The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

38. H2H

74K 2.6K 304
By iamrurumonster

LARA

Tanya was able to get the tail of Gemini but the Gemini chose Alvis as the recipient of the tenth. Nagkagulo ang council kung sino ang idedeklarang panalo sa academy olympics kaya hindi agad inanunsyo ang nagwagi ng araw na 'yon. Isang araw matapos ang olympics at ang selebrasyon ng anibersaryo ng academy ay wala pang resulta ang olympics at kasalukuyan pa daw pinagdedesisyonan kung sino ang tatanghaling kampeonato sa nasabing patimpalak.

Galing ako sa healing house ng academy kung saan nagpapagaling si Alvis sa tinamo nitong sugat nang marinig ko ang bulungang ang grupo nina Tanya ang pinapaboran ng council dahil nga sila ang nakahuli sa Gemini. Hindi na kami umasa ng acceleration. Basta magkakasama kami sa bawat paglalakbay, masaya na ako kahit ano pang kalabasan ng olympics. Atleast Alvis was chosen by the Gemini at lahat kami ay naiinip na kung ano ba talaga ang tenth gift na natanggap nito.

Patungo na ako sa house of monceros upang sunduin si Amber para sa group class namin nang marinig ko ang boses nito sa may landscaped garden sa harap ng Monceros. Tila may kaaway ito. Natigilan pa ako nang biglang napasigaw ang babae at tila galit na galit sa kausap.

"Huwag na huwag mo akong nginingitian ng ganyan! Nadala na ako sa mga ganyang nakakagagong ngiti mo at tignan mo kung anong nangyari? Nasaktan ako." Emosyonal na sabi ng babae.

Tiyak si Silex na naman ang kasagutan nito. Dala marahil ng pekeng 'I love you' ng lalaki para maboost ang self-esteem ni Amber sa nakaraang olympics.

"It wasn't that way Amber. I had no choice." Mahinahong paliwanag ni Silex. Marahil ay nakadistansya na naman ito sa posibleng pagsapak at pagsanpal na gagawin ni Amber.

"You had no choice? You chose to break my heart?"

Napasigaw si Silex ng malakas na "ARAY!". Nakita kong sapo nito ang tagiliran na marahil ay kinurot na naman ng malalaking kuko ni Amber.

Tinangka pang kurutin ni Amber si Silex. Hindi agad nakailag ang lalaki at nakurot nga niya nito. Nakita ko pa ang pagngiwi ng bibig ni Amber na tila gigil na gigil sa ginagawa.

"OUCH!" Reklamo ng babae kasabay ng pag-aray uli ni Silex.

"Wow! Ginantihan ba kita? Kung maka-OUCH ka huh?" Natatawang sabi ni Silex.

Gano'n ang dalawa. Kapag nag-aaway ay laging dehado si Silex sa mapanakit na si Amber. Bugbog ito sa hampas at kurot sa katawan. Masokista naman itong si Silex na tila mas gustong-gusto ang tinaganggap na atake ng babae.

"I hate you! Nabali ang kuko ko! Uhmmmp!" Gumanti pa ng isang hampas si Amber at pagkatapos noon ay sinuri ang nabaling kuko.

"Kasalanan mo! Literal ngang isa kang water witch, ang hahaba ng kuko mo."

"Diyan ka na nga! Hindi pa tayo tapos!" Amber walked out on him. Akmang dadatnan naman nito ang lugar kung saan ako nakamasid at natatawang nanonood.

"Amber." Ngumiti ako bago pa nakalapit saakin ang gulat na si Amber. Alam na siguro nito marahil na nakita ko ang away nila ni Silex.

Sinabayan ko ito sa paglalakad. Halatang dismayado nga ito dahil sa pamemeke ni Silex.

"You really like him?" It was a statement though but it sounded like a question to Amber.

Bumagal ang pace ng paglalakad nito saka napayuko. Halatang nasaktan ito sa nangyari. "Yes. I like him. Pero parang may iba siyang gusto at kapatid lang ang tingin niya saakin. Assuming kasi ako masyado. Heto tuloy..." She blurted out.

