Illicit Affair

Galing kay cc_chase

22K 1.2K 941

a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when th... Higit pa

CHARACTERS AND WARNING
PROLOGUE
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Darna's First Transformation
Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)
Chapter 4 - Case 1 CLOSED
Chapter 6 - Regina's Sexuality
Chapter 7 - Amusement Park Date
Chapter 8 - Era Salvador
Chapter 9 - New Worker
Chapter 10 - Night Date
Chapter 11 - Private Island
Chapter 12 - Bar
Chapter 13 - Babaeng Ahas
Chapter 14 - The Event PH
Chapter 15 - N Seoul Tower
Chapter 16 - Going Home
Chapter 17 - Seaside
Chapter 18 - Sudden Confession
Chapter 19 - Mix Signal
Chapter 20 - Jealousy
Chapter 21 - Bite
Chapter 22 - First Time
Chapter 23 - Engagement Party For Who?
Chapter 24 - What's on your Back?
Chapter 25 - What If
Chapter 26 - Dream
Chapter 27 - Do You Like Me?
Chapter 28 - Beloved Regina
Chapter 29 - Architect
Chapter 30 - Beach
Chapter 31 - Drunk Regina
Chapter 32 - No
Chapter 33 - Kissing Valentina
Chapter 34 - Who are you?
Chapter 35 - Karaoke Night
Chapter 36 - Lost Necklace
Chapter 37 - Senior High Crush
Chapter 38 - The Last Fight
Chapter 39 - A mix of them
EPILOGUE
hello
Special Chapter

Chapter 5 - Her Offer

517 35 77
Galing kay cc_chase

POSIBLE  RIN kayang may iba pang katulad ko na napunta na dito sa mundo natin?























NILABAS KO na yung baon ko dahil lunch time na rin naman at wala na rin akong ginagawa. Onti nalang rin ngayon yung tao dito sa office kasi sa labas kumakain yung iba. "Narda di ka ba sasabay samin?" Tanong sa'kin ni Richard na kasama si Andre. "Hindi, nagbaon ako ng ulam. Next time nalang." Sagot ko sakanila. Pagkatapos ay umalis na rin sila ng office para kumain na rin sa labas. Parang tatlo lang ata kaming naiwan dito sa office.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na rin yung pinagkainan ko tapos nagpunta ako sa cr.

Pagpasok ko ng isang cubicle narinig kong may pumasok rin ng cr.

"Alam mo 'yang Narda na 'yan she's really getting into my nerves." Rinig kong sabi ng kaibigan ni Jerna.

"Same. I don't know pero kahit tignan ko lang sya umiinit na agad dugo ko sira pa araw ko." Sabay tawanan silang tatlo. Gusto kong umiyak pero alam ko namang walang magagawa 'yun.

Biglang may nagbukas ulit ng pintuan ng cr.

"I heard you three talking about Narda. Did she do something wrong with you?" Kilala ko 'yung boses na 'yun ah.

Si Regina.

"Wala po ma'am."

"Then why are you talking to her back and saying some stuffs na alam nyong makakasakit sakanya? Do you want me to fire you three?!" Pagbabanta nya sa tatlo. Di na rin nakasagot yung tatlo nang magsalita sya ulit.

"Take this as your last and final warning. Get back to work!" Pagsigaw nya sa tatlo. Narinig ko ang yapak nila at paniguradong umalis na sila sa cr nang may biglang kumatok sa cubicle kung nasan ako.

"Narda? I know that you're there. Are you okay?" Tanong nya sa'kin sa malambing nyang boses.

Hindi ako sumagot.

"It's okay if you're not going to answer me now but just tell me if anyone or anything's bothering you ha? I'm always here for you." She said then left the comfort room.

Kumalma ako sa sinabi nya at hindi na rin natuloy yung iyak ko.

She's really pure.

Binuksan ko na yung pinto ng cubicle tapos naghilamos ako sa sink. Lumabas na rin ako ng cr after that tapos bumalik na rin ako ng office seat ko. Pagdating ko andami nanamang files yung nandun na kailangan i transfer sa computer.

