Last Heartbeat

Autorstwa mayiilayug

1.4K 123 13

I was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I fee... Więcej

Author's Note
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Wakas

Kabanata 1

63 7 0
Autorstwa mayiilayug

"Ang ganda talaga ng buhok mo, Snow." Batid kong nakangiti si Bella nang sabihin 'yon habang sinusuklayan ako. "Napaka-natural din."


Kung ano raw ang kinaputi ng balat ko ay siya namang kinaitim ng buhok ko. Tuwid na tuwid din iyon na parang pinasadahan ng plantsa. Kahit hindi na raw ako magpa-rebond ay pwede na akong kuhaning model ng conditioner.

"Sa'yo rin naman ay maganda," pambawi ko. Tuwid ang kulay tsokolate niyang buhok ngunit sa tips ay kulot. Bagay na gusto ko rin mangyari sa buhok ko.

"Pero mas maganda ang iyo," giit niya saka muling hinaplos ang buhok ko. "Palit tayo ng hair, gusto mo?"

Nagkatinginan naman kami at sabay na natawa.

"Guys, tara na!" masiglang sigaw ng presidente ng aming klase. "Magbubukas na ang mga booth!"

Grade 4 na kami ngayon habang si Rocket ay muling bumalik sa pag-aaral nang makahanap ng scholarship ang kaniyang ina. At sa pagbabalik niya bilang Grade 6, naging sikat siya dahil sa angking talento sa pag-arte.

"Pwede bang mamaya na?" nakangusong bigkas ni Bella, ayaw tumayo sa kinauupuang damuhan. "Pagod pa ko, eh." Nag-ayos kasi siya ng stage kanina sa opening ceremony ng festival dahil miyembro siya ng council.

"D'yan ka muna," ani ko naman sabay sukbit ng bag. "Kailangan kong pumunta sa theatre booth. Siguradong nando'n na si Rocket."

Ngumiwi siya nang marinig ang pangalan ng pinsan at kinumpas ang kamay. "Sige na, sumilay ka na."

Ngumiti ako. "Hintayin kita ro'n, ah?"

"Aba, balak mo bang manatili roon maghapon?"

"Sana." Saka ako mas ngumiti.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Ang lala mo pala magkaroon ng crush."

Tinawanan ko lang siya at mabilis na tumakbo patungo sa theatre booth.

Gaya ng inaasahan, sobrang daming estudyante ang nagsisiksikan para mapunta sa unahan at masilayan si Rocket. Nakasuot na siya ng leather jacket na pinahiram ng MAPEH teacher nila para sa gagawing dula ngayong araw. Nangingibabaw pa rin ang pula niyang buhok na pinagbabawal ng principal. Ngunit wala rin siyang nagawa dahil sumisikat ang paaralan namin dahil kay Rocket. Isa raw iyong malaking factor kaya maraming nag-eenroll ngayon dito.

"Rocket!" hiyaw ko saka kumaway. Pilit din akong tumitingkayad upang makita siya. Ang tatangkad naman kasi ng mga nasa unahan! Hindi ko tuloy makita nang maayos ang crush ko. "Rocket! Hi!"

Nahagip ng mata ko na huminto si Rocket sa pag-aayos ng lapel niya at luminga sa paligid. Narinig niya kaya ang boses ko? Pero nang muli akong makipagsiksikan ay nakatuon na siya sa mga kasama niya.

Nayamot ako nang may tumulak sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse at muling mapunta sa huli. Mabilis akong tumayo saka pinagpag ang pantalon. Napatingin ako sa katabing puno at makapal ang mukha na umakyat doon.

"Ang galing mong um-acting, Rocket!" malakas kong usal kaya naman nagawi ang atensyon ng lahat sa akin. "The best ka!"

