Aries was so furious when he found out that his wife was kidnapped so he rushed home to the Philippines.
Talagang makakapatay siya ng tao sa kung sinong taong nasa likod ng pagkakadukot nito!
"Aries...,"
Napalingon siya sa tumawag sa kanya.
It was Eloise. It's been a while since the last time he saw her.
May nagbago dito she wasn't the same as before. Hindi kagaya noong nakikita niya ito na may maningning na nakapalibot dito. Her eyes didn't sparkle as he sees before but she still as beautiful.
"I hope Haven will be fine," malungkot na wika nito.
"I don't know what to say to you, Eloise. You called my wife out of a sudden just to meet her and yet you don't realize how reckless it could be that my wife might have been kidnapped?"
"A-Aries, I'm sorry." garalgal ang tinig na wika nito.
"It's too late to say that," sabi niya at nilagpasan ito.
Hindi niya ito sinisisi pero mas ang sarili niya ang dapat sisihin dahil sa pagkakawalay niya sa asawa.
Muli niyang tinignan ang mga surveillance camera sa screen na kung saan may record ng pagkaka-kidnap sa kanyang asawa.
At nasa isang pribadong opisina siya sa loob ng mansion kasama ang mga secret agent nila. At ang iba ay naghahanap na ang mga ito sa asawa niya.
Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang mangyari sa kanyang asawa. At ang cellphone ng kanyang asawa ay naiwan mismo sa sinakyan nito kanina.
Iyon pa man din sana ang mabilis na paraan para ma-trace agad kung nasaan na ito.
And when he checked her call records ang huling tinawagan nito ay ang ina nito.
Naroon na rin sa loob ng mansion si Priscilla at alalang-alala rin ito kay Haven.
"Paano ako Aries?"
Nagtatakang tinignan niya ito. "Anong paano ka?"
Napaawang ang labi niya sa sinabi nito.
"Huwag mong sabihing nakalimutan mo na ang ginawa mo sakin ng gabing iyon?" may galit ang tinig na sabi nito.
Nangunot noo siya sa sinabi nito.
"Diretsuhin mo na ako. Ano ba iyon?"
"Y-you took advantage of me, at ikaw ang ama ng dinadala ko nagayon." akusa nito sa kanya.
Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Kailan pa niya pinagsamantalahan si Eloise?
Hinila niya ito sa isang sulok at dinala sa walang makakarinig sa kanila.
"Eloise, what are you talking about? You know how much I respect you. Hindi ko magagawa ang akusasyon mo sa akin."
"Kung ganun sino ang gumawa 'nun sakin?"
Tila napapaisip siya sa sinasabi nito.
"This is the surveillance camera you may check kung hindi talaga ikaw 'yan."
Kinuha niya ang cellphone nito at pinanood ang sinasabi nito.
Kamukhang-kamukha nga niya ang nasa video pero ang suot nito maong pants at jacket ay wala siyang ni isang koleksyon 'nun.
At nang mapanood niya iyon kaagad nangningkit ang mga mata niya sa galit.
Damn him!
"It was AL!"
"Aries, hindi ba't dalawang linggo pa lang na naroon sa mansion si AL?"
"Look, I know you have been puzzled and I swear I'll never lay a finger on you. And that video was probably AL."
"Please, tulungan mo ako. Kung siya talaga iyan gusto kong pagbayaran niya ang ginawa niya."
"Of course, ngayon pa lang may pagdududa na ako na si AL ang tumangay sa asawa ko." galit na sabi niya sabay kuyom ng kanyang kamao.
Mapapatay talaga niya ang kapatid kapag may masama itong ginawa sa asawa.
"Aries, I know my daughter whereabout." singit ng ina ni Haven na naroon na pala sa kanyang opisina.
Ikwenento nito lahat kung paanong nagkakilala ang asawa niya at si AL.
So his wife was right! Papaanong binalewala niya ang mga sinabi nito sa kanya noon?
He could be the one to blame.
At ang kapatid niya na ang buong akala niya na ito pa rin ang dating AL ay nagkamali siya!
"And Aries, this is not the first time that Haven kidnapped. She probably got back her trauma now." malungkot na wika nito.
Muli siyang napatingin dito at may pagtataka ang mga mata na tinignan ito.
"What do you mean?"
Sinabi nito ang lahat ng mga nalalaman nito tungkol sa kanyang asawa na ikinagulat niya.
