Illicit Affair

By cc_chase

22K 1.2K 941

a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when th... More

CHARACTERS AND WARNING
PROLOGUE
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Darna's First Transformation
Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)
Chapter 4 - Case 1 CLOSED
Chapter 5 - Her Offer
Chapter 6 - Regina's Sexuality
Chapter 8 - Era Salvador
Chapter 9 - New Worker
Chapter 10 - Night Date
Chapter 11 - Private Island
Chapter 12 - Bar
Chapter 13 - Babaeng Ahas
Chapter 14 - The Event PH
Chapter 15 - N Seoul Tower
Chapter 16 - Going Home
Chapter 17 - Seaside
Chapter 18 - Sudden Confession
Chapter 19 - Mix Signal
Chapter 20 - Jealousy
Chapter 21 - Bite
Chapter 22 - First Time
Chapter 23 - Engagement Party For Who?
Chapter 24 - What's on your Back?
Chapter 25 - What If
Chapter 26 - Dream
Chapter 27 - Do You Like Me?
Chapter 28 - Beloved Regina
Chapter 29 - Architect
Chapter 30 - Beach
Chapter 31 - Drunk Regina
Chapter 32 - No
Chapter 33 - Kissing Valentina
Chapter 34 - Who are you?
Chapter 35 - Karaoke Night
Chapter 36 - Lost Necklace
Chapter 37 - Senior High Crush
Chapter 38 - The Last Fight
Chapter 39 - A mix of them
EPILOGUE
hello
Special Chapter

Chapter 7 - Amusement Park Date

513 32 61
By cc_chase

HINDI KO SYA GUSTO.


















'YAN LANG YUNG pumapasok sa isip ko habang nagsasalita sya. Hindi ko na naintindihan yung iba nyang sinasabi kasi kinoconvince ko sa utak ko na hindi ko sya gusto. Siguro gusto ko sya pero hanggang kaibigan lang. "And we're here." Rinig kong sabi ni Regina. Agad? Parang kanina sabi nya malayo pa kami ah.

"Lola? Ding? Gising na po." Pag-gising ni Regina sakanila kaya kinalabit ko si lola at Ding sa likod at sinabing nasa airport na kami at kailangan nang pumasok sa loob.

Narinig kong tinatawagan ni Regina yung secretary nya sa station para ibalik yung kotse nya sa bahay nila since hindi naman namin masasama 'to on our way to Manila.

Hinintay lang namin 'yun ng konti since malapit lang naman ang bahay nun dito tapos pumasok na kami sa loob nung nabigay na ni Regina yung susi nya.

Minake sure rin namin na wala kaming nakalimutan sa loob ng kotse bago kami umalis.

Nang makasakay na kami sa eroplano hindi ko akalain kung sino yung makakatabi ko...

Si Regina.

Tapos si lola at Ding nasa likod namin.

Bakit naman ganito oh.

Pag-upo namin ni wala saming dalawa ang kumibo.

Until lumipad yung eroplano tapos nag suot na rin si Regina ng eye mask para makatulog na rin sya since wala pa ata syang tulog.

Sinilip ko rin si lola at Ding nakatulog na rin sila pagkatapos ni Ding mag picture picture. Ramdam ko rin sa mga pasahero na halos lahat ay tulog na maliban sa'kin siguro.

Maya-maya pa habang natutulog si Regina biglang sumandal ang ulo nya sa balikat ko.

Naramdaman kong nag-init nanaman ang buong mukha ko sa nangyayari ngayon.

Tatanggalin ko ba o hahayaan ko nalang?

Hayaan ko nalang muna siguro, nakakahiya naman sya gisingin dahil kanina pa sya gising.

Hinimas-himas ko yung buhok nya para mas lalong gumanda yung tulog nya at sa tingin ko naman gumagana yung ginagawa ko.

Nagulat ako habang hinihimas ko yung buhok nya bigla nalang syang nagising tapos sumigaw.

