Serving The Heir's Father

Od Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... Více

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Twenty- Nine

240 4 2
Od Haaadeez

Naduduwal na naman ako, kada umaga ay lagi nalang ganito.

Nagpupunas pa ako ng bibig ko nang pumasok si Vince sa kwarto.

"Saan ka galing?" Tanong ko, maaga kasi akong nakatulog kagabi kaya ‘di ko na namalayang umalis siya.

Inalis niya ang necktie. "Work."

Tumungo naman ako sa kaniya at tutulungan sana siyang alisin ito ngunit umowas soya sa akin.

"May problema ba tayo?" Mahinang tanong ko.

"Wala." Saglit niya lamang akong tinignan. "Tutulog lang ako."

"Vince-"

"I'm tired, Pauline. Please let me rest." Aniya at mukhang masama pa ang timpla.

"S-sige." Baka naman pagod lang siya, Pauline pero nakakapanibago lang na hindi niya ako hinalikan o ‘di kaya’y niyakap. Napabuntong hininga na lang ako at pinanood niya humiga sa kama, nakatalikod sa akin.

Kakausapin ko na lang siya paggising niya.

Ilang araw na rin simula noong magtalo kami, nagkaayos naman kami kinabukasan dahil naging maayos na rin ako. Naiintindihan ko kung saan siya nagmumula.

Kaibigan niya si Vienna, iyon lang ‘yon.

Lumabas na lang ako sa kwarto para tingnan si Xy, natutulog pa siya.

Mamaya at pupunta na naman dito ang teacher niya, hangga’t hindi pa siya lubos na nakakarecover ay pina- home schooled muna namin siya.

Hinalikan ko ito sa noo bago ako lumabas ng kwarto niya.

Bumaba na ako para maghanda ng agahan pero naduduwal na naman ako kaya tumakbo ako ako sa lababo. Sumasama rin ang pakiramdam ko.

Napasandal ako sa lababo at saka pumikit, ilang sandali pa ay umayos na naman ako kaya nagluto na lang ako.

Nang makaluto na ako ay saktong bumaba na si Xy, may hawak pang libro.

"Kain na, Xyphere." Tawag ko sa kaniya, pumungas pungas pa ang mga mata niya, halatang antok pa pero bumangon na.

Inihanda ko na rin ang gatas niya.

"Si Daddy po?" Tanong niya nang makaupo na siya. Bahagyang napatingin ako sa hagdan.

"Tulog pa, ‘nak." Taning sagot ko na lang.

Nang makasubo na ako ay bigla na naman akong nasusuka.

Adobong pusit ang niluto ko, nasasarapan naman ako rito ah, bakit parang hindi ko gusto ang lasa?

"Masarap ba, Xy?" Tinanong ko ang anak ko kasi hindi ito masarap sa panlasa ko. Parang kakaiba, hindi ko mapaliwanag.

"Opo, ma." Sagot niya, pinapanood ko siyang lantakan ang niluto maya maya ay naduduwal na naman ako.  "Okay ka lang po?"

"Hindi ata masarap, huwag mo ng kainin." Sabi ko na lang dahil nandidiri ako sa niluto ko.

"Masarap naman po mama." Aniya at nilantakan ang luto ko.

Napatingin ako sa lababo, wala akong naisuka. Ano bang nangyayari sa akin.

Napabuntong hininga naman ako at muling umupo, hindi na lang ako kakain pero nagugutom na ako.

Parang gusto ko ng mangga at chocolate, pero maaga pa para sa mangga. Hindi naman tag- mangga ngayon.

Pero gusto ko, parang nangangasim ang lalamunan ko. Agad akong naghanap nh chocolate sa ref ngunit wala rin.

Naiiyak na ako.

"Ma, okay ka lang po?" Napatango naman ako.

"May chocolates ka ba, Xy?" Mahinang tanong ko.

"Meron po, bigay ni teacher. Hingi ka po mama?"

"Hingi si mama." Muling tumango naman ako.

"You didn't eat rice yet."

Para naman siyang si Vince kung magsalita kaya napanguso ako. Tama naman hindi pa ako kumakain. "Sige, mamaya na lang. Basta hingi si mama ha."

"Opo." Aniya at ngumiti bago muling kumain. Sarap na sarap naman siya sa kinakain niya, bakit sukang suka ako.

Sa huli ay nagprito na lang ako ng itlog na nilagyan ko pa ng orange juice sa ibabaw, piniga ko lang nang kaunti ang orange.

Masarap pala ‘to?

"Weird, mama." Humahagikhik pa siya.

"Ano?!" Agad naman nag init ang ulo ko ngunit tinawanan niya lang ako.

"Joke lang po!"





Naghuhugas na ako ng plato nang bumaba si Vince.

Nakaligo na siya at may dalang bag.

Hindi ko na lang ito pinansin at nginitian siya. "Kain ka na, Vincent."

Umiling siya. "Hindi ako uuwi mamaya."

"Bakit?" Nagpunas ako ng kamay sa apron at hinarap siya.

"I have more work to do." Saad niya, napakunot naman ang noo ko.

