SI ORANGE (The Pinay Cinderel...

By AmorFilia

69K 1K 386

SI ORANGE (The Pinay Cinderella) - Book 1 (chapters 1-10) SI ORANGE (The Baby Girl Turned Wife) - Book 2 (cha... More

SI ORANGE: Cast of Characters
SI ORANGE (Teaser)
SI ORANGE: PROLOGUE
SI ORANGE: Chapter 1
SI ORANGE: Chapter 2
SI ORANGE: Chapter 3
SI ORANGE: Chapter 4
SI ORANGE: Chapter 5
SI ORANGE: Chapter 6
SI ORANGE: Chapter 7
SI ORANGE: Chapter 8
SI ORANGE: Chapter 9
SI ORANGE: Chapter 10
SI ORANGE: Chapter 11
SI ORANGE: Chapter 12
SI ORANGE: Chapter 13
SI ORANGE: Chapter 14
SI ORANGE: Chapter 16
SI ORANGE: Chapter 17
SI ORANGE: Chapter 18
SI ORANGE: Chapter 19
SI ORANGE: Chapter 20
SI ORANGE (Version 2.0)-Teaser

SI ORANGE: Chapter 15

1.6K 29 8
By AmorFilia

"HANGGANG kailan ba dito ang parents mo?"

Napakunot ang noo ni Carlo pero hindi pa man siya nakapagtatanong ay muli nang nagsalita si Anastacia.

"Naisip ko lang, hindi kami puwedeng magkasama ng mama mo sa iisang bahay. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko tatagalan ang ganitong setup."

"Why? Mabait naman si Mama, right?"

Napangiwi ito pero agad ding sinikap na ngumiti.

"May naging problema ba kanina?

Saglit na nangislap ang mga mata ni Orange, bumuka ang mga labi pero agad ding naglaho ang tila excitement na iyon. "W-wala naman. Mabait nga siya...saka...saka ano..."

"Ano?"

"Hmmm..."

"Tasha, I'm waiting..." aniya habang totoo nang naiinip sa isasagot nito.

"Masayahin siya. Ang husay niya ngang magpatawa eh..." Tinawanan nito ang sinabi pero hindi naman umabot iyon sa mga mata nito.

He felt something weird. Minaltrato kaya ito ng mama niya? He knew his mom well at alam rin niyang hindi nito kayang itago ang nararamdaman. Pero wala naman itong sinabing negatibo tungkol sa dalaga liban sa paalalang huwag daw siyang magmadali sa pag-aasawa. Was that a sign that she didn't like Tasha?

Lumingon siya kay Orange, sinenyasan itong lumapit at saka ito inakbayan. "Tasha, Mom is really nice, okay. You just have to give her time to prove her self. I mean, okay siya. Magkakasundo rin kayo noon."

"Of course! Wala naman akong sinabing-"

"You're as clear as water at kahit hindi ka magsalita ay basang-basa kita!"

Natahimik ito. He pinched her nose, dahilan para mamula iyon. Hinampas siya nito nang mahina sa braso.

"Basta makisayaw ka na lang sa tubig, okay. Alam mo, hindi sanay sa hirap si Mama. Bukas, makalawa, maiisipan na rin nilang magbalot, promise."

Sumilay ang ngiti sa mga mata ni Orange bagaman hindi naman iyon nakarating sa mga labi nito. He was glad she's always considerate.

"KUNG ako sa'yo, painan mo ng sili 'yang biyenan mong hilaw. Sumosobra naman siya!" bulalas ni Chikki nang magkita sila ni Orange kinabukasan sa unibersidad.

Hindi niya sana gustong pumasok dahil kahit paano ay gusto niyang asikasuhin ang mga magulang ni Carlo pero hindi na ito pumayag na um-absent ulit siya. Hindi raw dapat maapektuhan ang pag-aaral niya dahil sa mga baggage nito. Maging ang papa ni Carlo ay ipinipilit na pumasok siya. Tanging ang ina lang nito ang nagsasabing pumirmi siya sa bahay dahil ganoon daw talaga kapag nag-asawa na. Iyon ang bagay na sinabi niya kay Chikki kaya lalong kumulubot ang ilong nito sa inis.

