Chapter 27 - Bracelet
Kim pov
oh ano naman kaya ginagawa ni zacharias sa labas ng bahay??
" mukhang wala yata dito sa kim " zacharias na nagkakatok sa pinto
" zac anong ginagawa mo? " tanong ko at nabigla sya sa pagdating ko
" ah-- eh-- " sya na nauutal
" oh ba't parang nauutal ka? " ako sabay lapit dun sa pinto at binuksan ko yun
pagkabukas ko naman ay pumasok na ako at ganun din sya
" ah kim "
" oh bakit? " ako sabay tingin sa kanya
" bakit hindi ka pala pumasok kanina? " tanong nya
patay anong ipapaliwanag ko? dapat pala kasi nag-isip na ako kanina kung anong isasagot ko kapag may nagtanong sa akin
sasabihin ko bang sa bahay ako nina raphael natulog
o
may pinuntahan ako at nakatulog ako?
" nalate kasi ako ng gising " paliwanag ko sabay inom ng tubig
" eh bakit kaninang umaga pumunta ako pero parang walang tao sa loob ng bahay nyo? " sya sabay upo sa sofa
ang dami namang tanong ni zacharias pero ano nga ba yung dapat kung isagot?
" kala jay ako natulog " sagot ko
" eh bakit tinanong ko si jay pero hindi naman daw nya alam kung asan ka "
" kasi sinabi ko kay jay na wag yang sabihin kung asan ako "
pasalamat nakaisip ako ng ipapaliwanag ko
" bakit ayaw mong malaman kung asan ka? " tanong nya
" ayoko kasing istorbohin ako "
" bakit ano bang ginagawa mo? "
" wala naman "
" wala naman pero ayaw mong istorbohin ka? "
" zacharias pede bang magtanong? "
" ano yun kim? "
" bakit parang ang dami mong tanong? "
" ah-- eh-- " sya na nauutal na naman
" oh bakit hindi ka makasagot ng maayos "
" wala, akala ko kasi may kasama ka ng iba " mahina yang sabi pero rinig ko yun dahil hindi naman kami magkalayo
" ano yun? " tanong ko
" ah wala, wala ako sinabi " sya na nagdedeny
" walang sinabi pero narinig ko "
" alah! wala kaya akong sinabi " sya na denedeny pa rin na wala nga daw syang sinabi
" kunwari ka pa Zac eh narinig ko kaya "
" sige nga sabihin mo sa akin kung ano yung sinabi ko " paghahamon nya
" ah gusto mo talagang malaman " paghahamon ko rin sa kanya
" wala nga kasi akong sinabi " pagdedeny pa rin nya
" sinabi mo lang naman na akala mo may kasama akong iba "
tumingin ako sa kanya pero bigla syang yumuko pero sure ako sa nakita ko
nakita ko syang
NAMULA
na parang kamatis na gawin mo pang SIBUYAS
" oh bakit parang namumula ka??
may sakit ka ba?? " ako sabay lapit sa kanya pero nakayuko pa rin sya
" ah ok lang ako, wala akong sakit " sabi nya habang nakayuko
hinawakan ko yun noo nya at hindi naman mainit pero mas lalo yata syang namula
" hoy bakit parang mas lalo ka yatang namula?? " tanong ko sa kanya
" ah kim pede bang iwanan mo muna ako? " sya na nakayuko pa rin
" at bakit naman?
baka mamaya may mangyari sayo "
" promise ok lang ako basta iwanan mo muna ako "
" ok akyat muna ako " ako sabay layo sa kanya
pagkalayo ko sa kanya ay umakyat muna ako sa taas para magpalit ng damit, hindi naman kasi sa akin yung damit na yun
grabe naman sya, bahay ko to ah tapos ako pa talaga yung sinabihan nya na umalis muna ako
hay naku makahiga na nga lang sa kama
pagkahiga ko ay bigla na naman nag flashback sa utak ko yung nangyari
yung nangyari na kung saan ay nakatabi ko si raphael at accident na nayakap nya ako
Author malandi na ba ako??
