A Vidente

נכתב על ידי Whroxie

345K 18.8K 2.1K

Beatrix is a seer, a descendant of Genoveva-The most powerful witch of Elysian. Her capacity to glimpse into... עוד

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chpater 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 34

7.1K 511 72
נכתב על ידי Whroxie

[IKINAKAHIYA mo talaga ako?]

Napabuntonghininga pero nangingiti niyang isinilid ang phone sa bag matapos mabasa ang text ni Romulus. Hindi na niya ito ni-reply-an pa. Ang sabi niya ay hindi muna siya rito sasabay sa pananghalian. Sasabay siya sa mga coworkers niya at gusto nitong sumabay na lang din sa kanila. Hindi siya pumayag dahil nakakahiya. Tiyak na makakaagaw lang sila ng atensiyon at tiyak maiilang lang din ang mga katrabaho niya na kasama nila sa iisang mesa si Romulus. Hindi na rin maganda ang impresisyon sa kanya ng ibang employee dito sa kumpanya. Kalat na sa buong building, hindi na lang sa department nila ang ugnayan nila ni Romulus. Hindi sa nahihiya siya sa relasyon nila ni Romulus pero kasi may nobya si Romulus bago siya pumasok sa eksena at hindi alam ng lahat ang totoong kuwento sa kanila ni Romulus.

Buhat ang tray na naglalaman ng pinili niyang ulam ay tinungo niya ang mesa nila. Tumabi siya kay Xena habang si Brian ay tumabi naman sa kanya. Inayos niya ang pagkain sa kanyang harapan at ibinigay kay Krizzy na nasa kabilang bahagi ng mesa sa katapat niya ang tray para ipatong sa iba pang tray. Beef broccoli ang kanyang ulam na binili niya dito sa cafeteria habang ang iba sa mga katrabaho niya ay lutong-bahay. Mukhang masasarap. Katulad ni Krizzy ng nanay nito ang laging naghahanda ng pagkain niya. Iba talaga kapag kasama ang magulang. Nami-miss na niya ang parents niya. Kinausap niya ang kanyang mama tungkol sa plano na iluwas ang mga ito sa Manila pero ayaw pumayag. Gusto talaga ng mga ito na manatili sa Baguio.

"Oh, ayan na, baka naglalaway ka na." Malapad na napangiti si Beatrix nang lagyan ni Krizzy ng igado ang kanyang plato. Masarap ang mga baon nito. Luto raw ng nanay nito.

"Salamat! Ang bait mo talaga," she giggled. Sa halip na ang biniling ulam ang kainin ay ang ulam na bigay ni Krizzy ang una niyang kinain. Nagsimula na rin ang ibang kumain.

"Puwede ba akong makiupo?" sabay-sabay na napabaling ang lahat sa taong lumapit sa mesa. Nang mapagsino iyon ay tila tumigil ang oras at maging ang kanilang kilos ay natigil. May ilan pa sa kasama niya ay nakasubo ang kutsara at hindi na nahugot pa sa pagkabigla. Siya ay ganoon din. Natigil siya sa pagkilos pero ang puso niya ay tila gustong lumukso palabad ng kanyang ribcage.

Tumikhim si Romulus. "Maaari ba?" ulit nito at iyon ang pumukaw sa pagkakatulala ng lahat.

"Sige po, sir...puwede po!" sabay-sabay at tarantang sabi ng kanyang mga katrabaho. Inalis ni Krizzy ang mga magkakapatong na tray na nasa dulo ng mesa, ibinigay iyon sa katabi at ipinasa naman sa katrabahong lalaki na nasa kabilang dulo ng mesa. Hindi umupo si Romulus sa kabilang bahagi kung saan may bakante. Natuon ang paningin nito kay Brian.

"Puwede bang diyan na lang ako, Brian?" Brian's lips formed an 'O' shape, surprised and amazed that Romulus knew his name.

"Gusto ko lang sana na katabi ang fiancèe ko." Her heart was in her throat upon hearing what Romulus said. Ang kanyang mga kasama sa mesa ay higit pa ang pagkamangha.

"Si-sige po, sir!" nautal si Brian sa pagkataranta. Itinulak nito ang sariling pagkain patungo sa kabilang bahagi ng mesa. Nagmadali ito sa pagtayo.

"Here, sir. Have a seat."

"Thank you, Brian."