"AHHH!" Pumunta samin yung isang flight attendant tapos nagising yung ibang pasahero.

"Is there something wrong ma'am?" Tanong nung flight attendant. "Nothing, we're fine. I just had a nightmare."

"Can we get you anything?" Tanong ulit nung flight attendant pero tumanggi si Regina. Di manlang sya nagsorry sa mga pasahero.

"Sorry Narda." Pero sa'kin nag sorry?

"Wala 'yun Regina, ayos ka lang ba? Masama ba panaginip mo?"

"I'm fine, i just had a nightmare." Maya-maya ulit sumandal ulit sya sa balikat ko para matulog.

Antok na antok talaga si miss ma'am.

Buong flight namin natulog sya tapos kalagitnaan ng flight namin nakatulog na rin ako, pumatong ako sa ulo nya.

Nagising nalang ako na nakasandal na yung ulo ko sa balikat nya.

Probably nagising sya kanina pa.

"5 minutes nalang touch down na tayo Manila." Sabi nya sa'kin. Pagsilip ko sa likod ko gising na rin si lola tapos Ding.

Si Ding parang may ginawa nanamang kalokohan sa'kin kasi nakangisi.

After 5 minutes finally, nasa Maynila na kami. Ganon pala katagal ah.

From 5am to 8am nakarating na kami sa Maynila. 

Binaba na namin yung mga gamit namin tapos lumabas na ng plane.

Chineck yung ticket namin tapos yung mga luggage namin then after that, nakalabas na rin kami ng airport.

"Dad we're here. Where are you?" Tatay nya ba magsusundo samin? Akala ko naman mag c-commute kami.

"I told you that i brought them with me."

"And so? Just pick us up here or i won't stay at your house."

"Fine!" Mukhang nagtatalo ata sila dahil samin?

"Regina ano 'yun? Gusto mo sabihin mo nalang samin yung address ng condo then mag c-commute nalang kami."

"Di ko kayo pwede ipa commute, mas delikado dito sa Manila kesa sa Nueva Esperanza."

"I'll just look for a cab." Naglakad sya sa mga nakaparadang taxi tapos sinenyasan nya kami na lumapit na sakanya.

After namin lumapit sakanya pinalagay na nya samin yung mga luggage namin sa trunk ng taxi tapos yung ibang hindi kasya sa loob nalang namin nilagay.

Si Ding nasa harap tapos nasa gitna ako ni Regina at Lola.

As usual magkatabi ulit kami ni Regina.

Siguro mga 20 minutes na drive 'yun nakarating na kami sa isang puro building lang.

Malayong-malayo sa Nueva Esperanza na maliliit at sakto lang yung bahay at bihira lang ang mga building.

Pagbaba namin sa taxi, kinuha na namin yung mga gamit namin tapos sinundan namin si Regina sa pagpasok sa loob.

Akala ko ba susunduin sya ng tatay nya?

Pumasok kami sa elevator pagkatapos ibigay samin yung dalawang susi ng condo. Ang isa ay duplicate key.

Nasa 7th floor kami ng condo, mataas masyado pero alam ko namang maganda ang view dito pag gabi.

Hihintayin ko lang mamaya yung mga ilaw dito sa kalsada na nakikita ko sa social media.

Pagpasok namin ng condo namin nagulat ako dahil dalawa lang yung kwarto. Isa yung master's bedroom tapos yung isa guest room daw tapos may kitchen tapos may sariling cr yung master's bedroom pero yung guest room wala.

"I have a surprise!" Pinalabas nya kami tapos pumasok sya dun sa isang condo.

"Ding and Lola will live here. Libre ko na sainyo 'to." Halos mangiyak-ngiyak si lola kay Regina dahil sobra-sobra na yung tulong nya samin.

Niyakap sya ni lola tapos umiyak, "don't cry lola. I hope you love my surprise."

