Impression on the Heart

By _Isabelle_

261K 8.6K 1.9K

There would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Special Chapter
Chapter 40
Epilogue

Chapter 39

6.4K 244 52
By _Isabelle_

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti ito pero pakiramdam ko naman ay malungkot si Sac dahil sa mapungay ang mga mata nito.

"Good Morning." Bati ko at ngumiti sa kanya. Magkatapat kami at nasa iisang kumot pa rin. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa ilalim ng kama at hinapit ako papalapit sa kanya. Ramdam ko ang init ng palad niya dahil wala akong saplot sa loob ng kumot. We made love again and it was wonderful. Parang ang nangyari sa amin kaninang umaga ay iba sa mga naging pagniniig namin. We were both open. No inhibitions, no holding back. It was not wild and demanding but passionate and giving. Naramdaman ko iyon. I even shed a tear because of the overwhelming feelings that I felt. Ramdam ko kung gaano niya ako kamahal.

"Good Morning, sweetie." Halik niya pa sa sintido ko. Nangilabot naman ako sa simpleng gesture niya na iyon. Magaling ata talagang magpakilig ang asawa ko. "I want to show you something." Hinalikan pa niya ako sa pisngi. Tumingin naman ako rito na nagtatanong.

"Ano 'yon?"

"You'll see." Hinalikan niya ako sa labi bago ito bumangon ng tuluyan. Nagulat naman ako ng bigla niya akong binuhat mula sa kama. Napasigaw ako. "But first let me take care of you." Napatili ako lalo ng pinalo niya ang pwetan ko.

"Take care of me?"

"Papaliguan muna kita." Hindi na lang ako makasagot dahil sa ngiti na dinulot ng sinabi niya.

...

"Matatapos mo na ba ito?" Dinala niya ulit ako sa studio niya at nakita ko na naman ang painting niya na nag-aagaw ang liwanag at dilim pero ngayon ay mas nangibabaw na ang dilim sa painting niya. Hindi ko alam kung ito na ba talaga ang painting niya o ang pang-unang pinta niya palang dahil wala pang definite na porma sa canvass. Napapaisip naman ako kung abstract painting ba ito dahil wala akong madeduce na image.

 Bumalik na ulit siya galing likod na may dalang mga pintura at iba pang gamit sa pagpinta.

"I haven't made up my mind what to do with it." Napatitig ako sa kanya.

"So basta ka na lang nagpinta muna at sa huli hayaan na lang na may mabuo? Spontaneous?"

"Maari...that painting reflects who I am." Tiningnan ko siyang mabuti matapos ay bumalik sa painting na tinitingnan ko. Reflect who he is? Nagtatalo ang dilim sa liwanag? At ngayon nga ay mas madilim ito?

"Ikaw ito? Nagtatalo ang dilim sa liwanag?" Tumango naman siya. "Bakit noon dati ay parang nanalo na ang liwanag? Bakit ngayon..." Natigilan ako. If he said this painting reflects who he is then it also include his feelings? "May explanation ba ito?" Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako patalikod.

"You are the one that is better in explaining paintings. You describe." Tiningnan ko siya sa peripheral vision ko at nakatingin lang din ito sa painting gaya ko.

"Yup, it really reflects who you are. Tamang-tama iyon gulo ng painting. Magulo ka rin kasi." Biro ko pa at talagang kiniliti ako sa tagiliran. "Ano nga, Sac?"

"Kaya mo 'yan sweetie. You know me too well." Tinanggal ko naman ang kamay niya na nakayakap sa akin at humarap sa kanya.

"Do I really know you well?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tumingin daretso sa mga mata niya. "I still haven't figured you out." Sinimangutan lang ako nito. "Hmm...Let's see..." Umikot ulit ako at lumapit sa painting. Wala talaga akong makita na maari kung makomento sa painting kundi ang pag-agaw ng liwanag sa dilim. Hindi ko alam kung paano niya nagawa na minsan ang tingin ko ay parang nangingibabaw ang liwanag at ngayon naman ay nangigibabaw ang dilim. Liwanag...dilim...si Sac. Napangiti ako. "Palagay ko ang painter na to ay may mga unfinished business pa." Lumapit pa ako sa painting ng mas malapit at hinawakan ang natuyong pinturang madilim gaya ng black, blue and violet.

