Pagsinta (Unang Tamis)

By isipatsalita

267K 16.7K 8.5K

Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita. More

TEASER
TAMIS 1
TAMIS 2
TAMIS 3
TAMIS 4
TAMIS 5
TAMIS 6
TAMIS 7
TAMIS 8
TAMIS 9
TAMIS 10
TAMIS 11
TAMIS 12
TAMIS 13
TAMIS 14
TAMIS 15
TAMIS 16
TAMIS 17
TAMIS 18
TAMIS 19
TAMIS 20
TAMIS 21
TAMIS 22
TAMIS 23
TAMIS 24
TAMIS 25
TAMIS 26
TAMIS 27
TAMIS 28
TAMIS 29
TAMIS 30
TAMIS 31
TAMIS 32
TAMIS 33
TAMIS 34
TAMIS 35
Mensahe para sa inyo
Special Mamon
Reference Image
Huling Sirit
Devin Francisco 1
Devin Francisco 2
Devin Francisco 3
Devin Francisco 4
Devin Francisco 5
Devin Francisco 6
Devin Francisco 7
Devin Francisco 8
Devin Francisco 10
Devin Francisco 11
Devin Francisco 12
Theme Song
Reprint? Yay or nyay?

Devin Francisco 9

538 71 4
By isipatsalita

Nakikita n'yo ba ang nakikita ko?

Siyempre, hindi.

Habang ako'y marangal na nagtatrabaho rito sa talyer kasama sina Kuya Paslo and friends, biglang may pumaradang Toyota Corolla Altis 2002 model sa tapat mismo ng aking oto.

Hindi na gaanong wasari ang pintura n'on at base sa mga naririnig kong ingay, alam ko na agad na papalitin na ang timing chain n'on.

Lalapitan ko pa lang sana ang oto nang biglang lumabas ang drayber at may kasama rin ito—teka, ibang babae 'to, ah? Nasaan na iyong dati?

Buhay pa pala ang kupal na 'to?

"Good afternoon. Pasensya na rito ako dumiretso. Wala kasi akong ibang kakilalang magaling na mekaniko rito sa city tapos mahal naman maningil sa iba. So, ayos lang bang dito ako magpa-check nitong pang-buy and sell kong kotse? Baka rito ko na rin iwan sa inyo if ever may kailangang gawin talaga," mahabang speech nito.

Hindi ako ngumiti, siyempre. Kahit pa palangiti ako sa mga customer namin, hinding-hindi ko pag-aaksayahan ng panahon 'tong pakitaan ng mga mapuputi kong ngipin.

Tumango-tango ako.

Sigurado akong dito niya ipagagawa ang kotse niya dahil bali-balita ko'y mahal ngang maningil ang ibang auto supply at talyer, sa piyesa man o sa labor mismo.

Saka hindi ako tumatanggi sa pera. Kahit pa gusto ko nang hambalusin ng wrench 'tong taong 'to, hinding-hindi ko gagawin dahil good boy ako.

"'ge, ako nang bahala. Umupo muna kayo ng misis mo roon," walang kaamor-amor kong salita bago ko itinuro 'yong mahabang upuan sa gilid nitong shop.

Mawalang galang na ho, lumayas muna kayo sa aking harapan.

Narinig ko ang pagtawa nila n'ong babae bago siya nagkomento. "No. Girlfriend ko pa lang 'tong si Therese."

Nagtanong ako? Nagtanong ako?

Akalain mo nga namang pang-Santo pa ang pangalan n'ong bago niyang binubudol na gerlpren. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi na si Hera (iyong isinabay kay Auring noon) ng kaniyang kasama ngayon.

Baka nga nabisto na ang pagiging pakboy nitong si Daungan kaya nauwi na lang sa hiwalayan.

But who am I to judge if I'm not a judger?

Kung sina Yuan Del Castillo nga at William Angeles ay nakuha ring magtino kahit papaano (wala pa naman akong nababalitaang kababalaghan), maaaring ganito na rin naman 'tong si Daungan.

Sadyang tumataas lang ang high blood ko kapag nakikita ko 'to.

Ay mali ba? Tumataas kasi ang blood pressure ko. Masyado naman kayong perpek, eh.

Sumunod naman sila sa utos ko't umupo muna roon sa isang gedli. Paghintayin ko kaya sila buong maghapon para makaganti naman ako para kay Auring, ano?

Pero huwag ganoon, mga p're. Be mature enough. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng garapon ng palaman para diretso tulog na.