"Oo naman apo, thank you so much." Pagkatapos nun, pumasok na si lola tapos si Ding sa condo nila tapos sumunod sa'kin sa loob ng condo ko si Regina.

"Narda can i have a request?"

"Sure Regina, ano ba 'yun?"

"Well me and my dad fought earlier. He wants me to let you go here on your own but since it's your first time to be here, i didn't agreed to him. He got mad because he don't want to see someone like you near me." Anong ibig sabihin ng tatay nyang someone like me?

Mahirap? Ganon ba? I'm offended.

"I know that you're disappointed and offended right now and you have the rights to."

"Get to the point, Regina." Mataray kong sagot kasi nga offended ako. Buti naman aware rin sya.

"Can i sleep here just for a day? I can sleep in the guest room." Request nya sa malambing nyang boses. Since hindi naman sya yung nagsabi nun sa'kin at tatay nya naman yung nagsabi, pumayag ako.

"Ako nalang muna sa guest room since binigay mo lang naman 'to samin."

"It's yours now Narda, you should sleep in the master's bedroom."

"Hindi na, ikaw na."

"No Narda, ikaw na."

"Hindi na nga---"

"Tabi nalang tayo." Miss ma'am made me speachless again. Grabehan ka na talaga Regina jusko.

"What? Wala namang malisya, parehas tayong babae." Eh diba nga lesbian sya? Bisexual? Baka mamaya may malisya na pala 'to sakanya.

"Don't worry, di kita type." Nakakabasa yata talaga 'to ng isip ah.

Offended ulit ako dun.

Pero afterwards, pumayag na rin ako basta may unan sa gitna namin.

Napagdesisyonan namin na mag grocery na muna since walang laman yung ref namin at wala rin kaming lunch mamaya.

Sigurado na rin kaming dalawa gutom na sila lola at Ding pati na rin kami kasi wala pa kaming breakfast.

Walking distance lang rin naman pala dito yung grocery. Paglabas mo 3 buildings away lang.

Puro condo rin dito tapos maraming tao pero hindi sya ganon ka crowded.

Pagpasok namin sa grocery kumuha si Regina ng dalawang cart tapos binigay nya sa'kin yung isa, ilagay ko lang raw gusto kong ilagay sya na raw muna magbabayad since wala pa nga akong work at sahod sa emt.

Kumuha ako nung mga beef tapos chips dito pati nung fresh milk, di ko masyado dinamihan dahil syempre nakakahiya rin sakanya.

Nagkita kami sa counter. "Bakit ang onti lang nyan?" Tanong nya sa'kin. "Hayaan mo na 'yan Regina, marami na nga yung cart mo oh puno." Di na sya nagsalita pagkatapos nun.

Nang makalabas na kami ng grocery store, 3 bags of paper bags yung dala namin. Sa'kin dalawa tapos sakanya isa.

Nag offer pa nga sya na dalhin na yung isa para daw hindi ako mabigatan pero syempre sabi ko ako na dahil nakakahiya na masyado sakanya.

Ayaw pa nga sana ibigay kung hindi ko lang sinabi na magtatampo ako sakanya kung hindi nya ako hahayaan bitbitin 'yun eh.

"Regina?" Tawag ko sakanya habang naglalakad kami.

"San nakatira si Era?" Tinignan nya ako na parang nangingiti sya.

"And why do you want to know where she lives?" Malamang baka mamaya kapitbahay lang pala namin 'yan sa condo tapos pag gabi dun kayo mag-iingay.

"Wala naman, nagtatanong lang." Para tuloy ako nagsisinungaling sakanya at this point.

Eh bakit ba kasi hindi ko kayang maging straight-forward sakanya?

"Actually i don't know where she lives right now and i don't wanna know." Huh? Bakit naman kaya? May pag-aaway or something na nangyari kaya between the both of them?