"Ano ka ba! E 'di nagalit sa akin si Carlo kapag ginawa ko iyon!"

"Grabe naman ang pagmamaltrato niya sa'yo! Ano ang akala niya sa beauty mo, lavender?"

"Lavender?"

"Lavender-a! Mukha ka bang lavendera, Bff?!"

Kinutukan niya ito nang mahina sa ulo. "Corny mo! Natural lang iyon sa mga nag-aasawa, ano ka ba! At siguro, natural din iyon sa mga magulang na tulad ng mama ni Carlo. Mabuti nga at ganoon lang ang inabot ko eh."

Napangisi si Chikki. "Hanga rin ako sa'yo, Bff. Dapat ay ipagpasalamat mo iyan ng malaki sa tiyahin at mga kapatid mo eh. Ang haba tuloy ng pasensiya mo dahil sa kanila."

Muli siyang natawa habang napapailing.

"Pero puwera biro ha, ano ang future ninyo ni Carlo ngayong alam na ng mga biyenan mong hilaw ang tungkol sa inyo?"

Napahigit siya ng malalim na paghinga bilang tugon sa tanong na iyon.

"Wow, lalim ha..."

"Hindi ko kasi alam e. Kagabi, narinig kong nag-uusap sila ng papa niya. Tinatanong siya kung ano ang plano naming dalawa."

"Huhulaan kong sinabi ni Carlo na pakakasalan ka?"

Bahagyang nagsikip ang dibdib niya. Kahit siya kasi ay iyon din ang inakala. Kahit wala naman siyang planong mapasubo sa maagang pag-aasawa, aminado siyang inasam niyang marinig iyon buhat kay Carlo.

Muli siyang nagbuntong-hininga.

"Teka, ano ang ibig sabihin niyan? Hindi ka daw ba niya pakakasalan?" namimilog ang mga mata nito.

"She's too young, Pa. Hindi ko rin naman tiyak kung ano talaga ang feelings niya sa akin."

"Have you tried asking her?"

"Nope. I don't have any plans to influence her young mind."

"And so are you; you're still young, hijo."

Tumango si Carlo."We'll remain this way as soon as we're both happy, Papa. Ganito lang muna kami - carefree."

"No plans of getting married?"

"Time will tell..."

"Ganoon?! Walanjo naman pala iyang si Carlo men eh! Wala talaga siyang planong pakasalan ka, ganoon!"

"Para namang hindi mo alam ang totoong situwasyon namin; wala naman sa plano ang kasal hindi ba. Ang ikinaiinis ko lang, hindi man lang niya tinangkang pagandahin ang situwasyon namin sa mga mata ng parents niya. Iyon man lang at least, 'di ba?"

"Boys will always be boys, you know."

Maikli lang ang sinabing iyon ni Chikki pero malaki ang impact niyon sa kanya. Bigla ay na-realize niyang tama ito. Boys will always be boys. Nilalaman ng maikling paniniwalang iyon ang mga bagay na dapat niyang unawain kay Carlo.

MULA sa kinatatayuan ay tanaw ni Anastacia ang masayang pag-uusap ni Carlo at ni Mr. dela Peña. Kanina ay dinalan niya ng kape ang mga ito. Isang oras ang lumipas ay gumawa ulit ng bagong kape si Mrs. Dela Peña para sa dalawa.

"They're happy together, aren't they?"

Nalingunan ni Orange ang mama ni Carlo. Sa mag-ama ito nakatingin pero siya lang naman ang tiyak na kausap nito. Mula sa siwang sa kusina ay tanaw nila ang dalawa.

"Masaya sila kung magkasama, hindi ba?" ulit nito. Hindi siya umimik pero bahagyang tumango. "Sa palagay ko ay nababawasan ang pagtanda ng aking esposo kung madalas niyang makikita ang aming unico hijo."

"M-may ibig po ba kayong tukuyin?"

"My son is too young for commitment, that's what I wanted to say."

Naumid siya.