"Boss," pagpukaw ni Kuya Paslo sa atensyon ko. Nakangiti pa na para bang alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

Ngiting demonyo rin ang naisagot ko sa kaniya. Tumawa naman ito.

Astig kaya 'tong si Kuya Paslo. Minsan nga iniisip ko parang tatay ko na rin siya dahil sa araw-araw naming pagsasama, mas kilalang-kilala na niya ako kaysa sa sarili kong ama.

Pero mahal ko erpats ko, siyempre. Alam n'yo naman iyon. Wala akong kinikimkim na tampo o galit doon dahil hindi naman ako ganoong klaseng nilalang. Marunong din akong tumanaw ng utang na loob.

Kaya ayon, puro utang nga ako sa kanila ni Mameh.

"Bossing, 'di ba iyon ang ex-boypren ni Ma'am?"

Si Kuya Ronald naman ang nagsalita. Pabulong pa nga pero sapat na upang marinig ko. Nang tumingin ako sa kaniya, mapanukso na rin ang itsura nito.

Hindi ko nga alam kung bakit napalilibutan ako ng mga malilisyosong bayag.

Ngumisi ako bago ko kinuha ang ratchet mula sa semento na para bang nag-aamok ako ng away kahit gagamitin ko lang naman talaga ito para sa otong ginagawa ko.

Sunod na dumako ang tingin ko sa dalawa naming bisita na kasalukuyan na ring nakatingin sa akin.

Ngumiti si Daungan sa akin ('tangina, ngiti ka riyan) habang 'yong babae naman—powta? Medyo kinindatan ako, ah.

Nakita n'yo iyon?

Lagot siya sa asawa ko kung nagkataong nandito iyon at nakitang kinikindatan ako nito tapos ako pa ang pagbibintangang nagpapa-kyut ako.

Eh, hindi naman maganda 'yong babae. Kahit pa sabihing maganda iyon, pangit pa rin sa paningin ko.

Kay Au lang naman ako namamangha at sumasaludo.

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa kotseng nasa harapan ko para matapos ko na't masimulan ko nang suriin 'yong Toyota Altis.

Sa totoo lang, banas na banas pa rin ako sa Pierre Guzman na iyan.

Hindi pa rin siya abswelto sa lahat ng mga kagaguhang ginawa niya sa misis ko.

Naaalala n'yo ba 'yong eksena na tinanong ko si Au kung ano'ng gagawin niya kung sakaling makipagbalikan si Daungan, haranahin siya, kumain ng bubog at kung ano-ano pa?

Ngayon lang nagsi-sink in sa akin na kung hindi ko pala siya nabuntis at hindi ako nagpakalalaki para panindigan siya, maaaring sila na ulit ni Pierre.

At ang pinakamatindi, baka mas masahol pa ang naranasan niya sa piling nito.

Kaya mag-aangat na lang din ako ng sariling bangko. Pagbigyan n'yo na ako dahil libro ko naman 'to at ako talaga ang bida rito.

Masasabi kong napunta sa tamang lalaki si Aurea. Hindi dahil mayabang ako kung 'di dahil kilala ko ang sarili ko.

Alam ko kung paano ako mag-iba sa tuwing kasama at kausap ko si Au.

Oo, sige, sabihin na nating maloko ako, pilyo at parang gago lang makipag-usap sa kaniya minsan, pero alam niya kung gaano ako kapatay na patay sa kaniya.

Lintek, alam na alam din n'on kung paano ako paiiyakin. Parang doon sa kalagitnaan ng librong 'to, alam n'yo naman siguro kung saang parte ako sabog uhog doon, 'di ba?

Kaya hindi ko nga rin alam kung saan nanggagaling ang pagseselos niya.

Pero may isang beses na humingi siya ng sorry sa akin dahil napagdududahan niya ako kahit alam daw niyang hindi ko naman magagawang magloko.

Minsan daw tinotopak lang siya't nagiging emosyonal kaya ganoon.

Anong minsan? Lagi kaya siyang tinotoyo.

Kaya nga siguro swak na swak kami sa bawat isa, eh. Isipin n'yo nga kung masyado akong seryoso at mainitin ang ulo, eh 'di baka nagbasag na ako ng mga gamit sa loob ng bahay sa tuwing naiinis ako?

Kaya roon sa isa niyang istorya, hindi ko maintindihan kung bakit kailangang cold at misteryoso ang bida niyang lalaki. Pinabasa niya kasi sa akin ang ibang parte roon.