Kung ganon nga, hindi ko nalang muna tatanungin at hahayaan ko nalang na sya yung mismo magsabi sa'kin.

"Narda can i ask you a question?" Nagtatanong ka na miss ma'am.

"Sige ano 'yun?"

"Is it possible na you're having a dream tapos nagiging reality?"

"Baka na deja vu ka, Regina? Baka na f-feel mo lang na nagiging totoo yung dream mo?"

"Hindi eh. I can sense na nangyayari talaga sya in real world."

"You know what? Nevermind. Silly question." Tinawanan nalang nya yung sarili nya pagkatapos nun tapos wala ulit kumibo samin ni isa hanggang sa makarating at makaakyat na kami sa floor ng condo namin.

Binigay na namin yung isang bag kila Ding tapos sa'kin yung dalawang natira.

Nagluluto ako ngayon ng bacon habang si Regina busy maglagay sa ref ng mga groceries.

Habang nagluluto ako nag ring yung cellphone ko kaya sinagot ko.

"Oh Brian bakit?" Ninakawan ko ng tingin si Regina tapos nakatingin rin pala sya sa'kin habang nakataas yung kilay nya.

Nang makita nya akong nakatingin rin sakanya binalik nya yung tingin nya sa ref tapos nagpatuloy ulit sya sa paglagay ng mga pinamili namin.

"Ano Narda kamusta sa Maynila?" Tuwang tanong ni Brian. "Ayos naman, crowded nga dito pero dito sa tinitirahan namin wala. Good thing rin may wifi na agad dito." Sagot ko sakanya ng nakangiti.

"Video call tayo mamayang gabi tas pakita ko sa'yo kung gano kaganda dito." Dagdag ko pa.

"Brian we're a bit busy right now!" Sigaw ni Regina sa phone habang nakakunot yung noo nya sabay na rin ng pagsarado nya sa ref tapos naglakad sya ng pagalit sa cr.

Anyare dun?

"Sige na Brian mamaya nalang marami pa kaming ginagawa." Pagsisinungaling ko kay Brian. After that, inend na namin yung call tapos bumalik atensyon ko sa pagluluto.

Maya-maya rin lumabas na si Regina sa cr pero this time she looks calm.

Nilagay na nya yung mga natitirang pinamili namin sa loob ng ref tapos iniwan nya lang yung wine then nagsalin sya sa baso ng wine.

Pinatay ko yung stove dahil luto na yung bacon na niluluto ko tapos pinuntahan ko sya sa pwesto nya para pigilan syang inumin yung wine.

"What the hell?!" Galit nyang sabi. "Ang aga pa para uminom Regina." Kinuha ko yung glass of wine nya tapos tinapon ko.

"Do you know how much that wine is? It's five thousand pesos tapos itatapon mo lang? And why do you care kung uminom ako ng ganito kaaga?!" Bakit ba sya nagagalit?

May nagawa ba akong mali?

"Edi sorry." Medyo tampo kong sabi tapos bumalik dun sa niluluto ko para isalin yung bacon sa pinggan.

Habang sinasalin ko naramdaman kong naglakad sya sa'kin papalapit tapos pinaharap nya ako sakanya.

Hinawakan nya yung baba ko tapos tinangad nya kasi nakatingin ako sa baba. "I'm sorry." Oh kanina galit sya tapos ngayon nag s-sorry sya?

"Sorry kasi nasigawan kita. I didn't mean to."

"Hayaan mo na, okay lang 'yun. Sorry rin nag walk out ako." She smiled at me softly na parang nakakatunaw na rin sa puntong 'to.

Niyakap nya ako ng mahigpit tapos saktong dumating si lola at Ding nang hindi namin naririnig yung pinto kanina na nagbukas pala.

"Ay sorry!" Ito nanaman sya nang-aasar nanaman kasi tumawa pagkatapos.