So he was right that his wife has something to do with his past and that made him feels great.
Ang nakaraang iyon na gusto niyang kalimutan dahil sa pagkawala ni AL. Pero hindi ang mga alaala ng batang babae na iniligtas niya noon at matagal ng may puwang sa kanyang puso na walang iba kung hindi si Haven. Ang asawa niya mismo. And fate brought them together.
Before anything bad happen to his wife, he immediately instructed all the agents to prepare themselves to go to Mindanao. Pero bago iyon kinusap muna niya si Eloise.
"Eloise, I know where your biological parents are."
Nang makita niya ang mga mata nito ay nagnubig iyon at napahagulhol na ito ng tuluyan kusa niya itong niyakap upang aluhin ito. "A-Aries, what I have done to deserves all of these?" malungkot na wika nito.
"Shh, don't worry I'm always here to help you. You will never be a burden in my life."
"T-thanks...thanks for everything." sabi nito at humiwalay sa yakap niya.
"Please, I'm coming with you. G-gusto kong makita si Leon!"
May pag-aalinlangan sana si Aries na huwag isama si Eloise dahil baka makasama sa anak nito pero napapayag din niya ang kanyang sarili.
*******
Nang magkamalay si Haven ay pakiramdam niya inaalog ang kamang kinahihigahan niya.
Maging ang katawan niya ay sumasabay sa pag-alog na parang may pwersang humahawak sa kanyang katawan.
At nang bumalikwas siya ay nasa isa siyang makipot na silid siya na walang bintana pero may pintuan!
She was all alone inside the room.
Bumangon siya at napahawak sa maliit na dingding at tinungo ang pintuan.
Parang lumilindol ang buong silid na kinaroronan niya.
At nang mapagtanto niya na parang nasa isang yate siya.
Mabilis siyang lumabas ng silid at dahan-dahang pumanaog sa taas ng yate.
Wala siyang ibang naririnig kung hindi ang hampas ng mga alon.
Nang nasa taas na siya ay sumalubong sa kanya ang malamig na samyo ng hangin dahilan para mapayakap siya sa kanyang sarili.
Mabuti nalang at nakasuot siya ng cotton jumpsuit na hanggang sa kanyang paa. Wala na din ang suot niyang sapin sa paa dahil hindi na niya iyon mahagilap kaninang paggising niya.
Madilim na madilim ang buong karagatan na lalo siyang nanghilakbot dahil gabi na.
Tinatangay ng hangin ang mahaba niyang buhok kung kaya't kanda hawi niya iyon.
She looked around but no one
was there.
Sino ang dumukot sa kanya!?
Napahawak siya sa kanyang ulo dahil nanariwa na naman sa kanya ang nakaraan! Hanggang sa napahawak siya sa kanyang puso dahil tila naninikip iyon.
Huminga siya nang malalim upang huwag tuluyang mahila siya ng kanyang trauma.
"Mabuti naman at nagising ka na,"
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig muli ang tinig na 'yon!
Napalingon siya sa pinanggalingan niyon at pinakatitigan ang lalaking kaharap pero alam niya kung sino talaga ito.
"Marco, please pakawalan mo na ako!"
Ngumisi ito. "Why would I do that?"
"H-hinahanap na ako ng kapatid mo, "
"My brother's concern is not what I care anymore. Wala na rin akong pakialam kahit ilang beses ka ng dinala sa kama. I just wanna make sure you're mine at the end. Better late than never."
Nanghilakbot siya sa sinabi niyo.
"H-huwag kang lalapit...kung hindi tatalon ako!" sabi niya at mabilis na lumapit sa pinakadulo ng yate.
"Such a stubborn one. Do you think that scares me? Alam mong isang talon mo lang riyan lalamunin ka ng karagatan. The weather looks bad too." sabi nito na binalewala lang ang sinabi niya.
"Naalala mo noon nung tumalon ako sa swimming pool? That one scares me too but what I did...I run for my life! Hindi malabong gawin ko ulit iyon makalayo lamang sayo!" sabi niya at mabilis na hinawakan niya ang barrier ng yate.
Nanginginig ang kalamnan niya ng makita ang may kalakihang hampas ng alon!
Kahit kailan hindi niya matatakasan ang traumang gustong-gusto niyang iwaksi. Siguro iyon na ang pagkakataon para harapin iyon.
