Angel in Disguise

thatgirlnamedjai

1K 75 5

Everything started when Alister Kent Buenavista, a charming famous high school bad boy suddenly bumped into a... Еще

Synopsis
Kabanata I
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
ANG PAGTATAPOS

Kabanata 11

7 1 0
thatgirlnamedjai

Alister still worried about Angel after they've been to the cemetery. Pakiramdam niya ay may hindi ito sinasabi sa kaniya. Pero hinayaan na lang niya muna itong magpahinga pagkarating nila galing sementeryo.

He was about to go downstairs to get her food nang biglang masalubong nito ang Ina sa hagdan. Kararating lang ng mga ito galing sa trabaho ng ate niya.

"Son, nag-dinner na ba kayo ni Angel?" nakangiting tanong ng Ina at aktong hahalikan ito ngunit umiwas siya.

Napawi ang ngiti ng Ina niya at umiwas ng tingin. "O-Oh sige na, magbibihis lang ako at maghahanda ng pagkain, " aniya bago nagmamadaling napahiyang umakyat papunta sa kwarto nito.

Nakatitig si Alister sa pintong pinasukan ng Nanay niya. He felt guilty sa ginawa niya. It wasn't his intension pero parang hindi siya sanay dahil hindi naman siya lumaki sa isang affectionate na pamilya. Noong mga bata pa sila, oo. Time has changed.

Naalala niya na naman iyong promise niya kay Angel na makikipag usap siya sa Nanay niya at hahayaan itong mag explain ngunit hindi niya alam kung paano ito sisimulang kausapin.

"Ali, tawagin mo na si Angel, dinner is ready, " utos ng ate niya.

Sumunod siya rito at binalikan si Angel sa k'warto. He smiled when he saw her sleeping peacefully.

Umupo siya sa side ng kama at tinanggal ang nakaharang na buhok sa mukha nito. Wala sana siyang balak istorbohin ang pagtulog nito ngunit ang inaalala niya ay hindi pa ito kumakain simula kanina noong dumating sila.

"Hey!" Nagmulat ito ng mata bago pa nito magising ang dalaga.

"Dinner? Let's go!" Nakangiting aya niya.

Bumangon si Angel at ngumiti saka tumango.

Sabay silang bumaba. Naroon na sa mesa ang Nanay at Ate ni Ali. Nagkatinginan ang mga ito nang ipaghila ni Ali si Angel ng upuan sa tabi niya at asikasuhin ito bago ang sarili.

Angel was quiet while watching Ali to give her a food on her plate, and put a juice on her glass. Napansin niya rin ang tingin ng Nanay at Kapatid nito sa kanila kaya medyo nakaramdam siya ng hiya.

"Okay na, Ali. Kain ka na rin, " she said dahilan para mapahinto ito sa ginagawa.

"No. You're the one who needs to eat, kanina ka pa hindi kumakain simula noong dumating tayo, " he said at nagpatuloy sa ginagawang paglalagay ng pagkain sa plato niya.

Ang dami, bibitayin na ata ako pag naubos ko 'to ah.

She's also aware that Ali's mother and ate were watching them. Wala manlang pakialam si Ali.

"Ikaw rin naman, hindi ka rin kumain kanina kaya kumain ka na rin."

"I'm good, " he replied. Nakasabay pa nito ang Nanay niya sa pagsandok ng ulam kaya natigilan silang lahat. Nahihiyang binawi ng Nanay ni Ali ang kamay at pinauna itong kumuha.

Nanlaki ang mata ni Angel nang lagyan ni Ali ng pagkain ang plato ng Nanay niya. Even her sister was in shock. Nakita pa niya ang pasimpleng pag ngiti ni Alliah, their mom.

Pagkatapos noon ay parang wala lang na ibinalik ni Ali ang atensyon sa kaniya hanggang sa magsimula na silang kumain.

"Pumunta pala kayo sa Orphanage kanina?" tanong ni Alissa.

"Yes, " simpleng sagot ng kapatid.

"How is it? Nag enjoy ka ba, Angel? Hindi ko na tatanungin si Alister alam ko naman na hindi siya nag-enjoy sa ginawa niya, " aniya.

"What? You're judging me again ate. The event actually fun, it made my day."

Nagkatinginan ang tatlong babae.

"Ay oo nga pala. Lahat ng bagay nai-enjoy kapag in-love. Naiintindihan ko na, " nang-aasar na  sabi ni Alissa. "Or baka naman, Angel was the one who made your day nagpapalusot ka pa, hindi ka naman pupunta roon kung hindi ka inaya nitong si Angel, " dagdag pa nito.