"So what are you gonna do about it?" I asked.

She shrugged. First time kong nasaksihan ang pagiging tahimik ni Amber. Masyado siguro itong nasaktan sa nangyari.

To break the ice I said, "Alvis is getting fine. Nagising daw siya kaninang umaga tapos natulog uli."

"Poor guy. Nakita ko kung paano siya lamunin ng lightning that day. Akala ko katapusan na niya. The crowd thought the same. Luckily he survived and got the tenth gift." Amber stated. "Sinong nagbabantay kay Alvis ngayon?"

"Si ruru. Ruru can defend Alvis naman. Over protective siya sa mga kaibigan niya."

"How's Laurent?"

Hindi ako nakasagot agad. Kamusta na kaya si Laurent? Hindi ko na nakita ito simula kahapon nang samahan ko si Alvis sa healing room. Mukhang nagtatago na naman ito sa hiding place niya at lilutaw kung kailan niya gusto. Nagkibit balikat na lang ako nang walang maisagot kay Amber.

Nakarating na kami sa combat room kung saan magpapatuloy ang aming combat lessons under preceptors Alpha and Omega, ang tenth reincarnation ng Gemini. Ang combat lesson or H2H which stands for Hand 2 Hand combat ay ang second level ng lesson after target tracking na tunagal ng limang sessions bago natapos. First day ng training namin under the Gemini at first time din namin makakasalamuha ang kambal na preceptors.

Nandoon na sina Laurent at ang iba pa naming mga kaklase nang pumasok kami sa combat room. Isang enclosed room kung saan may four hundred square meters na ring sa gitna. Nasa gilid kami ng ring kung saan may mga benches na nakapalibot.

Umupo kami sa likod ni Amber habang nasa harap naman namin ang iba pang mga kaklase. May limang nakaupo sa first row, at lima pa sa second row samantalang nasa third row kami ni Amber at ang iba pang novice keepers.

"Where's ru?" Bigla ay nilingon ako ni Laurent. Nagkasalubong ang mga mata namin. His dark brown eyes, gazing and staring at me na parang may gusto itong sabihin.

"Huy. Where's ruru daw." Nagulat ako nang sikuhin ako ni Amber.

Narealized ko natulala ako sa pagkakatitig kay Laurent. "Ah, kasama si Alvis." Tipid at nabubulol kong sabi sabay bawi ng tingin.

He sighed. "Alvis is asleep. Ruru might get away. Bakit mo iniwan doon?"

"Ru' is a smart kid." I answered back.

"Next time tell me kung kanino mo iniiwan si ruru." Sabi nito saka tumalikod.

Ano bang problema niya at para siyang naglilihi na naman sa kasungitan?

"Parang away mag-asawa lang ah." Tukso pa ni Amber sabay pakawala ng isang malutong na tawa.

Hindi na kami nagpansinan pa ni Laurent. Pero maya't maya'y lagi akong nahuhuli nito na nakatingin sa kanya. Pilit ko namang kinukubli ang panumula ng aking mga pisngi.

"So you think papasa tayo sa H2H na to? Eh kung tapunan ko na lang ng magic potion ang kalaban kaysa makipagsuntukan pa?" Biglang tanong ni Amber sa gitna ng katahimikan. Bumabalik na sa dating ugali nito.

"Hindi ko lang alam." Pati ako ay natawa at nabahala na rin sa magiging kahihinatnan namin ni Amber sa klaseng ito.

"Sa oras na may ka-duel ako sa ring na 'yan, iisipin ko na lang na si Silex ang kalaban ko. Tiyak bugbog sarado ang kalaban kahit sino pa yan." Napasundok pa sa kaliwang palad si Amber habang sinasabi 'yon. Pagkatapos ay tumawa uli.

Nakitawa din ako. Naisip ko tuloy kung sino ang makakaduelo ko sa ring. Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Amber hanggang sa awatin na kami ng iba naming kaklase even Laurent.