"Unfinished business?" Nilingon ko siya sa sinabi niya at parang hindi naman siya kumbinsido. "What do you mean?"

"Sa palagay ko kasi ang dilim speaks of something...hindi lang kadiliman sa puso ng pintor." Narinig ko siyang tumawa. Napangiti ako. "It speaks of his past." Tumigil ako at hinawakan ko ang pintura na ginamit niya sa malaking canvas. Sinalat ko ito isa-isa at hindi ko alam kung bakit pero parang alam ko na. "Iyon nakaraan niya na hindi pa rin niya makalimutan. Kaya siguro minsan ay nanalo ang liwanag kasi minsan...siguro minsan ay nalilimutan na niya ang nakaraan dahil sa maaring magandang pangyayari sa buhay niya pero ngayon...bumabalik na naman ang nakaraan at nagpapakain ang pintor rito. Dahil ba sa sakit? Sa galit? O sa pagmamahal? Hindi ko alam pero halatang-halata ngayon na ganito ang sinasabi ng pintor." Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Nakatuwid na linya lang ang kanyang labi. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Naluha ako sa di ko alam na dahilan.

"How can I forget about the past if it is myself that I cannot forgive?"

"Sac?"

"If I could have been better...If I could have been more forgiving...but no." Huminga ito ng malalim. "It was the last thing that she asked from me...forgiveness but then I didn't give it to her. And she died...she died after that. And even if I forgive her there would be no use. She's dead." Napalunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "And I am so angry at myself why? Why it has to be too late?" Tiningnan ko lang siya at ito ang tingin na naman niya ng torment. Hindi ko alam bakit pinaparusahan niya ang sarili niya ng ganitong pakiramdam?

"Then just let go. Kung huli na pala ang lahat bakit nagkukulong ka pa rin sa kahapon? Paano na ang ngayon mo kung nandiyan ka pa rin sa nakaraan mo? Hindi mo na naman maspend well dahil nakafocus ka sa bagay na hindi mo na mababago. Kaya let go. Tapos na. Kailangan mo ng magmove on. Kailangan mo ng patawarin ang sarili mo sa pagkakamali mo at kailangan mo na rin siyang patawarin kung ano man ang pagkakamali niya."

"It is easy for you to say."

"Hindi, Sac...alam kong hindi ganoon kadali iyon dahil naranasan ko rin ang magpakatanga at masaktan and it took a while na aminin ang katangahan ko at nagalit rin ako sa sarili ko sa napakalaking katangahan ko na pumatol ako sa bakla. Natatandaan ko kasi na may nagsabi sa akin na gawin kong mantra na 'hindi ko na siya mahal' kahit mahirap gawin dahil alam ko noon mahal ko pa ang baklang iyon pero sinunod ko ang advice ng tao na iyon kasi naiintindihan niya ako...dahil siguro may pagkakahawig ang pinagdaanan namin. Hanggang sa maging realidad na ang sinasabi kong 'hindi ko na siya mahal' at hanggang sa maging totohanan na napatawad ko na ang sarili ko at nakalimutan ko na ang mga katangahan ko."

"Our story is entirely different."

"Ah talaga? Then tell me...tell me Sac...I want to listen. I want to know. Kasi parte ito ng pagkatao mo kaya gusto kong malaman lahat-lahat."  Umiling siya matapos ay tumahimik. Gusto ko pang magsalita at usigin siya sa nakaraan niya perp pinigilan ko ang sarili ko kahit na gustung-gusto ko na malaman. Nabigla naman ako ng kinuha nito ang kamay ko at may binigay sa akin pinsel.

