Kabanata 68

49 1 0
                                    

Vocalist

Matapos kong i-send iyon ay umangat ang tingin ko patungo sa third floor ng bahay kung saan ang kuwarto ng lalaking 'yon

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Matapos kong i-send iyon ay umangat ang tingin ko patungo sa third floor ng bahay kung saan ang kuwarto ng lalaking 'yon. Nang sabihin niya sa 'kin ang bagay na 'yon kagabi ay hindi ako nito pinatulog. I wanted to confirm it from him pero nahiya na ako nang mapagtanto ko ang sinabi niya-alam niya ang kuwento ko.

Maya-maya pa, tumunog muli ang cellphone ko dahil sa isang text ni Asher. Binuksan ko agad iyon at lalong nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang reply nito.

 Binuksan ko agad iyon at lalong nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang reply nito

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Tumaas ang gilid ng labi ko nang mabasa ko ang pangalang binanggit niya. Kapareho ito ng second name ni Zick. And he's from States? Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa lalaking 'yon?

Hindi ko na inabala pa ang sarili kong replyan ang text ni Asher. Sa halip ay sumunod ako kina Mary at Zick sa labas para dalhan sila ng meryenda dahil kasalukuyang naglalaro ang huli sa malawak na bakuran. Nawala na sa isip kong tanungin si Asher tungkol sa bahay na ito. Basta ang alam ko ay bihira lang may pumunta rito lalo na't hindi naman siya mahilig sa farm. Nabanggit lang niya ito isang beses noon kaya nagkaroon ako ng interes. I'm also planning to buy this. Puwede kaya?

"Mommy!" Sigaw ni Zick nang makita ako saka mabilis na tumakbo pa patungo sa 'kin.

Inilapag ko muna ang tray na dala ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang pag-tap nito sa likuran ko kaya napangiti ako.

"When will we see Daddy?" Tanong kaagad niya sa 'kin nang humiwalay ito.

Hindi ko napaghandaan ang tanong niyang 'yon kaya iniwas ko muna ang tingin ko sa kaniya. Iginiya ko siyang maupo saka inurong sa harapan niya ang pagkaing dala ko.

"Eat first, okay? Mamaya na ang laro." Pag-iiba ko ng usapan.

Hindi ito sumagot kaya tiningnan ko siya. Nakatitig ito sa 'kin. Bakas sa mukha niya na naghihintay ito ng sagot kaya pagod akong bumuntong-hininga.

"We'll see him soon, okay? For now, let's just enjoy here. Hindi ka ba masaya?" Tanong ko sa kaniya at umupo sa harapan niya.

Tipid itong ngumiti sa 'kin. "I'm happy, Mom, pero mas masaya kung nandito si Daddy," inosente niyang sagot sa 'kin kaya lalo akong nakonsensya.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora