Save the Best for the Least

By PrincessThirteen00

5.2K 512 251

After running away on his wedding day, Calyx Royce returns to his hometown to fulfil the broken promise to hi... More

A
Save the Best for the Least
Prologue
Chapter 1: Almost
Chapter 2: Aftermath
Chapter 3: Amnesia
Chapter 4: Always
Chapter 5: Arch
Chapter 7: Acknowledge
Chapter 8: Afford
Chapter 9: Adore
Chapter 10: Argue
Chapter 11: Addicting**
Chapter 12: Abandon

Chapter 6: Attention

282 30 2
By PrincessThirteen00

***

CALYX glanced at his wristwatch for the millionth time in the last ten minutes. Ayon sa schedule, alas tres ang tapos ng klase ni Anaise. Nakuha niya ang schedule ng klase ni Anaise mula sa ina nito at gusto niyang sorpresahin si Anaise.

Ayon kay Vivian, hindi kasabay ni Anaise na nagtapos ang mga batchmates talaga niya dahil sa aksidente. She was held up for a year. At sa halip na sa dating unibersidad magpatuloy, lumipat siya ng pinapasukan na hindi gaano kalayo sa kanilang tahanan ngayon.

Calyx had his arms crossed as he stood resting his back on his car. He had a bouquet of pink roses in the car with a box of Belgian chocolates. Hindi naman siya manliligaw ni Anaise ngunit paborito iyon ni Anaise. Ayaw rin niyang magpatalo sa regalo ni Archie na mga bulaklak na dinala nito sa bahay ng dalaga.

Nang pumatak ang alas tres, sunod-sunod ang mga estudyante na lumalabas ng unibersidad. Nakasuot ng kaswal na mga damit ang bawat estudyante kaya hinihiling ni Calyx na makikita niya agad ang kaibigan.

And he didn't fail at that. Nakita niya agad si Anaise nang lumabas ito ng gusali. She was wearing a yellow pastel checkered dress hanging above her knees and partnered with white sneakers. Mataas ang pagkakatali n mg kaniyang buhok at maaliwalas ang hitsura.

It was a different kind of Anaise he had not seen before. She looked so refreshing that the flowers would bow down and bloom for her. And should the skies darken, they would change their mind instantly and brighten upon catching a glimpse of her beauty. Anaise was the sunflower amid all the carnations. Napailing na lang si Calyx sa kaniyang mga naiisip.

Ngunit ang kaniyang ngiti ay mabilis napalitan ng simangot nang makita niya na kasama ni Anaise si Archie.

They seemed to be locked in their own worlds. Naniningkit ang mata ni Anaise habang masiglang tumatawa.

And Calyx could not help but reminisce about his time with Anaise. He was the one making her laugh and happy back then. Siya ang gumugulo ng buhok ni Anaise at kukurutin siya ng dalaga. She would do a piggyback ride on him, and he didn't mind it.

At kahit ilang beses silang napagkamalan na magkasintahan noon, walang kaso iyon sa kanila. They were childhood friends and the best partners-in-crime that there could ever be.

Bago pa man makalabas ang dalawa sa bakal na gate ng unibersidad, hinarangan sila ni Archie sa daan. Nakapamulsa ang binata at pinagtitinginan ng iba sa paligid.

Why wouldn't they? He was a stranger in their place.

"O, Cal! Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Anaise.

Hindi naman nakatakas kay Calyx ang pagkakukunot ng noo ni Archie na hindi na niya kinagulat. They both hated each other's existence with Anaise.

"Picking you up?"

"May plano ba tayo today?" nagtatakang tanong ni Anaise sa matalik na kaibigan.

"W-wala naman pero I wanted to surprise my best friend."

"Oh, kaya pala. And you succeeded there. You surprised me."

Archie took a step forward and met his unpleased gaze. As if he was telling him it was his territoy. "Ayos na, pare. Ako na ang maghahatid kay Anaise pauwi."

"I'm not talking to you, pare . . ." Calyx replied nonchalantly.

"O, tama na 'yan. Gagawa pa kayo ng tsismis dito. Ang dami kayang Marites!" ani Anaise nang pumagitna sa dalawang binata. Calyx thought how she was still not fond of getting everyone's attention. She then turned to Archie. "Mm . . . Archie, okay lang ba na kay Calyx ako sumabay ngayon?"

"Pero . . ."

"Bukas pa naman ang gala natin, 'di ba?"

"Promise matutuloy na bukas?" Archie smiled sheepishly.

Tumango-tango si Anaise at hindi pinuputol ang titig kay Archie. "Oo, pangako! Ikaw talaga."

Muli, naramdaman ni Calyx ang pagiging outsider sa buhay ni Anaise. They way they looked at each other showed how much they valued and treasure each other's existence—bagay na kailangan pa niyang paghirapan.

"Alright. Text me when you get home?" Sinakbit ni Archie ang ilang hibla ng buhok ni Anaise sa tainga nang biglang humangin. Gustong sumingit ni Calyx at tanggalin ang kamay na iyon.

"Opo, sir. Ingat ka sa pag-di-drive, ha?"

"Yes, boss ma'am." Abot-tainga ang ngiti ni Archie at Anaise. Parang hindi tingin sa pagitan ng taong nililigawan at manliligaw nito.

Hinarap siya ni Archie at agad nabura ang ngiti sa mukha nito. Hindi na nagtaka o nagulat pa si Calyx sa bilis ng pag-iiba ng timpla ng binata sa kaniya. At hanggang sa umalis si Archie sa harapan nila, hindi nawala ang inis ni Calyx kay Archie.

