Inabot pa ng tatlong araw ang pananatili nina Haven at Aries sa isla bago nagdesisyon na lisanin iyon.
At sa kanilang pagbabalik sa mansyon ng mga Spinster ay isang malaking surpresa pala ang naghihintay sa dalawa.
Parang gusto ng panawan ng ulirat si Haven nang makita ang kamukha ni Aries!
It was Marco!
"How are you brother?" nakangisibg tugon ni Marco.
"Y-you're alive!" hindi makapaniwala na sabi ni Aries ng kaharap na nito ang kakambal nito na walang iba kung hindi si AL o Marco.
Pakiramdam ni Haven sa mga sandaling iyon ay takot. Dahil kaharap niyang muli si Marco at hindi lang iyon ang kinatatakutan ni Haven na mabubunyag na ang mga nakaraan nilang tatlo.
"Yeah, long time no see."
"How is this possible?" hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Aries.
"Well, it was a long story. Hindi ka ba nasisiyahan na makita akong muli?" nakangiting sabi ni AL.
Pinakawalan ni Aries ang baywang niya at nilapitan ang kapatid nito at niyakap ng mahigpit pagkatapos nagtapikan pa ng balikat ang dalawa bago maghiwalay.
Habang ang mga tao sa paligid nila sa loob ng living room ay tuwang-tuwa sa nasaksihan ng mga ito, lalong-lalo na ang mga pamilya ni Aries.
"I think we should all celebrate!" nakangiti at naiiyak na wika ni Lola Feliza.
"I really can't believe that this is happening," sabi ni Aries na nagugulat pa rin. "You have been gone for almost fifteen years..."
"Fifteen years? Has it really been 15 years? I think it was just yesterday." natatawa na sabi nito.
Pakiramdam tuloy ni Haven parang may kakaiba sa pagbabalik ni AL.
"Are you gonna tell me what's been going on with you in those years?" may pagtataka na sabi ni Aries.
"Nah, I will tell you the whole story sooner." sabi ni AL pero ang mga mata nito nasa kanya na.
"How are you, Haven?" tanong ni AL sa kanya at nagtatakang tinignan siya ng mga tao sa loob ng living room.
Ano ang pinaplano nito? Aaminin ba nito ang nagawa nito sa kanya noon?
.
"How did you know my wife's name?" nagtatakang tanong ni Aries.
"Well, I just heard your wife's name from behind before you two came back here." mariing sabi ni Marco at mataman nitong tinitigan si Aries na para bang naghahamon.
"Really?" si Aries.
"I know it's not yet too late."
makahulugang sabi ni Marco.
"What do you mean brother?"
"What I mean...gusto kong makabawi sa inyo." sabi ni Marco pero sa tingin niya hindi iyon ang ibig kahulugan ng sinabi nito.
"Damn, I really couldn't believe my eyes!How'd you come all the way here?"
"Well, our dad's influence brought me here," sabi ni AL sabay tingin nito sa ama nila sa couch at nakaupo katabi nito ang ina nila Aries.
"Okay, everyone let's go to the dining table. Nagpaluto ako ng mga paborito niyo, " natutuwang sabi ni Lola Feliza.
Marahil nakaramdam na din ito ng tensyon sa pagitan ng magkapatid.
Walang imik na tinungo na nila ang dining table.
*****************
"Sweetheart, your silence bothers me? What are you thinking?" tanong ni Aries ng nasa kanilang silid na ng mansion.
Pagkatapos ng dinner nila ay dumaretso na kasi siya sa kanilang silid at nanuna na siyang maligo at magbihis bago sumunod si Aries.
Dahil kanina walang kapaguran ang dalawa na magkwentuhan at kahit 'nung tapos na silang kumain.
Halatang sabik na sabik ang mga ito sa isa't isa. Pero iba pa rin ang pakiramdam niya kay AL. Alam naman niya na maganda ang naging trato sa kanya ni AL nung mga bata sila.
Magpa hanggang sa mga sandaling iyon wala pa rin nababanggit si Aries tungkol sa mga nakaraan ng mga ito. At natatakot naman siya na siya ang unang magsasabi nun kay Aries.
Huminga siya ng malalim.
"Naalala mo ba noong una tayong magkita? At pinagbintangan kita na may ginawa kang masama sakin na ikaw si Marco?
"Yeah, naalala ko 'yon. You mean my brother has something to do with that?"
"Aries, hindi kaya si Marco at AL ay iisa?"
Nangunot-noo ito. "What is Marco's personality that you know?"
She sighed. "I don't know him very well but Aside from being evil, he is also cruel. I was scared at that time. I don't know what he might do to me kung hindi ako nakatakas ng gabing iyon. "
Nilapitan pa siya ni Aries habang nakadantay naman ang ulo nito sa isang kamay nito sa ibabaw ng kama bilang suporta.
"And so you think my brother is Marco?" Aries asked as he gently touched her face and removed the few hairs that were covering her forehead.
"I don't know..."