After they ate dinner dumiretso sila sa living room at nagbukas ng tv. Angel invited Ali to watch netflix. Sumama naman si Ali kahit na inaantok na ito.

They're watching a horror film. Alister was leaning to Angel's shoulder while eating popcorn.

Dumating ang mommy ni Ali sa living room kaya napaayos ng tayo si Angel at tinanggal ang ulo ni Ali sa balikat niya pero sumimangot lang ito ito at bumalik ulit.

"Hindi pa ba kayo magpapahingang dalawa?" tanong ni Alliah sa mga bata.

"Tatapusin lang po namin, tita."

"Angel, I told you to call me mom, " aniya.

Nahihiyang tumango si Angel at pinansin ang binatang nakahiga sa balikat niya.

"This is the perfect time to talk to your mom, " bulong nito. Alister look at her nervously.

"I love you, Angel, " he mouthed then laugh.

"'Di mo 'ko madadaan riyan, Alister. Kausapin mo muna ang mommy mo."

Sumimangot ito at pinigilan ang pagtayo ni Angel. Hindi nagpapigil ang dalaga.

"Ahm. Ti—m-mommy, inaantok na po pala ako, Akyat na po ako sa taas..." Alleah smiled. Tumayo rin ito at niyakap si Angel. "Okay 'nak, good night!" sabi nito.

Ngisian at dinilaan pa ng dalaga si Ali bago umakyat, nang-aasar.

On the other hand, Ali don't know what to do. He feels awkward toward his mom.

"Hindi ka pa ba magpapahinga?" Rinig niyang tanong ng Nanay niya.

He didn't answer, he's just fakingly focused at the show. Tumayo ang mommy niya at hinalikan siya sa pisngi habang nakangiti. Walang nagawa si Alister, nagkunwari lang itong walang nangyari.

"I know this is hard for you that I'm here. Sorry son, I didn't know that this will be uncomfortable with you. I-I just want us to be okay, gusto ko lang rin bumawi sa inyo ng ate mo..." Alliah's tears fell down as she explaining it to her son. Aware naman siya kung gaano siya nagkulang and the only thing she wanted to do is to regain her son's love for her. Mas malaki ang pagkukulang niya kay Alister dahil nakasama naman niya si Alissa nang mas mahabang panahon noon bago pa dumating si Alister sa buhay nila. May isip na ito at naiintindihan na ang mga bagay bagay noong umalis siya, unlike Alister na bago pa lang namumulat sa mundo.

She wipe her tears. "I'm actually planning to live at tagaytay, sa bahay ng lola mo. Okay na ako ro—" She cutted when she saw Alister looking furious at her.

Tumayo ito. "Aalis ka na naman, Ma?"

"I-I just thought na baka hindi mo gustong narito ako at nakukulitan ka sa 'kin kaya okay na ako roon sa bahay ng lola mo..."

"Tatalikuran mo na naman kami ni ate? Hanggang kailan, Ma? Palagi ka na lang umaalis. We're not even talking serious with each other, we still have unsettled things between us tapos aalis ka na naman at iiwan kami?"

Hindi niya alam ang isasagot sa anak. She didn't meant it that way. Gusto lang niya na maging comfortable ito.

Napakagat siya ng labi nang umalis ito. That's what she've got for being a usedless mother. Sometimes she's regretting those years that she's not here with them. Sa kagustuhan niyang maiayos ang buhay ng mga ito, lumayo naman ang loob ng mga ito sa kaniya. She wanted to give her children the world, and everything she don't have before. Ayaw niyang maranasan ng mga ito ang hirap na naranasan niya bago niya marating ang kaginhawaan na tinatamasa niya ngayon.

Gusto niyang iparanas sa mga anak ang lahat ng bagay na hindi niya naranasan noon. She also want to give them all those things they want hindi katulad niya noon na kailangan pagtrabahuhan ang isang bagay bago pa ito makuha. She doesn't want her children to suffer like she does.

Sa sunod na pagkakataon, pinalampas na lamang niyang muli ang nangyari. Umakyat siya sa k'warto para magpahinga. Her heart ached so much everytime she remember how close she was with Ali, noong bata pa ito. Halos ayaw na nga nitong magpaiwan sa kaniya, kaunting oras lamang na nawala siya ay umiiyak na ito at hinahanap siya. She just want to turn back the time. Kung alam lamang niya na ganito ang magiging resulta nang pag-alis niya sana ay hinayaan na lamang niya na ang asawa na lang ang magtrabaho para sa kanila at pumayag na lamang siya sa gusto nitong alagaan ang dalawang anak, ngunit huli na.

#

Angel woke up without Alissa on their bed. Magkatabi pa rin silang matulog nito simula nang dumating si Alliah.