kasi naisip ko lang
ang dami ko na palang nakatabi sa kama at lalaki pa
at saka hindi lang yun dahil kada isa sa kanila ay may mga kwento o may mga nangyari
una si Mico, nakatabi ko sya dahil sa nadamage yung tuhod ko at hindi ako nakalakad, kaya binantayan nya ako magdamag
sumunod si Zacharias, nakatabi ko naman sya yung part na umulan at nilagnat sya nun kaya ako yung naghalaga at nagbantay sa kanya pero nakaramdam din ako ng pagkakantok nun kaya tumabi na lang ako sa kanya at natulog
pinakahuli ay si Raphael, hindi ko na yata kailangan ikwento pa dahil alam nyo na yung nangyari pero ikwewento ko pa rin para naman hindi nyo makalimutan, nakatabi ko sya dahil sa niyaya nya ako na sa bahay na lang nila kami matulog at umoo naman ako nun at nung magkatabi na kami ay bigla na lang nya ako niyakap at nadampi nya ang dibdib ko kaya nasampal ko sya ng malakas pero hindi nya yun naramdaman dahil tulog na tulog sya nun
sino naman kaya susunod??
sana wala na dahil baka hindi ko na lang namamalayan na yung ayaw kung mangyari ay mangyari na
habang nakahiga ako ay bigla kung naalala yung binigay ni star 1 na bracelet
pinasok ko yung kamay ko sa bulsa pero pagpasok ko ay wala akong nakapa
sinubukan ko ulit kapahin pero wala talaga kaya napatayo ako at kinapa ko yung katawan ko pero wala talaga akong nakapa kaya tinignan ko yung kamay ko at baka nailagay ko pero wala
dont tell me na nalaglag sya kanina??
*Flashback*
" Raphael pede bang dito na lang? " tanong ko
" bakit naman? "
" may bibilhin lang sana ako sa National Bookstore "
" ah ganun sige samahan na kita "
" ah wag na, kaya ko naman eh "
RIIIINNNGGGGGGG
" Kim sandali lang ah sagutin ko muna to " sya sabay kuha ng cellphone sa bulsa nya
" Hello
ngayon na?
pede bang maya na lang may ihahatid muna ako
sige na nga " Raphael sabay end ng call
" sabi ko sayo eh wag mo na akong ihatid, tignan mo may pupuntahan ka yata "
" meron nga eh pero ok lang kahit di ako kaagad makarating "
" hoy ayoko ngang malate ka ng dahil sa akin "
" hahabol na lang ako, basta ihahatid muna kita sa bahay nyo "
" wag na nga kasi "
" sure ka? "
" yup ok na ako dito medyo malapit na lang naman dito yung bahay namin at saka isang jeep lang naman yung sasakyan ko pauwi "
" sige, ingat ka ah "
" ok " ako sabay bukas ng pinto at baba
syempre bago ako tuluyan umalis ay narinig ko pang sinabi nya na " ingat ka, i love you "
pagkasabi naman nya yun ay bigla ng umandar yung kotse kaya hindi ako nakasagot
pagkababa ko ay agad akong pumasok sa National Bookstore
" Welcome po mam " yung manong guard
dire-direcho lang naman ako papunta dun sa mga books
" sana meron ng twilight breaking down part 2 " ako sabay hanap nung books
<hanap>
<hanap>
<hanap>
grabe, kuwa na lang ako ng kuwa tapos hindi ko pa binabalik ng maayos
kasalanan ko ba kung bakit sila ang nandun
" alah bakit wala, alam ko meron na nun ah ano yun hindi sila updated ?? "
Dub ............
Dub ............