"Hoy amang Laurent, huwag ka nga. Humanda ka kapag si Lara ang nakalaban mo sa ring ah! Babalatan niya yang kanang braso mo hanggang sa mawala yang mga tattoo mo. Ensing no'n wala ka nang summons!" Pagbabanta ni Amber nang awatin siya ni Laurent.

Sabay kaming natawa uli ni Amber.

Tapos nasiko ko si Amber. "Halah ka, bakit mo sinabi 'yon? Anong laban ko diyan?" Bulong ko habang sinisigurong walang nakakarinig saamin.

"Nakuh Lara kindatan mo lang yan si Laurent. Mangingisay na. Tsaka pwede ba, antagal niyo nang nagpapakiramdaman bokya parin kayo?"

"Anlakas ng boses mo. Tumigil ka nga." Laurent answered back nang hindi lumilingon saamin. Hindi ko tuloy makita ang ekspresyon nito kung galit.

Magsasalita na sana si Amber nang biglang may parang dalawang pares ng malalaking kidlat ang bumaba sa ring. The pair of lightning immediately disappeared and it revealed preceptors Alpha and Omega. Nakatight black spandex suits ang mga ito na parang sasabak sa isang combat.

"Stealth black, high contrast, skin tight lycra, spandex. Isa yang flame proof, suit with metal like combat gloves. With knee high boots, grippy shoes, jet pack, suction cup gloves! Ang sexy ng Gemini!" Bulalas ni Amber na umagaw ng atensyon sa lahat.

Natawa si Omega at nanatili naman sa kinatatayuan si Alpha.

Malaki ang pagkakaiba ng dalawa. They are identical twins pero habang tumatagal ay nadidistiguish ang kanilang differences. Omega is the jolly and easy-to-be-with type of guy habang si Alpha maman ang mysterious at serious type.

As Alpha opened his mouth we were all forced to listen. "I am Alpha and this is my brother Omega. This is your H2H combat class at ang level 3 training nito ay ang Weapon and Keep kung saan ituturo sa inyo kung paano paghahaluin ang inyong property at ang sandata na nais niyong gamitin when the right time comes. For now, level 2 is about physical strength, skill and agility."

"It seems we have an advance learners here!" Singit ni preceptor Omega nang mapansin kami nina Laurent. Marahil ay ang unison raid ang tinutukoy nito noong nagdaang araw na kinagulat ng marami lalo na ang council.

Amber saved us. Dinaan nito sa biro ang pagsagot. "Natsambahan siguro namin 'yon preceptors. 'Yong parang pinaghalo mo ang mango and pineapple juice tapos nalaman mong masarap pala ang combination!"

The whole class was brought into laughter kasama na si preceptor Omega. Tumagal iyon ng ilang segundo before preceptor Alpha raised his hand and signaled us to stop.

"Get your suits in the dressing room, wear it and we'll start in a few." Preceptor Alpha commanded. Tila isang batas ang utos nito at lahat kami ay agad na tumayo para magbihis na. Seryoso itong nakatingin lang saamin nina Amber na parang may gustong iparating.

Pagbalik namin ay nakabihis na rin kami ng black tight spandex suits: tight fitting, form fitting one piece with cape, heat shield undergarments.

I caught Laurent's stare nang bumalik kami sa kinauupuang bench. Nakasuot na ito ng combat suit. Bumagay sa kanya ang suot nito dahil mas lalong lumitaw ang well sculpted body nito. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi at mahuli na naman ako nitong kinikilatis ang katawan niya. Nakakahiya.

"Kinikilig yan kapag tinititigan mo ng ganyan. Kapag nagsusuplado, ayaw lang magpahalata na gusto ka niya. The Laurent way as usual. Uyyyy!" Pambubuyo ni Amber habang paakyat na kami sa benches.

"Now that you're all seem ready, we will show you some combats kasabay ng lecture. Dapat aralin niyo lahat ng moves na gagawin namin. Kung kailan gagamitin ang isang galaw o atake at kung papaaano ihahalo ito sa inyong keeps." Omega confidently started.

It was an actual fight between the two.

