Listens to Memories | Voicele...

By ferocearcadia

5.8K 117 3

STRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrat... More

Listens to Memories
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Wakas
Epilogo
VOICELESS DUOLOGY BOOK

Kabanata 13

68 1 0
By ferocearcadia

Wind up

Halos mabingi ako sa sobrang katahimikan habang binabagtas namin ang daan patungo sa kung saan. Ilang beses ko na siyang sinusulyapan ngunit nanatiling blangko lang ang ekspresyon nito. I also tried to open up the conversation but his answers remained short. Minsan nga ay tango lang.

"Where are we going?" Nag-aalangan kong tanong sa kaniya nang mapansin kong hindi pamilyar sa 'kin ang daan na binabagtas namin.

Saglit ko pang hinintay ang sagot niya kaya tiningnan ko na siya. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito. Nakakunot lang ang noo at seryosong nagmamaneho. Napadako ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa manibela. Naglalabasan ang ugat nito kaya napangiwi ako. He's mad. Ganito lang siya magalit. Tahimik pero nakakabingi.

Hinanap ko ang libre niyang kamay at marahang hinawakan iyon ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa 'kin.

I bit my lower lip and heaved a sigh.

"I'm sorry. He was just helping me out. I tried to take a taxi para makabalik sa office ngunit nagpumilit siya." I began explaining to him.

Nagulat ako nang bawiin niya ang kamay niya sa 'kin para kamutin ang ulo ngunit sa tingin ko ay sinadya niyang bawiin talaga ito. I started to feel frustration but I remained calm dahil alam kong kasalanan ko.

"You could've just call me to come and pick you up. Bakit hinayaan mo pang tangayin ka niya?" Seryoso niyang sambit, dama ko ang pagtatampo sa boses niya.

Napakamot ako sa gilid ng ulo ko at hinawakan ko ang braso niya. Marahan ko pang hinaplos iyon dahil nararamdaman ko talaga ang tensyon doon.

"He wanted to help the company and-"

"Kaya hinahayaan mong makalapit siya sa'yo? Ano bang klaseng tulong ang kailangan mo? You can just tell me, Acel, hindi 'yong malalaman ko na lang na nagkakalapit na pala ulit kayo."

Napanganga ako nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Ramdam ko ang galit sa tono ng boses nito at pakiramdam ko ay nainsulto ako roon. I mean, I know it was my fault and I need help to save the company of my Dad but that doesn't mean that I'm a pick girl and easy-to-get. Iyon ba ang pinalalabas niya?

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makaramdam ako ng iritasyon dahil sa naiisip ko. Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana at natawa.

"Gano'n ba ako kababaw na tao? Well, kung iniisip mo na gano'n nga ako kababaw na tao, na kaya kong ibaba ang pride ko para lang maisalba ang kompanyang tinayo ni Dad, suit yourself, Calix, but I am not," walang gana kong sinabi sa kaniya at humalukipkip sa gilid roon.

I can now feel my heart is burning. Maya-maya pa ay narinig ko na ang marahas na buntong-hininga niya.

"That's not what I meant, Acel. I just want to understand why were you with that fucktard. Matagal ka na ba niyang nilalapitan?" Mababa na ang boses nito kaya bigla akong nakonsensya sa sinabi ko kanina lamang.

"He's our new investor, Calix. He's planning to buy all the shares of Lim Incorporated and transfer it back to the company nang sa gano'n ay hindi na ito matuloy sa pagbagsak." Paliwanag ko sa kaniya nang hindi pa rin siya tinitingnan.

Hindi ko alam kung bakit pinagkatiwalaan ko agad ang sinabi niyang 'yon sa 'kin. Siguro ay dahil desperada na akong mabawi ang halos kalahati ng kompanya. Inaamin kong hindi ko kayang tapatan ang presyo na ino-offer ni Enrique Lim sa shares na nasa kanila dahil malaki na ang sales na nawala sa A&S noong nakaraang taon pa. Hanggang ngayon na lamang ang palugit sa 'min ng bangko kaya naman kahit anong paraan ay kaya kong gawin para dito.

