Love and Lost (On Going - Und...

By laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... More

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER XXXIV; I Missed You

4 0 0
By laymedown_07

-KIANDRA-

Here I am. Walking in the middle of the street. Hawak ko ang handle ng backpack ko, habang mahinang sinisipa ang maliliit na batong nadaraanan ko.

Napabuntong hininga ako. Paano na si Jake kung magka-ayos man kami ni Drik?

"I'm willing to be your rebound for a while, if that's will help to ease your pain because of him".

Malakas kong nasipa ang batong nasa harapan ko nang maalala ang sinabi ni Jake. "Haist! What's wrong with him? Alam niya ba ang mga sinasabi niya"? Hindi makapaniwalang natawa ako. "Willing to be my rebound? Huh"!

Napahinto ako sa paglalakad at pag-iinarte, nang may marinig na tila nag-aaway sa isang kanto. Napakunot ang noo ko. "Dejavú"?

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa eskenita. "Buong buhay niyo, puro pang b-bully na lang ba ang kaya niyong gawin"?! Rinig kong sigaw ng kung sino.

Sumilip muna ako. "Kung hindi ka nangielam, hindi ka sana mapapasali sa pang b-bully namin jan sa duwag mong kaibigan". Dinampot ng lalaki sa buhok ang sa palagay kong kaibigan ng lalaking nagsalita kanina.

Susuntukin na sana ng lalaki ang lalaking hila-hila niya ang buhok, nang kwelyuhan naman siya ng isa pang lalaki na bugbog sarado na rin at sinapak siya. Napangiwi ako.

Mukhang masakit ang isang 'yon.

"Ganiyan ba ang nagagawa kapag puro pagpapayaman lang ang alam ng mga magulang? Nagiging tagapagtanggol ng naaapi"?! Nakakaurat itong tumawa.

Napaismid ako sa hangin nang may maalala.

"Ganiyan siguro talaga kapag hindi kasamang lumaki ang magulang. Puro pagpapayaman lang ang alam, kaya naging kaladkarin ang anak".

"This bitches"!

Hahampasin na sana ng tubo nung isa yung lalaki, nang pigilan ko ito.

"Hindi ba't kayo ang mas duwag kesa sa dalawang 'to"? Seryoso kong saad at tinignan siya ng deretso sa mga mata. Napakurap naman ito.

"S-Sino ka naman ha"?

"Your worst nightmare". Sabay ngisi ko. Ginaya ko pa talaga ang tono ng boses ni Mushu sa Mulan na cartoons.

Tahimik kaming nakaupo sa harapan ng mga pulis ngayon.

Mukhang scam na nga talaga ang pagbabago ko.

"Haist! Bakit ba kami ang ikukulong niyo, eh itong mga 'to ang may kasalanan"

Hindi makapaniwalang natawa ako. Pwede na siyang maging writer.

"Hindi niyo kami pwedeng ikulong. We're still under age"!

"But we can lock the three of you up withing 24 hours". Singit ng isang police. Ngingiti na sana ako, nang maudlot ito dahil sa susunod niyang sinabi. I cleared my throat. "At kayong tatlo, naka-uniporme pa man din kayo, puro basag-ulo ang inaatpag niyo. Ang aga-aga".

"They started it". Protesta ng katabi ko

"Kahit sila ang nagsimula. Hindi niyo kailangan umabot sa pakikipagbasag ulo"

"Easy for you to say".

Pasimple ko naman itong siniko. Ito sasagot pa eh. Imbis na patapos na.

Napabuntong hininga ang pulis at marahan na hinilot ang magkabilaang sintido niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyong mga kabataan".

Kung magsalita naman ang isang 'to, akala mo sobrang tanda na.

Sabay-sabay kaming tatlo na lumabas ng police station.

Nauna naming inihatid ang kaibigan ng lalaking kasama ko ngayon. Sinamahan ko na sila at baka mapaaway na naman.

"Aren't you going home too"? Tanong niya sa akin hbang sabay kaming naglalakad.

"Nah. Mamaya na kapag nakauwi ka na rin".

Mahina itong natawa. "As if we're close".

Pumunta kami sa park at naupo muna sa isa sa mga bench dito. "Come on. Spill".

Taka naman akong tumingin sa kaniya. "Hmm"?

"Aren't you going to scold me like the others do"?

Napangiti ako at napatingin sa paa kong makirot na ngayon. "You know... World is a cruel place". Sandali akong tumingala habang nakangiti. "Even if you sacrifice everything for the others, you will not get any in return". Mahina akong natawa. "But you still willing to stand for your friend earlier". Tinignan ko siya at ngumiti ng matamis. "I think, ang cool mo roon. So why would I scold you"

Sandali kaming nanatili pa roon, bago napagdesisyunang umuwi na.

Una ko muna siyang hinatid. Sabi na, lalaki talaga ako eh.

Aalis na sana ako, nang tawagin ako nito. Lumingon ako sa kaniya habang nakataas ang dalawang kilay. "Hmm"?

"I-I'm Jim".

I smiled. "I'm Kiandra. Kia na lang".

"Thank you for earlier".

"Umm". Nginitian ko na lang siya at naglakad na. Hindi pa ako nakakalayo ng tawagin ako muli nito.

"S-See you around"! Kinawayan ko siya habang nakangiti, bago tuluyang naglakad papalayo.

"Kiandra Kyle"!

Napahawak naman ako sa dibdib ko habang napapikit ng mariin dahil sa kung sinong pabagsak na binuksan ang main door ng bahay. "Shuta! Ano bang problema mo"?

Papatayin yata ako ng lalaking 'to.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at nanonood ng Tv, habang kumakain ng kung ano, nang pabalibag na buksan ng drik ang pintuan.

Akala mo sarili niyang bahay.

"Saan ka galing? Anong ginawa niyo? Saan ka natulog? Bakit hindi mo sinasagot ang mga text ko"? Sunod-sunod niyang tanong na akala mo isa siyang reporter at may napatay akong tao.

Napapakurap-kurap na lang ako. Pwede na siyang maging rapper.

"T-teka. Nagtext"?

"I texted you last night"!

Napaayos naman ako ng upo habang napapakurap pa rin, nang umupo ito sa tabi ko.

"N-Na lowbatt ako eh. Nag ch-charge yung phone ko sa taas".

"Nalowbat ka ng buong maghapon"?

"K-Kakauwi ko lang eh".

"Why? Where have you been"?

"I've been to London"? Napaface palm naman ito, kaya umayos na ako. "K-Kela Jake. Doon ako natulog. P-Pero wala kaming ginawa kung iyon ang iniisip mo".

"Are you doing this on purpose"? Dahan-dahan itong lumapit sa akin habang ako, napapausod.

"A-Ang alin"?

"Making me jealous".

"Napaka feeler mo naman kung gano'n". Napangisi naman ito. "A-Anong balak mong gawin"?

"You're mine". Napapikit na lang ako ng ilang centimeter na lang ang agwat ng mga mukha namin. Minuto na, pero wala pa rin akong maramdaman, kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumawa siya ng mahina.

Bwisit na 'to. Pagtripan ba naman ako?

Magsasalita na sana ako nang tuluyan niyang inilapat sa labi ko ang labi niya. "I missed you". He whispered.

Pasagot pa lang sana ako, nang muli niyang inilapat ang labi niya sa labi ko. It was a passionate kissed and yet full of love.

-TO BE CONTINUED-

Jim Loseriaga as Do Ji Han

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
78.5K 2.3K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...