Illicit Affair

By cc_chase

22K 1.2K 941

a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when th... More

CHARACTERS AND WARNING
PROLOGUE
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Darna's First Transformation
Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)
Chapter 4 - Case 1 CLOSED
Chapter 5 - Her Offer
Chapter 6 - Regina's Sexuality
Chapter 7 - Amusement Park Date
Chapter 8 - Era Salvador
Chapter 9 - New Worker
Chapter 10 - Night Date
Chapter 11 - Private Island
Chapter 12 - Bar
Chapter 13 - Babaeng Ahas
Chapter 14 - The Event PH
Chapter 15 - N Seoul Tower
Chapter 16 - Going Home
Chapter 17 - Seaside
Chapter 18 - Sudden Confession
Chapter 19 - Mix Signal
Chapter 20 - Jealousy
Chapter 22 - First Time
Chapter 23 - Engagement Party For Who?
Chapter 24 - What's on your Back?
Chapter 25 - What If
Chapter 26 - Dream
Chapter 27 - Do You Like Me?
Chapter 28 - Beloved Regina
Chapter 29 - Architect
Chapter 30 - Beach
Chapter 31 - Drunk Regina
Chapter 32 - No
Chapter 33 - Kissing Valentina
Chapter 34 - Who are you?
Chapter 35 - Karaoke Night
Chapter 36 - Lost Necklace
Chapter 37 - Senior High Crush
Chapter 38 - The Last Fight
Chapter 39 - A mix of them
EPILOGUE
hello
Special Chapter

Chapter 21 - Bite

475 29 4
By cc_chase

"WHAT THE HELL IS THIS?!"































NARINIG NAMIN PAREHAS ang boses ni Regina mula sa likuran ni Lor kaya binitawan ako agad ni Lor at humarap sya kay Regina. "Ma'am." Tawag nya kay Regina. Parang slow-mo 'yung sumunod na nangyari, kung gaano kabilis sampalin ni Regina si Lor sa harapan ko, ganon rin kabagal sa paningin ko para hindi sya mapigilan. "Regina!" Sigaw ko tapos hinawakan ko si Lor at niyakap. "Ano ba?!" Pagalit kong tanong sakanya.

"Ano bang problema mo?!"

"What's my problem?! You Narda! You!" Tangina ano nanaman ginawa ko?! Umiiwas na nga ako sakanya kahit mahirap para sa'kin tapos ako pa may kasalanan?!

"Inaano ba kita Regina?!" Feeling ko sasabog na ako sa galit ngayon sakanya dahil sa ginawa nya sa kaibigan ko, si Lor.

"Whatever! Magsama kayo!" Galit na umalis si Regina sa office ko kaya pinaupo ko muna si Lor sa couch ng office ko.

"Dito ka muna ha? Susundan ko lang si Regina."

"Narda wag na." Pagpigil nya ulit sa'kin. "I have to." Tinanggal ko 'yung pagkakahawak nya ulit sa braso ko tapos binilisan ko 'yung takbo ko para maabutan si Regina na nakasakay na sa elevator.

Humabol ako ng pasok sa elevator bago magsara tapos kami lang ngayon 'yung tao dito. "Ano bang ginawa ko sa'yo?!" Pagalit kong tanong ulit sakanya.

"Just... Don't mind me Narda."

"Paanong hindi kita papansinin eh ikaw ang nagpapapansin?!"

"Ikaw ang papansin! Nilalandi mo pa 'yung Floryn na 'yun?! Do you even like her?!" Tanong nya sa'kin tapos bigla syang pumwesto sa harapan ko.

"R-regina..." Utal kong tawag sa pangalan nya habang nag-iinit ang buong katawan ko tapos umatras ako nang umatras hanggang sa naka pin na ako sa wall ng elevator.

"Tell me, do you like her?" Tanong nya ulit sa'kin. Hindi ako makasagot hindi dahil sa gusto ko si Lor, dahil 'to sa posisyon namin ngayon tapos biglang nagbukas 'yung mga pintuan ng elevator kaya nagkunwari si Regina na may kinuha sya sa harapan ko.

Pagpasok ng mga tao siniksik nila kaming dalawa sa gitna ng elevator.