Nasaksihan ko kung paano siyang matigilan at unti-unting nagtaas ng tingin sa akin. "Snow?" Hindi ko man narinig ngunit iyon ang nabasa ko sa pagbuka ng kaniyang bibig. "Anong ginagawa mo r'yan? Bumaba ka."

Malawak akong ngumiti at muling kumaway sa kaniya. "Dito lang ako!"

"Ang supportive naman ng kaibigan mo, pre!" rinig kong bigkas ng isa niyang kasamahang lalaki. "Bihira lang 'yong ganyan kaya 'wag mo nang pakawalan." Saka naghiyawan ang iba pa niyang kapwa aktor.

Habang ang mga babaeng fans niya sa ibaba ay nakangiwi at inirapan pa ako. 'Yong mga bakla naman ay nagbubulungan saka lilingon sa akin. Gusto nila ay sa kanila lamang si Rocket. Na para bang tinuturing nilang asawa ang crush ko.

Hindi ko naman sila pinipigilan dahil may karapatan din naman silang magkagusto kay Rocket. Pero 'wag naman sana nila akong kamuhian dahil lang sa ginawa ko. Gaya nga ng sabi kanina, kaibigan ako. Dahil kaibigan lang ang turing sa akin ni Rocket simula nang magkakilala kami.

Wala namang problema sa akin 'yon kasi base na rin sa mga nababasa at napapanood ko, mas okay raw na magsimula muna sa pagiging kaibigan. Na bumuo muna ng matatag na pundasyon.

Napaayos ako ng upo sa sanga ng puno nang bigla na lamang tumahimik at pumaibabaw ang malakas na palakpak ng isang babae. Kulay violet ang buhok niya at suot ang uniporme ng isang pribadong eskwelahan. Humawi pa nga ang mga estudyante para sa kaniya upang makalakad siya hanggang mapunta sa unahan malapit kay Rocket.

"Congratulations, Rocket," nakangiting sambit ng babae. "Nakaka-proud ka!"

Kusang nabura ang ngiti ko nang bumaba pa talaga si Rocket sa mini stage upang yakapin ang babaeng 'yon!

"Salamat, Gretel." Napakalinaw sa pandinig ko ang mga salitang binitawan niya. "Mabuti nakapunta ka."

Gretel...

Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon.

"Syempre. Malakas ka sa'kin, eh." Tinapik niya sa likod si Rocket saka sila kumalas sa isa't isa. Hindi pa siya nakuntento at pinasadahan pa niya ang kabuuan nito. "Gwapo, ah?"

Ngumingiti rin naman sa akin si Rocket pero ngayon ko lang nakita ang klase ng ngiti niya na ang ibig sabihin ay totoong masaya siya. Pinisil pa niya ang pisngi ni Gretel na akala ko ay sa akin niya lang ginagawa 'yon.

May... namamagitan ba sa kanila?

Napayuko na lamang ako hanggang matapos ang moment nilang dalawa. Winaglit ko na lang din sa isip 'yon nang magsimula na ang hinanda nilang dula.

Ang mga galaw ni Rocket ay pulido at malinis. Hindi ko alam kung saan niya natutunan ang mga stunt na pinapakita niya. Sobrang nakakamangha. Lalo na kapag sinasalita na niya ang mga linya na binabato niya sa ibang karakter. Punong-puno ng emosyon na talaga namang madadala ka sa bawat eksena.

Doon pa lang, alam kong malayo ang mararating niya sa buhay.

Alam kong magiging isang sikat ng aktor siya balang araw.

"Hoy!" tapik sa akin ni Bella. "Gano'n ba kalungkot ang pinakitang dula ng pinsan ko para maging ganyan kabagsak ang mukha mo?" Hindi na siya nakasunod sa akin kanina para manood dahil nakatulog siya. Ako pa nga ang gumising sa kaniya.

"Magaling siya," tipid ang ngiting usal ko. "Sobrang galing."

"Eh, bakit nga malungkot ka--" Hindi na niya natapos ang sinasabi nang luminga siya. "Ay, alam ko na."