"My brother is a harmless man. Trust me mas masahol pa nga ang ugali ko kasya ka AL."
"Aries, how do you know your brother well? Pagkatapos ng ilang taon na hindi niyo pagkikita sa tingin mo wala pa rin siyang pinagbago?"
Tila napaisip ito sa sinabi niya.
"Sa ngayon hindi ko pa naiisip 'yan ang mahalaga sakin ngayon ay buhay siya at bumalik siya samin."
Nalaman niya na ang ama pala ni Aries ang nakadiskubre kay AL, may isang linggo na din ang nakaraan. Habang sila ni Aries ay nasa isla.
"Paano kung siya nga si Marco?" umit niya at tinignan sa mga mata si Aries.
"Shh, sweetheart trust me I
won't let you get involved with my brother again if he has something to do with you in the past. I'll be the one to make it up for what he had done." Pakiramdam niya mas pinapaburan nito ang ginawa sa kanya ni Marco. Parang nakakatampo iyon sa kanya.
"Lets sleep. Alam kong pagod ka sa ilang araw natin sa isla. I won't take you now even if I wanted it." pilyong sabi ni Aries.
"I just couldn't believe na nayayakap na kita at nakakatabi pa kitang matulog."
Nag-init tuloy kanyang pisngi ng maalala ang mga gabi ng kanilang pagniniig. Halos hindi siya tinigilan ni Aries na huwag maangkin ng isang araw.
Tatlo o dalawang beses sa isang araw siya nito kung angkinin. At kung nakakaramdam ito ng pag-iinit ng katawan ay kaagad siya nitong sinusunggaban. Wala rin naman siya sa katinuan para pigilan ito dahil aaminin niya sa kanyang sarili na gusto niya din iyon.
Hinalikan muna siya ni Aries sa noo bago muling tumabi sa kanya sa pagkakahiga sa ibabaw ng kama at niyakap siya.
Nawala ang pag-aalinlangan niya ng yakap-yakap na siya ni Aries.
Kinaumagahan pinatawag si Haven ng mga kawaksi dahil may gustong kumausap sa kanya.
Nang malapit na siya at makita ang kakausap sa kanya kahit nakatalikod pa lang ito at ang tindig nito ay malalaman kaagad niya mung sino ito.
Nanginginig ang katawan na unti-unti siynag lumalapit dito.
Ilang buwan din bago niya ito muling makita.
May lakip na pagkasabik at pagkamuhi siyang nararamdaman.
At ng maramdaman nito ang presensya niya ay humarap ito.
Ganoon pa rin ang tindig nito hindi pa rin nagbabago.
"Ma..." she said softly.
"You look different now...you are totally become a grown woman."
"Mabuti naman at nagpakita na kayo sakin," may galit ang boses na sabi niya at binalewala ang papuri nito.
"H-Haven,"
"Ang dami kong gustong itanong sa inyo kung bakit...bakit ninyo nagawa sa akin 'yon?"
"I—I know I've done so much wrong to you...and I know it's not enough for me to apologize for that." maalumanay ang boses na sabi nito.
Hindi siya sanay sa ganoong boses ng kanyang ina na dati ay palagi siya nitong binubulyawan.
"Hindi ko tuloy alam kung magagalit ako sa inyo o dapat pa ba akong magpasalamat kasi kung hindi dahil sa inyo hinding-hindi magku-krus ang landas namin ni Aries!"
"I—I know,"
"B-bakit nagpakita pa kayo sa akin?" sabi niya at tumalikod dito. Baka anumang oras magsisilaglagan na naman ang mga luha niya.
"Listen to me...I have something to tell you,"
Hindi siya nagsalita at nanatili lang siyang nakatalikod dito.
Huminga siya ng malalim.
"Magpapaalam na ba kayo this time?"
"N-no..."
Napangisi siya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "I am sorry to tell you this but I am not your biological mother,"
Napatingin siya dito at tila isang malaking pasabog iyon sa ulo niya!
Ano na naman ba ang sinasabi nito!?
She swallowed hard and took a deep breath. "Is this some sort of joke?"
Umiling ito.
She laughed awkwardly. "Ganun na ba talaga kayo kagalit sakin? Kung kaya't kung ano-anu na lang ang iniimbento ninyo para lang tuluyan na kayong makalayo sakin?" sa sandaling iyon tuluyan na niyang ibinuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"H-Haven, I am telling the truth,"
"Ma! Please, enough!" hagulhol na sabi niya.
"Iyon ang totoo...h-hindi talaga ako ang totoo mong ina,"
Hindi siya nakapagsalita at parang nauupos na kandila siyang napaupo sa kalapit na upuan.
Nanlalambot din ang mga tuhod niya at pakiwari niya ay mauubusan siya ng lakas.
What is this happening to me? Do I really deserve all of these?
Sawang-sawa na siya sa mga problema na dumarating sa buhay niya!
Hanggang kailan ba siya magkalaroon ng katahimikan?
Ano pa ba ang mga dapat niyang malaman?