Magkadikit kaming dalawa ngayon habang magkaharap pa rin kami tipong onti nalang magdidikit na mga mukha at labi namin. Pinipigilan ko 'yung sexual tension na nararamdaman ko ngayon dahil nirerespeto ko rin sya. Baka ma-offend nanaman sya kung hahalikan ko sya at isa pa maraming employee ngayon dito sa elevator para ilantad ang kabadingan namin.

Parehas kaming namumula ngayon, nakikita ko si Regina. Sa lapit ba naman ng mukha nya sa'kin imposibleng hindi ko mapansin.

Feeling ko gusto nyang tumingin sa iba pero masyadong masikip na para dun.

Pagbaba ng mga tao sa next floor naiwan ulit kaming dalawa kaya medyo nakahinga na kami pero naiwan samin 'yung awkwardness.

Pagkadating ng elevator sa lobby ng building bumaba na agad ako tapos nakipag separate ways ako sakanya.

Puta sobrang awkward non!

Walang nagsalita samin kahit marinig ko manlang hininga ni Regina wala. Basta napapaligiran ng katahimikan kanina 'yung elevator.

Mabibingi ka sa sobrang ingay.

Pero the way na tumitingin 'yung mata nya sa ibang sulok ng elevator kanina habang siksikan, para lang hindi kami magkaroon ng eye contact habang ganon pwesto namin.

Habang namumula sya at pati na rin ako.

Fuck.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta dahil kaya lang naman ako nag elevator para sundan si Regina but now i lost her on my sight.

Hindi ko rin sya nasagot dun sa tanong nya kanina, baka mamaya akalain nya na gusto ko talaga si Lor.

"Narda!" Sigaw ni Brian sa'kin pagkakita nya sa'kin na papalabas ng building habang sya naman papasok. "Oh Brian? Ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya sa gulat kong mukha.

"Magka partner pa rin kasi kami ni Regina sa mga crimes, may ir-report lang ako sakanya. Ikaw bakit nandito ka? Working hours ngayon ah?" Sabihin ko ba sakanya?

Tanga ka ba Narda? Syempre wag!

"Inutusan lang ako dun sa taas." Tumango-tango sya sa'kin dahan-dahan at 'yun na 'yung cue ko na naniniwala sya sa'kin.

"Ah by the way nakita mo ba si Regina? Nagmamadali na kasi ako." Ano ba naman 'yan everytime na gusto kong mawala sa isip ko si Regina the more naman na banggit sila nang banggit ng pangalan nya.

"Aba ewan ko edi hanapin mo!" Naglakad ako papalayo sakanya at palabas ng building ng pagalit.

Parang nag-overreact naman ata ako dun?

Napag-desisyonan ko na pumunta muna dito sa malapit na coffee shop sa office building namin.

Pagpasok ko tumunog 'yung parang bell nila sa taas ng door ng shop para malaman nila na may pumasok na tao.

Pagpila ko may pamilyar na boses na nasa harapan ko.

"Yeah i'll have the american cappucino." Sambit nung babae na nasa harapan ko. Kakulay nya rin 'yung buhok ni Regina tapos kung gaano kakulot si Regina ganon rin sya.

OH MY GOD SI REGINA KAYA 'TO?! no no no! Nag h-hallucinate ka lang Narda dahil sa nangyari kanina.

Pagka harap nya sa'kin dahil nakuha na nya ang coffee nya at para na rin umupo sya...

CONFIRMED! SI REGINA NGA!

Hindi ako nakipag eye contact sakanya at sumipol-sipol ako at nakayuko na rin.

Aalis ba ako dito? Hahanap ba ako ng ibang coffee shop?

Hindi! Bakit naman ako iiwas sakanya eh sya naman 'tong may gawa bakit napaka awkward namin ngayon!

"a-american Cappucino rin." Ginaya ko nalang 'yung order nya since hindi na ako makatingin sa list dahil ayokong tumangad at makita nya ako.

"That'll be 200 ma'am." Puta 200 sa isang maliit na kape?! Ano 'to ginto?! Sino ba nag b-brew nito si San Pedro?! Gago!

Ay sorry.

Binayaran ko na 'yung gintong kape dito tapos kinuha ko na rin agad pagtapos then umupo ako sa malayo kay Regina, bandang window ako eh sya bandang loob pa tapos nagulat ako nang umupo sya sa seat ko.