Lumayo kami sa isa't-isa mula sa pagkayakap namin tapos kinuha ko na yung pinggan then nilagay sa table.

"Lika kain na! Nag saing rin ako ng kanin." Sambit ko sakanila habang niyayaya sila sa table.

Lumapit sa'kin si lola tapos bumulong, "ano yung nakita namin kanina?" Nakangiting bulong ni lola. "Wala 'yun la nagkatampuhan lang kami kanina kaya niyakap nya lang ako pagtapos nya magsorry." Honest kong sabi.

"Sus, Narda ikaw ha." Pati ba naman ikaw la?

Di ko nalang pinansin si lola at umupo na sa table then kumain.



















NATAPOS NA KAMI KUMAIN at tapos na rin ako maghugas ng pinagkainan namin. "Lola may pupuntahan lang kami ni Narda after nya maligo." Way nya ba 'to para sabihin na nangangamoy at mabaho na ako? Grabe ah ouch nanaman. Hindi na nya sinabi kung saan kami pupunta kay lola kaya pumunta nalang ako sa cr ng master's bedroom diretso since nasa labas sila ayoko naman makita ako ni Regina na naka towel lang.

Sa work na kaya kami pupunta?

Sabagay, san pa ba kami pupunta ng ganito kaaga?

Pagkatapos ko maligo nagsuot na ako ng tshirt and pants tapos nagtali na ako ng buhok.

Paglabas ko nakita ko si Regina na ready na, she's wearing a silk blouse shirt v neck and a floral jumpsuit.

Ang expensive nya tignan jusko naman.

Pagkatapos nya kunin yung bag nya lumabas na kami ng condo tapos naglakad na sa corridor papuntang elevator.

Chineck ko yung phone ko dahil may nag message nang bigla syang humarap sa'kin tapos nag...

Pout?

Miss ma'am ba't ka naman nag p-pout? Nakakatunaw ka sobra.

"Lah? Bakit?" Confused kong tanong sakanya.

"This is supposed to be our time together. Ba't nag c-cellphone ka?" Naka pout nyang tanong tapos lumapit sya sa'kin para sabay kaming maglakad.

Pinasok nya yung kamay nya sa braso ko.

"Ay bawal ba? Di mo naman sinabi. Ito na po itatabi ko na phone ko." Sambit ko habang pinapakita ko sakanya na nilalagay ko sa bulsa ko yung cellphone ko.

Buti nalang rin may dala akong wallet.

Wait...

"Date ba 'to?!" Kaba kong tanong kay Regina.

"Anong date? I'll just tour you around Manila. Uulitin ko, di kita type." Natawa sya after pero imbis na makahinga ako ng maluwag eh bakit parang disappointed ako sa sagot nya?

Narda hindi na ikaw 'to.

Labanan mo 'yan.

Pagbaba namin may kotse nang naghihintay samin and it turns out, nagpa book pala sya ng car online.

Ang hindi ko lang alam kung saan kami pupunta dalawa.

Kasi pano kami makakapag tour around here kung naka kotse kami?

Bahala na si Regina, besides i trust her rin naman.

Habang nasa byahe kami iniisip ko nang iniisip yung pag pout nya sa'kin kanina.

Nakakatunaw na ewan. Hindi ko na rin alam nangyayari sa sarili ko ngayon.

Ang cute cute nya kasi pag nag p-pout.

Hindi ko rin alam na marunong pala sya nun, na may ganon syang side.

Bigla kong naalala na may Era nga pala sya.

Edi dun na sya, ano gagawin ko?

Yung kanina'y cute na cute ako habang iniisip ko yung kanina, napalitan ng...

Wala hindi pwede mapalitan ng selos.

Bakit naman ako magseselos? Sino ba sila?

Magsama pa sila dyan eh.

Nakarating rin kami sa pupuntahan namin at hindi ko na rin alam gaano katagal kami bumyahe.

What the heck bakit naman nasa amusement park kami?!