"In exchange for what? You?" He exclaimed which made me look at him.

"What?" I asked him in disbelief.

His jaw clenched and whispered some curses kaya lalong nangunot ang noo ko.

"Kaya kasama mo siya kanina dahil ikaw ang kapalit sa pagtulong niya, gano'n ba 'yon? Tell me, Acel, did you tell him about Zick?" Seryoso nitong sambit kaya lalo akong nainis.

Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko bago ako bumuntong-hininga nang marahas.

"Why would I do that? And why do you think it's easy for me to accept him? Ilang beses niyang sinabi sa 'kin na alam niyang may anak kami but I did not fall for that dahil iniisip kita! Why are you taking it against me?"

"Because I'm fucking jealous! The way he held you earlier at ang pagpayag mo ay parang sinabi mo sa 'kin na kaya mo pa rin siyang tanggapin! Na sa kabila ng lahat ay kaya mo pa rin siyang tanggapin!" He finally shouted at biglaan pang hininto ang kotse kaya halos masubsob ako sa dashboard dahil hindi naman ako naka-seatbelt.

Hindi makapaniwalang nilingon ko siya at kita ko rin ang pagkagulat sa mga mata niya pero naroon pa rin ang galit.

"W-what the fuck is wrong with you? Are you out of your mind?" Hindi ko na napigilang sigaw sa kaniya.

Hindi ito sumagot kaya nagsisimula na namang sumabog ang galit sa kalooban ko.

"Fuck it. Uuwi ako mag-isa!" Sigaw ko at padarag na kinuha ang gamit ko saka bumaba mula sa kotse niya.

Ramdam ko ang pagpupuyos ng galit ko. Ni hindi ko napansin na malakas ang buhos ng ulan at namalayan ko na lang 'yon nang unti-unti na akong nababasa. Calix didn't let me go. He even went outside of his car at mabilis akong pinuntahan. Hindi ko na makita kung anong ekspresyon nito dahil gabi at madilim na.

"I . . . I'm sorry. Come on, let's just go home and talk about this," he uttered while trying to get my hands pero pilit kong pinapalis ang kamay niya.

"Uuwi ako mag-isa, Calix. Kaya ko," mariin kong sinabi sa kaniya at padarag na umalis sa harapan niya.

"Acel, please . . . don't do this. Mag-usap tayo. I won't let you go alone. It's fucking raining and- "

"I can't fucking talk, Calix. I just want you to understand and fucking trust me! Oo, si Kiel iyon! Siya pa rin iyon pero ikaw na 'to! Ikaw 'yan! Ikaw na 'yong kailangan ko. Ikaw na 'yong gusto ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap itanggi nang paulit-ulit na may anak kami dahil pakiramdam ko ay pinapatay ko ang sariling anak ko sa kaniya! Oh, God . . ." I cried hardly.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagbuhos ng lahat ng emosyon na tinatago ko. Wala na akong ibang maramdaman kundi galit at sakit. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa 'di malamang dahilan. Pakiramdam ko ay nasasakal ako kahit wala namang gumagawa no'n sa 'kin.

"I'm sorry . . . please, let's just go and rest. I'm sorry." Patuloy na pang-aalo sa 'kin ni Calix ngunit tinanggihan ko iyon.

"Y-you don't even understand where I'm coming from. I know it's my fault and I just need your trust. Hindi ko kaya 'to, Cal . . . I can't just lose Daddy's business. Hindi puwede . . ." Pinal kong sinabi sa kaniya at inalisan na siya roon.

Lutang akong naglakad palayo sa kaniya habang basang-basa na ng ulan. Not minding him calling me dahil hindi ko naman na marinig iyon dahil nga sa malakas na ulan. Nang sa tingin ko ay puwede na, huminto ako at pumara ng taxi at sinabi sa driver kung saan ako pupunta.

