The CEO's Temporary Bride

By AnjSmykynyze

245K 10.4K 1.5K

When Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has... More

Chapter 1 : The Perfect Dare
Chapter 2: Wrong Turn
Chapter 3: She's Crushed
Chapter 4 - Securing Permit
Chapter 5 - First Day
Chapter 6 - Gift Giving Spree
Chapter 7 - Making Amendments
Chapter 8 - Erochlophobia
Chapter 9 - Rules of Engagement
Chapter 10 - The Unfolding
Chapter 11 - Dark and Twisty
Chapter 12 - Officially His
Chapter 13 - Say You Won't Let Go
Chapter 14 - Supply and Demand
Chapter 15 - What are the Odds?
Chapter 16 - Put on a Happy Face
Chapter 17 - One Sunny Day
Chapter 18 - History Repeats Itself
Chapter 19 - Hot Stuff
Chapter 20 - Butterfly Kisses
Chapter 21- A Needed Distraction
Chapter 22 - Dark Desires
Chapter 23 - University Ball
Chapter 24 - The Payment
Chapter 25 - Drown the Lie
Chapter 26 - Pop the Question
Chapter 27 - The Time Has Come
Chapter 28 - Sealed Fate
Chapter 29 - The Hard Bargain
Chapter 30 - Do I?
Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced
Chapter 32 - Unlucky Fate
Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!
Chapter 35 - His Bed Warmer
Chapter 36 - Her Vow
Chapter 37 - His Hatred
Chapter 38 - Broken Inside
Chapter 39 - Holding On
Chapter 40 - London Lovelorn
***
Chapter 41 - Clashes and Concealment

Chapter 33 - Ready? Game!

4.8K 231 39
By AnjSmykynyze


Kahit puyat, nakasanayan na ni Evo ang gumising ng madaling araw upang gawin ang kanyang morning routine. Bumangon siya saka bumaba sa hagdanan upang tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Madalas dumidirecho siya sa mini-gym upang mag-ehersisyo, pero hindi niya nakalimutang ikinasal siya kahapon at hindi pa niya nagawa ang balak niya kay Tamara.

"Today's exercise will be in bed," pilya siyang ngumiti.

Tinahak niya ang daan patungong kusina ngunit napahinto siya nang makitang nasa kusina si Tamara.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Evo.

"Pinaghanda kita ng almusal," ngiting saad ni Tamara.

Kumunot ang noo ni Evo dahil hindi ito ang balak niya. Bago siya nagpakasal ay sinabi na niya sa kanyang mga katulong at butler na saka na ito papasok sa mansyon kapag nakaalis na siya ng trabaho. Balak niyang pahirapan si Tamara, at isa sa mga naisip niya ay ang utusan si Tamara na ipagluluto siya ng almusal araw-araw.

"I don't eat this early," saad ni Evo saka dumirecho sa water dispenser upang magsalin ng tubig.

"Naghahanda pa lang naman ako kaya sakto lang ang oras kapag matapos na ako ng pagluluto," saad ni Tamara habang hinuhugasan ang mga sangkap sa pagluluto.

Hindi kumibo si Evo kaya nagsalita si Tamara, "konti lang pala ang laman ng ref, sa tingin ko, kailangan nating mag-grocery."

Napatigil sa pag-inom ng tubig si Evo saka hinarap si Tamara, "hindi ako masyadong kumakain dito sa bahay. Baka masayang lang ang mga bibilhin mo."

Bumuntong huminga si Tamara saka hinarap si Evo, "mula ngayon, ipagluluto kita. Kakain ka ng almusal dito, magdadala ako ng pagkain para sa'yo sa opisina mo, at sa gabi, ipaghahanda kita ng hapunan."

"That's crazy," may halong inis na saad ni Evo.

"It's not," Tamara shrugged saka nagpatuloy, "besides, ginagampanan ko lang ang pagiging asawa ko."

Evo cocked his head and said, "should you be doing something else to me as my wife?"

Agad na naiintindihan ni Tamara ang ibig sabihin ni Evo kaya mabilis siyang pumihit pabalik sa paghuhugas ng sangkap.

Napangiti si Evo dahil batid niyang natakot si Tamara kaya nilapitan niya ito at sinabing, "we need to consummate our wedding."

"E-evo," humakbang palayo si Tamara, "mag-almusal muna tayo."

"Don't act like we are a romantic couple, Tamara!" bahagyang tumaas ang boses ni Evo saka nagpatuloy, "tandaan mo, tatlong taon lang ang pagiging asawa mo sa akin."

"Hindi ko 'yan nakakalimutan. Pero hindi ako papayag na masasayang ang tatlong taon ko. I will make sure that you will be the one who cannot let go of me in the end," saad ni Tamara.