Pagkatapos niyang mag-ayos ay bumaba na siya. She want to ask Ali if he already talked to hia mom last night. Kilala naman niya ang binata, makulit ito at hindi agad-agad sumusunod pero umaasa pa rin siya.

Nasa hagdan pa lang siya ay may naririnig na siyang ingay mula sa living room.

"Hindi ng kasi 'yan kasama. T*nga ka mental health nga 'yong topic, bakit magkakaroon ng nakawan riyan!" Halos malusaw na si Nathan dahil kay Gino na nagpapaliwanag.

Napakamot ang lalaki sa ulo habang nagb-browse sa internet ng article.

They're making the research huh.

"Xandro, ayos na ba 'to?" Narinig niya ang boses ni Ali.

"Ewan ko—aray!" Hawak nito ang ulo nang batukan iyon ni Ali.

"Nakinig ka ba roon sa lecture?"

Xandro shook his head. "Fvck you ka!" he even showed his middle finger.

"Alister!" saway niya. They are all shock when they heard Angel shouted Ali's name.

She saw how hard he swallowed. Ngumiti ito sa kaniya habang papalapit. "Nagbibiro lang ako, " aniya.

Sinamaan niya ito ng tingin at itinulak ang kamay ng aktong hahawakan siya. "Nakita ko. You even showed your middle finger huh..."

"Eto kasi e—" Binato niya ng unan si Xandro na tinatawanan siya ngayon.

"Hindi na po mauulit mahal na reyna."

"Shut up!"

"Love naman eh."

Mas lalong lumakas ang pang-aasar ng mga kaibigan ni Ali.

"Alister Kent 'takot sa girlfriend' Buenavista, " ani Gino.

"Fvc—"

"Alister!" She walked out. Sinundan siya ni Ali.

"Sorry... that was my expression nga kasi, I can't resist myself from saying bad words... Ahmm ganito na lang..." He smirk. "Kiss mo na lang ako, hindi na ako magmumura promise."

"Tantanan mo nga ako, Alister!"

"Sungit ha, dati naman kini-kiss mo ako.."

"Bumalik kana roon, tapusin niyo na 'yong ginagawa niyo."

"Kiss..."

"Adik ka ba?" Alister couldn't hold his laugh anymore. "Saan mo ba natututunan 'yang pinagsasasabi mo ha?" He step forward to grab her waist. Wala na itong nagawa nang mahuli na siya ng binata. "Ihh, Ali!"

"What?"

"You're tickling me!"

"You're so cute. Sarap mo alagaan habang buhay."

"Did you already talk with your mom?" Tumahimik si Alister sa tanong ni Angel. "Ali?" she ask again.

"Hmm. No."

She remove his hand to face him.

"Bakit?"

"I'm not in the mood—aw!" She hit him.

"Why were you so stubborn? Kailan ka pa makikipag usap sa kaniya ha? Kapag umalis siya ulit? Ali, time is limited, okay? Hindi sa lahat ng pagkakataon nasa tabi mo rin ako para sabihan ka sa lahat ng dapat mong gawin... You have to be responsible for your self, you have to be independent. Hindi magandang palagi kang aasa sa iba, okay?"

Ali fake a laugh and start to annoy her. "Iiwan mo na ba ako? Ba't ganyan ka magsalita?"

"Ali, this is not the right time to kid. Umayos ka nga! Bumalik ka na roon, tulungan mo na sila. Mag-uusap ulit tayo mamaya."

"Ayaw."

"Okay, no kiss for you today."

"Sabi ko nga—Xandro, tapusin na natin 'yan!" He walk away at bumalik na sa mga kaibigan nagtatawanan sa living room.

Napapailing na lang siya nang makaalis si Ali. Napakakulit talaga ng isang iyon kahit kailan.

Nagtungo siya sa kusina at napansin si Alliah na naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"You really look so close to my son..." she said while smilling at her. Nakita ba nito ang pag-uusap nilang dalawa kanina ng anak?

"Thank you for not tolerating and spoiling him towards the things that he need find himself and learn more about, Angel."

"No worries mommy, I'll do everything to help him become the better version of himself."

Nagulat si Angel nang yakapin siya ng Ginang. "Thank you for always taking care of my, Ali."

"Aalis pa rin po ba kayo? P'wede kong kausapin si Ali tungkol roon." Alliah told Angel about her plan to live in tagaytay katulad nang sinabi niya kagabi kay Ali.

"'Wag na hija, baka mas lalo lamang siyang magalit sa 'kin. Maghihintay na lang ako kung kailan siya maging handang makinig sa paliwanag ko."

"Makulit lang po talaga si Ali, pero alam ko naman na gusto na rin niyang magkaayos kayo. Maybe he's just still not yet ready to talk, baka nag-a-adjust pa siya sa mga bagay bagay. The only thing that I know for sure was he still cares and love you no matter what happen."