"May i seat with you?" Nagpaalam ka pa eh nakaupo ka na. "Okay." Tipid kong sagot sakanya.

"Look i-"

"Sorry." Pagputol ko sa sasabihin nya.

Shit.

Bakit ba ako nags-sorry?

"H-huh? For what?" Tanong nya sa'kin habang nauutal sya na may confuse look sa mukha nya. "Kung ano man nagawa ko sa'yo kaya nagkakaganyan ka, i'm sorry." Oo na ako na mag s-sorry, alam ko naman na ayaw mong ikaw 'yung naga-apologize.

"Ano bang ginawa ko?" Tinanong ko na rin sakanya harap-harapan out of curiosity total ako naman nag apologize sakanya.

"U-uhm." Ba't ba nauutal sya ngayon at hindi makatingin sa mga mata ko? Hinawakan ko 'yung baba nya at pinatangad sa'kin para tumingin sya sa'kin.

"Andito po 'yung mukha ko wala sa coffee cup mo." Sambit ko pagkatanggal ko ng kamay ko sa baba nya.

Ngayon naman 'yung mata nya sa iba tumitingin at hindi mismo sa mukha ko. Ano ba talagang problema?

"Look, i really can't do this right now. See you at work, Narda." Iniwan nya sa'kin 'yung 200 pesos na american cappucino nya na halos walang bawas.

Hindi na rin ako nag bother na sundan sya, sayang kaya 'tong 200 ko dito sa gintong kape na 'to!

Pagkatapos ko sa coffee shop na 'yun lumabas na rin ako kaagad tapos naghanap na rin ako ng place para mag transform into Darna.

"DARNA!" Sigaw ko pagkalunok ko ng bato tapos nag transform na agad ako. Dati hindi ako nilalamig sa suot ko na panty at bra o bikini ba 'to, basta!

Pero ngayon damang-dama ko na dahil mag D-december na.

Kailangan ko nang puntahan si Brian para sabihin sakanya 'yung nalalaman ko. Pero teka, hindi ba't nasa office sya ni Regina ngayon?

Holy shit!

No no no! Hindi ako pupunta sa loob ng office building ng nakaganto at baka mamaya may makakilala pa sa'kin!

Later on, wala na rin akong choice kundi kainin ang ego ko at pumasok sa office building. Sa may rooftop ako pumasok tapos tumakbo ako at ginamit ko 'yung powers ko para makapunta agad sa floor kung saan ang office naming dalawa ni Regina.

Hindi nga ako nagkakamali, nag-uusap pa sila ni Brian sa loob. Saktong-sakto.

Pero what if makita ako ni Regina tapos ma-figure out nya na ako si Darna? Fuck.

Nakita na ako agad ni Regina sa may glass wall nya kaya sinundan nya ako ng mga pamatay nyang tingin. As in pamatay talaga kaya tumingin rin si Brian sa direksyon kung saan tumitingin si Regina at nakita nya rin ako.

Anlaki ng ngiti ngayon ni Brian at pinagbuksan pa ako ng pintuan.

Gentleman natin ngayon boi ah?

"D-Darna!" Utal na tawag sa'kin ni Brian sabay yakap. "Ay sorry na carried away lang." "Pasok ka!" Dagdag nya na parang sya ang may-ari ng office na 'to para papasukin ako.

Kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to talaga.

"What a surprise, Darna. What brings you here?" Tanong ni Regina sabay tayo sa kinauupuan nya at lapit sa'kin.

"Nandito ako para kay Brian at hindi para sa'yo." Rude kong sagot sakanya. Haha dasurv!

"And what do you want with my partner, Brian?" Wow ah partner ng ano ba? May relasyon ba kayo? Ayusin mo lang mokong ka.

"May napag-usapan kami na hindi mo na kailangang malaman." Nakita kong tumitingin sya sa dibdib ko. "Andito mukha ko wala sa dede ko." Sagot ko sakanya kaya tumingin sya sa'kin ng pagalit.