"Are you dreaming?" mapanutyang tumawa si Evo saka sinabing, "I despise you for all the troubles you gave me, sa tingin mo mapapaibig mo ako?"

Taas noong tumingin si Tamara kay Evo saka sinabing, "tignan lang natin."

Nang pumayag siya sa kasunduan nila, alam niyang magiging malamig ang pakikitungo sa kanya ni Evo ngunit ayaw niyang magpatalo. Pinasok niya ang larong ito, sisigurohin niyang mananalo siya. Buo ang loob niya na sa loob ng tatlong taon, mahuhulog ang loob ni Evo sa kanya. She will make sure that he'll get used to her presence so that by the end of the three years, si Evo ang magmamakaawang mananatili siya.

Inilipat ni Tamara ang mga hinugasang sangkap sa center island saka sinimulan ang paghiwa sa mga ito.

Lumapit si Evo saka inilapit ang bibig nito sa tenga ni Tamara at sinabing, "remember this, all I have for you is hatred. With that, prepare to endure this hatred for three years."

Hinid na nakapagsalita si Tamara dahil agad na pumihit si Evo paalis ng kusina.

Sandaling huminto siya saka huminga ng malalim upang mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Alam niyang mahihirapan siyang mapaibig sa kanya si Evo pero kailangan niyang subukan dahil ayaw niyang malayo sa magiging anak niya. Tumingin siya sa mga sangkap na nasa harap niya saka tumango at sinabi sa sarili, "you will fall for me, Evo McTavish!"

Madalas sinasabi sa kanya ng kanyang ina na 'the way to the man's heart is through his stomach.' Ito ang dahilan kung bakit sinamay siya ng kanyang ina sa pagluluto. Housewife si Tina kaya marami itong alam na lutong bahay, at lahat na ito ay naituro sa kanya.

Inis na pumasok si Evo sa kanyang mini-gym. Batid niyang may binabalak si Tamara kaya nagpasya siyang pag-isipan ang bawat hakbang na gagawin. Mukhang pinaghandaan ni Tamara ang lahat at desidido itong manatili sa buhay niya habambuhay. But his plans were different. Gusto niyang gamitin si Tamara upang ma-realize ni Shawn na siya pa rin ang mahal nito. At kung sakaling hindi na talaga babalik si Shawn, balak niyang magkaroon lamang ng anak na magmamana sa kayamanan ng mga McTavish at Concepcion. Hindi niya kailangan ng asawa dahil wala siyang balak manatili sa iisang babae lamang. Kung hindi niya makukuha si Shawn, he'll satisfy himself with every woman he feels having s3x with.

____________________________

Nakangiting tinignan ni Tamara ang kanyang luto. Hindi niya lang sinigurong maayos ang pagkakaluto ng kanyang hinandang pagkain, natutuwa rin siya sa mga ginawa niyang pancakes. Hugis puso ang mga ito kaya inayos niya ang pagkakalagay nito sa pinggan ni Evo.

Nakita niyang bumaba si Evo sa hagdanan kaya agad niyang dinala ang pinggan na may hotcake kay Evo.

"Stop being annoying, Tamara," saad ni Evo nang humarang si Tamara sa kanyang dadaanan.

"Pinagluto kita ng agahan, kumain ka muna," saad ng dalaga.

"Drop the act," he gave her an eagle-eyed stare saka sinabing, "you are only here to bear me a child, huwag mong seryosohin ang pagiging asawa ko."

"Kakainin mo ang mga niluto ko!" tinumbasan ni Tamara ang lakas ng boses ni Evo saka nagpatuloy, "dahil ginawa mo akong asawa, gagampanan ko ang pagiging asawa mo kahit sa loob ng tatlong taon lang. And because of that, you will have to endure the meals that I will cook for you within three years!"

"Anong magagawa mo kung hindi ako kakain?" tanong ni Evo.

Sandaling napaisip si Tamara saka sinabing, "hindi mo magagawa ang nais mong gawin sa akin!"

Bahagyang napatawa si Evo saka sinabing, "Do you think that scares me?"

Agad na sumeryoso ang tingin ni Evo kay Tamara saka humakbang palapit sa babae, "You should be scared, dahil marami na akong naisip na pwede kong gawin sa'yo."

Napalunok si Tamara dahil sa narinig niya mula kay Evo. With his features, there is no doubt that he can be a monster in bed.

Napangiti si Evo at magsasalita pa sana siya ngunit oras na ibinuka niya ang kanyang bibig ay agad na ipinasok ni Tamara ang isang pancake sa kanyang bibig sabay sabing, "hindi ako natatakot sa'yo, Evo. Kung inakala mong pumasok ako sa kasunduang ito para magpa-api sa'yo, nagkakamali ka! Dahil hindi ako ang tipong sumasabak sa giyera na hindi handa!"