"Secretary mo ako, bakit hindi ko alam ‘yan?"

"Just focus on our son." Malamig na aniya.

Napayuko ako. Naiiyak ako. "O-okay."

Hindi ko na naingat ang ulo ko dahil sa sunod sunod na luha.

Naramdaman ko rin na umalis na siya, walang halik? O yakap?

Sumasama ang loob ko at hindi ko rin maipaliwanag ang emosyon ko.

May problema ba kami? Bakit hindi siya magsabi sa akin.

Bakit biglang nanlalamig siya sa akin?












Akala ko ba isang araw lang siya mawawala? Tatlong araw na ang nakalipas, hindi pa rin siya umuuwi. Kahit na tawag o text ay wala.

Nasaan na ang Vincent ko?

Araw araw ay lumalala ang pakiramdam ko, nasusuka ako at inaayawan ang mga pagkain. Emosyonal ako sa lahat ng bagay at ang dali kong mairita. Kahit na si Xy minsan ay napagbubuntunan ko na alam ko namang mali.

Kagaya kanina, tinatawagan ko si Vince ngunit hindi siya sumasagot, sakto namang may pinapakita si Xy na nagawa niya kanina noong narito ang teacher niya. Nasigawan ko ang anak ko.

Naiiyak akong sumunod sa kaniya nang tumakbo siya palayo, hindi naman ako ganito sa kaniya. Kailan man ay hindi ko pa siya nasisigawan kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Makita siyang umiiyak dahil sa akin ang pinaka masakit sa lahat. Nalulungkot ako, kakaibang lungkot. Pakiramdam ko ang sama sama ko.

"Sorry, Xyphere, anak ko." Napahagulhol ako sa balikat niya. "Hindi ko na uulitin, promise."

"Ayaw mo na akin, mama?" Mahinang tanong niya na nagpadurog sa akin.

Tinitigan ko siya, mapupula na ang mga mata niya at mapula na rin ang ilong niya.

"H-hindi sa ganon, mahal na mahal kita." Muling niyakap ko siya.  "Sad lang si mama pero mahal na mahal kita." Mas lalo akong naiyak nang yakapin niya ako pabalik.

Sa simpleng yakap na ‘yon ay napagaan ang loob ko.




Nagulat ako noong umuwi siya kinagabihan, lasing na lasing.

"I hate this situation." Paulit ulit na sinasabi niya. Hindi ko naman siya maintindihan.

"Nandito lang ako." Nasasaktan man ako dahil ilang araw siyang nawala ay hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko alam, okay na ako kapag umuuwi siya sa akin.

"Samonte..." Aniya na nakatitig sa akin. Umiwas din siya ng tingin at may ibinulong. " Fucking Samonte."

Sinong Samonte? Naguguluhan na rin ako sa mga sinasabi niya dahil mas nangingibabaw ang pangungulila ko sa kaniya kaya niyakap ko na lang siya.

Yakap yakap ko lang siya hanggang sa makatulog kaming dalawa. Pagkagising ko ay naroon pa rin siya, tulog na tulog.

Tumagilid ako ng higa at pinatitigan ang mukha niya.

Nakakamiss ang mapupulang labi niya na humahalik sa akin kahit na natutulog na ako, iyong mga mapupungay niyang mata. Hinaplos ko ang pisngi niyaat napangiti.

"I miss you." Bulong ko at niyakap siya.

"Pauline..." Naalimpungatan naman siya at deretsong tumingin sa akin. Nakita ko ang pangungulila at lungkot sa mga mata niya.

"Miss na kita, Vince." Niyakap ko pa siya nang mahigpit. "Miss na miss."

Parang may kumurot sa puso ko nang hindi niya ako yakapin pabalik, ako lang ba ang nasasabik na makita siya?

"W-we can't be together." Bulong niya ngunit malakas na para marinig ko.

"Bakit? A-anong problema?" Kumalas ako sa yakap.

"I need to go." Mahinang sambit niya.

Nagmamakaawang hinawakan ko ang kamay niya. "P-please-"

Agad naman siyang bumitaw.

"I need to go-"

"V-vincent naman, l-love? Anong problema?" Muling hinawakan ko siya ngunit iwinaksi niya lang ang kamay ko.

Malungkot lang siyang tumingin sa akin.  "Maghiwalay na tayo."

Natahimik ako, ito ang mga salitang hindi ko inaasahan mula sa kaniya.

"P-pag usapan natin ‘to... p-please?" Halos lumuhod na ako sa kaniya, basang basa na rin ng luha ang mukha ko. Ang sakit sakit ng ginagawa niya sa akin.

"Pauline." Malamig na tingin ang iginawad niya sa akin.

"M-mahal na mahal kita, ‘wag mo naman akong i-iwan. M-may anak tayo..." Paano mo kami natitiis? Hindi ko maintindihan, Vince.

"I'm so sorry,  just think it is the best way." Umiwas siya ng tingin sa akin at tumayo na.

Agad kong hinawakan ang braso niya para hindi siya umalis. "H-hindi, w-wag mo naman kaming iwan."