"Maliit na bagay, Sir."  Inilapag ni Romulus sa mesa ang tray. Si Brian ay lumipat ng upuan sa tabi ni Krizzy. Sinimulang ayusin ni Romulus ang pagkain sa harapan nito at habang ginagawa iyon ay nakatitig ang lahat dito. Napansin ni Romulus ang ginagawa ng mga empleyadong pagtitig.

"Let's eat," anito. Nabalik ang sandaling pagkawala sa huwisyo ng mga ito at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Kung ang mga kasama niya ay nakabawi sa pagkabigla hindi siya. Nakatulala lang siya rito. Matamis na ngumiti sa kanya si Romulus.

"Subuan kita?" Mabilis na gumapang ang init sa kanyang mukha dahil sa sinabi nito. Itinikom niya ang medyo nakaawang na bibig. Nahihiya siyang nagyuko sa pagkain nang marinig ang pinipigil na bungisngis ng mga babae.

"Bakit ka nandito?" bulong niya kay Romulus. Halos hindi bumuka ang kanyang bibig at hindi lumabas ang boses.

"Gusto kitang kasamang mananghalian."

"Pero, Romulus, you are putting me in a difficult situation."

"Is it difficult having lunch with your fiancè? You are too hard on me. Halikan kita riyan, eh." Napaawang ang labi ni Beatrix sa tinuran nito habang ang kanyang mga katrabaho ay kinikilig na bumungisngis lalo na si Brian. Hinarap ni Romulus ang kanyang mga katrabaho.

"Haba ng hair ng gaga! Sarap kalbuhin." Maharot na nagbungisngisan ang dalawa, si Brian at Krizzy.

"Tingin niyo hindi ako ka-proud-proud na boyfriend para ikahiya ni Beatrix?" Napangiwi si Beatrix. Lalong nahiya sa pinagsasabi ni Romulus.

"Jusko! Kung katulad mo ang boyfriend ko lahat ng damit na sinusuot niya may naka-print na Krizzy's property," sakay ni Krizzy.

"Kung ikaw boyfriend ko, baka may dala pa akong megaphone at ipagsisigawang boyfriend ko 'to," si Brian na pumipilantik pa ang mga daliri sa ere. Pinipigil ang pagwawala.

"See that. Why don't you?" si Romulus.

"Nahihiya lang po siya, Sir, dahil may ilan siyang naririnig na hindi maganda sa ibang empleyado dahil alam ng lahat si Missy ho ang girlfriend niyo," paliwanag ni Xena na siyang totoo. Mang-aagaw siya sa paningin ng marami. Medyo napapitlag siya sa gulat nang kunin ni Romulus ang kamay niya at pagkawingin ang mga daliri. Lahat ng mata ng katrabaho niya ay napatingin sa kanilang kamay.

"For the past three years, Beatrix has been my girlfriend. She ended our relationship because she felt she did not deserve me, despite the fact that she loves me. I was devastated at the time. Missy is Beatrix's friend. We were both heartbroken at the time and wanted to give it a try to see if we could help each other mend our shattered hearts, but we couldn't. It's still Beatrix."

Pumisil ang kamay ni Romulus. Nanatili namang nakababa ang mata ni Beatrix sa pagkain. Hindi niya inaasahan na magkukuwento ito sa mga taong hindi naman nito kilala, empleyado pa nito para lang linisin siya paningin ng mga tao.

"Hindi ka naman pala dapat ma-guilty, girl. Si Missy pa nga ang dapat ma-guilty kasi friend kayo tapos pumatol siya sa ex mo."

Agad na nag-angat ng tingin si Beatrix kay Krizzy. "Missy is one of the sweetest and kindest persons I've known. Sabi nga ni Romulus, sinubukan nila baka sakaling mahanap nila ang pagmamahal sa isa't isa. I don't think it's a bad thing. It's still my fault." She's just stating the fact. She hurts Missy by taking Romulus back, and she doesn't want to paint Missy in a negative light or have herself viewed as a victim in this situation, which she is not. She left Romulus and no one should be blamed but her.

"Sabagay," pagkibit ni Missy. Inilapit ni Beatrix ang sarili kay Romulus at pasimpleng bumulong sa lalaki.

"Bakit kailangan mong i-kuwento?"