Hindi inasahan ni Evo ang ginawa ni Tamara.

Matagumpay na ngumiti si Tamara nang ninguya ni Evo ang isinubo niyang pancake.

"Mapapaibig din kita, Evo," sa isip ni Tamara.

"Mahal mo na ba ako kaya mo ito ginagawa?" tanong ni Evo.

Hindi nakasagot si Tamara dahil hindi niya inasahan ang tanong nito. Mahal ba niya siya Evo? Hindi niya masagot ang "Oo", pero hindi rin niya masabing "hindi" dahil alam niyang mahina ang kanyang puso at maaaring unti-unti na itong nahuhulog kay Evo.

Dahil batid ni Evo ang pagkagulat ni Tamara, ginamit niya ang pagkakataon upang lumayo sa babae. Balak niyang salungatin lahat na hakbang na gagawin ni Tamara.

"She does not deserve to be happy," saad ni Evo sa kanyang isip, "maghihirap siya tulad ng paghihirap na dinanas ko 'nung iwan ako ni Shawn."

Bagsak ang balikat ni Tamara habang bumalik sa hapagkainan.

"Simula pa lang ito, Tamara," saad niya sa sarili, "pero tao si Evo, kailangan ko lang mahanap ang soft-spot niya upang makuha ko ang kanyang pagmamahal," paghihimok ni Tamara sa sarili.

Wala siyang pasok dahil sa susunod pa na linggo nakatakda ang kanyang oral defense. Kabisado na niya ang lahat tungkol sa kanyang thesis kaya hindi na niya kailangang pagtuonan ito ng pansin. Dahil dito, minabuti niyang mag-grocery. Galante ang ama ni Evo dahil ang iregalo nito sa kanya ay isang black card kaya ito ang gagamitin niya sa paggrocery.

Mabilis niyang natapos ang pag-grogrocery dahil kabisado na niya ang mga kakailanganin niya para sa pagluluto. Madalas niya kasing sinasamahan ang kanyang ina sa pag-grogrocery kaya hindi siya nahirapang mamili ng kung ano ang dapat bilhin.

Pagkarating niya ng bahay ay agad siyang naghanda upang magluto ng pananghalian. Nangako siyang magdadala siya ng pananghalian sa opisina ni Evo kaya tutuparin niya ito. Ilang saglit lang ay natapos na niya ang pagluluto kaya agad niyang hinanda ang lunch boxes na paglalagyan niya ng pagkain.

Siniguro niyang sapat para sa kanilang dalawa ang niluto niya dahil balak niyang sabayan si Evo sa pagkain.

___________________________

Nagulat si Tamara pagkabukas ng elevator sa palapag ng opisina ni Evo. Iba na kasi ang mga nakatalagang receptionists sa palapag.

"Good morning, may appointment ba kayo?" tanong ng isa sa mga receptionist.

"Ahm," hindi siya agad nakasagot dahil hindi siya kilala ng mga receptionists pero pagkatapos ng ilang Segundo ay agad siyang nakaisip ng paraan, "Hindi mo ba ako kilala? Ako si Tamara ang girlfriend ni Evo."

Bahagyang tumingin sa kanya ang receptionist na kaharap niya saka ito nakipagpalitan ng tingin sa kasama bago tumawa at sinabing, "hindi mo kami maloloko. May babaeng kakapasok lang. Tingin ko, siya ang flavor of the month ngayon."

Napakunot ang noo ni Tamara dahil hindi siya inosente para hindi maintindihan kung anong ibig sabihin ng receptionist. Dahil sa nakita niya kagabi, alam niyang kayang-kaya ni Evo na magpapalit-palit ng babaeng makatalik, pero nainis siya ng magsalita ang isa pang receptionist.

"Saka malayo ka sa taste ni Mr. McTavish. Ilang babae na ang papalit-palit na dumadalo sa kanya at lahat sila magaganda't elegante. Hindi papatol si Mr. McTavish sa isang pipityuging katulad mo!"

Napakuyom ng kamay si Tamara saka sinabing, "anong klaseng receptionists kayo kung wala kayong alam tungkol sa amo niyo? Hindi niyo ba nakikita ang mga balita? Inanunsyo ni Evo ang tungkol sa engagement namin!"

"Tigilan mo na ang pagpapanggap, Miss Jacinto," nagulat siya dahil kilala naman pala siya ng isang receptionist pero mas nagulat siya sa sinabi nito sa kanya, "sinabi sa amin ni Mr. McTavish ang totoo. Alam naming nagpapanggap lang kayo upang matigil ang pangungulit sa kanya ng kanyang magulang na magpakasal."