Trinansfer ko na sa computer lahat hanggang sa matapos ako. 6pm na pala nang matapos ako sa pag transfer ng files.

"Narda pinapatawag ka ni ma'am Regina sa taas." Sabi sa'kin ng secretary nya. Tumayo ako agad tapos nag ayos rin bago pumasok ng elevator.

Maya-maya pa nasa office floor na ako ni Regina kaya nilakad ko na papunta sa office nya. Himala at wala si Ali sa labas?

Pagpasok ko nandon si Regina nakaupo sa table seat nya tapos tumayo sya kaagad nung makita nya akong pumasok ng office nya.

"Narda." Paunang sabi nya sa'kin. "Pinapatawag mo raw ako Regina?" Tanong ko.

"Yes. I just want a drink with you."

"Sabi ko naman sa'yo kagabi diba? hindi ako umiinom." Pagtanggi ko ulit sakanya.

"I know but please just have one sip." Pagpilit nya pa sa'kin habang naglalakad sya papalapit sa'kin.

Parang may nararamdaman akong kakaiba ngayon kaya umatras ako nang umatras mula sakanya hanggang sa marating ko na yung sofa dito sa office nya.

"Why are you walking away from me?" Her voice sounds like she's in heat or something. Hindi ko rin maintindihan kung anong meron sa boses nya ngayon. Parang iba.

Napaupo ako dito sa couch nya then she suddenly sat on my lap.

"R-regina..." Tawag ko sa pangalan nya habang nakatingin ako sa mga mata nya.

Naramdaman kong uminit yung mukha ko at naramdaman ko ring namumula ako.

"Just one kiss...please." she said as her face got closer to mine.

Our lips collided.

"Narda? Narda." Rinig kong tawag ni Regina. Agad ko namang binukas ang dalawa kong mata.

Tangina panaginip lang pala 'yun?

"Regina!" Nakita ko syang nakatingin sa'kin habang nakapatong ang dalawa kong kamay sa desk ko tapos nakapatong ang ulo ko sa dalawa kong kamay.

Agad akong napatayo at napatayo rin sya sa pwesto nya at tumawa.

"You fell asleep during work hours." Sambit nya habang tumatawa. "Sorry Regina di ko namalayan pero tapos naman na ako sa files." Sambit ko. Pagtingin ko sa paligid ay wala na ring tao.

Kaming dalawa nalang pala yung nandito sa office.

"You're a sleep talker pala Narda. That's cute." Hala gago ano yung sinasabi ko habang natutulog ako kanina?

Possible kayang yung sinasabi ko sa panaginip ko eh nasasabi ko rin in reality?

Kaya ba sya tumatawa habang ginigising nya ako?

Fuck hindi ko na alam.

"I'll take you home na ulit but Ali had some emergency sa province nila so i'm the one who's driving." Pagpapaalam nya sa'kin.

"Hala Regina nakakahiya na, hinatid-sundo mo na ako kagabi tapos kanina. Maglalakad nalang ako." Sambit ko habang inaayos ko na yung gamit at bag ko.

"No it's fine. May dadaanan rin naman ako malapit sainyo kaya i'll take you home nalang rin." Pagpupumilit nya.

"Please?" Sambit nya tapos nag pout sya sa'kin.

Bakit naman may paganto ma'am Regina? Nanghihina tuloy ako.

"Sige na nga." Pagpayag ko sakanya kaya naglakad na kami papuntang elevator. Nang makarating na kami sa ground floor, lumabas na kami ng building at sumakay na sa kotse nyang naka park sa harap nito.

Pumasok na kami ng kotse, ako sa likod tapos sya sa driver's seat. "Narda why are you there? Ano ako driver mo?" Mataray nyang sabi sa'kin.

"Sorry Regina." Sambit ko bago ako bumaba. Lumipat ako ng pwesto sa harapan katabi nya pagkatapos ay nag seatbelt na rin.

"Don't take that seriously, i'm just joking." Akala ko naman galit sya sa'kin. Tono palang ng boses nya kanina eh.

Baka nga nag assume lang ako na galit sya kanina kaya nagmukha syang galit kanina.