"Can you do something with this painting?" Iginiya niya ako sa painting niya na sinasabi niyang repleksyon niya.

"Ano? Bakit ako magpapainting dito? Gusto mo bang masira ko ang gawa mo?" Nabigla naman ako sa mabilis na pagbabago nito ng topic.

"You can paint anything you want, be my guest."

"Gusto mong magpainting ako dito ng stick figures? Baka masira ko talaga ang painting mo." Binabalik ko sa kanya ang pinsel pero hindi niya kinuha. Inayos nito ang mga pintura at iilang gamit na dala niya kanina sa isang maliit na mesa na puro pintura at nilapait sa akin matapos ay may binigay sa akin itong palette.

"Paint anything you want, Rachel, please." Tiningnan niya lang akong mabuti. Hinaplos pa nito ng marahan ang pisngi ko.

"Di ba itong painting na ito ang nagrereflect kung sino ka? Kapag nagpinta ako rito eh di hindi na ito ikaw. Mag-iiba na."

"Exactly, that is what I want you to do. You can do anything you want with this painting because I give you the right to do so...just like what you've been doing to me right now, Rachel. Don't you know that you have all the power to change and control me?"

...

"Bakit tayo nandito?" Tiningnan ko ang labas ng gallery na dating pinapasukan ko at hindi ko alam kung anong ginagawa namin dito. "Magtatrabaho ba tayo ngayon?" Biro ko pa. Kagagaling lang namin sa studio niya at gaya ng sinabi niya ay nagpaint ako sa painting niya o mas tamang sabihin na sinira ko ang painting niya. Nagpaint kasi ako ng stick figures doon. Isang stick figure na lalake, isang stick figure na babae at isang stick figure na batang babae at magkakahawak kamay sila matapos ay nilagyan ko pa ng stick na bahay kubo. Ngumiti lang sa akin si Sac sa ginawa ko pero mukha naman satisfied siya. Hindi ko lang alam kung bumaba na ba talaga ang standard nito sa art ngayon.

Pinatuloy kami ng guard sa loob. Ito ang guard na matanda noon insidente na hindi ko pa kilala si Sac at pinagbintangan ko pang intruder. Tatanggaalin ko sana ang pagkahawak ng kamay sa akin ni Sac pero mahigpit niya lang akong hinawakan at kitang-kita iyon ng guard at mukhang hindi na sila nabigla sa nakita. Teka, huwag mo naman sabihin alam na ng buong office ang relasyon namin ni Sac?

Sumakay kami ng elevator at pansin ko ang paghigpit ng kapit niya sa akin. Nanlalamig ang palad niya at kanina pa siya hindi nagsasalita. Kapag titingnan ko naman siya ay ngingiti lang ito pero bakas ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan.

Bumaba kami sa third floor kung saan nakatago ang mga mamahalin mga painting. Pumasok kami rito at naglakad kami patungong dulo at doon nasilayan ko ang drawing ni Jacob Garcia na 'Her annoying smile'. Nandoon pa rin ito at nakangiti sa amin ang magandang babae. Tiningnan ko si Sac at nakatitig lang ito sa painting at hindi nagsasalita. Mahigpit ang hawak nito sa kamay ko. Nakatayo lang ito ng matagal at tahimik. Bumitaw na ako sa kanya dahil sa nangangalay na ako sa pagkakatayo at naupo ako sa carpeted na flooring ng kwarto. Sumunod naman sa akin umupo si Sac.

"Anong gagawin natin dito, Sac? Ito ba ang sinasabi mo noon umaga na ipapakita mo?" Narinig ko siyang nagbuntong hininga. Tiningnan ko lang ito at titig na titig lang siya sa painting.

 "Rachel, meet Hannah." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sac. Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Tiningnan kong mabuti ang painting matapos ay si Sac. Hindi ako makapaniwala. Kaya pala lagi ko siyang nakikita rito sa restricted area na ito dati dahil tinitingnan niya ang painting ng asawa niya. Si Hannah ang magandang babae sa painting. Pero teka,  si Sac si Jacob Garcia?