"Ano Brian, Tara?" Tanong ko sakanya as if hindi ko sya kilala tapos nautal-utal pang sumagot si Brian ng oo sa'kin. Pagkasagot na pagkasagot ni Brian sa'kin ng oo binuhat ko agad sya tapos tinakbo ko from this floor to the rooftop tapos nilipad ko sya sa rooftop ng kabilang building dahil baka mamaya marinig o sundan kami ni Lor at malaman ang babalakin naming dalawa kung meron man.

"Magiging straight to the point ako ngayon sa'yo Brian dahil nagmamadali rin ako." Mataray kong sabi. "May hula na ako kung sino ang nasa likod ng babaeng ahas." Nawala 'yung ngiti sa labi nya tapos bigla syang nagseryoso.

"Ha?! Ambilis naman! Teka, sino?" Gulat nyang tanong sa'kin. "Hindi ko muna pwede sabihin sa'yo kung sino dahil pinaghihinalaan ko palang naman pero once na ma-confirm ko sasabihin ko kaagad sa'yo."

"Eh teka pano mo pala ako mac-contact eh wala kang---" lumipad na ako palayo sakanya at iniwan sya sa rooftop na 'yun. May elevator naman dun edi dun nalang sya bumaba.

Habang nililibot ko 'yung syudad ng ganitong oras may narinig akong nanghihingi ng tulong sa may parking lot ng isang building kaya pinasok ko 'yun...

"Bakit nanghihingi ka ng tulong? Eh kriminal ka?" Nakita kong sabi ng babaeng ahas sa lalaki habang iniipit ng mga ahas 'yung katawan nung lalaki.

"B-babaeng lumilipad..." Tawag sa'kin nung lalaki dahilan para tumingin sa'kin 'yung babaeng ahas. "Bitawan mo sya!" Sigaw ko sa babaeng ahas.

Binitawan ng babaeng ahas 'yung lalaki dahilan para makatakbo 'yung lalaki na kriminal raw tapos lumapit sa'kin 'yung babaeng ahas.

"Darna, Darna, Darna." Binabanggit nya ang pangalan ko habang iniikutan nya ako pero kailangan ko pa rin maging fierce looking para hindi nya mahalata na natatakot ako sakanya.

"Dumadating ka lang kapag huli na, minsan nga eh hindi pa. Pero ako? Mas maaga akong dumadating at palagi akong nandyan para sakanila." Sinasabi nito?

"Wala kang kwenta."

"Pero gusto ko lang malaman, saan nanggagaling ang lakas mo?" Aba tanga nalang ako kung sasabihin ko sa'yo kung saan nanggagaling. Edi nalaman mo weak spot ko?

"Kilala na kita kung sino ka." Sana hindi ikaw si Lor.

"Oh? Sino pala ako?" Niloloko ba ako nito? Sarili nya di nya kilala?

"Hindi mo masagot? Sige, magpapakilala ako." Agad nya akong tinuklaw kaya lumayo ako sakanya. Nagdudugo 'yung tuklaw nya ngayon sa may bandang likuran ko.

Sakit nun ah!

"I'm Valentina."

Valentina? Eh Floryn ang name ni Lor. Ampangit rin ng combination kung Floryn Valentina, diba mukhang tanga lang?

Siguro nga hindi talaga sya si Lor. Kampante na ako dun ngayon.

"Hindi ba't parang antanga-tanga mo dahil sinabi mo sa'kin ang pangalan mo?" Tanong ko sakanya habang naka smirk ako tapos tumawa naman sya ng nakakaloko.

"Malalaman mo rin, Darna." Sa isang iglap, nawala si Valentina sa paningin ko. Hinanap ko sya sa buong parking lot kahit mismo sa kasulok-sulukan wala sya.

So ano lagi nalang syang ganito? Tatakbuhan nya nalang ako lagi? Lintik naman oh---

Aray...

'yung sugat ko...

Hinawakan ko likuran ko tapos nagdudugo pa rin pala until now kaya napagdesisyonan ko nadito na rin ako mag transform into Narda dahil nahihilo na ako at hindi ko na rin kaya lumipad.

Pero dahil nahihilo ako at hindi na rin makapagsalita, hindi na ako nakapag transform into Narda.

Dun na rin mismo nawala 'yung vision ko at nawalan na rin ako agad ng malay.




























