya magpaka busy para maraming datong at matupad ang plano"

Nag stay pa ng isang oras si Tata sa apartment ni Vita. Nakipaglaro siya kay Drieson hanggang sa makatulog na ito sa kanyang bisig. 

"Alam mo bihira na makasundo ni Drieson ang iba bukod sa akin pero sayo. Parang matagal na kayong magkakilala"

"baka nawawala ko siyang anak?"

"Gaga paano mangyayari yun eh never mo isinuko ang kipyas mo!"

Nan laki ang mata ni Tata sa narinig

"Huwag pa oa, hindi ka pa virgin legit yun oo pero matanda ka na para sa pa inosenteng mga salita haha"

"alam mo kung hindi ka lang nanay ni Drieson baka lumipad ka na kanina pa hehe" pagbibiro ni Tata

"Kakasabi mo lang at tyaka kawawa naman ang inaanak mo kung pati nanay mawawala din haha"

"galing mo din eh no hahaha. Pingi ako mangga ha tapos bagoong alamang"

"Ikaw ang magaling, galing mo sumigwey eh ha"

"sige na, nangalay ang kamay ko, baka kapag kumain ako ng mangga mawala ang ngalay ko" Ngumiti ng malapad si Tata

"Kaka order ko pa nga lang yan sa online eh"

"Nagpapadidi ka diba, naku mangangati si Drieson, maawa ka sa inanak ko, kaya ilagay mo yang isang tumpok para mabilis ang usapan"

ngumisi si vita pero ginawa rin niya agad.

Nagpa sundo si Tata kay Ben sa labas ng Barangay dahil wala ng tricycle na pumapsok sa villa sa ganoong oras. 

"Tata!"

napakamot ito sa ulo ng makita ang buong team

"Naku, buong barangay pala ang susundo sa akin, Hindi ako nainform?"

"Nasa bahay kasi sila kanina noong tumawag ka, alam mo namang pagdating sayo, itong mga to eh daig pa ang tatay ang ganap buhay mo" ani Ben

"Ikaw rin naman ah, daig mo pa ang judge tuwing may umaakyat ng ligaw kaya takot na silang mag 2nd try" ani tata

tumawa sila sa sinabi ni Tata

"Delikado na sa panahon ngayon, kaya hindi pwedeng si Ben lang ang susundo sayo. "ani Salud

"Sabi ko nga po" ani Tata. Sumakay na sila sa van na sasakyan ni Tentoy

Naki suyo si Vita kay Tata na bantayan muna si Drieson dahil may biglang lakad ito.

Dahil araw ng Sabado at practice nila, Sinama niya ang bata sa field.

salitan ang team sa pagbabantay kay Drieson

Bumalik si zeq sa field at tinignan ang paligid ng banyo.

"Uy Zeq andyan ka pala" paninita ni Tentoy

Lumingon si Zeq. Wala ito sa mood na makipag away. 

"hidden cam ba ang hinahanap mo?"

tumango lang siya

"Meron ayun oh, sa munisipyo lang ang nakakaalam niyan" wika ni Tentoy

"Bakit munisipyo lang at bakit alam mo?"

"Kagawad ang tatay at lagi siya sa munisipyo."

"Narito ka ba dahil sa nangyari kay Isiah?"

tumango ulit siya

"kung yung cctv video ang hanap mo matutulungan kita" pagpipresenta ni Tentoy

"Huwag na, kaya ko namang pumunta mag isa eh"

"Hindi sila basta basta nagbibigay ng video. May dadaanan kang proseso, kung ako makukuha mo agad iyon ng hindi nasasayang ang oras mo"

Hindi ito umimik. Nakatingin lang kay Tentoy

"Naroon sila Tata sa field, doon ka muna habang wala ako"

"Teka sandali" pag awat niya dito

"Huwag ka ng mahiiya at tumanggi."

"Bakit mo ito ginagawa?"

"Dahil gusto ko lang"

"Pwede ba yun?"

"Oo, hindi lahat ng ginagawa mong mabuti ay may kapalit. Hindi ako gumagawa ng mabuti o tumutulong dahil may hinihintay akong kapalit. Masaya akong nakakatulong kahit sa maliit na paraan at sa alam kung kaya ko" pagpapaliwanag ni Tentoy

"Bakit ako, wala naman akong ginawang mabuti ah"

"Alam kung mabait ka takot ka lang ipakita yun sa lahat.  Tyaka Hindi porket wala kang nagawa o nagagawang mabuti sa kapwa mo, ay ganoon na rin ang mundo sayo. " ngumiti ng malapad si Tentoy at naglkaad na paalis

lumapit ito sa may upuan. May bitbit na bata si Tata

Tahimik niyang pinagmamasdan ang bata. 

sinisipat niya ito mula ulo at kasulok sulukan ng mukha nito

(Teka, hindi naman niya kamukha tyaka wala naman sa resume nya na may anak na siya) aniya sa isip. Tinignan niya ulit ang bata. Umirap ang bata sa kanya at lumingon sa kabila

(Pero pareho sila ng ugali, Anak kaya niya ito at hindi lang niya sinasabi sa resume niya?) nagtataka at malalim ang iniisip

Nagulat sila at napalingon sa tinamaan ng bola. 

Natumba si Zeq na hawak ang noo.

Hindi napigilan ni 'inaro ang matawa, agad siyang tinapik ni Salud para tumigil

Tumakbo si Arvi at inalalayan si Zeq.

pinagpagan ni Arvi ang damit ni Zeq at tyaka humingi ng paensya

"Pasensya ka na"

Hindi na lang sumagot si Zeq sa inis niya. Nasulyapan niya ang bata at si tata na tumatawa

ngumisi siya at sinamaan ng tingin ang bata. 

Biglang umiyak ito at yumakap kay Tata

"whoo hoo tama na tama Drei. Laro na lang tayo ng bola para hindi matamaan sa ulo" aniya

(aba loko to ah, pinaparinggan ba niya ako?) tanong niya sa sarili

Kinuha ni zeq ang bola na akmang kukunin ni Tata

Nagtama ang mga mata nila. Biglang iwas si Tata ng maalala ang nangyari sa opisina kamakailan lang.

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong ni Zeq

"huh, ang alin po sir?" nagtatakang tanong ni Tata

"Nilihim mo para sa trabaho, anong klase kang ina"

naguguluhan si Tata

Sinundan nito kung saan nakatingin si Zeq

doon niya lang naunawaan ang gusto nitong sabihin. Ngumiti ito ng nakakaloko dahil may naiisip itong kalokohan. 

Continue Reading

You'll Also Like

27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
264K 6.6K 32
Gustav Batalier loathed one guy and only one guy, and that is Malec GarcĂ­a. So imagine his shock when he found out that the guy is possessively obses...
27M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...