"Marami pa siyang pangarap. Nagtampo lang naman siya sa amin ng papa niya dahil dinidiktahan namin siya ng kursong dapat niyang kunin. What's wrong with that? Mahal namin si Carlo and we want all the best for him."

"Pero minsan po kasi Ma'am, ang inaakala ninyong best para kay Carlo ay hindi pala best para sa kanya. He may be young pero alam niya ang mga gusto niya. Alam din niyang ang mga gusto niyang iyon ang gagawa ng magandang buhay para sa kanya. Ah, naku-Ma'am, umiiyak po ba kayo?"

"Don't mind me. Sadyang emosyonal lang ako when it comes to my son kaya sana, naiintindihan mo na gusto ko lang siyang protektahan."

"Ma'am..."

"Carlo is still very, very young. When he gets older, siguro ay ipapasok na rin siya ng papa niya sa kompanya namin. He'll soon be our successor and only time will tell kung gaano pang panahon ang bibilangin para mangyari iyon. But that won't happen kung may mga bagay na gugulo sa isip niya, hindi ba?"

"Sinasabi niyo bang layuan ko ang anak ninyo?"

The old woman smiled lazily, then nodded. "You're a very smart girl. Alam na alam mo ang ipinupunto ko. Ikaw man ay bata pa. Hiwalayan mo ang anak ko at mag-aral ka, Anastacia. Marami ka pang makikilalang higit kay Carlo-"

"Kung iniisip ninyong nakikisama ako sa anak ninyo dahil sa mamanahin niya, gusto ko sanang malaman ninyong ngayon ko lang kayo nakilala at ngayon ko lamang din na-realize na talaga palang mayaman kayo. Sa loob ng maikling panahon pinagsamahan namin ni Carlo ay hindi ko naisip na ganito ang uri ng kanyang pamumuhay. Sa talyer siya nagtatrabaho, kung alam ko lang po-"

"Don't get me wrong. Wala akong sinasabing ganyan. Ang sa akin lang, mahaba pa ang lalakbayin ng buhay mo. Along the road to success, natitiyak kong may mga lalaki kang makikilala. Kung magpapakasal kayo ng anak ko ay daig mo pa ang isang bubot na prutas na napitas nang maaga. At hindi ba, kailanman ay hindi nagbigay ng kasiyahan ang bubot na prutas sa kumain nito? Maniwala ka at tiyak iyong iluluwa."

"Ayaw niyo sa akin, iyon siguro ang mas malinaw na dahilan sa lahat ng mga sinasabi ninyo."

"Ipagpalagay na. Paano naman kita gugustuhin gayong ilalayo mo ang anak ko sa aming mag-asawa? Kahit kailan naman yata ay hindi talaga naging magkasundo ang biyenan at manugang."

"Hindi ko ipinipilit ang sarili ko sa pamilya ninyo, Ma'am. Kausapin ninyo si Carlo dahil siya ang magdedesisyon sa mga bagay na tungkol sa buhay niya. Kung ano man iyon, handa po akong tanggapin."

Bigla siyang nalungkot sa isiping posibleng magtapos na ang pagiging 'mag-asawa' nila ni Carlo oras na kausapin ito ng mama nito. Sino ba siya para gawing priority nito? She was not even a real girlfriend, hindi siya dapat umasa. Kung bakit may nakapa siyang pinong kirot sa dibdib sa naisip na iyon ay hindi niya alam. Maybe that was normal. Carlo was her friend, anyway.

"SAAN ka pupunta, Anastacia?"

Natigil ang tangkang pagbubukas ni Anastacia ng tarangkahang kahoy. Mabilis siyang napalingon sa kabilang bahay kung saan tumutuloy ang mga magulang ni Carlo. Naroon ang biyenan niyang hilaw, nakatayo sa pinto ng apartment.

"P-papasok po, Ma'am."

"Pumarito ka saglit."