I FOUND MYSELF LYING sa malambot na kama. Naramdaman ko na nakadapa ako tapos may pumapahid sa likuran ko. Hala gago asan ako?! Agad akong tumayo tapos pagkakita ko sa taong nagpapahid sa likuran ko... "Regina?!" Gulat kong sabi sakanya. Nakita ko 'yung confuse look sa mukha nya na parang may halong inis na rin na hindi ko maintindihan. Probably galit pa rin sya sa'kin sa kasalanan na hindi ako aware.

"You know me?" Tanong nya sa'kin. Huh? Bakit naman hindi?

Pagtingin ko sa ibaba ko...

Gago naka Darna form pa pala ako! Shit anong idadahilan ko ngayon nyan?!

"O-oo naman! Ikaw 'yung one of the biggest oil company dito at diba nag meet na tayo kanina?" Palusot ko sakanya.

"I don't recall myself telling you my name." Damn it oo nga pala tinarayan ko sya!

"May name ka sa table mo." Tumango-tango sya sa'kin tapos tinulak nya ako pahiga. "Aray!" Shit may sugat nga pala ako.

Dahilan rin pala 'yun ng pagkawala ko ng malay.

"Talikod!" Masungit nyang sabi. Ginawa ko naman dahil ginagamot nya rin naman 'yung sugat ko at syempre kahit galit sya sa'kin nilunok nya muna ego nya para maligtas nya ako.

"What are you even doing in that parking lot?" Tanong nya sa'kin. "Na-meet ko si Valentina."

"Valentina? Who's Valentina?"

"'yung babaeng ahas." Tumigil sya bigla sa pagpahid ng kung ano mang pinapahid nya sa likod ko tapos mukhang nag-iba ihip ng hangin.

"You need to leave." Tumayo sya sa pag-upo sa bed tapos inalis nya 'yung mga gamit nya sa pag-gamot sa'kin.

"Ha? Bakit?" Tanong ko sakanya habang tumatayo na rin ako. "Leave, now!" Galit nyang sabi kaya tinitigan ko lang sya sa confuse look ko habang sya takot na takot tapos umalis na rin ako.

Kung may gusto sana syang sabihin sa'kin sana sinabi na nya. Bakit nga pala sya nandun sa may parking lot na 'yun eh napaka layo na nun sa office building namin?

Anyways, baka may meeting lang rin sya nun dun or something else kasi wala namang ibang reason kung ba't sya mapupunta dun.

Nag land ako sa may rooftop ng condo building namin tapos nag transform na rin ako dun agad into Narda at bumaba na sa floor ng condo ko. Sumasakit pa rin 'yung tuklaw sa'kin sa likod pero alam kong hindi na naman nila mahahalata 'yun since natatakpan ng t-shirt ko.

Hindi na ako kumatok at nag-abala pa kila lola, dumiretso ako ng pasok sa may condo ko. Ni-lock ko 'yung main door sabay pasok sa master's bedroom para dun humiga. Dumapa ako ng higa kasi mas lalong sumakit 'yung tuklaw nung humiga ako ng patalikod.

Maaga pa rin naman, alas otso palang rin naman kaya siguro wala pa ring text sa'kin si lola na nag-aalala sya.

Nag decide ako na mag half bath muna kaya pumasok ako sa cr ng master's bedroom ko. May bathtub ako dito sa master's bedroom, pati na rin 'yung main comfort room sa labas meron.

Umupo ako sa loob ng bathtub ko tapos hinawak-hawakan ko 'yung nasa likod ko. Masakit talaga sya shit.

Bwisit na babaeng ahas 'yun napuruhan pa ako.

Tumayo ako saglit at naglakad sa salamin dito sa loob ng cr para tignan 'yung sugat ko sa likod. Pagtingin ko normal naman sya since naagapan na ni Regina, maybe a few weeks okay na 'to? Maghihilom na?

Bumalik ulit ako sa bathtub.

Pagkatapos kong mag shower nagbihis na ako sa pantulog ko.

Humiga ako ng patalikod kaya napasigaw ako sa sakit. "Aray puta!" Sigaw ko pero hindi naman ganon kalakas para marinig sa labas 'yun.

Ba't kaya ganun, anliit-liit ng kagat pero masakit? Ganito pala matuklaw nung babaeng ahas?

