Pagkabalik nina Haven at Aries sa Pilipinas ay kaagad silang dumiretso sa mansion ng mga Spinster sa Tagaytay, sakay ng helicopter na bumaba sila sa madamong patag na lupa.
Pinauna na siyang pumasok ni Aries sa loob ng mansion at sinalubong agad siya ni lola Feliza.
Niyakap siya nito nang mahigpit.
"Kamusta ka, Iha? Ikinagagalak kong makita kang muli. Kamusta ang bakasyon ninyo sa Iceland?" nakangiting tanong agad nito sa kanya ng gabing makarating sila doon.
"Maayos naman po ako lola Feliza, kayo din kamusta na kayo? Matagal-tagal din po kitang hindi nakita." nakangiting sabi niya dito.
"Kaya nga, pinapaki-usapan ko itong apo ko na bumisita naman kayo dito halos abutin niyo na ang isang buwan na hindi nakakabisita dito. Sinumpong na naman kasi ako ng rayuma ko kaya hindi ako makapasiyal sa condo niyo." mahabang litaniya nito.
"Pasensya na po lola, masyado po kasing busy si Aries—"
"How's my lovely, grandma?" nakangiting bati ni Aries sabay halik sa pisngi ng matanda nang makalapit na ito sa kanila.
Si lola Feliza parang nabigla pa ito sa ginawang iyon ni Aries.
"Oh, Iho mabuti-buti naman ako."
Nagulat siya nang akbayin siya ni Aries at maging si lola Feliza ay mataman silang pinagmasdan.
"We're very sorry granny, we didn't visit you often." hinging paumanhin ni Aries.
"Its okay Iho, as long as I see you both fine that's all matter to me. Kumain na ba kayo? Kung hindi pa magpapahanda ako." nakangiting tugon ng matanda.
"Tapos na grandma, we eat in the airplane."
"Ganun ba Iho,"
"Yes. Where's mom?" tanong nito.
"Nasa kanyang silid iho, nagpapahinga na."
"What about you granny? Aren't you going to sleep?"
"Matutulog na ako mamaya Iho, hinintay ko lamang ang pagdating ninyo. Mabuti at tumawag ka muna dito bago ako matulog. Hindi ko sana maabutan ang pagdating ninyo." nakangiting sabi ni Lola Feliza.
"Alright granny, now that we're finally here, go to bed and sleep. Kailangan na din naming magpahinga ng asawa ko." sabi ni Aries.
Nang tignan niya ang matanda ang mga titig nito sa kanya ay mapagtanong.
"Iho, will you excuse us first with your wife? Mag-uusap lang kami saglit."
"Sure, granny." nakangiting sabi nito at nagpaalam na si Aries sa kanila at nauna na itong umakyat.
"Let's sit, iha." sabi ni lola Feliza na hindi pa rin maalis-alis ang ngiti nito sa mga labi.
"Iha, namalikmata ba ako sa aking nakita kanina?" hindi makapaniwalang sabi ulit nito.
"H-hindi ko rin po alam lola Feliza. Masyado pong komplikado ang sitwasyon namin ng apo niyo, ipagpasalamat ko na lang na medyo bumait na po siya sakin." nahihiyang tugon niya.
"Pero malaki ang improvement na nakikita ko sa kanya, Iha! Unlike before na halos pasan na yata niya ang mundo." natatawa na sabi nito.
"Ganun po ba?" maikling tugon niya.
"Tell me, iha ano ang ipinakain mo sa kanya? Kung bakit..." buntong hininga ito. "I don't know how exactly what I felt but I am really happy! Noon galit na galit siya sayo pero ngayon parang—well masaya na ako na nakikita ang apo ko na masaya siya ngayon. Tama nga ako ng hinala na magbabago siya sa pamamagitan mo." mahabang litanya nito na halata ang kasiyahan sa mukha.
"Maraming salamat po kung ganun lola Feliza." sabi niya.
Maging siya man ay nalilito din siya sa mga kinikilos ni Aries.
Kanina ngang nakasakay sila ng eroplano halos hindi na nito mabitawan ang kamay niya kahit magkatabi na sila.
At 'nung makasakay naman sila ng helicopter na sumundo sa kanila ay halos mapayakap na siya kay Aries sa higpit ng pagkaka-akbay nito.
They also took selfies together! Si Aries na mismo ang kumuha ng pictures nila at hinalikan pa siya!
Pinapa-delete niya iyon pero ayaw nito!
Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Please, Iha make it possible. Naniniwala ako na tuluyan siyang magbabago." sabi nito.
Tumango-tango na lang siya bilang sagot pero ang totoo hindi niya din alam ang mangyayari sa kanila ni Aries sa mga susunod pang mga araw.
