Save the Best for the Least

By PrincessThirteen00

5.2K 512 251

After running away on his wedding day, Calyx Royce returns to his hometown to fulfil the broken promise to hi... More

A
Save the Best for the Least
Prologue
Chapter 1: Almost
Chapter 2: Aftermath
Chapter 3: Amnesia
Chapter 4: Always
Chapter 6: Attention
Chapter 7: Acknowledge
Chapter 8: Afford
Chapter 9: Adore
Chapter 10: Argue
Chapter 11: Addicting**
Chapter 12: Abandon

Chapter 5: Arch

257 33 7
By PrincessThirteen00

***

CALYX continued stroking Anaise's hair as she slept peacefully with her head on his thigh. Pinatong niya ang shoal sa binti at baywang ni Anaise upang hindi siya lamigin masiyado.

Nauwi sa tulog ang kanilang kuwentuhan sa veranda ng mansiyon at dahil din sa preskong hangin. that was how chilled and relaxed they were with each other. No amount of time could compare how close their relationship was—best friends.

Hindi rin sila nilabas pa ng mga magulang ng dalaga at ayaw pa rin ni Calyx na umuwi. Mukhang pinatutulog o tulog na ang bunsong kapatid ni Anaise na si Amelie.

Bumaba ang tingin ni Calyx kay Anaise. Kahit matagal na panahon niyang hindi nakikita o nakakasama si Anaise, mukhang maraming bagay pa rin ang hindi nagbabago. Kahit sa pagtulog niya, hindi pa rin nawawala ang pag-awang ng bibig nito at payapang paghinga.

Anaise had always been a heavy sleeper. At kahit saan, kaya niyang makatulog basta dalawin ng antok. Kung hindi lang din nawiwili si Calyx na pagmasdan si Anaise, baka nakatulog na rin siya.

Hindi niya maikakaila na mas gumanda pa si Anaise. Nag-mature nang kaunti ang hitsura ng dalaga pero parang walang pinagbago. Pero higit pa roon, hindi niya lubos akalain na tatanggapin pa talaga ni Anaise na ipagpatuloy ang pagiging matalik nila na magkaibigan.

Naputol ang imahinasyon ni Calyx nang makarinig ng yabag si Calyx at paglingon  niya, may lalaking naglalakad patungo sa kanilang kinauupuan. He was a tall moreno and had a big bouquet of pink roses in his arms. Halos kasing lapad na ng katawan nito ang bungkos ng humahalimuyak na mga bulaklak.

Nangunot agad ang noo ni Calyx sa nakita. Imposible na dadalawin ng lalaki ang mga magulang ni Anaise at imposible rin na si Amelie. Ibig sabihin, si Anaise ang pakay nito.

"Sino ka?"

"Sino ka?"

Sabay na sabay ang tanong nila sa isa't isa. Halos magkasinglalim ang kanilang mga boses at matalim ang titig sa isa't isa.

"Calyx. Best friend ako ni Anaise, and you?" Calyx stated, taking dibs on what he was again in Anaise's life.

"Archie. Manliligaw ako ni Anaise," pagpapakilala ng lalaki.

Parang naubo si Calyx sa narinig. Manliligaw ni Anaise ang lalaking nasa harapan niya? Napakislot si Anaise pero hindi sapat upang magising sa mahimbing at payapa nitong pagtulog.

"Hindi siya nagpapaligaw," usal ni Calyx.

Hindi niya tinatago ang pagkayamot sa binatilyo. Kakikita at kakikilala pa lamang niya ay hindi na agad maganda ang timpla niya sa lalaki.

"Pare, manliligaw nga ako ni Anaise." Lumapit si Archie sa kanila at matalim ang tingin sa kaniya. Lumambot naman ang tingin sa natutulog na si Anaise. "At bakit dito siya natutulog sa labas?"

"Wala kang pake."

The guy was taken aback before he smirked. Archie was scanning and giving him a scrutinizing look. "I see. I know who you are now."

"Does it look like I—"

"I remember now, naikuwento ka na ni Anaise dati," pagputol ni Archie kay Calyx. "You were the best friend who left her before."

Pakiwari ni Calyx ay umatras ang kaniyang angas. Hindi siya nakailag sa sinabi ng estranghero.

Calyx was about to reply when Anaise released a groan as she turned to her side. Hinawakan ni Calyx ang kaniyang braso sa pag-aakalang iikot siya nang tuluyan at mahuhulog sa sahig.

Nagmulat si Anaise ng mga mata at nakita si Archie na nakatayo at nakangiti sa harapan niya. Napabalikwas siya ng bangon at agad kinapa ang mukha upang masiguro na walang marka o natuyong laway. It would be so embarrassing!

"A-Arch!"

"Good afternoon, Naise. Para sa 'yo . . ." Sabay niyang nilahad ang malaking bungkos ng bulaklak.

Tumikhim si Anaise at inayos ang kaniyang buhok na pakiramdam niya ay nagulo. She cleared her throat so many times trying to picture her appeareance.