"Hala Regina bakit nandito tayo?"

"Isn't it obvious? We're going to ride shits here!" Masaya nyang sabi sabay hawak sa kamay ko then takbo sa mahabang pila ng ticket booth papasok.

Nang makabili na kami, agad na rin kaming pumasok sa loob ng amusement park. Tinitignan ko palang yung mga rides dito nalulula na ako at parang gusto ko na rin masuka.

"Let's try that one first!" Turo nya dun sa may bangka na rides. Familiar 'tong ride na 'to parang nakita ko na sa social media.

Pagsakay namin sa dulo pa kami sumakay para daw masaya.

Nung umandar na nung una chill ride palang eh.

Tapos bigla nang tumaas nang tumaas yung galaw nung boat.

"AHHHHHH!!! PUTANGINAAAA!!!" I screamed on the top of my lungs.

Narinig ko si Regina sumisigaw rin sya. "Whooo!! So much fun!!!" Sigaw nya.

Mukha bang fun 'to?!

Tumatawa rin sya dahil sa sigaw ko.

"AYOKO NAAAA!!! AAAAHHHHH ITIGIL NYO NA 'TO!" Hanggang sa matapos kami puro mura lang lumabas sa bibig ko.

Pagbaba namin nahiya ako sa pinagsasabi ko dun sa rides baka kung ano na isipin sa'kin ni Regina.

"Let's go ride that one naman!" Turo nya sa pabilog na parang aakyat at bababa yung rides na 'to.

"Baka katulad rin 'yan dun ah!" Sambit ko habang naglalakad kami papalapit dun. "No! Fun rides 'to i swear mag-eenjoy ka!"

I swear at this point hindi ko alam kung paniniwalaan ko yung "fun rides" kuno nya na naiiwan kaluluwa ko sa taas.

Pagsakay naming dalawa nilagyan kami nung seatbelt tsaka nung malambot na pang harang sa katawan.

Hinawakan ni Regina yung kamay ko habang excited na excited na sya.

Parang tumigil nanaman yung mundo ko na hindi ko naman alam kung bakit.

Di ko napansin nag bell na pala at 'yun yung cue na mag s-start na yung ride.

Umakyat dahan-dahan yung ride.

Ito nanaman yung sa una lang chill yung ride.

Nang nasa tuktok na kami bigla nalang bumaba yung sinasakyan namin nang biglaan.

"AHHHHH! PUTANG INANG CHILL RIDE 'TO!!! AYOKO NA!!! AHHHHH!!!" Sigaw ko ulit ng sobrang lakas.

Hinawakan ni Regina ng mahigpit yung kamay ko dahil nagulat rin sya sa pagbaba.

That's the cue para manahimik ako.

Umakyat ulit dahan-dahan yung sinasakyan namin kaya habang dahan-dahan pa tinanong ko na muna sya.

"Ayos ka lang?"

"I'm fine. Nagulat lang." Sagot nya nang nakangiti tapos bigla nanamang bumaba yung sinasakyan namin ng mabilis at nakakagulat.

Hanggang sa matapos yung ride na 'yun mahigpit yung pagkakahawak nya sa kamay ko.

May fear of heights ba sya?

Kaya rin ba ako yung nasa window seat sa eroplano kanina?

Sunod naming sinubukan ay yung roller coaster tapos tatlo yung seat dun tapos ako yung nasa gitna.

Magkahawak pa rin kami ng kamay ni Regina hanggang sa umandar na yung roller coaster.

Tumili lang kami nang tumili dun tapos nagulat ako nang hawakan ako sa braso nung babaeng katabi ko dahil sa takot nya siguro.

Napansin ni Regina 'yun tapos nagtaka naman ako sakanya bigla nyang tinanggal yung kamay nya sa pagkakahawak sa'kin tapos hindi na rin sya tumili o sumigaw hanggang sa matapos yung ride.