Humplos ang hinlalaki nito sa gilid ng kanyang balat habang magaang hawak ang kanyang kamay. "The best way to stop the false information from spreading is to release a statement." Hinawakan ni Romulus ang kanyang baba at ipinaling ang kanyang tingin paharap dito. Nagsalubong ang kanilang mga mata at dahil inilapit niya ang sarili dito nang bumulong siya ay sobrang liit ng distansiya ng kanilang mukha. The moment their gaze bored into them she was transfixed by his dark eyes and forgot about the surrounding.

"I don't want this place to be abuzz with rumors about you. Baka masira ko lang ang buhay ng mapagkalat ng tsismis." Wala sa sariling napangiti si Beatrix. There is a warm sensation enveloped in her heart and she couldn't help but fall for him even harder. Romulus' gaze dropped on her lips, her heart skipped a bit at the anticipation. Marahang humaplos ang hinlalaki nito sa kanyang baba habang matiim na nakatitig sa kanyang labi.

"Gosh!" Ang tiling iyon ang nagbalik sa kanya sa pagkakawala sa sarili. Nakalimutan niyang nasa cafeteria sila na puno ng tao at nasa harapan ng mga co-workers niya. Mabilis na tinapik ni Beatrix ang kamay ni Romulus na nakahawak sa kanya. Malakas itong tumawa. Bakit ba nakakalimot siya sa kung nasaan siya sa pagtitig lang kay Romulus. Nakakahiya na ito. She needs to leave right away. Lahat ng mata ng mga tao sa cafeteria ay nasa kanila habang ang mga kasama niya sa mesa ay panay ang tukso sa kanya. At si Romulus...gusto niya itong hampasin sa pagtawa lang nito.

Napatuwid ng upo si Beatrix nang mahagip ng kanyang mata ang pagpasok ng cafeteria ng pamilya ni Romulus. Ang mag-asawa kasama si Romi at Logan pati na rin si Manoela na ngayon ay nasa batang anyo. Napakaganda talaga nito. Isang puting satin slip cowl dress ang suot nito na malayo sa paboritong kulay nitong vibrant. Pero hindi pa naman nawala ang vibrant sa kabuaang ayos nito dahil sa dala nitong hot pink hand bag at strappy heels na suot nito. Her curly silver blue hair bounced slightly as she walked. Ang mga tao sa cafeteria ay bumating lahat sa pamilya.

"Shit! Si Mr. Saldivar," ani ng isa sa kasama nila sa mesa.

"Palapit sila dito. Shuta, Beatrix. Mukhang aalukin ka ng sampung milyon kapalit ng pakikipaghiwalay kay sir. Huwag kang pumayag, accla! Utang na lamang-loob! Ilaban mo si sir!" Eksaheradang sabi ni Brian na marahang niyang ikinatawa. Tumayo si Romulus hustong makalapit ang magulang na sinundan naman ni Beatrix. Ang mga kasama niya ay gumaya rin sa kanya sa pagtayo at bumati sa pamilya.

"Magandang tanghali rin sa inyo. I'm sorry for interrupting your luncheon," hinging paumanhin ni Nikuro. Si Romi ay lumapit sa kanya, niyakap at hinalikan siya sa pisngi at magiliw na bumati sa kanyang mga kasamahan.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" tanong ni Romulus sa ina matapos itong halikan sa pisngi. Lumabas siya ng mesa para humalik kay Logan, Manoela, Nikuro at kapagkuwa'y kay Natasha na hinalikan siya sa magkabilang pisngi at kapagkuwa'y mahigpit na niyakap.

"How are you, sweetie?" tanong nito at masuyong sinapo ang kanyang mukha.

"I'm good, tita."

Iwinasiwas nito ang kamay sa ere. "I told you to call me, mommy." Nahihiya lang siyang ngumiti rito.

"Yayain sana namin kayong mananghalian sa labas. Kumakain na pala kayo," si Nikuro.

"Dito na lang din tayo kumain, dad...here's a vacant table, oh." Pinangunahan ni Romi ang pag-upo sa bakanteng mesa. Sa katabing mesa lang din na kanilang okupado. Hinarap ni Nikuro ang mga nasa mesa na nakatayo pa rin. Lahat ay mangha habang nakatingin sa pamilya lalo na kay Beatrix at Natasha. Marahil ay hindi inaasahan ang magandang relasyon ni Beatrix sa pamilya ni Romulus.

"Hiramin muna namin si Beatrix, ah?"

