Listens to Memories | Voicele...

By ferocearcadia

6K 117 3

STRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrat... More

Listens to Memories
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Wakas
Epilogo
VOICELESS DUOLOGY BOOK

Kabanata 67

52 1 0
By ferocearcadia

Lose it

I invincibly feel there's a need to run away from my own emotions. These days, my fears are ruining how I perceive what's real and what's not. I am deceived by my own mind, so I want to be everywhere but out of it.

My intensity is consuming everything out of me and I expect everyone to be the same, which is always not the case. It's as if I'm watching myself lose every bit of my being to something I couldn't completely figure out. I no longer trust myself and this makes me doubt everyone who has access to my life.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang sunod-sunod na mabasa ako ang mga text ni Kiel. Nang buksan ko ang cellphone ko nang sumunod na araw ay bumungad kaagad sa 'kin ang napakarami niyang texts at calls. Ni isa ay wala akong sinagot doon. Pumasok din ang mga text galing kina Lynne at sa pamilya ko especially Levi himself. Tanging si Levi lang ang nireplyan ko.

Tamad na naupo ako sa sofa at tumingin sa kawalan. Ramdam ko ang pagod sa katawan ko at ang matinding antok. Alas dos na ng hapon nang magising ako mula sa mahabang tulog ngunit inaantok pa rin ako hanggang ngayon.

My phone beeped again, kinuha ko iyon at binasa ang text message.

Umangat ang gilid ng labi ko dahil naririnig ko ang boses niya habang binabasa ang text niya. Minsan talaga ay ayokong kausap ang isang 'to. Mula nang magkaroon siya ng asawa't anak ay naging nagger na. Poor, Astraea. Mas nagger pa sa kaniya ang asawa niya.

After I send it, I immediately went to our room where Zick is. He's currently sleeping and Mary is preparing our dinner. Malapit na kasi mag gabi.

Nang makarating kami sa townhouse na ito which is Asher's, hindi ko na inabala pa ang sarili kong intindihin ang mga sasabihin ng iba tungkol sa biglaang pag-alis namin. I rested for a while and focused myself on Zick at sa ipinagbubuntis ko. Nagpabili pa ako kay Mary ng mga vitamins na kailangan ko dahil hindi ko iyon nabili kahapon.

Napagdesisyunan kong lumabas. Sumalubong sa 'kin ang malakas na hangin at ang sinag ng araw. Isa itong white house sa gitna ng isang malawak na farm. Nasa mataas na lupa ang townhouse at sa baba nito ay ang mawalak na lupain na puno ng tanim. Bumaba ako at tumambad sa 'kin ang napakaraming tanim na orange. May nakita pa akong iilang farmers na naroon.

Hindi ko na napigilang lumapit doon at hawak-hawakan ang mga bunga ng puno na iyon habang nakangiti nang malawak. Maging ang amoy ng mga tanim ay amoy na amoy ko dahil sa malakas na hangin.

"Excuse me, who told you to get in here?"

Mabilis ang naging lingon ko sa nagsalita at tumambad sa 'kin ang isang matipunong lalaki. Nakasuot ito ng navy-blue maong pants at walang pang-itaas na damit, sa halip ay nasa balikat nito ang isang puting t-shirt. Nangingintab na rin ang mga pawis nito habang nakasuot ng salakot. His hair is covering his right eye kaya naasiwa ako roon. Bumaba ang tingin ko sa katawan nito. Malaki ito at bakas na bakas na batak ito sa gym. Hindi ko alam ang ire-react ko.

"May kausap ba ako rito?" Dinig kong tanong muli nito kaya umangat ang tingin ko sa kaniya.

"I'm asking you, who told you to get in here? Bawal ang turista rito," masungit na sinabi nito kaya nangunot ang noo ko.

Pinasadahan kong muli ito mula ulo hanggang paa at tinaasan siya ng kilay.

"I just went here to check the oranges. Tumutuloy ako sa townhouse na nasa taas ng lupa na 'to," kalmado kong sagot sa kaniya at iniwas na ang tingin nang mapansin kong titig na titig ito sa 'kin.