"Narda i have some offer for you." Tinanong ko sya kung ano 'yun.

"So we have a family business in Manila and i'm planning to take that over." Tumigil sya saglit.

"I'm planning to take you with me there and be my assistant." Grabe ano ba 'tong offer nya once in a lifetime lang ba na kailangan agad ng sagot?

Nakaka pressure ah.

"Eh pano naman po pala yung Vanguardia Foundation dito sa Nueva Esperanza?"

"I'll still handle it but titira na ako sa Manila. But don't worry you can bring your family with you and i'll buy you a condo unit also." Grabe big opportunity 'to para sa'kin pero kailangan ko pa rin 'tong pag-isipan dahil dito nag-aaral si Ding at isa pa hindi ko pa nalilinis 'tong Nueva Esperanza bilang si Narda at Darna na rin.

"I'll wait for your answer tomorrow 'cause the day after tomorrow, aalis na ako papuntang Manila." She said. She's lowkey saying na i should take my time until tomorrow para na rin siguro makuhanan nya ako ng plane ticket.

Nakarating na kami ng bahay namin after ilang oras ng pag-uusap namin na 'yun. Bumaba na ako sa kotse nya at bumaba rin sya.

"Maraming salamat Regina ah sobrang hulog ka talaga ng langit." Sambit ko sakanya na dahilan ng pag ngiti nya ngayon.

"That's nothing. Oh pano aalis na ako." Sabi nya na akmang bubuksan na nya ang pintuan ng sasakyan nya pero biglang dumating si lola at pinigilan sya.

"Regina wag! Iha kumain ka na muna!" Tumatakbong sabi ni lola papunta samin. Nang makarating na sya sa kinatatayuan namin which is sa labas ng gate, agad nyang hinawakan si Regina para na rin hindi na sya makatanggi.

Ito talaga si Lola.

Pumasok na kami sa loob. Ni lock ko na rin muna yung gate pero yung pintuan namin binuksan ko lang muna.

Umupo na kami sa hapag-kainan.

"Pasensya ka na Regina ah maliit lang bahay namin."

"No it's fine. Maganda nga 'tong bahay nyo eh and i can feel a good presence here." She said smiling towards me.

Pumunta si Ding sakanya tapos binigyan sya ng isang pares ng tsinelas. "Miss ganda suot nyo po muna 'to oh para comfy paa nyo." Sabi ni Ding kay Regina. Nilakihan ko naman ng mata si Ding tapos kinindatan lang ako.

Aba'y lokong bata talaga 'to.

Inihain na ni lola yung masarap na masarap nyang luto na munggo na maraming chicharon.

"Wow ansarap naman nito la!" Sambit ko dahilan para ngumiti si lola. "Ito talaga si ate sipsip." Pagbibiro ni Ding.

"Aba sinasabi mo bang hindi masarap ang luto ko?" Biro na sabi rin ni Lola sabay tawanan kami.

"Wow ansaya naman po dito sa bahay nyo. I told you may good presence 'tong bahay nyo." Nakangiting sabi samin ni Regina.

"Oh by the way i'm Regina Vanguardia, Narda's boss. Sorry if i didn't got the chance to introduce myself earlier to you po lola." Wow ang galang naman pala nito ni Regina mukha lang talaga syang mataray.

Dahil siguro sa aura nya nagmumukha syang mataray.

"Okay lang 'yun apo. Na k-kwento ka rin naman nito ni Narda samin. Four years na ikaw lang kinukwento nitong apo ko samin. Nagsasawa na nga kami kasi paulit-ulit yung kwento nya samin eh." Ano ba naman 'tong si lola binuking na ako.

Anong mukhang ihaharap ko pa nyan kay Regina?

"Lola!" Saway ko kay lola. "Uy si ate namumula!" Asar sa'kin ni Ding kaya nagtawanan silang tatlo.

Nang matapos na kami mag dinner ay naglakad-lakad muna kami ni Regina sa barangay namin.

"Ayos ka lang ba talaga sa gantong lugar, Regina? Sabihin mo lang kung uncomfy ka ah pwede ka na umuwi."