"O-opo, Sir, no problem po. Ako nga po pala si Brian, bestfriend ni Beatrix," pakilala ni Brian habang nakalagay pa ang mga kamay sa dibdib. Siniko naman ito ni Krizzy.

"Bestfriend ka riyan—ako po si Krizzy, ang totoong best friend." Mariing itinikom ni Beatrix ang labi para pigilan ang matawa.

Lumipat nga sila ng mesa. Ang pagkain nila Romulus ay inilipat na lang din nila sa kabilang mesa. Magkatabi silang naupo nina Romulus at Manoela sa kabilang bahagi ang mag-asawa.

"Where's the waiter?" si Romi na nililinga ang paligid.

"Walang waiter dito, Brat. Self-service. Doon ka kumuha ng food." Itinuro ni Romulus ang food counter.

"Okay—samahan mo ako." Kinuha ni Romi ang kamay ni Logan at hinila itong patayo. Sumunod naman si Logan.

"Nandito kayo?" si Romulus.

"Itong mommy mo gustong kumpirmahin kung nagkabalikan na nga kayo ni Beatrix," si Nikuro ang sumagot.

Kinuha ni Romulus ang kanyang kamay at ipinakita sa magulang ang singsing na suot ni Beatrix. "She accepted the ring, she let me hug her, let me kiss her and we made love."

"Romulus!" Naeeskandalong sita ni Beatrix. Malakas na tumawa si Romulus, kinabig siya at niyakap saka hinalikan sa gilid ng ulo. Nahihiya naman siya dahil wala yatang hindi nakatingin sa kanila sa loob ng cafeteria.

Si Natasha ay madamdamin silang pinagmasdan at kapakuwa'y nangislap ang luha sa mga mata nito. Napansin naman iyon ni Nikuro kaya niyakap rin ito at hinalikan katulad ng ginawa ni Romulus.

"Your mom is a bit jealous of your sweetness." Mahinang tinapik ni Natasha ang braso ni Nikuro.

"Sira. I just got emotional seeing my son laugh again. Ngayon ko lang ulit siya nakitang tumawa at ngumiti. He never did that, not even a fake smile. But now, look at him, Nik. Our son is back." Tuluyang napahikbi si Natasha, tuluyang nalaglag ang luha. Nakaramdam naman ng kirot sa puso si Beatrix. Hindi lang pala si Romulus ang nasaktan niya sa ginawa niya kundi maging ang pamilya nito. Kung si Romi ay galit ang nabuo, si Natasha naman ay sakit ang naibigay niya dahil sa ginawa niyang pag-iwan kay Romulus.

"That is why I disagree with Romulus and Missy's relationship. It is not a good idea to start a new relationship while still in love with the former." Natasha sighed and smiled at Beatrix. Natasha stretched her arms out across the table, palms upward. She reached for her hands out instinctively, and Natasha firmly held her hands.

"Please, don't leave my son again. Don't let him die again, Beatrix. You are his life." Bilang tugon ay pinisil niya ang kamay nito at binigyan ng ngiting nangangako.

Don't let him die again. She won't, metaphorically or literally. Not once more during this lifetime. Siya naman ang puprotekta kay Romulus.

Nagbitaw ng kamay si Beatrix at Natasha ng bumalik si Romi at Logan sa mesa. "Did I miss something?" Romi curiously asked as she noticed her mother wiping her tears with a handkerchief.

"Wala naman. Naiiyak si mommy sa gutom sa tagal mo—nasaan na ang pagkain?" si Romulus na matapos magsabi ng kalokohan. Pinatulis lang ni Romi ang labi. Romi is so cute.

"Formosa." Napabaling si Beatrix sa katabing si Manoela na umusal. Seryoso ang mukha nito na para bang pinapakiramdaman ang panganib sa paligid. Kung tama ang narinig niya, Formosa ang inusal nito, ibig sabihin ay may nararamdaman itong Formosa sa paligid. Gumapang ang kilabot sa katawan niya sa isipang may nakakasalamuha silang Formosa, at paano kung Siera na iyon. Agad na inilibot ni Beatrix ang tingin sa paligid hanggang sa matigil nang madaanan niya ng paningin si Drake na nakaupo sa mesa, tatlong mesa mula sa kanila. Nakatitig sa kanila o mas tamang sabihing sa kanya habang punong-puno ng galit ang mga mata. Bigla itong tumayo at umalis.