I was about to walk away from him nang magsalita muli siya kaya natigilan ako.

"You look familiar. Have we met before?" He asked me.

Tiningnan kong muli siya. Pinanliitan ko pa ito ng mga mata para lang makita siya nang maayos, ngunit hindi talaga ako pamilyar sa mukha nito.

"I don't think so," tipid na sinabi ko sa kaniya at tuluyan nang naglakad palayo sa kaniya.

Bago pa ako makaakyat muli patungo sa townhouse ay may naramdaman akong presensya sa likuran ko. Nang lingunin ko iyon ay muntik pa siyang mabangga sa 'kin dahil hindi ito nakatingin sa dinaraanan niya.

"Are you following me? Kasasabi mo lang na bawal ang turista-"

"A, no. Sa townhouse rin ako tumutuloy ngayon. I'm the owner's cousin," mayabang na sinabi niya at nilagpasan na ako.

Naiwan akong nakanganga roon. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. I immediately get my phone and dialed Asher's number. Ilang ring lang ay sumagot na ito.

"Asher-"

"Acel?" It was Alyanna kaya saglit na natigilan ako.

"Yanna, si Asher?"

"Naliligo siya, e. Nasabi sa 'kin na nasa townhouse kayo ngayon. Nakalimutan niyang sabihin na nandiyan si-"

"Yes, someone's here. Lalaki, pinsan daw ni Asher. Sa mismong townhouse siya nakatira? Bakit?" Putol ko sa sasabihin niya.

Narinig ko ang paghalakhak nito. Mabilis akong tumungo sa silong doon at tumingin sa malayo, inaalala ang sitwasyon kung nasaan ako ngayon.

"Saan ba kayong kuwarto? Nasa third floor siya. Ang sabi ni Asher ay hanggang next week pa raw siya diyan. I don't know why. Na-meet mo na ba?" Alyanna said kaya napairap na lang ako sa kawalan.

"Yes, I've met him," I replied to her and started walking towards the townhouse.

Hindi na inabala pa ang sarili sa pakiramdam na tila may nakatitig sa 'kin.

"I'll tell Asher to call you later."

Iyon na ang huling sinabi ni Yanna bago tapusin ang tawag. Tamad akong bumalik sa townhouse. Pagkapasok ko pa lamang ay dinig ko na ang malakas na tunog na nanggagaling sa third floor ng bahay. Tumingala ako roon, tila may kumakanta roon.

"Ma'am, may lalaki pong pumasok dito. Nasa taas po." Salubong sa 'kin ni Mary na tila takot.

Nginitian ko lamang ito at tinanguan.

"Nakatira siya rito," simpleng sagot ko sa kaniya.

Kumamot lang ito sa ulo niya at tumango. Pagkatapos ay bumalik nang muli sa sala, kasalukuyang nanonood ng shopTV.



Pasado alas otso na nang matapos akong mag dinner. Pagkatapos kong patulugin si Zick ay tumungo ako sa terrace ng bahay na ito. Pagod na umupo ako sa upuan doon habang binabasa ang mga text ni Kiel.

Maya-maya pa, a message popped up again and it was from Caleb kaya agad kong binasa iyon.

Nakaramdam ako ng konsensya at galit at the same time. Hindi ako sigurado kung alam niya ang totoong kalagayan ni Kiel pero pakiramdam ko ay oo dahil sila lang naman dalawa ang madalas mag-usap.

Agad akong nagtipa ng message para sa kaniya.

Agad na kumalampag ang puso ko nang mabasa ko ang reply niyang 'yon. Napatayo pa ako habang dina-dial ang number niya at nang sagutin niya iyon ay agad akong sumabog.

"Don't interfere with my life anymore, Caleb, if you still want us to be okay!" Mariin na salubong ko agad sa kaniya.