Pagtapos nung ride nauna syang bumaba kaya binilisan ko yung pagtanggal ng seatbelt tapos nagsorry rin yung babae sa'kin kasi hinawakan nya ako out of fear nya kanina.

Hinabol ko si Regina na nagmamadali maglakad then nang mahabol ko sya hinawakan ko sya sa braso para humarap sa'kin.

"Hoy bakit?" Tanong ko. "Anong bakit?! What was that?!" Bakit nanaman ba sya nagagalit wala naman akong ginagawang masama? Nakakaasar na sya.

Pangalawang beses na nya 'to ngayong araw.

"Ano 'yun? Dahil ba hinawakan nung babae yung braso ko?" Tanong ko pero wala akong marinig na sagot sakanya. "Sagot!"

"Yes!" Bakit ba sya nagagalit pag may ibang nakakakuha ng atensyon ko? Ano ko ba sya? Boss ko lang naman sya diba?

"Hayaan mo na 'yun baka mamaya may fear of heights lang rin. Kain na muna tayo gusto mo?" Aya ko sakanya pero instead pumayag sya, tinanggal nya yung kamay ko sa pagkakahawak ko sa braso nya.

"Kumain ka mag isa mo! I'm going home." Grabe naman magtampo 'tong boss ko. Akala mo girlfriend eh.

"Tara na." Hinawakan ko ulit sya tapos hinatak ko sya papunta sa food court ng amusement park.

Pinaupo ko sya tapos bumili ako ng hotdog buns para samin pero hindi man lang nya ginagalaw 'yun.

Subuan ko kaya 'to?

Hinawakan ko yung hotdog with buns nya.

"Say ah." Sambit ko habang nakatapat sakanya yung hotdog with buns nya.

Tumingin sya sa'kin tapos natawa sya. "Ano ba!" Natawa na sya ng tuluyan nang magsalita sya.

"Dali susubuan nalang kita." Sambit ko sakanya tapos binuka nya yung bibig nya para kagatin yung hotdog with buns nya.

"Akin na, i have hands naman." Inagaw nya yung food kaya binigay ko nalang sakanya tapos kinain ko na ulit yung akin.

Nang natapos na kami kumain nag rides ulit kami tapos may nakita kami nung pag na pop mo yung limang balloons magkaka teddy bear ka  na malaki kaya nagbayad ako ng 50 then sinubukan ko.

"Go Narda!" Cheer sa'kin ni Regina kasi nakaka tatlo na akong pop ng balloons.

"One more!"

"Yesss!!!" Sambit ko tapos tumalon sa tuwa then inalog-alog ko rin si Regina.

"That's my girl!" Sigaw ni Regina sa'kin.

Pagkatapos nyang sabihin 'yun nawala yung ngiti naming dalawa tapos na awkward kami sa isa't isa.

"P-pili ka na." Sambit ko sakanya habang nauutal.

"Bakit ako? Ikaw yung nanalo."

"Bibigay ko sa'yo yung prize so pumili ka na." Naramdaman ko nanamang uminit yung mukha ko.

Pinili ni Regina yung bunny na teddy bear na malaki. "Ma'am okay ka lang? Namumula ka. May clinic po kami dun diretso lang po then kanan." Turo nung nagbigay sakanya ng teddy bear.

"N-no i'm fine." Sagot ni Regina. Pagtingin ko sa mukha nya namumula nga sya.

Ba't namumula sya? Kanina naman hindi.

Pagkatapos nun bumalik na kami sa condo. 5pm na nang makabalik kami sa dinami-dami ba naman ng rides na triny namin at kumain pa kami.

Kinatok ko si lola sa condo nila tapos sinabing nandito na kami then pumasok na rin kami sa condo ko.

Ni lock ni Regina yung pinto dahil narinig kong tumunog.

Maybe para may privacy kami parehas dahil kanina nakita nalang namin nandito na sa loob si Ding at Lola.