"Sino ang lalaking iyon?" pausal na tanong ni Manoela habang nakatingin kay Drake na papalabas ng cafeteria.

"Isa siyang Formosa." Gulat na napabaling si Beatrix kay Manoela.

"Siera?" balik niyang usal, pero sapat para marinig ng mga kasama. Naramdaman niya ang pagpisil ni Romulus sa kanyang baywang.

"Problem?" tanong nito. Tipid siyang ngumiti at umiling.

***

NATIGIL ang lahat sa pagtatrabaho sa pagbati ni Romulus. Bumati ang lahat pabalik. Agad namang tumulis ang labi ni Beatrix dahil alam na agad niya ang pakay nito. Kanina pa siya nito niyaya sa opisina nito pero hindi niya mapagbigyan dahil abala silang lahat sa upcoming event ng kumpanya. Noong nakaraan lang matapos nilang mananghalian ay hindi na siya nakabalik sa opisina dahil sa makamundong ginawa nila ni Romulus. Paano siyang makakabalik, eh, hindi pa man nahuhugot ay tinitigasan na naman agad si Romulus hanggang magtalik na naman sila hindi lang dalawang beses kundi apat na beses sa maghapon. Kaya hindi niya ito maaaring pagbigyan dahil natitiyak niyang hindi na naman siya nito pababalikin sa opisina. Ang dami nilang ginagawa.

"Can I sit-in here? Promise, hindi ako mang-eestorbo." Noon niya pinaikot ang kinauupuan paharap kay Romulus. Agad niya itong tinaasan ng kilay.

"Sure, sir!" Ang positibong tugon ng mga katrabaho ay nagpalad ng ngiti kay Romulus. Ang isa sa katrabaho niyang lalaki ay tumayo at naglagay ng upuan sa tabi ng desk ni Beatrix na alam agad ang nais na mangyari ni Romulus. Nagpasalamat si Romulus sa kanyang katrabaho at naupo sa silya. Bigla naman nitong hinila paharap rito ang kinauupuan niya. Matamis na ngiti agad ang pang-welcome nito sa pagharap niya. She cocked her brows, only responding by jutting his lower lip in a cute pout, which caused a smile to erupt across her lips. Argh! Bakit hindi niya mapanindigan ang pagsusungit?

"Dito lang ako. Hindi ako manggugulo. Panonoorin lang kita." Napailing na lang si Beatrix. Parang bata talaga.

"Wala ka bang trabaho?"

"Natapos ko na lahat ng gagawin ko." Natatapos ba ang trabaho ng CEO?

Inusog niya ang upuan sa desk. "Behave, ah? Marami akong ginagawa."

"I promise." Ibinalik nga niya ang atensiyon sa trabaho. Si Romulus ay kinuha naman ang phone mula sa bulsa ng trouser at ginamit iyon para kuhanan siya nang kuhanan ng larawan. Nang magsawa ay inilapag nito ang phone sa desk. Ipinatong ang siko sa desk habang ang nakakuyom na kamao ay ginawang patungan ng gilid ng ulo. Nasa ganoong posisyon ito habang pinagmamasdan siya. Hindi rin siya makapag-focus sa ginagawa nito. Inabot pa nito ang kanyang buhok, hinawi at inipit sa tainga. Hindi lang siya ang nawala sa focus kundi pati ang kanyang mga katrabaho na pinapanood na sila. May ilan pang kumukuha ng larawan na para ba silanng mga character sa isang pelikula.

"Gutom ka na ba? Do you want coffee?" Natigil siya sa pagta-type sa alok nito. Coffee? Matatanggihan ba niya? 

"Ibibili mo?"

Tumuwid ng upo si Romulus. "Of course." Malapad namang napangiti si Beatrix.

"Do you guys want coffee and some snacks to bite?"

Sabay-sabay ang pagsagot ng mga katrabaho niya sa tanong ni Romulus. "Yes, sir!"

"Hindi man lang talaga kayo nagkunwaring tumanggi ano? Makakapal talaga mukha ng nasa department na 'to." Ang brand manager na nasa kanyang desk. Nagtawanan naman ang lahat sa biro ng manager.

"Pa-deliver na kayo. Order what you want," pagbibigay signal ni Romulus.