Hindi makapaniwala si Tamara na nagawa ito ni Evo pero mali pa rin ang sinabi ng mga receptionist dahil ang sinabi niya ay noon lang 'yun. Iba na ang sitwasyon nila ngayon. Hindi na sila nagpapanggap dahil ikinasal na sila. Totoo at legal ang kasal nila pero hindi niya ito masabi dahil mahigpit na ipinagbilin ni Evo na dapat ilihim sa publiko ang tungkol dito.

"Pwede bang tawagin niyo na lang si Chad?" saad ni Tamara.

"Naku pasensya na, kakaalis lang Mr. Monsanto," sagot ng receptionist.

Dahil wala na siyang ibang magawa, bumuntong hininga si Tamara saka sinabing, "pakibigay ng lang ng pagkain na ito kay Evo."

"Ay hala, kaya umalis si Mr. Monsanto ay dahil nagpa-order si Mr. McTavish ng pananghalian. Siguradong hindi ito makakain ni Mr. McTavish," sagot ng receptionist.

Inis na pumihit si Tamara saka kinuha ang kanyang cellphone. Balak niya sanang sorpresahin si Evo pero dahil hindi siya makapasok, nagdesisyon siyang tawagan ito.

Ilang beses na tumunog ang cellphone ni Evo bago ito tinanggap.

"What?" may halong inis sa boses ni Evo nang tanggapin ang tawag ni Tamara.

"Nasa labas ako, pwede mo bang sabihin sa mga sekretarya mo na papasukin ako?" ma-awtoridad na hiling ni Tamara ngunit nanigas siya sa narinig niyang boses ng isang babae.

"Hindi mo nagustohan ang ginagawa ko?" saad ng babae na kasama ni Evo.

"Shut-up and continue," saad ni Evo saka muling kinausap si Tamara, "I am in the middle of enjoying a bl0wj0b, if you wish to join us, I'll be happy to let you in."

"I hate you!" mariing saad ni Tamara saka naglakad patungong elevator.

Ilang sandali niyang hinintay ang pagbukas ng elevator pero napahinto siya nang bumungad sa harap niya si Chad pagkabukas nito.

"T-tamara," nagulat na saad ni Chad, "b-ba't ka nandito?"

"Dinalhan ko lang si Evo ng makakain pero mukhang may iba na siyang kinakain kaya i-uuwi ko na lang ito," saad ni Tamara saka nilagpasan si Chad at sumakay sa elevator.

Hindi napigilan ni Tamara ang pagtulo ng kanyang luha sabay sabing, "laban lang Tamara. Mananalo ka sa larong ito. Mahina si Evo, kayang-kaya mo siyang patumbahin."

_________________________

Dahil sa tawag ni Tamara, hindi na makapag-focus si Evo sa ginagawa ng babae. Tila naging manhid siya galaw ng dila nito kaya pagkatapos ng ilang saglit ay hinila niya ang buhok ng babae upang mapilitan itong tumingin sa kanya.

"Bakit?" tanong ng babae.

"I don't feel like having s3x anymore," saad ni Evo habang tumayo at inayos ang pagkasuot ng kanyang pantalon.

"We have not even started," reklamo ng babae.

"Wala na akong gana, pwede ka nang umalis," walang pakundangang saad ni Evo.

"Are you serious? Paano naman ako? I feel so wet already," saad ng babae.

"Find someone to satisfy you," saad ni Evo saka lumabas ng kanyang opisina.

Agad na bumungad sa kanyang harapan si Chad dala ang ipinabili niyang pagkain. Walang kibo siyang kinuha ang dala nito sabay sabing, "Gutom na ako."

"Is that our lunch? Thank God! Gutom na rin ako," saad ng babae sa loob ng opisina.

Hindi pinansin ni Evo ang babae saka dumirecho sa conference area ng palapag. Susunod sana ang babae ngunit pinigilan ito ni Chad.

"What?" kunot noong tumingin ang babae kay Chad.

"Ayaw ni Mr. McTavish na may kasamang kumain," saad ni Chad.

"Pero 'di ba nagpabili siya ng pananghalian namin?" pamimilit ng babae.

"Nagpabili siya ng pananghalian niya, para sa kanya lang," walang emosyong saad ni Chad saka nagpatuloy, "kung gutom ka na, pwede kang kumuha ng makakain sa cafeteria ng kumpanya. Tatawagan ko ang in-charge."

"Hindi na!" galit na saad ng babae saka sinabing, "I have better food in my own company!"

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 564 72
I'm from Philippines and He's from Belgium and we are 10,718 miles of love.
With You By Xeam

Teen Fiction

2.7K 266 53
Si Rowena ay isang simpleng dalaga lamang. Ngunit nakaramdam siya ng kaligayahan ng sobra sa internet o sa facebook. Siya ay naging sikat roon at mar...
22.8K 1.8K 62
<< Im waiting for you 'cause I love you >> Posted: 04•24•18
8.2K 1K 27
A single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single th...