Maraming beses na niyang hinarap ang galit ni Aries at kalaunan ay nakakalma niya din ito. Para itong klema pabago-bago at para din itong ulan pabugso-bugso.
"May balita na po ba tungkol sa mama ko?" kapagkuwan tanong niya.
Huminga muna ito ng malalim. "I'm sorry, Iha. Hanggang ngayon wala pa ring balita tungkol sa kanya. Nakapagtataka nga at ni katiting na impormasyon walang nakakaalam kung nasaan siya."
Hindi siya nakapagsalita.
Saan ba talaga nagpunta ang mama niya? Hindi kaya naman pinatay na siya!? Iwinaksi niya ang isiping iyon. Sana kahit papaano nasa mabuti itong kalagayan.
"Huwag kang mag-alala iha, hindi kami titigil hangga't hindi siya nahahanap," muling assurance nito. "Alright iha, go to your room and rest pasensya na at hindi na ako nakapaghintay na tanungin ka. Masyado lang akong nagugulat sa mga ipinakita ng apo ko." nakangiting tugon nito.
"Huwag po kayong mag-alala gagawin ko ang aking makakaya." she said and bit her lips.
Sabay na silang pumanhik ng matanda at siya naman ay dumiretso na sa kanyang dating silid na inuukupa niya.
Pumasok na siya sa loob at ini-lock iyon.
Humiga muna siya saglit sa kama at ipinagpahinga ang sarili pagkatapos niyon pumasok na siya sa banyo at naligo. Hapong-hapo ang pakiramdam niya pero naginhawaan ang katawan niya nang makapag shower siya.
Lumabas na siya ng banyo at muntik na siyang mapasigaw nang makita si Aries nakaupo at nakasandal ang katawan nito sa headboard ng kama, habang nasa kandungan naman nito ang laptop nito!
"A-Aries, ano ang ginagawa mo dito!?" nagtatakang tanong niya.
"Matutulog." simpleng sagot nito.
"Hindi pwede!" mabilis ang sagot na sabi niya.
"Bakit hindi?" maikling tugon nito na hindi tumitingin sa kanya at nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa laptop at abala ito sa ginawang pagtipa sa keyboard.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin komportable sa presensya ko? Hindi naman tayo isang beses lang nag tabi sa kama."
Iyon na naman ba ang lagi nitong idina-dahilan sa tuwing gusto nitong magtabi sila sa kama.
Paano din kaya ito nakapasok? Nilock pa nga niya ang pinto.
"How did you enter the room? I lock the door and—"
"We had spare keys." salungat kaaagad nito.
Oo nga naman. Hindi niya iyon naisip.
"Who told you to wash your hair when it's late at night and you still have your period?"
Nangunot noo siya sa sinabi nito.
"A-ano bang sinasabi mo," sabi niya at tinungo nalang ang dresser at naghanap doon ng pantulog.
"I googled it,"
Natigil siya sa paghalungkat sa sinabi nitong iyon. So nagbabasa ito ng article tungkol sa babae?
"Pwede ba hindi ako komportable ngayon," pambabalewala niya sa sinabi nito.
"What do you mean?" he asked gently.
She rolled her eyes. "Mas naiirita ako na may katabi ngayon." she said and lied.
"Come here and I'll blow your hair." sabi nitong hindi pinansin ang sinabi niya.
"No!" mabilis ulit niyang pagtanggi at hinarap ito. Naalala na naman kasi niya ang ginawa nito sa resthouse nila sa Lake Tahoe ang pag-blower nito sa buhok niya at hindi lang iyon nagawa pa nitong halikan siya.
"No?" kunot ang noo na ulit nito.
Gosh! Paano ba niya mawala sa kanyang sistema ang kagwapuhan nito! Nakasuot ito ng kulay pulang roba at gulo-gulo ang medyo basa pa nitong buhok.
"Pwede ba Aries lumabas ka na lang?" galit na sabi niya dito.
"So it’s true that women change their mood when they have their period?" sabi nitong pinasadahan na naman siya ng tingin.
Ganun na naman ang mga mata nito na parang inaakit siya. Nakakainis talaga siya! Hindi ba ito aware na ayaw na ayaw niya ang paulit-ulit nitong binabanggit ang period niya.m?
"Oo! Tama ka kaya kung pwede sana bumalik kana sa kwarto mo!" pagtataboy niya dito at muling humarap sa closet at naghalungkat ng damit.
Bakit ba walang matinong damit pantulog sa closet? Puro mga silk ang tela at mga nighties.
May nahalungkat naman siya at kaagad kinuha iyon. Maikling short at spaghetti strap at silk ang tela, iyon na lamang ang susuutin niya. Iyon lang kasi ang pinakamatino sa lahat.