Nang makarating ako sa lugar na ito ay lalong bumigat ang pakiramdam ko habang binabagtas ang daanan patungo sa kung nasaan siya. Mabuti na lamang ay may suot akong contact lense dahil nakikita ko pa naman ang daan, though may mga ilaw naman. When I reached his tomb, tuluyan na akong napaupo roon at napahagulhol.

"A-anak . . ." I whispered between my sobs. "It's mommy here . . ." I added while caressing his tomb.

Wala sa sariling humiga ako sa tabi ng puntod niya. Zick's twin is my greatest weakness at ito lamang ang napaglalabasan ko ng totoong nararamdaman ko sa tuwing nagkakaganito ako. Madalas ako rito lalo na't wala namang ibang nakakaalala sa kaniya kundi ako lang. Sina Mom at Kuya ay masyadong abala sa kani-kanilang buhay kaya hindi ko na ito inaasa sa kanila.

"H-how are you doing there? Kasama mo ba si dad?" I asked and looked up at the sky.

Wala akong ibang makita kundi ang maliwanag na buwan lang. Pumapatak sa mukha ko ang malakas na ulan kaya napapikit na lamang ako.

"P-please, tell him that I miss him already and I can't do this anymore," I added as I began sobbing.

"P-patawad, anak . . . kung hindi ka naalagaan ni mommy. Paulit-ulit akong hihingi ng tawad sa'yo hanggang sa mamatay ako . . ."

"Ku-kung alam ko lang ay gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan kayo ng kapatid mo but . . . I lost it. I lost the battle even if I did everything just to win it . . . a-and it cost me everything, it cost me you and your grandfather. Pinili ko ang nararamdaman ko kaysa sa inyo kaya nawala kayo sa 'kin . . ."

It's still clear in my memory. How I disobeyed everyone and lost half of my life because of my love for him. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na namatay nang paulit-ulit at ang salarin ay ang taong minahal ko nang sobra, but I did not regret it not because it made me strong but because I get to learn from it. My traumas did not make me strong. I fought it back and still fighting it. Hindi ko alam kung kailan ako mananalo. And now, he's back, I don't know what's happening to myself. Ramdam kong may kakaiba ngunit pilit ko iyong inaalis dahil hindi tama. Dahil maraming masasaktan.

"I . . . I'm missing you every day, my love. Hope to see you soon," I whispered and let myself rest there for a while.

The night is getting deeper and I'm soaking wet. The cold is now running through the roots of my body and I can't take it. Saglit na nanatili pa ako roon bago ako nagdesisyong tumayo na para umuwi. Nang makatayo ako ay halos mapasigaw ako nang tumambad sa 'kin ang isang lalaking nakapayong sa harapan ko. He's staring at me deeply. Mapupungay ang mga mata nito at parang handa itong kunin ako at hindi na ibalik pa sa kung nasaang impyerno ako ngayon.

"Hey . . ." He called me softly.

Hindi ko na naramdaman ang pagbagsak sa 'kin ng ulan dahil sinilong na niya ako sa payong na dala niya.

"W-what are you doing here?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya at mabilis na lumayo sa puntod kung nasaan ako kanina. Hindi niya puwedeng malaman.

"Let's go home . . ." He gently uttered full of unknown emotions.

Natigilan ako sa paglalakad.

"M-matagal na akong hindi nakakauwi sa tahanan ko. Hindi na ako pamilyar sa sinasabi mo," wala sa sariling sinabi ko sa kaniya. Ramdam ko ang kakaibang kirot sa dibdib ko.

"I'll take you home, AJ . . . Let me take you home," he uttered which made me sob continuously.

I want to go home, too. I really want to. Matagal na akong may inuuwian ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit may inuuwian na ako . . . nais ko pa ring umuwi sa totoong tahanan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

155K 2.5K 42
What hurts the most? Unrequited love or falling out of love?
2.9M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
854K 20.2K 25
(Finished) Book 1. The famous lead singer of 7PM, Zachary Knight, made a very crazy mistake - accidentally crashing the wedding of the Philippine pre...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...