"Pinapaalis mo na ba ako?" She sounds shock and disappointed. Wrong term nagamit ko shit.

"Hindi! Hindi ganon. I mean, baka hindi ka sanay sa ganitong lugar. Maingay at magulo ganon."

"Nah, it's fine naman dito. I like it here nga kasi masaya." She said smiling at me softly.

Ang ganda nya talaga pag ngumingiti sya.

Narda focus, straight ka.

Wag kang ganyan.

Nagagandahan ka lang naman kay Regina.

"Narda can i tell you a secret?"

"Oo naman Regina. I'm good at keeping secrets." Sambit ko sakanya sabay kindat pabiro. She chuckled before saying her secret.

"So this has been bothering me ever since i was a child. Ngayon, lumala na nang lumala."

"You'll think na i'm going crazy but i'm not. Laging nasa dream ko na pakawalan ko na raw sya but kagabi nung natulog ako, wala akong panaginip na ganon and it's bothering me. Should i be worried about it?"

"Hindi ko naman inisip na baliw ka at isa pa dapat nga maging thankful ka kasi nawala yun. Meaning siguro nawalan ka ng iisipin sa buhay pero ngayon, habang wala na yung panaginip mo na ganon dapat sulitin mo kasi hindi rin natin alam kung kelan babalik 'yan."

"You're right. I shouldn't think about it anymore para na rin siguro sure akong hindi na babalik yung dreams ko na ganon." She held my hand while smiling to me softly.

"Thank you Narda. You helped me again."

"W-wala 'yun Regina. Maliit na bagay." Utal kong sabi sakanya.

Pagkatapos nun ay bumalik na rin kami sa bahay namin tapos nagpaalam na rin sya kila lola. Alas 9 na pala ng gabi at late na masyado. Sya pa naman mag-isa uuwi at mag d-drive.

"Iha mag-ingat ka pauwi ha? Ingat sa pagmamaneho." Sambit ni lola habang niyayakap nya si Regina.

Niyakap rin ni Regina si Ding. "Ingat ka miss ganda."

Nagulat nalang ako bigla nang yakapin rin nya ako. "Thank you, Narda." Para saan naman sya nag t-thank you? Tungkol ba ulit kanina?

She left us with a smile on her face. Ngayon ko lang sya nakita na ganon yung aura nya.

Like ganon kasaya tignan aura nya.

Madalas kasi yung itsura nya parang may galit sa mundo lalo na sa tao.

Pumasok na rin kami sa loob at nilock na ang gate at pintuan namin.

"Ding halika muna dito." Tawag ko kay Ding habang katabi ko si lola. Nakatayo kami sa gitna ng bahay ngayon.

"May inoffer kasi sa'kin si Regina, di ko alam kung papayag ba kayo o hindi."

"Ano ba 'yun ate?" Curious na tanong ni Ding.

"Inofferan nya ako na magtrabaho sakanya bilang assistant nya sa Maynila. Maganda rito, sya raw kukuha ng condo natin tsaka kasama raw kayo." Tuwang-tuwa silang dalawa at nag apir pa na may kasamang palakpak.

"Oh anong problema dyan ate?" Tanong ni Ding.

"Baka kasi hindi kayo pumayag dalawa, isa pa dito ka nag-aaral. Makakayanan mo ba kung it-transfer kita dun?" Tanong ko kay Ding. "Oo naman ate! Sino bang hindi gusto mag-aral sa maynila?" Tuwang-tuwa nyang sabi.

"Eh ikaw la?"

"Ayos lang ako kahit saan basta masaya kayo. Ikaw ba magiging masaya ka ba sa magiging trabaho mo kay Regina?"

"Syempre naman la. Ang gandang offer nun at parang once in a lifetime lang mangyari 'to satin." Sambit ko. Nagsitalon silang dalawa at nagyakapan kaming tatlo.

"Lilipat na tayo ng maynila! Yes!" Sigaw ni Ding. "Oh ikaw kunin mo na yung good moral at form 137 mo sa school mo bukas pagpasok mo ha? Sa miyerkules lilipat na tayo ng maynila." Masaya kong sabi sakanila.