"Siya si Hannah? Ang ganda niya... At i-ikaw rin si Jacob Garcia?"

"I am one of them."

"One of them?" Hindi ko siya maintindihan.

"We were originally three in the group. Jacob Garcia is our group name." Nanlaki naman ang mga mata ko sa katotohanan sinabi niya. We are all cousins. Garcia cousins." Tumingin ito sa akin at ngumiti pero halata ko ang lungkot sa mga mata niya. "The eldest of us is Abe then me and then Aaron."


"Si- si Aaron pinsan mo?" Tumango ito sa akin. Ang alam ko lang ay magbestfriend silang dalawa. Hindi ko alam na magpinsan sila. At isa rin sa Jacob Garcia si Aaron? Meaning magaling rin siyang magpinta? Kaya pala ganoon na lang ang pagtatakip niya kay Jacob Garcia.

"Bakit Jacob?" Tanong ko.

"Di mo gets? Abe is short for Abraham then the son of Abraham is Isaac that is me and the son of Isaac is Jacob. Nabuo namin ang name na ito ng kaming dalawa palang. Lately na lang sumama si Aaron. Nagpumilit si Aaron at kahit papaano binayayaan rin naman siya ng talent ng pagpipinta. We are all good in paintings but it was Abe who encouraged me to paint. Hindi kasi sang-ayon si Mama sa pagpinta-pinta ko noon una. She wants me to focus in architecture and be like my Dad so that I can take over the family business. She said being an artist is for fools and that I cannot be someone until I am dead. Pero alam ko naman sa una pala ang gusto ko pero hindi ko nga magawa dahil sa responsibilidad. Kaya doon nagsimula ang pseudonym namin ni Abe. It was a small idea that became big. Hindi naman namin aakalain na magiging kilala kami. At habang may nagbibigay sa amin ng parangal at pagkilala laging si Abe lang ang nagpapakita kahit hati kami sa parangal na iyon. "

"Nasaan na si Abe?"

"He's dead." Nalungkot ako sa sinabi niya. Ang isa sa mga pintor na gusto ko ay patay na. "He died in a car accident."

"Car accident?" Bakit nalalapit naman talaga si Sac sa pagkamatay sa car accident. Hindi ba't doon rin namatay si Hannah?

"He died together with her." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakatingin siya kay Hannah at bakas ko ang sobrang kalungkutan sa mga mata niya. "Abe was like an older brother to me. We grew up together in the same house because his parents died when he was young. My parents took him in our house, adopted him and instantly I have an older brother. We absolutely have the same liking in all things and even women and as an older brother Abe will always give way for me. Until Hannah...You already know the story. I gotten her pregnant or so I thought I did. We have gotten married and became happy for a year...that brief moment but then Abe showed up told me tha he was the one who met her first, she was his and he even told me that Gracie was his." Napahawak ako sa bibig ko sa rebelasyon ni Sac. Hindi ako mapaniwala. Hindi niya totoong anak si Gracie?

"I felt betrayed. Alam kong maaring hindi alam ni Hannah ang kaugnayan namin ni Abe noon una pero sinabi niya na ako ang ama ng pinagbubuntis niya at naniniwala ako at pinakasalan ko pa siya dahil doon. Matapos ng pag-amin na iyon ay nakatira pa rin kami ni Hannah sa iisang bahay pero malayo na kami sa isa't isa at hindi ko binigyan ng karapatan si Abe na maging ama ni Gracie. She constantly asked for forgiveness and even exerted great efforts for me to forgive her but I was blinded at first but eventually I saw her sincerity and effort...I tried to forgive her, Rachel...I did...I forgave her kasi alam ko na nagkamali rin ako. Doon pa lang sa pang-iiwan ko kay Estelle at ang pagpili ko kay Hannah ay mali kaya naisip ko na baka kabayaran lang ito ng mga ginawa ko at kailangan ko rin patawarin si Hannah...si Abe gaya ng ginawa ni Estelle. Pero bukod doon pinatawad ko siya kasi mahal ko siya." 