Ni hindi namin napaghandaan ang biglaang pag-atake ni Omega sa kapatid na agad namaang nakaiwas.

"First rule, walang slow motion sa combat. Always be alert.!" Alpha lectured while preparing to attack or for another attack from Omega. Aware of the silence from the crowd, he faced his brother and waited. He would let Omega make the first move.

Naghintay kami sa susunod na pag-atake.

"Gosh! Intense! Hindi ko yata kakayaning makipagbugbugan! Isa akong prinsesa, hindi isang boksingero!" Narinig kong reklamo ni Amber.

Omega lurked again towards Alpha.

Alpha jerked back, aside. The blow meant for his jaw whizzed by in a blur of knuckles. From the corner of his eye, he saw his opponent's other arm begin an upward trajectory. He ducked this time, and felt his hair ruffle with the force of it. Nagkakainitan na ng laban.

"Second rule, attack when necessary. Look for an open spot without forgetting the first rule.

Omega charged with a roar. Halatang gigil na gigil.

Lumihis pakaliwa si Alpha, whirled to face him.

Umatake uli si Omega habang nakingisi pa at parang nag-eenjoy sa laban.

Alpha avoided one flying fist, only to collide with another. The blow glanced off his ribcage, a sharp sting fading fast. In front of him, Omega grinned and jabbed again at his midsection.

Alpha was able to block the next attack and released a strong jab. Saka ito umilag uli nang tangkain siyang hampasin ng flying kick ni Omega. "Rule three, wait for the right timing and save your energy."

Avoidance was simple, but it couldn't last forever. Alpha went on the offensive this time. He threw a roundhouse kick aiming for Omega's neck. Omega proved equally effective at defense, and Alpha's fist met a metal forearm. He tried again with both hands-one-two. Sa gitna ng palitan ng suntok, mabilis na nagpakawala ng singsle right uppercut si Alpha. The puch connected to his brothers chin. Felt like punching flesh-covered steel. Natatawang bumagsak si Omega sa sahig ng ring.

Then the two continued with their rules of combat.

Naging exciting ang klase namin sa Gemini. Tumagal 'yon ng halos limang oras.

Two days passed at medyo magaling na si Alvis. Nasa healing house pa ito kasama ni ruru. Ang araw ding 'yon ang pinaka-kinatatakutan namin ni Anber dahil 'yon ang unang practicum namin sa H2H. Ibig sabihin ay makiki-han to hand combat kami sa kapwa namin keeper.

"Gosh, ilang sessions pa ba meron 'tong H2H na 'to? Tingin ko hindi na ko aabutan ng graduation nito." Narinig kong yamot ni Amber sa isang sulok.

"Kaya yan. Ang galing mo nga sa kick lessons kahapon." I was genuinely true. Nadaan siguro sa training at sa tampo nito kay Silex kaya natututo na si Amber sa physical combat. She's doing great.

Natigil kami sa pag-uusap nang magsalita na naman si Alpha. Istrikto parin ang itsura nito. "Okay! Today is your first H2H duel. We are going to decide who is going to be your oponent based on considerably fair aspects."

"So, first to kick the ring," nilingon ako ni Omega bago nagpatuloy, "Lara Hearthopia. Versus..."

"Gosh Lara, kung ako yan pwedeng magluksong tinik na lang tayo sa ring?" Biro ni Amber.

Kinabahan ako sa pangalang lalabas mula sa bibig ni Omega. Pilyo ang ngiti nito bago banggitin ang makakalaban ko. "Ang makakalaban mo Lara ay si Laurent... Laurent Hale."

Napalingon ako sa tumayong si Laurent. His dark brown almond eyes were serious. Wala itong imik at halatang seryoso ito sa duel.

Seriously? Anong laban ko sa kay Laurent? Oh no!

###

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 222 27
Civil Engineer Series 1 Si Kalila o Lila ay isang 5th year Civil Engineering student. Isang graduating student na nangarap maging isang license Engin...
1.5M 62.8K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
48.5K 1.4K 35
Book 1 Mirror, mirror on the wall...who's the strongest of them all?
3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...