Pagkatapos ng pag-uusap naming tatlo ay pumasok na rin kami sa sari-sarili naming mga kwarto.

Hindi ko naman pwedeng i-sacrifice yung kasiyahan ko at ng pamilya ko pati na rin kinabukasan namin para sa Nueva Esperanza.

Besides nandito naman si Brian at si ninong para linisin 'tong lugar na 'to.

At sigurado rin naman akong babalik at babalik ako sa lugar na 'to kaya wala akong dapat ipag-alala.




























NAGISING AKO sa tunog ng cellphone ko. Pagkakaalala ko nagsabi ako sakanila na mag d-day off ako ngayon. Pagtingin ko sa cellphone ko unknown number yung tumatawag. Sino kaya 'to? Sinagot ko yung call tapos ako na nagsalita agad with a sleepy voice of mine. "Sino 'to?" "This is Regina." Agad nanlaki yung dalawa kong mata na kanina'y tila di ko pa mabukas-bukas. "Sorry to bother you this early but i want to know your answer."

"Yes ma'am. My answer is yes." I said then she squeeled. "Yes! Thank you so much Narda, you won't regret saying yes to this!" Pinatay nya na yung cellphone after nyang sabihin 'yan.

Wala man lang bye-bye Narda?

Anyways, ba't ba ako naghihintay sakanya para sabihin 'yan?

Hindi na muna ako tumayo at nagcontinue nalang mag cellphone. Aware naman siguro syang nag d-day off ako ngayon kaya tumawag nalang sya.

Nasa kalagitnaan ako sa pag s-scroll ko sa newsfeed ko nang mag pop-up na text sa'kin.

Shit ampogi ng typings nya what the heck.

Tsaka sya pa mismo maghahatid ng plane tickets namin? Grabe magandang boss na nga, sexy, mabait pa.

Well sa mabait 50/50 pero okay na 'yun atleast nga kalahati eh.

Di ko na sya nireplyan at sineen ko nalang. Understood naman na nya 'yun di'ba?

Sinet ko na rin yung name nya sa phone ko para di ko makalimutan.

Anyways, pano nya kaya nakuha number ko? Baka yung sa form na pinirmahan ko nung nag a-apply palang ako.

Di rin nagtagal nagdecide na akong tumayo. Pumasok na rin pala si Ding kanina at di ko na rin sya naabutan.

Si lola naman nagluto ng sinangag tapos itlog kaya kumain na muna ako bago ang lahat.

Wala rin si lola ngayon dahil namamalengke. Tuwing umaga kasi ganto sya para may ulam na kami agad pang lunch.

Grabe panalong-panalo talaga 'tong luto ni lola.

Habang nakain ako nag c-cellphone ako pero pag nandito kasi si lola bawal yung cellphone sa hapagkainan kaya sinusulit ko ngayon na wala sya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang may tumawag sa gate namin.

"Narda?" Si Brian pala tsaka si Beshie.

Naglakad ako palabas para papasukin sila.

"Aga-aga nambubulabog kayong dalawa. Ano 'yun?" Pabirong tanong ko sakanila. Niyakap nila ako agad tapos...

Umiiyak ba sila?

"Beshie iiwan mo na kami?" Iyak na sabi ni beshie sa'kin. "Ha sa'n mo naman nakuha 'yan?"

"Sinabi ni Ding tsaka ni lola na aalis na kayo bukas papuntang Maynila." Sagot ni Brian sa tanong ko habang niyayakap nila ako.

"Hindi naman ako mawawala eh dadalawin ko pa rin kayo dito syempre." Sagot ko sakanilang dalawa kaya binitawan na nila ako sa mahigpit nilang yakap.

"Ano bang gagawin mo dun?" Mukhang hindi nasabi ni lola sakanila kung anong gagawin ko dun.

Isang iglap pa nandun na rin sila aling Ruby, kuya Pancho tsaka na rin si kuya Gardo.

Mukhang makikichismis pa sila kung anong gagawin ko dun sa maynila ah.