"But I think I forgave her too late. When I got the courage to say I forgive her she already left me together with Abe." Narinig ko ang paghikbi ni Sac. Hinawakan ko ang kamay niyang mabuti at nanlalamig iyon. "Sinabi niya noon una na wala na silang kaugnayan ni Abe noon humihingi siya ng tawad tapos sa huli iiwan niya ako dahil rin kay Abe? I was cheated on... cheated by Hannah not once but twice and I've been a fool for being cheated twice. And when she came back again asking me to take her back, to forgive her to become a family again tinanggap ko siya ulit.  Bullsh*t ang tanga ko lang din  kasi pinabalik ko ulit siya sa buhay ko dahil sa pagmamahal na iyan. It was a vicious cycle, Rachel. Kaya iyon pagiging tanga mo na sinasabi mo wala iyan sa pagiging tanga ko. Ang tanga-tanga ko." Tumawa siya pero may mga luha sa mga mata niya. I just embraced him tightly.

"That hardened my heart to her. Masyado ng nakalyuhan ang puso ko dahil sa pagiging tanga. Hanggang ngayon kapag naalala ko iyon hindi ko lubos maisip na minahal ko pa rin siya inspite of everything. I hate her, I loathe her so much for destroying my life, my relationship with Abe but when she died...I felt my heart still aching for her. Masokista rin siguro ako. Buwisit na 'yan!"

Hindi ko mapigilan maiyak sa sinabi niya. Sinusubukan kong pigilan ang luha ko pero hindi ko magawa. Parang nararamdaman ko rin ang sakit at ang katangahan nangyari sa kanya. Sac, is one forgiving man but it was too much for him. At heto siya at galit sa sarili dahil hindi niya napatawad si Hannah sa huling paghingi niya ng tawad.

"This f*cking painting was the only remembrance left from Abe and Hannah."

"He was the one who painted this?" Tumango si Sac at ngumiti ng mapait. Pakiramdam ko naman ay ang sakit-sakit ng puso ko. The two people that he loved the most betrayed him. Ang sakit-sakit.


"Masyadong masakit...palagay ko alam ni Hannah bakit hindi mo nabigay sa kanya ang pagpapatawad noon huli dahil masyado ng masakit." Hindi siya nagsalita. Tiningnan ko ito at nakatingin siya sa painting ni Hannah. "Sorry kung naalala mo na naman. Sorry, hindi ko alam na ganoon." Now I know where his actions were coming from. Now I understand his pain and understand him well enough to love him even more. "Pero hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo, Sac. Kailangan mo ng I let go ang nangyari. Ang hindi mo pagpatawad dahil iyon ang rason bakit naalala mo lang lahat. Forgive yourself, Sac, ginawa mo na ang lahat. If she can see you now, iyon din ang sasabihin niya sa'yo. She might even thank you for loving her that great, for accepting her always and for the love that you are giving to her daughter and loving her like your own. " Nagsumiksik siya sa leeg ko at niyakap ko naman siya. "You are not stupid Sac, you were just blessed with very forgiving heart that can love that great."




...


Masyadong nasaktan ako sa update na ito. Nasaktan ako sa sakit ng ulo ko. :) Ito na siguro iyon isa o dalawa sa mga sagot sa mga tanong niyo.


Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

161K 4.7K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.
6.3K 246 35
[EXO SERIES #4 Sehun] |Completed| Lalilah Celine Taviejo is a secret skilled hacker, but it is not the only thing she could be describe. She is the...
766K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.5K 182 12
#1 in KathNiel Fever as of 03-06-19 #1- Wrong time as of 03-23-19 Apologize #1 (COMPLETED) Meet Kath, Simpleng babae pero madaming pinagsisisihan. 2...