DUb ............
hindi naman ako tumigil sa paghahanap dahil ramdam na ramdam ko na meron akong makikita
pumunta ako dun sa ibang pwesto ng libro pero wala pa rin kaya pumunta ako dun sa pinaka last
pagkapunta ko dun ay may nakita akong guy at familiar yung mukha nya pero hindi ko masyado makita yung mukha nya dahil sa nakayuko sya at busy sa pagbabasa ng libro
all black sya tapos sa leeg nya may nakalagay na malaking headset tapos medyo dark brown yung buhok nya at parang Gangster yata medyo makapal kasi yung eyeliner na nakalagay sa mata nya
nagsimula na akong maghanap pero wala pa rin akong nakita
napansin ko naman na tapos ng magbasa yung guy na yun kaya isinahuli na nya yung librong iyon sa lagayan
hindi ko naman makita yung mukha nya dahil sa nakafocus ako sa paghahanap
nilibot ko yung mata ko
hanggang
sa
meron akong nakita
binasa ko yun
pagkabasa ko ay agad akong nagmadaling puntahan yun
pero pagkuha ko nito ay bigla rin humawak yung guy na yun kaya nagkahawak kami ng kamay
tinignan ko sya pero bigla syang tumalikod pero hindi pa rin nya tinatanggal ko yung kamay nya
" hmmm pede bang ako na lang ang bumili nito " ako na nakahawak din sa book na yun
hindi naman sya sumagot nun at hindi pa rin sya bumibitaw sa pagkakahawak
" ah sige sayo na nga lang " ako sabay bitaw dun sa libro
" anu ba yan sayang yun a h " mahina kung sabi
nakita ko naman na bigla ng bumitaw yung lalaki dun sa libro at nakatalikod pa rin sya sa akin na parang akala mo tinataguhan ako
" sige miss sayo na " familiar sa akin yung boses na yun
lumingon ako, paglingon ko ay wala na yung mysterios guy
hinanap ko naman sya pero hindi ko sya nakita
lumabas ako ng National Bookstore para hanapin sya pero pagkalabas ko ay hindi ko man lang nakita yung anino yung lalaking yun
kaya pumasok ulit ako at pumunta dun pero pagkadating ko ay wala na yung book
nakuha na nung babae
" kainis naman yung lalaking yun, yan tuloy may nakakuwa ng iba " mahina kung sabi
>.<
dahil sa hindi ko na nakuwa yung dapat kung kunin ay lumabas na lang ako ng National Bookstore at sumakay na kaagad ng jeep
pagkapasok ko naman sa jeep ay meron akong nakatabi na guy na natutulog yung sa harap ko naman dalawang babae na mukhang malandi
" ang cute naman nya " girl 1
" kuya i love you " girl 2
grabe pati tulog pinagtriripan
" manong bayad po " ako sabay kuwa ng barya sa bulsa ko
habang bumibiyahe kami bakit parang ang bigat ng balikat ko??
lumingon ako, pagtingin ko nakita kung nakasandal yung lalaking iyon sa balikat ko
gusto ko sanang ilayo yung balikat ko pero kung tatanggaling ko ay pedeng tumumba yung guy eh ayoko naman syang mapahiya
ang pogi pa naman nya
kinalabit ko yung ulo nung guy na yun pero hindi sya bumabangon
kaya hinayahan ko na lang sya na sumandal sa balikat ko pero medyo nabibigatan na ako
" ang bigat naman ng ulo nito " mahina kung sabi
mga ilang minuto lang ay biglang nagising yung guy
" ah miss sorry " yung guy
grabe ang pogi naman nya kapag bagong gising
" ah ok lang " ako
" sorry talaga ah " sya
napansin ko naman na ang sama ng tingin nung girl 2 sa akin
" para nga po " ako sabay hila dun sa tali
huminto naman yung jeep at bumaba na ako pero pagkababa ko ay narinig kung sumigaw yung guy na yun
" MISSSS " sigaw nya pero hindi ko iyon pinansin
*End of Flashback*
grabe nakakahiya naman, kabibigay lang sa akin tapos maiwawala ko
ang ganda pa naman nung bracelet na yun
" anon bang ginagawa ni zacharias ngayon?? "
kanina pa ako sa kwarto na to ah pero wala man lang ako marinig na signal kung bababa na ba ako
" hay naku bahala sya, gusto ko ng bumaba " ako sabay labas ng kwarto
pagkababa ko ay wala na sya
" nasan na yun? " tanong ko sa sarili ko
nilibot ko yung bahay pero hindi ko sya mahanap
baka naman umuwi na sya, ay ewan makatulog na nga lang anong oras na kasi
pumasok na ako at nilock yung pinto