Alanganin man ay humakbang siya palapit rito. Niluwangan ng 'biyenan' ang pagkakabukas ng pinto pero nanatili itong nakatayo roon. Tuloy ay patagilid ang ginawa niyang pasok sa kabahayan habang ang mga mata ni Mrs. Dela Pena ay hindi humihiwalay sa kanya. Nang mapatapat sa ginang ay nginitian niya ito, yung klase ng ngiti sa pagitan ng totoong ngiti at pagkakangiwi.

"Maupo ka muna," nakataas ang mga kilay na sabi nito.

Naupo nga siya sa maliit na sofa na naroon pero nagtaas ito ng boses kaya napatayo siya.

"Sa kabilang upuan! Nakita mo namang may nakatuping damit, por dios por santong bata!"

Napakagat-labi siyang naupo sa pang-isahang upuang naroon. Naupo rin ito sa tabi niya. Kunwa'y tiningnan niya ang suot na relong pambisig para mahalata ng ginang ang pagmamadali niya.

"Stop looking at your wrist; kabastusan ang tawag diyan, Anastacia!"

"Sorry, Ma'am. Late na po kasi ako."

"Hindi ba at sinabi ko na sa'yong hindi ka na mag-aaral kung mananatili kang nakikisama sa anak ko?"

"E-"

"Kung gusto mong mag-aral ay hiwalayan mo si Carlo. Ipagpatuloy mo ang buhay mo! Ang dami mo pang puwedeng gawin kaysa mag-asawa sa murang edad!"

'Ang dami ring sinasabi...'

"Anastacia!"

"Ay, Mama-Ma'am po pala!" bulalas niya sa pagkagulat. Napadiretso siya sa pagkakaupo. Kung bakit mahilig manigaw ang ina ni Carlo ay hindi niya alam. Parang ginawa na nitong hobby ang magtaas ng boses.

"Bubulong-bulong ka pa diyan! Nakikinig ka ba sa akin?"

"Opo," susukut-sukot naman niyang sagot. Tinalo pa nito ang Tiya Rosa niya sa katabilan.

"Aalis ka na, nasaan ang asawa mo? Pumasok na ba? Bakit hindi ko yata kayo nakikitang nagsasabay?"

"E kasi po, mamaya pa ang pasok niya. May klase ako nang alas-siyete kaya kailangan ko na pong umalis. Si Carlo ay alas nueve pa naman ang klase."

"Bago ka lumabas ng bahay, inasikaso mo ba ang mga gamit niya? Halika nga!" Hinablot nito ang isa niyang braso at saka siya hinatak palabas ng bahay. Nanlaki ang mga mata ni Orange. Papasok sa apartment nila ni Carlo ang mama nito at makikita nitong sa sofa natutulog ang anak nito!

"Saglit, Ma'am!" aniya sa malakas na tinig. Kailangang marinig ni Carlo ang komosyon nila ng mama nito para lumipat ito sa silid na tinutulugan niya. Pero nang maalala kung gaano ka-mantikang matulog ang lalaki ay tila binuhusan ng malamig na tubig ang pag-asa niyang makalusot sa situwasyong iyon.

"Bakit?"

"Ang sakit po ng tiyan ko...aguuuy..." Hinaplos pa niya ang tiyan para saglit pang bigyan ng panahon si Carlo sakali man at magising ito.

"Aba'y bakit? Huwag ka na talagang pumasok na bata ka!" Muli siya nitong hinatak. Sa pagkakataong iyon ay naroon na sila sa pinto ng apartment. Ilang hakbang lang naman kasi ang pagitan ng dalawang bahay. Pinihit ng ginang ang seradura ng pinto pero iniharang niya ang sarili tulad ng ginawa nito kanina.

"Umalis ka nga riyan!" anitong tila asar na asar na pero hindi siya natinag.

"Marumi po ang bahay, Ma'am! Hindi po ako nakapaglinis dahil-"

"Hindi ko inaasahan na malinis ang bahay na isang nene ang nakatira kaya tumabi ka diyan at dadaan ako!"

"Teka, Ma-" aniya pero wala siyang nagawa nang magpilit pumasok si Mrs. Dela Pena. Natutop na lang niya ang bibig at mariing napapikit habang hinihintay ang reaksiyon ng ginang.

Continue Reading

You'll Also Like

346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...