Ayos naman. Magaling nga ang pagkakasulat pero ang ipinagtataka ko lang kung bakit ganoon ang napili niyang personalidad ng lalaki.

Hindi ba puwede 'yong katulad ko lang ulit gaya sa istorya niyang Pagsindi?

Sagot naman niya'y kailangan may iba't ibang atake ang mga istoryang inilalabas niya. Hindi naman daw puwedeng puro masasaya at magagaan lang.

Hinahanap din daw kasi ng mga readers niya 'yong challenging at may iba't ibang emosyong madarama.

Bakit? Hindi rin ba ako challenging? Wala ba 'kong thrill para sa inyo?

Pero siya ang writer kaya siya ang masusunod. Pabida lang talaga ako minsan kaya lagi kong sinasabi sa kaniyang isama niya ako sa lahat ng kaniyang mga kuwento.

Sabi pa nga niya sa akin noong isang beses, ni hindi nga raw ako nagseselos katulad ng mga lalaki niya sa Wattpad.

Paanong gagawin? Sa hindi talaga ako seloso, eh.

Malaki kasi ang tiwala ko sa kaniya at kumpiyansa rin ako sa sarili.

Siguro minsan napaiisip lang ako na paano kung magkulang ako o magkaroon kami ng matinding problema, baka biglang may sumulpot na demonyo sa paligid tapos maikukumpara ako roon ni Au.

Pero hindi talaga "selos", mga p're. Sagana naman ako sa lambing at pagmamahal kaya hindi ko kailangang ma-insecure sa iba.

Heto pa. Kapag nga nagmamahalan kami sa kama, hindi raw ako nag-iingles katulad n'ong mga nababasa niya. Hindi ko raw sinasabi sa kaniyang, "Make love to me, wife."

'langyang iyan, make lab make lab pang nalalaman.

Sarap na sarap na ako tapos mag-iisip pa ako ng ibabanat sa kaniya sa wikang Ingles? Puwede namang iungol na lang iyon, ah?

Hindi rin daw ako 'yong bigla-biglang sumusulpot sa kaniyang harapan para sabihing, "Fuck, I miss you."

Napakakamot na lang talaga ako sa ulo. Nag-a-aymisyu naman ako sa kaniya lalo na kapag buong maghapon kaming hindi magkasama.

Pero ano 'yon? Susulpot na lang ako bigla sa harapan niya? Ano iyon, magic?

Minsan nasosobrahan na talaga sa kaka-Wattpad 'yang si Aurea pero natutuwa naman ako dahil sobrang lawak ng imahinasyon niya.

Sa dami nga niyang naiisip na mga ideya, pati ako'y napag-iisipan na rin.

Kaya nga minsan kapag may cheesy akong banat, nasasabihan niya ako ng, "Gasgas na iyan. Nabasa ko na iyan sa isang story."

Utang na labas. Huwag n'yo lahat idepende sa Wattpad na iyan. Respeto naman sa mga hindi ideal na lalaki katulad ko. Kung gusto ninyo n'ong halos perpekto na, huwag na lang kayo makipagrelasyon sa totoong tao.

Ah, tunog bitter ba?

Hindi naman. Sinasabi ko lang 'yong mga naoobserbahan ko.

Suportado ko naman si Au sa mga isinusulat niya. Sa sobrang suportado ko na nga, minsan ako na ang nag-e-edit ng ibang parte ng manuscript niya.

Kapag may napapansin akong medyo nakakikilabot na eksena, ginagawa ko lang na makatotohanan pati 'yong mga linya.

Sabi ko kasi sa kaniya, hindi naman lahat ng mambabasa ay babae. Marami rin namang mga lalaki kaya dapat hindi lang ang babae ang mahalina't kiligin.

Dapat kami ring mga may bayag.

Kaya ang ginagawa ko, nagsu-suggest ako sa kaniya ng mga nakatatawang eksena o pangyayari para hindi gaanong seryoso ang istorya niya.

Hindi sa nagmamagaling ako dahil wala naman akong alam sa tamang paraan ng pagsusulat o pagkukuwento pero sinasabi ko kay misis kung ano'ng tingin kong naka-e-engganyo para sa mga readers niya.

Kumbaga, opinyon ko lang iyon. Nasa sa kaniya pa rin kung paano niya pagagandahin ang kaniyang isinusulat.

May isa palang kabanata roon sa nobela niyang Pandesal na parang nandoon si Daungan, eh.

Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niyang pinagseselos 'yong mga bidang karakter niya. Nakakakilig daw kasi iyon lalo na kapag sinabi pa n'ong lalaki sa babaeng, "Fuck. You're mine, baby. Only mine."

Hoo, pukang amang iyan.

Seryoso kayo? Kinikilig na kayo sa ganoon?

Speaking of the demonyita, nagba-vibrate 'yong cellphone ko sa loob ng aking bulsa. Marumi man ang kamay dahil sa grasa, dali-dali kong dinukot iyon at tama nga ang hula ko dahil nakarehistro ang pangalan ng asawa ko.

"Yellow? Who's there?" nakangiti kong bati sa kaniya.

Tumawa siya sa kabilang linya. "Daddy? Pag-uwi mo pala mamaya, puwedeng pabili ng Oreo cheesecake? Isang slice lang naman."

Akala ko naman kung ano'ng sasabihin. Mukhang nagsisimula na agad ang cravings niya.

"Mayroon naman tayong Oreo riyan, ah? Maligalig pa nga, eh. Pero sige, dadaan ako sa coffee shop malapit dito. Sana may Oreo cheesecake. Paano pala 'pag wala?"

Kinamot ko pa 'yong likuran ko dahil bigla itong nangati. Sunod kong sinenyasan si Kuya Paslo na lalayo muna ako dahil may kausap ako sa selpon. Nagpunas din ako ng pawis sa noo gamit ang braso kong marumi.

"Kahit anong flavor na lang basta cheesecake, please?"

Ngumiti ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Anything else, Ma'am? Kumusta pala kayo ni Biskwit? Pustahan, ang ligalig niyan kanina, ano?"

Narinig ko ang paghikab niya bago mahinang tumawa. "Nakatulog na siya kaya may time ako para magsulat ng isang chapter sa Wattpad. Parang may writer's block nga ako. Parang hindi ko na alam 'yong next scene na ita-type ko."

Napatingin ako kay Daungan no'ng tumayo ito't naglakad papalapit sa puwesto ko.

"Fuck, I miss you, wife," paggamit ko pa sa linyang inaasam-asam na marinig ng asawa ko sa akin.

Bahagyang nilakasan ko pa ang aking boses kaya napalingon sina Kuya Paslo at napatigil sa paglalakad itong Daungan na ilang metro na lang ang layo sa akin.

Laging good timing 'tong si Auring, mga repa.

"Oh, em, gee! Wattpad boy 'yarn?" komento niya sa kabilang linya. Tawa pa nang tawa eh seryoso naman kaya ako.

Sinenyasan ko si Pierre na lalabas muna ako para wala munang maki-tsismis sa usapan namin ni Aurea.

Kita na nga niyang nakahawak ako sa telepono tapos lalapitan pa ako? Saksakan naman talaga ng talino.

"Mommy, nandito ulit si Daungan mo. Suki ko na 'to, eh. Lahat na lang ng dinadalang oto, puro pangit at palyado."

Sumabog ulit ang tawa nito. "Oh, em, gee talaga! Kaya pala may pa-'I miss you, wife' ka pa riyan!"

Sumimangot ako, nag-iinarte kuno. "Hindi ka ba kinilig?"

Narinig ko ang kyut na pagkakasabi niya ng "Aww" bago siya muling nagsalita. "Mas gusto ko kapag ipinagluluto mo ako, kapag inaasikaso mo kami ni Owwy, hinahalikan mo 'yong noo ko, hinahaplos ang likod at buhok ko, nagdadala ka ng pasalubong for me, tinitimplahan mo ako ng coffee at milk, kinakantahan at sinasayawan mo ako, tinatapik mo ang puwet ko kapag hindi ako makatulog, kapag bigla mo na lang akong tinititigan, kapag naririnig kitang kausap si Owwy at kapag sinasabi mo sa kaniyang love na love mo siya. Walang tatalo sa isang Devin Francisco. Siya 'yong best man para sa akin."

Ay, pusang ina. Napakagat labi na lang ako.

Continue Reading

You'll Also Like

678K 30.6K 45
Masarap talaga ang bawal. Lalo na kung araw-araw kang sinusubok ng tadhana. The more forbidden it is, the greater the urge to have it yourself. Kay d...
702K 25K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.2K 235 18
Martinez Sisters Series 3 We often build a wall or keep a distance to keep us safe. Eirene Autumn Martinez is good in keeping that wall and distance...
2.1M 61.4K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...