"Yay! Ako na ang o-order," si Brian na agad na kinuha ang smart phone mulasa desk. Tumayo naman ang ilan at sumugod kay Brian nang magtanong ito para makita ang o-order-in. At sa isang iglap ang ingay na ng loob ng opisina.

"See. Ginulo mo na ang trabaho. Malulugi kumpanya niyo nito." Inilapit ni Romulus ang upuan sa kanya. Ang mga braso ay pumaikot sa kanyang katawan mula sa tagiliran.

"They need a break." Napapailing na kinuha na lang ni Beatrix ang phone mula sa mesa nang mag-vibrate iyon. Ala-una y media palang at alas-tres ang coffee break. Hindi mapigil ni Beatrix ang ma-excite nang maka-receive ng facetime call mula kay Baltazar. Agad niya iyong sinagot.

"Oh, hi, Baltazar!"

"Hello, Beatrix!" kumaway ito sa kanya. Ilang beses na rin itong tumatawag sa kanya. Ayon kay Professor Armadillo, simula nang makita siya ng bata ay hindi na natigil kakatanong hanggang sa pumayag na itong ipakausap siya.

"How are you?"

"I'm good. How about you?" balik nitong tanong.

"I'm good, too."

"When will you visit here again?"

"At bakit ka bibisitahin ng fianceè ko?" pagsabat ni Romulus na lalong hinigpitan ang pagkakapulupot ng braso sa kanyang katawan.

"It's you again!" may pagdurong sabi ni Baltazar. Nagkakilala na ang dalawa nang puntahan nila ni Romulus ang labi ni Heironimos sa bahay ni Professor Armadillo para makita nito ng personal—At ang naging reaksiyon ni Romulus nang makita ang sariling labi ay ang panget daw. Sa unang pagkakataon palang ng paghaharap ni Romulus at Baltazar ay alam na agad ng dalawa na hindi gusto ng mga ito ang isa't isa. Si Romulus naman kasi ang unang nagpakita ng pagkadisgusto sa bata.

"And it's you again! Hindi mo dapat tinatawagan ang girlfriend ng may girlfriend! Nakakalalaki!"

"Romulus!" Nanglalaki ang matang saway ni Beatrix kay Romulus.

"What? It's my right as your fianće."

"Kid. A kid, Romulus. As if he can do something to steal me from you."

"He did it before. Siguradong may gusto 'yan sa 'yo sa past life. Sinakripisyo niya ang sarili niya para makabalik ka rito kaya sigurado akong bumalik 'yan ngayon para sa 'yo. Hindi ako naniniwalang bata 'yan. The spirit within him is an adult with his own agenda, which was to steal you away from me. Again."

"Then ask Manoela. She will undoubtedly ascertain whether the spirit within him is an adult para mapanatag ka. If we'll prove that he's really a kid. You'll leave him alone?"

"No way! Age doesn't matter. Fhergus and Luna. Manoela and Damon. Faro and Javiah. And you are a fairy at possible na imortal ka rin. Ang batang 'yan lalaki 'yan at kapag hinayaan kong maging close kayo aagawin ka niyan sa 'kin. Hindi ka pa naman ganoon ka-in-love sa akin."

Bumitaw ito sa kanya saka sumandal. Nakasimangot itong tumitig lang sa screen ng kanyang computer. Marahang natawa si Beatrix sa inaasal ni Romulus. Grabe! Napakaseloso! At parang bata. Ibinalik ni Beatrix ang tingin sa screen ng phone nang biglang may marinig na ingay sa kabilang linya pero patay na iyon. Sinubukan niyang tawagan si Baltazar pero hindi na niya makontak. Sa pagbalik niya ng tingin kay Romulus ay higit pang naging sambakol ang mukha nito habang nakatitig sa screen ng kanyang phone. Iritado na muling sinusubukang tawagan ni Beatrix ang batang pinagseselosan kaya naman sa pagkakataon na iyon ay malakas ng napatawa si Beatrix.

המשך קריאה

You'll Also Like

186K 5.6K 14
(Finished) When you started to doubt yourself if you were worth it. When you couldn't move on from your past no matter how hard you'd tried. When you...
10.5M 10.3K 3
Mysterious. That's the most appropriate word that would describe the eldest among the Filan brothers.
11.8M 60.2K 14
Attractions lead them in One Night together ❤
31.5M 535K 55
Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with a stranger? Yung tipong kahit itsura ni...