"Ah!" napatili siya nang sa pagharap niya'y nasa harapan na niya si Aries at kamuntikan nang pumasok ang katawan niya sa loob ng closet pero bago pa mangyari iyon nahawakan agad siya nito sa baywang.
"A-Aries!" naibulalas niya."Muntik na akong atakihin sa puso!" inis na sabi niya dito.
Nagrigodon na naman ang puso niya sa sobrang lapit nito kasabay niyon naramdaman niyang may bumulwak na dugo sa kanyang pagitang hita.
Mabuti na lang at habit niya ang paglalagay agad ng pads kapag nasa banyo palang siya.
"I'm sorry, gusto lang naman kitang kausapin nang malapitan. Hindi ako makakakuha ng tamang sagot kapag tinatalikuran mo ako." pagkasabi niyon hinugot siya nito mula sa closet.
Walang kahirap-hirap siya nitong binuhat, dinala sa kama at pinaupo siya sa kandungan nito.
"Let me go, Aries!" nagpanic na naman siya sa ginawa nito. Bukod sa robang suot niya at underwear ay wala na siyang suot na bra. Pero mabuti nalang talaga at makapal ang pulang robang suot niya.
"Are you avoiding me?" he asked as he looked at her intently.
"Of course not! Why should I?" alam niya na matalino si Aries kaya nag-iingat siya sa mga kinikilos niya.
"Okay. I think wala ka namang dapat ikabahala kung dito muna ako matutulog ngayon." kampanteng sagot nito.
"No!"
Tila tinitigan lamang siya nito sa nagtatakang tingin.
"Look, hindi talaga ako sanay ngayon." pagdadahilan niya.
"We already slept together for so many times and you never complain. May kaibahan ba ang ngayon?" mahinang tanong nito.
"I will just repeat it to you, yesterday and today are really different!" she said, irritated.
"For me it’s almost the same. Naaalala ko lang naman 'yong mahigpit mong yakap and you almost didn't want to let go of me. Alam mo bang hinahanap-hanap ko 'yan ngayon?" sabi nitong ngumiti pa na halos ikalaglag ng puso niya sa ginawa nito
"D-did I?" nahihiyang sabi niya. Ano pa kaya ang ginawa niya nang gabing iyon!? Nakakahiya! Ganun kasi siya madaling makatulog kapag 'yung feeling na ini-hihili siya.
Tumango ito. "It really feels good to have someone next to my bed." nakatitig ang mga matang sabi nito sa kanya.
"Aries, will you please give me a piece of mind just for now?"
He grinned. "You will never have peace from me, sweetheart." her lips quivered at what he said. "Alam mo bang nanggigigil ako sayo." muling sabi nito ng hindi siya makasagot.
"Hindi ako bata para paggigilan mo!" she hissed.
"I know right but it seems my evening wouldn't be satisfied if I didn't kiss you right now."
"No, Aries!" sabi niyang inilayo niya ang dibdib nito gamit ang dalawa niyang mga kamay.
"Alright." sumusukong sabi nito. "Just give me one more minute." pagkasabi niyon at parang balewalang hinawakan nito nang mahigpit ang dalawa niyang kamay and he kissed her quickly!
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Ang buong akala niya bibitawan na siya nito at aalis.
Minsan talaga nasu-surpresa na lang siya sa pabigla-biglang paghalik nito sa kanya. He was like a thief who quickly got what he wanted.
She felt one of his hands gripping her head.
He kissed her tenderly on the lips. She even couldn't resist the emotion that comes from her body and soul. She responds from his kisses.
Pagkatapos marahil ng isang mapugtong minutong halikan nila pinakawalan na nito ang mga labi niya.
"Okay. One minute stealing kiss is enough." nakangiting sabi nito na parang waging-wagi!
Muli siya nitong binuhat at pinaupo malapit sa headbord ng kama. Habang siya ay nakatulala lamang siya dito.
Tanging ang malakas na tibok ng puso na lamang niya ang naririnig niya sa mga sandaling iyon.
Narinig na lang niya ang pagsara ng pintuan sa kanyang silid. Hindi niya namalayang nakaalis na ito!
Nagngingitngit ang kalooban niya sa ginawa nito!
Palagi na lang siya nitong naiisahan. Sabagay kailan pa siya nanalo dito?
Nahagip ng mga mata niya ang laptop na kanina'y hawak nito.
Nakapagtataka at iniwan nito iyon. Tila may nag udyok sa kanya na pakialaman iyon.
Siguro para sa guest ang laptop na 'yon dahil nasa guest room naman siya.
Nang mabuksan niya iyon nagulat siya sa kanyang nabasa.
It was about women's pregnancy!
Bakit iyon ang tinignan nito?
May balak na ba itong magkaanak?
Kung gayon para kanino?