Buti nalang isa lang rin 'yung tuklaw sa'kin at hindi marami, kung marami 'yun for sure patay na talaga ako ngayon kasi kahit nasa Darna form ako hindi magamot ng bato eh.

Pero how can i be so sure na magagamot nga talaga 'to nung first aid na ginawa sa'kin ni Regina eh maski ang bato hindi nga ako magamot?

Hays ayoko na muna i-overthink ngayon at gusto ko nalang muna magpahinga sa mahabang gabi na 'to.

Pero not gonna lie, nam-miss ko na rin si Regina katabi at ka-kwentuhan gabi-gabi bago kami matulog parehas. 'yung pagpunta nya sa kabila tuwing umaga, nauuna pa nga sya kesa sa'kin eh.

Pero bahala sya, nag apologize na nga ako kanina sya pa 'tong may ganang mag walk out. Di ko na ulit kakainin pride ko para sakanya, ganon lang rin naman ginagawa nya edi balewala lang rin 'yung effort na ginagawa ko.

Patulog na sana ako pero biglang may nag doorbell.

Si Brian siguro 'to, chine-check nya siguro kung nandito na ako.

Ano ba 'yan what if tulog na pala ako tapos mandidistorbo sya ng ganito? Kainis naman oh!

"Oo na maghintay ka!" Sigaw ko kay Brian habang naglalakad ako papunta ng main door.

"Regina?!" Tangi kong sambit nang makita ko sya sa labas at umiiyak.

"Hoy bakit umiiyak ka na naman?!" Tanong ko sakanya pero lumapit sya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"Narda." Tawag nya sa pangalan ko habang umiiyak sya.

Bakit kaya? Nag-away nanaman kaya sila ng dad nya? O baka dahil natakot sya at naalala nya 'yung babaeng ahas dahil nabanggit ko kanina?

"Halika pasok ka dito." Inalalayan ko syang pumasok sa condo ko, nang makapasok na sya sinarado at ni-lock ko 'yung pinto tapos inalalayan ko ulit syang makaupo sa sofa tapos tumabi na rin ako sakanya agad pagkaupo nya.

"Anong problema? May nangyari bang masama?" Tanong ko sakanya habang hinahawi ko 'yung buhok nya.

Kawawa naman si Regina.

Niyakap nya ulit ako ng mahigpit at sinandal nya ang baba nya sa balikat ko habang umiiyak sya. "Narda." Iyak nya ulit habang tinatawag ang pangalan ko.

Siguro ic-comfort at pakakalmahin ko muna sya bago ako magtanong ng kung ano.

"Shhh, andito lang ako Regina. Di ako aalis." Sambit ko sakanya habang hinihimas ko ang likod nya pababa at pataas.

"I dreamed of her. Narda it felt so fucking real." Sambit nya habang umiiyak pa rin at nakayakap sa'kin ng mahigpit na akala mo'y tatakbo at aalis ako sa pagkakayakap nya.

"Kumalma ka muna bago ka magkwento. Dito lang ako shhh." Pinapakalma ko muna sya bago sya magkwento dahil grabe 'yung iyak nya ngayon.

"N-narda *hiccup* i-i'm scared." Ngayon ko lang nakita si Regina na ganto katakot at di alam ang gagawin nya. Parang ayaw nya akong umalis sa tabi nya sa mga oras na 'to.

"I can hear her everytime, *hiccup* everywhere, anywhere." Dagdag nya pa sa'kin.

Sino ba 'yung tinutukoy nya? Si Era ba?

Pero bakit naman sya matatakot kay Era if ever?

"Regina sino?" Hindi ko na rin natiis 'yung sarili ko magtanong sakanya out of curiosity ko na rin at para malaman ko kung paano ko sya mac-comfort.

"Valentina."




























To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

184K 7.6K 47
When two hearts find each other, they will beat together. Si Glaiza Galura ay isang artista na pa extra-extra, pero ang musika talaga ang nagpapasay...
252K 7.3K 81
What will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18
121K 3.7K 54
A-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018
78.2K 2.5K 82
"Kung hindi na pwede babalik ka pa ba? Maibabalik pa ba natin kung ano ang hindi natin naituloy noon? Kung hindi na, tama na, ayoko na." "Huli na, hi...