"Thank you, Arch! Nag-abala ka na naman!" nakangiti niyang usal. Inamoy pa ang mga rosas. "'Yong bigay mo noong isang araw nasa vase pa."

"Basta para sa 'yo, Naise!" magiliw na usal ni Archie. Ang ngiti ay lampas pa sa kaniyang tainga. Tipong magliliwanag ang kalangitan sa sobrang puti ng ngipin ng binata.

"Plano mo yatang gawing flower shop ang bahay namin!" Anaise chuckled.

"Hindi naman. Gusto rin naman ni tita."

"Aww, thank you!"

Calyx felt like a third wheel. He was so out of place. Kanina lang ay may sariling mundo sila ni Anaise. Pero walang babala na dumating ang lalaki at ngayon ang ngiti ni Anaise ay nasa ibang tao na.

And Naise?

Calyx wanted to pretend he didn't hear it. Manliligaw pa lang pero may nickname na? Calyx was dumb-founded as he stared at the two. Mukhang magkalapit silang dalawa. Too close.

Kung dati ay wala siyang nakikilala na manliligaw ni Anaise dahil sa pananamit at gayak niyo, posibleng mas marami na ngayon dahil ilang taon din siyang nawala sa buhay ng dalaga. There was nothing to stop people from liking her and most especially, from courting her.

At gusto niyang agawin ang bulaklak mula kay Anaise at sunugin hanggang sa maging abo. He disliked it. Maybe even hated it.

Mukhang dapat binili ni Calyx lahat ng paborito ni Anaise na pagkain para solo niya ang atensiyon ni Anaise. That idea stunned him.

Why did he want to have all of her attention? Perhaps it was because they were best friends and hadn't seen each other in ages. Or maybe it was because someone else seemed to have replaced him in her life?

"Nga pala, Arch. Let me introduce you to Calyx. Calyx is my childhood best friend. Cal, siya si Archie, manliligaw ko," pagpapakilala ni Anaise sa dalawang lalaki.

Hindi nakatakas kay Calyx ang pamumula ng mala-rosas na pisngi ni Anaise. Halos takpan pa ng dalaga ang sarili gamit ang malaking bungkos ng mga rosas. Lalong nairita si Calyx.

"Yes, we were just doing our introductions, Naise." Humakbang palapit si Archie at nilahad ang kamay. "Archie, pare."

Bumaba ang tingin ni Calyx sa kamay ni Archie at saka muling binalik sa mukha ng kaharap. Kung mukhang hindi niya gusto ang lalaki, hindi niya itatanggi iyon.

Tumayo si Calyx at doon napagtanto na magkasingtangkad silang dalawa. Dahil nanonood si Anaise, napilitan siyang makipagkamay at hindi pinuputol ang titigan nila sa mata ng isa't isa.

"Calyx, pare." Mariin na pinisil ni Calyx ang kamay ni Archie.

Napangisi si Archie at humakbang ng isa upang mabawasan ang agwat na kanilang kinatatayuan. Agad ding naghiwalay ang kamay ng dalawa.

"Ayan, buti magkakilala na kayo!" natutuwang anas ni Anaise na yakap-yakap pa rin ang mga bulaklak.

"Oo nga, Naise. Mabuti naman . . . " makahulugang anito na mas kinainis ni Calyx. "Anyway, sina tito ba?"

"Naku, tulog yata sila with Amelie."

"Gan'on ba? Kung sabagay, ikaw nga dito na sa labas natulog."

"Arch, naman! Kainis ka!"

"Joke lang. Ikaw talaga. Ipagpapaalam na sana kita kay toto. Are you ready na ba?"

"Hm . . . Can you give me fifteen minutes? I'll just freshen up," nakangiting wika ni Anaise.

"Of course. No rush, Naise. Take your time."

"You two . . ." Lumingon si Anaise kay Calyx at Archie at saka nagpatuloy, "Be nice to each other."

"Yes, boss," ani Archie saka kumindat at ngumiti sa dalaga. Anaise just rolled her eyes and chuckled.

Nagmamadali siyang pumasok ng mansiyon at naiwan ang dalawang binatilyo sa veranda. Parang may anghel na dumaan sa pagitan nila dahil sa labis na katahimikan.

Hinarap siya ni Calyx at lumapit. Matalim ang tingin nila sa isa't isa. Parang mga hayop na kayang lapain ang isa't isa hanggang sa kamatayan.

"Saan mo siya dadalhin?" Halos magdikit ang dibdib nila dahil sa komprontasyon ni Calyx.

"I believe that it's none your concern, pare. Sapat na malaman mo na seryoso ako kay Anaise."

Napakuyom ang mga kamo ni Calyx at gustong saktan ang lalaki ngunit nagtitimpi siya. Ayaw niyang magalit si Anaise lalo na't kababalik lang niya sa buhay ng dalaga.

"It is, actually. Anaise is my best friend, and I'm back in her life, so I need to know. I'm just watching out for her."

"Pare, tama ka sa isang bagay." Archie smirked at him, almost looking down at him. "Best friend ka lang, and that's all you'll ever be in her life."

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE © 2022

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...