Narinig ko ang pagbigat ng hinga niya sa kabilang linya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit pinapahirapan mo na naman sarili mo? Lynne is also worried, Acel. You know how hard it is for Kiel-"

"And he also knows-everyone knows, actually, that I fucking hate liars! I heard everything right, Caleb. Hindi pa niya ako naaalala. Bakit siya nagsinungaling? Nag-e-enjoy ba kayong pagkaisahan ako?" My voice broke when I said that.

Ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko. Bumalik ako sa pagkakaupo ko at mariing pumikit.

"You knew, right?" Tamad na tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Ilang minuto pa ang tumagal ngunit hindi pa rin siya sumasagot kaya napangiti ako nang mapakla.

"Lynne also knew?" Mapait na tanong ko sa kaniya.

"Acel, listen to us. Kiel has a reason-"

"God! I can't believe you." Nanghihina kong putol sa sasabihin niya at pinatay na ang tawag na 'yon.

Sinapo ko ang buong mukha ko at nanatiling tahimik. Pinakikiramdaman ang paligid at ang sarili ko. Tahimik na ang gabi. May naririnig akong strum ng gitara ngunit bigla itong nawala.

I don't know what his reason was. I don't understand. Hinding-hindi ko ito maiintindihan kahit kailan.

"Not going easy tonight, huh?" Someone said beside me.

I immediately looked up to him and saw the man from earlier again. Hindi ako sumagot sa sinabi nito hanggang sa naupo na siya sa tabi ko. May hawak itong gitara at beer in can. Siya siguro iyong naririnig ko kanina.

Imbes na sumagot ako ay tiningnan ko lamang siya saglit saka bumaling na sa harapan ko. Kitang-kita sa harapan namin ang magandang tanawin dahil nasa mataas na parte kami. The moon is bright at iyon ang nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi. The wind is still cold kaya ramdam na ramdam ko sa kaibuturan ng katawan ko ang kakaibang lamig na nararamdaman ko. Suddenly, I remember how I suffered alone just because everyone was playing with my emotions and weaknesses. Hanggang ngayon ay tila gano'n ang nangyayari.

"Why don't you fix it before you run away?" I heard him ask which made me look at him.

Hindi ito nakatingin sa 'kin. Instead, he kept looking at nowhere. Sinundan ko ng tingin ang pagtaas ng kamay niya nang uminom ito ng alak. Gumalaw ang bukol na iyon sa leeg niya. Nangunot ang noo ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya.

Bago pa man ako makapagsalita ay nagsimula na itong mag-strum. At first, I don't know what he's going to play, pero nang tumagal iyon, my feelings suddenly deepened when I realized what song it was.

"Lights will guide you home, and ignite your bones . . ."

". . . and I will try to fix you . . ."

Napasinghap ako nang marinig ko ang huling sinambit niya. Tila bumalik ako sa mga nangyari noon. The song he sang, it was everything. Iyon ang kantang kauna-unahang nagustuhan ko sa buong buhay ko at isinumpa rin kalaunan.

Who is he?

"You'll catch a cold here. Get inside," kaswal na sinabi niya sa 'kin sa namamaos niyang boses kaya napatingin ako sa kaniya.

Ngayon ko lang nakita nang maayos ang mukha nito dahil noong una ay natatakpan ito ng buhok niya. Napansin ko pa ang bahagyang pagkakahawig nila ni Asher.

"You look empty. I can feel it." Dagdag pa niya kaya mabilis na iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

"I don't even know you." Wala sa sarili kong sambit sa kaniya at tumayo na.

But what he said stopped me from walking away.

"I know you, actually," natatawa niyang sinabi.

Mabilis ang naging lingon ko sa kaniya.

"What?"

He suddenly looked up at me. His eyes were full of anger and guilt-na hindi ko naman alam kung bakit.

"Matagal na kitang kilala, Acel. Alam ko ang kuwento mo. Let's just say that . . . I'm a fan," nanunuya niyang sinabi sa 'kin at kinindatan pa ako.

What the hell?


Continue Reading

You'll Also Like

619K 14.2K 52
Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Magkakaroon pa kaya ng pangalawang pagkaka...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
415K 21.8K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
9.3K 1.5K 36
LOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow t...