Saglit itong tumingin sa akin ngunit ibinaling na rin ang tingin sa bag na dala niya kagabi. "I'll let you stay here, ako na lang ang aalis."

"H-hindi, w-walang aalis!" Muling humagulgol ako, natatakot akong maiwan ulit. Hindi ko siya kayang pakawalan. "W-walang aalis..."

"Pauline... please? Don't make it hard for us." Nakakatakot ang tingin niya ngayon. Ang layo sa Vincent na mahal na mahal ako.

"S-sabi mo mahal mo ako? Kasi ako m-mahal na mahal kita, hindi p-pakikipaghiwalay ang solusyon dito." Hindi na ako makapagsalita nang maayos dahil sa pag iyak ko.

"I'm sorry." Huling sambit niya bago lumabas ng kwarto.

Durog na durog ako, ang sakit sakit.

Natatakot na akong magmahal kasi kahit pala ginawa mo na ang lahat ay wala pa rin.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala hanggang sa naramdaman kong may nakayakap sa akin. Nilingon ko siya.

"Mama, ‘wag ka na cry po." Mahapdi na ang mga mata ko kakaiyak. Hindi nga pala ako nag iisa, narito ang anak ko. Ang tanging kakampi ko.












Napagdesisyunan kong bumili ng pregnancy test dahil malakas na rin ang kutob kong baka nga dahil nagdadalang tao ako. Pamilyar sa akin ang mga simtomas na ‘to. Kahit hindi ko lubos na matandaan ay parang nangyari na sa akin ‘to.

Nakatulala lang ako sa pinto.

Ilang minuto na ang lumipas, dalawang pulang linya ang naka ukit doon.

B-buntis ako...

Ipinatong ko ang PT sa taas ng lagayan ng sabon at napagdesisyunang pumunta sa doctor. Baka nagkakamali lang ang PT na ‘to.





“Lagi po kasi akong nagsusuka, lagi rin pong masama ang pakiramdam ko, doc? Buntis po ba ako?” Kwento ko.

"We've run some test and yes, Miss Flores. That's normal when you're pregnant. Congrats, you're having a baby. You're 5 weeks pregnant." Hindi ko makuhang ngumiti.

Buntis nga ako.

Imbis na matuwa sa balita ay nalungkot ako. H-hindi ko na alam ang gagawin ko. Iniwan na ako ni Vince. Mangyayari na naman sa akin ang nangyari noon.

Naiwan na naman akong mag isang bubuhay sa anak ko, ngayon ay nadagdagan na.

Wala akong pinagsisihang may bago na naman akong anak dahil ginusto ko ‘to.

Kahit wala na ang ama nila ay kakayanin kong mag isa.

“Thank you, Nel sa pagbabantay ng anak ko.” Napaupo ako at ‘di ko na napigilang umiyak.  “B-buntis nga ako, Nel."

Patuloy lang ang pag iyak ko, inaalo niya naman ako. Napapagod ako, nalulungkot ako sa nangyayari.

"Teh, ‘wag mo naman i-stres ang sarili mo, buntis ka! Baka makasama sa baby mo." Natatarantang saad niya, ako naman ay hindi matigil kakaiyak.

"Wala na iyong ama nito, iniwan na kami." Para akong nagsusumbong na bata. Ang hirap hirap ng sitwasyon namin.

"Sarap jumbagin nung lalaking ‘yon! Jusko, magpapaka barako ako para sa ‘yo, sabihin mo lang!" Aniya ngunit ang hirap tumawa.

"Ano ka ba, naging mabait naman siya sa amin." Pampalubag loob ko sa sarili. Alam kong minahal niya ako, naramdaman ko ‘yon.

"May anak ka be! Kayo! Tapos iniwan ka? Anong klaseng ama ba ‘yan! Kaloka ka!" Panenermon niya sa akin.

"Baka may problema lang siya, intindihin ko na lang." Masakit man sa loob ko pero baka kailangan niya ng pag intindi.

"Anong intindihin! You deserve what you tolerate! Tigilan mo ako, you're better than this." Masama ang tingin niya sa akin. "Umalis na kayo sa bahay niya."






Ilang araw na ring hindi pumupunta si Vince rito. Hindi ko alam ang isasagot ko sa anak ko kapag tinatanong niya ako kung nasaan ang tatay niya.

Nasasaktan kasi ako kapag iniisip kong hindi na niya kami babalikan.

Ang hirap hirap pakawalan.

"Ma, nasa work pa rin si daddy?" Hindi, hindi na siya uuwi. Hindi ko kayang sabihin. Hindi na soya sa amin umuuwi, hindi na rin ako tanggap sa opisina niya.

Ano bang ginawa ko sa kaniya para iparanas niya sa akin ang sakit na ‘to?

Hangga’t kaya ko, hihintayin ko siya. Hangga’t hindi pa ako nauubos.

May babalikan pa siyang dalawang anak. Hihintayin namin siya.

Ngumiti ako at humaplos sa tiyan ko.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.4M 35.3K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.7M 125K 44
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
3.1M 70.5K 81
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...
1.3M 69.3K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...