"Inoferran kasi ako ni Regina dun na maging assistant nya. Maganda offer kaya rin siguro napapayag ko si lola. Pero dadalawin ko naman kayo dito di ko kayo kalilimutan at isa pa nandito yung bahay namin oh." Mukhang nabawasan naman yung lungkot nila sa sinabi ko.

"Eh paano 'yan Narda di ka na namin araw-araw makikita?" Tanong ni kuya Gardo. Di ko na sinagot dahil alam kong madadagdagan yung emosyon na nararamdaman ng dalawang beshie ko.

"Hayaan nyo na si Narda tinanggap nya yung work para sa beloved Regina nya." Aba nakuha pa talagang mang-asar nitong mokong na 'to.

Tinawanan nila akong lahat.

"Ilang beses ko ho bang sasabihin sainyo na straight ho ako." Sigaw ko sakanila. "Wehhhh?" Sabay-sabay nilang sabi.

Maya-maya pa ay may biglang dumating na gray na kotse sa tapat ng gate namin kung saan nandon kami.

Lumabas ang may-ari ng kotse matapos nyang i-park ito sa tapat ng gate namin.

Si Regina.

"Oh nandito na pala si BR eh!" Sigaw ni kuya Pancho na agad naming nagets. Beloved Regina for short.

"BR?"Jusko naiiyak ako sa hiya ngayon.

"Wala 'yun ma'am Regina." Sambit ni aling Ruby. "Good morning Narda, i'm here to give you the plane tickets." Sambit nya.

"Regina bakit ambilis?"

"I knew that you were going to say yes kaya sinabay ko na nung nakaraan sa ticket ko." Nakita kong nagtinginan sila Brian, beshie at pati na rin si kuya Gardo at Pancho at aling Ruby sa isa't isa.

"Regina bakit magkahiwalay kami? Si lola at Ding magkatabi sila. Two seaters lang ba 'to?"

"Yes two seaters lang." She answered.

"I better get going na Narda i have something to fix here pa before i go." Pagpapaalam nya sa'kin.

"Teka lang Regina mag breakfast po muna kayo dito." Aya ko sakanya.

"No thanks, i really need to go. Maybe next time, wag kang magtampo." She said joking. Buti hindi sya na a-awkward sa mga tao dito sa gate namin na nakikinig lang samin mag usap?

Hindi na ako nakasagot kasi sumakay na sya sa kotse at nagmaneho na.

"Ayieeee wag raw magtampo ang isang Narda Custodio oh." Sinimulan nanaman ni Brian ang pang-aasar sa'kin kaya nagtawanan nanaman sila.

"Ang expensive mo naman mahalin ma'am!" Banat pa ni beshie kaya hinampas ko sya ng slight sa braso nya tapos tumawa ulit sila.

Habang nag-aasaran kami, may tumawag bigla kay Brian.

"Ano?! Ngayon na?!" Nagulat kami sa boses nya. Parang emergency talaga kaya tinanong ko sya kung ano 'yun.

"Need raw nila ng back-up sa kabilang barangay may nahuli raw silang sindikato nangunguha ng bata. Maraming na rescue." Grabe anong oras palang ngayon alas otso palang may ganto nanaman.

Isang araw lang talaga pinatahimik 'tong Nueva Esperanza tapos balik nanaman sa dating gawi ang mga masasamang loob.

"Sige Brian mag-ingat ka." Sambit namin kay Brian tsaka sumakay na rin sya sa Police car nya at umalis.

Umalis na rin sila beshie at sila aling Ruby, kuya Pancho at kuya Gardo. Nilock ko na rin yung gate tapos pumasok ulit ako sa loob at kumain.

Nanood ako ng news, nagbabakasakaling may live dun sa lugar na 'yun pero wala pa.

Napagdesisyonan kong pumunta dun kaya di na ako nagdalawang isip pa.

Sinubo ko ang bato.

"DARNA!"























To Be Continued...

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

84K 3.7K 34
Apat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my r...
191K 6.7K 40
Glaiza is a play girl since her girlfriend left her in no reason. she's been desperated and drunk girl. until one day she met someone who revived he...
252K 7.3K 81
What will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18
687K 15.6K 49
hang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hi...