Pumasok na kami sa master's bedroom tapos inaayos na namin yung mga gamit namin parehas pati yung kama nang may biglang tumawag kay Regina.

"Narda i'm sorry but can i leave you here? I need to take this call." Sambit nya kaya sabi ko sakanya oo at ako nalang nag-ayos sa kama na gagamitin namin ngayon.

Habang nasa labas pa sya, napagdesisyonan kong magbihis na muna sa pantulog na damit.

Nang matapos ako sa underwear and pajama, naghubad na ako ng tshirt and ini-unhook ko na rin yung bra ko.

"Let's continue this Nar---" she just stood there frozen while looking at my body.

I covered my boobs with my used shirt.

"Regina!" Sigaw ko sakanya. "Oh right, sorry." Kalmado nyang sabi tapos kalmado nya ring sinarado yung pinto.

"Okay na pwede ka na pumasok!" Sigaw ko sakanya mula sa loob ng kwarto.

Binuksan nya dahan-dahan yung pintuan tapos nakita ko syang namumula nanaman.

Napapadalas na 'yan ah.

"Sorry pumasok ako without knocking." Sabi ko sakanya okay lang 'yun parehas naman kaming babae.

"My dad just called and we're needed in the office building by tomorrow. Work starts at 8am." Pagpapaalala nya sa'kin kaya tumango ako sakanya pero bakit mukha syang stressed?

Lumapit ako sakanya tapos hinawakan sya sa magkabilaan nyang braso. "Regina ayos ka lang ba?"

"I'm fine." Hindi ko na sya tinanong ulit at nginitian ko nalang sya. Tapos na rin naman ako mag-ayos ng bed kaya pinahiga ko na sya.

Humiga na rin ako para mag cellphone and ngayon may nakaharang sa gitna namin na dalawang magkapatong na unan na kinuha namin sa guest room kagaya nga ng napagkasunduan namin.

"Narda did you know that we look like an idiot here?" Sambit nya sabay tawa.

Napatigil ako sa pag c-cellphone ko at nilapag ko ito sa lamp table.

"Ha? Bakit?" Tanong ko. "Nakaharang kasi 'tong two stupid pillow." Tumawa ulit sya.

Gusto nya bang tanggalin?

Tinanggal nya isa-isa yung dalawang pillow then hinagis sa gilid ng bed sa floor then tumabi sya ng mas malapit sa'kin.

Dahilan para magulat ako at para tignan lang sya.

"A-anong ginagawa mo?"

"Relax. Stop stuttering. Matutulog lang tayo." Sure ka na ba dyan miss ma'am? Matutulog lang?

"Regina pwede ka bang matanong?"

"Sure."

"Anong pangarap mo? Maliban sa pagiging attorney."

"Pangarap kong maging masaya. Yung walang bumubulong o gumagambala sa'kin. I want my life to be perfect." Anong ibig nyang sabihin?

"Your life is already perfect."

"Akala mo lang 'yun Narda." Lumapit sya sa'kin ng kaunti pa dahilan para maging inches away nalang yung mga mukha namin.

I can hear her beautiful breaths.

I can see her Dark Brown Eyes looking at mine.

She touches my cheeks tapos yung thumb nya ginagalaw nya sa cheeks ko from left to right.

"You're perfect." Sambit ko.

Unti-unting lumalapit yung mga labi at mukha namin ng kusa.

Biglang nag ring yung phone nya.

Napatigil kami sa dapat naming gagawin kaya kinuha nya yung phone nya na katabi ng cellphone ko sa lamp table. Nakita ko yung name ng tumatawag.

Si Era...
















To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

318K 11.3K 65
Here we are, you tell me I'm the only one who makes you feel loved. I realized, when you touch me its like nothing I have known, could I let you go?
39.3K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
84K 3.7K 34
Apat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my r...
249K 9.7K 37
Rastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.