Of course, Archie would and should be threatened of his existence. Best friend at childhood friend siya ni Anaise kaya alam niya ang buong pagkatao ng dalaga.

"O, Cal? Tara na?"

Nagalak si Calyx dahil sa mga mata ni Anaise, sariling repleksiyon na lang ang kaniyang nakikita. Nasa kaniya ang atensiyon ni Anaise.  "Tara na."

Lumabas na sila ng unibersidad at may mga tinginan at bulungan pa rin sa paligid.

"Bes, Cal." Tinapik ni Anaise ang braso ni Calyx at agad naman siyang hinarap nito.

"What's wrong?"

"Grabe pa rin ang kasikatan mo, o! First time mo pa lang dito sa uni pero mukhang may mga magkakagusto na agad sa 'yo rito!" nakangising pang-aasar ng dalaga.

"Hayaan mo na sila . . . " tipid na sagot ni  Calyx at pinagbuksan ng pinto si Anaise.

"Parang dati lang, ha? Noong pinopormahan mo pa si Alessa," usal ni Anaise nang pumasok sa sasakyan.

Nanatiling tikom si Calyx. Wala siyang plano na pag-usapan si Alessa. His ex-girlfriend had left him nearly four years now and he had no idea and does not give a damn about her whereabouts anymore. Masiyado siyang nabaliw kay Alessa noon at muntik pang itulak palayo si Anaise dahil sa tindi ng pagseselos nito.

But Anaise was the one who had been there for him since their diaper days. Pero dahil din sa pagiging close nila kaya bilang lang ang naging totoong kaibigan ni Anaise sa paaralan. Most were becoming her friends to be close to him, and he despised their motives. Pero sa halip na iwasan si Anaise, mas lalo niyang binantayan ang dalaga na parang nakababatang kapatid.

Nobody could easily come close to them. Kahit noong lumalabas na sila ni Alessa, there was a time for his best friend.

Bukod sa kanilang mga pamilya na alam ng lahat na malapit sa isa't isa, wala siyang binigay na oportunidad para sa iba na awayin si Anaise sa kahit anong paraan. But that also sealed her potential suitors back then.

And those were the days before they slept with each other, so they had to get married. Hence, him running away.

Nang makapasok si Calyx sa driver's seat, doon niya lang naisip ang kasalukuyang sitwasyon nila ni Anaise. Paano kung sagutin ni Anaise si Archie lalo na ngayon na nasasaksihan niya kung gaano sila kalapit sa isa't isa? Would he still remain part of her life? Would she still spend time with him knowing Archie hates him to the core of the universe since that is how he felt against him?

Calyx started the engine and released a heavy sigh.

"O, ano'ng problema mo?" tanong ni Anaise sa matalik na kaibigan nang matapos mag-seatbelt. "Para kang manok na hindi maihi r'yan."

"Wala."

Anaise rolled her eyes at him. "Ako pala ang sinabihan mo niyan? Parang hindi kita kilala. Sipain kaya kita?" Nagkrus ang kaniyang mga braso, naiinip sa isasagot ng lalaki. "Sabihin mo na kasi. Isa!"

"Dalawa," pabalang na dugtong ni Calyx.

"Malamang! Alam ko na 'yon ang kasunod!" Lalong nainip at nainis si Anaise. "Bilis na kasi! Spill it!"

"No."

"Calyx!"

Mabilis siyang nilingon ni Calyx at saka umiling. "Fine. I don't like him."

Kung may ikakukunot pa ang noo o ikataas pa ang isang kilay ni Anaise ay nangyari na. Hindi niya mahinuha kung ano ang tinutukoy ng kaibigan.

"Ha? Sino?"

"That Archie guy . . . "

"Si Archie? Ano naman meron sa kaniya?"

"I don't like him."

"Ha? Inano ka ba? Ang bait kaya ni Archie," ani Anaise. "He's a complete gentleman at marami ang nagkakagusto sa kaniya."

"Basta huwag mong sasagutin. 'Di siya pasado sa 'kin," tipid na paliwanag ni Calyx.

"Ha? At bakit ko naman gagawin 'yon? Kailan ka pa nagka-say kung sasagutin ko ang manliligaw ko?'

"Simula nang maging mag-best friends tayo."

"Ay? May bearing pala agad 'yon! Hindi ako na-inform, e. It's not like nakinig ka sa 'kin noong sinabi ko na 'di ko bet si Alessa para sa 'yo, 'di ba?"

Humigpit ang hawak ni Calyx sa manibela sa biglang sinabi ni Anaise.

"Look, I'm sorry. I'm just looking out for you."

"Cal . . . " Anaise breathed. "I appreciate your gesture of looking out for me as my best friend. Pero matagal na 'kong nililigawan ni Archie has not been short of being kind and respectful to me and even sa family ko. Can't you be happy for me, bes?"

Pinarada ni Calyx ang sasakyan sa tabi ng daan at nakatanggap pa ng busina mula sa sasakyan na kasunod nila dahil sa bigla niyang ginawa.

"Hoy, Cal!" paninita ni Anaise at napakapit sa seatbelt.

Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Calyx sa manibela nang harapin niya si Anaise na umiigting ang panga. "Gusto mo ba siya?" kunot-noo niyang tanong.

"What?"

"May gusto ka ba sa Archie na 'yon?"

***

Ano kayang isasagot ni Anaise? Hihihihi! Thank you so much for your support and patience with me! Mwah!

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...