At kung tatalon siya hindi lang ang buhay niya ang manganganib kung hindi ang dinadala niyang sanggol sa kanyang sinapupunan na hindi pa nito nasisilayan ang mundo!
I'm sorry, baby!
Tila nanghina siya at napapikit ng tuluyan.
"Don't!" hysteriyang sigaw ni Marco na nagpagising sa kanyang diwa at nang tingnan niya ito ay sapu-sapo na nito ang ulo nito.
Napapaluhod pa ito sa sahig habang hawak-hawak nito ang ulo nito at sumisigaw ito.
Tila naawa siya sa kalagayan nito kung kaya't unti-unti niya itong nilapitan.
"Marco...what's wrong with you?" nagaalala na tanong niya.
"M-my trauma hits me!"
"A-ano nag gagawin ko!?" natatanta niyang sabi.
"Just look for my medicine, inside the yatch!"
Sinabi nito kung saang banda iyon at mabilis naman niyang kinuha iyon sa loob ng yate.
Nakapagtataka at wala silang kasamang iba sa yate.
Nang-iabot niya ang gamot nito ay kaagad nitong nilunok iyon at marahang uminom ng tubig.
Tila naawa siya sa kalagayan nito.
Nauupos na kandila siyang umupo sa tabi nito.
"I think this will help...just inhale and exhale...do it kahit tatlong beses." suhestyon niya nang parang nagsisikip din ang dibdib nito.
Sinunod naman nito ang suhestyon niya ng paulit-ulit.
"Okay ka na ba?"
Hindi ito nagsalita.
"Alam mo ba na may mga bata akong nakilala noon? Yong isa mabait at ang isa naman napakasungit."
Sabi niya habang nakatingin sa madilim na kalawakan.
"Para sa akin hindi naman sila mahirap tukuyin kung sino sa kanila ang masungit at mabait."
Nang tingnan niya si AL nakatitig lang ito at nakaawang ang bibig nito.
"Alam mo ba na ang pinakamagandang binigay sakin nung mabait? Isang napakagandang kwintas na ngayon ay wala na sa akin. It was really sad that I didn't keep it. I lost it." malungkot na wika niya.
"And nakakalungkot nga lang dahil nagbago na siya. He turns out to be a monster that he wants to devour me—"
"W-who are you!?" bulyaw ni Marco at napaigtad siya sa takot.
Natakot siya sa pagsigaw nito dahilan para mapa-usog siya.
Hindi siya nakapagsalita.
"Who the fuck are you!?" muling sigaw nito at hinawakan siya ng mahigpit sa magkabilang balikat and the next thing she knew she was under him and he was choking her to death.
She tried to wiggle free but she couldn't. He was too strong to handle.
Hindi niya alam kung saan na siya kukuha ng hangin.
"How dare you blabbering about my embarrassing youth!" he hissed.
"A-Ako 'to si Emi..." nahihirapang bigkas niya bago pa siya kapusin ng hininga ay binitawan na nito ang leeg niya.
Kanda-ubo ang ginawa niya sa pagkakasakal nito sa leeg niya habang hawak-hawak niya ang kanyag leeg na tila humapdi pa iyon!
Kailangan niyang makalayo dito bago pa man siya nito mapatay!
Hindi na ito 'yung dating AL na nakilala niya.
Nagsisigaw ito hanggang sa dumating ang point na sinusuntok na nito ang sahig.
Tila naawa naman siya dito kung kaya't nilapitan niya ito upang awatin!
"AL, tama na! Utang na loob tama na!" umiiyak na sabi niya. "W-wala tayong kasalanan sa nakaraan...we are lucky enough that were alive. And we should still thankful of that." pang-aalo niya dito bago ito tumigil.
Doon lang ito tila natauhan at muli siyang hinarap.
Muling naging maamo nag mukha nito.
Hindi niya alam kung pagsisisi ba ang nakikita niya sa mga mata nito sa nagawa nitong pagsakal sa kanya.
"W-won't you be a little nicer to me now?" pakiusap niya.
"Small world it is...Just remind this, whenever you went, you won't get away!"
Napatulala siya sa sinabi nito.
"N-nagbibiro ka lang naman siguro..."
"Prepare yourself." sabi nito at marahang tumayo.
"Prepare myself!? How can I? W-Will you take me back?" kinakabahang tanong niya dahil parang hindi iyon ang pagkakainti di niya.
"Will you take me back to Tagaytay?" tanong niyang muli.
"I'm taking you to my Villa!"