Alliah looks satisfied about what she heard. Parang gumaan ang pakiramdam niya dahil sa mga sinabi ni Angel. Now, her hope rise up again.

She was watching Angel closely while eating. Napakaganda nitong bata, kahit saang anggulo. Noong nasa ibang bansa ay panay ang kwento ng panganay niya tungkol sa dalaga kaya nasabik siyang makilala ito ng personal. Hindi nga nagkamali ang anak, sobrang bait nga nito. Too good to be true.

"Ouch!" Napahinto siya nang marinig ang daing ni Angel. Para itong nasasaktan, nakahawak ito sa may likurang balikat niya.

"Hija, okay ka lang ba?" tanong niya. Alam niyang hindi, ngunit hindi na niya maisaboses ang mga katanungang nasa isip niya dahil sa pagkataranta.

"Sobrang sakit po!" Tumigil na ito sa pagkain habang namimilit sa sakit na nakahawak sa balikat. Tumakbo siya palayo para tawagin si Ali.

"Ali, si Angel!" Pagkarinig pa lang ng binata sa pangalan ay tumayo na ito.

"Anong nangyari?" natatarantang tanong nito sa Nanay niya.

"S-sa dining—"

Mabilis itong tumakbo. Nang makita si Angel na namimilipit sa sakit ay binuhat na niya ito.

"Dadalhin kita sa ospital, okay?"

"N-no, Ali. Sa k'warto lang please..." Kumunot ang noo niya sa sinabi ng dalaga.

"But you're hurting too much!"

"No. I still can handle it. Magpapahinga lang ako sa k'warto, mamaya mawawala rin ito."

Walang nagawa si Ali kundi sumunod rito. He take her into his ate's room. Inihiga niya ito sa kama at inayos ang pagkakakumot.

"Are you sure na okay ka na?" Nag-aalala pa rin si Ali.

"Okay lang. Nangalay lang siguro ang balikat ko, " aniya.

"Parang hindi naman... hindi ka naman aarte ng ganoon kung ngalay lang 'yan. Magpa-check up ka na kaya?"

"Ali..." She took his hand. "Okay lang ako, okay? You don't need to worry about me."

"I can't!"

"Calm down. Okay lang ako promise. Bumalik ka na sa baba, tapusin niyo na 'yong ginagawa niyo. I'll be fine here."

"Ayoko."

"Ali?"

"F-fine... tawagin mo 'ko kapag may kailangan ka. Babalik ako agad pagkatapos namin." Tinanguan lang siya nang dalaga sabay ngiti.

To the contrary, the pain behind Angel's back wasn't that ordinary pain. It was extremely aching. Ayaw niya lamang magpadala sa doctor dahil nahihiya siyang makaabala pa kaya tiniis na lamang niya. This is not the first time she felt it. Noong una naman ay nawala rin agad ang sakit kaya umaasa siyang mawawala rin ulit ito.

She thought that Ali already left but the door open again. Sumilip si Ali.

"I'll talk to mommy after finishing our group task... for you."

Umiling si Angel. "No. Do it for your self, Ali. Nag-iisa lang ang magulang natin sa mundo kaya dapat lamang na pahalagahan natin sila hangga't maaga pa. Life is so short, please do yourself a favor and stop being childish towards your mom. Hindi lang ikaw ang nasasaktan, okay? Doble iyong sa kaniya dahil anak ka niya at hindi niya kayang malayo ang loob mo sa kaniya. Makinig ka lang sa lahat ng sasabihin niya, okay?" Tumango si Ali na parang bata at lumapit muli kay Angel saka hinalikan ito sa noo.

"I love you so much!" he mouthed.

Angel smiled and caressed his handsome face. "I love you, Ali." She also give him a peck of kiss on the lips dahilan para matulala ito.

"Sige na alis na!"

"W-wait? Totoo ba 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa dalaga.

"Oo nga, sige na!"

"Tayo na?"

"'Wag na nga lang!"

"N-no. I'm just kidding. Yes!"

Pinilit pa niyang palabasin ito dahil ayaw na nitong lumabas muli nang marinig ang sinabi niya.

She locked the door after Ali got out. She walks toward the mirror, trying to check his shoulder behind that was aching. Napalunok siya sa nakita, hindi siya makapaniwala.

"Looks like a... w-wings?"

Продолжить чтение

Вам также понравится

13.2K 1.4K 70
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
484K 34.6K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
599 52 21
Mga tula para mabasa Isinulat para makawala A compilation of senseless babbles, rambles and tattletales. Poems and proses written in a cellular basem...