Nagtaka naman ako at nilingon din ang tinitingnan niya. Magkasabay na naglalakad sina Rocket at Gretel habang masayang nagtatawanan.

"May naaamoy ako sa dalawang 'yan, eh," bulong ni Bella at inakay ako sa paglalakad. "Parang kakaiba."

Matagal bago ako nakapagsalita. "Kailan pa sila naging close?"

"Matagal na. Siya ang unang naging kaibigan ni Rocket. Meron pang isa tapos sumunod ka."

"Gaano katagal ang matagal na 'yon?"

"Magkababata sila, sis."

Napatango na lamang ako at muling nanahimik.

Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko. Okay lang naman sa akin na may iba siyang kaibigan dahil buhay niya 'yon. Mas okay nga na marami siyang kaibigan para maraming nagpapasaya sa kaniya at marami rin siyang masasandalan at matatakbuhan kapag may problema. Ayaw ko lang sa pakiramdam na parang ako 'yong kaibigan niya na walang silbi o ambag sa buhay niya. Ni ayaw nga yata ng mga tao na ako ang maging kaibigan niya.

Friendly lang kasi ako at medyo madaldal. Walang ibang espesyal sa akin. Hindi tulad ni Gretel. Maganda, mukhang matalino at nakakaangat sa buhay. Kayang-kaya niyang dalhin ang sarili.

"Ayos ka lang?" Napaigtad ako sa gulat nang tumabi sa akin si Rocket. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo."

"W-Wala... Ayos lang ako." Pilit akong ngumiti at luminga upang hanapin ang babaeng may violet na buhok. "N-Nasaan 'yong kasama mo?"

"Ah, si Gretel?" Ayon na naman ang ngiti niya. Ngiting wagi. "Umuwi na. Bibistahin pa niya kasi ang puntod ng lola niya."

"Ang ganda niya..." Bigla na lamang iyong kumawala sa bibig ko. Hanga ako sa ganda ng istruktura at hubog ng kaniyang mukha.

"Sabi nga rin nila," mahina niyang tawa. "Pwede mo rin siyang maging kaibigan."

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lang ako. Ayaw kong magdesisyon na ganito pa ang pakiramdam ko. Pero okay lang naman sa akin. At kung okay lang din si Gretel na maging kaibigan ako. Nakakaangat kasi sila sa laylayan kaya nahihiya rin ako bilang dukha na makihalubilo sa tulad nila.

"Bakit ka nga pala mag-isa?" Nangunot ang noo niya. "Nasaan si Bella? Bakit iniwan ka rito?"

"Nagpa-iwan talaga ko kasi pinatawag siya sa council. May meeting yata sila."

Mag-iisang oras na kong nakatambay dito sa canteen. Pero hindi ako bumibili dahil ang mamahal ng mga tinda nila. Nagluluto ako sa bahay na siyang binabaon ko na lang. Pati na rin kapag may sobrang kakanin sa madaling araw, kinukuha ko.

"Tara." Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko. "Pasyal tayo. Magbubukas na 'yong bakery booth. 'Di ba gusto mo 'yon?"

Naitikom ko ang bibig sa kilig. Hindi ko akalain na matatandaan niya ang hilig ko. Minsan ko lang kasi binanggit 'yon nang magkakwentuhan kami sa tabing dagat noong nakaraang buwan.

"O-Oo," tugon ko naman. "Wala ka na bang ibang gagawin sa teatro niyo?"

"Wala na." Ngumiti siya at muli akong hinatak. "Tara na, Snow."

Saktong pagtayo ko ay nahagip ng mata ko si Kuya Shadow sa labas na sobrang tulin ng takbo!

Umusbong ang kaba sa aking dibdib. "K-Kuya Shadow..."

Ganitong-ganito ang eksena noong una siyang sumali sa underground fight. At gaya nga ng inaasahan, sumunod ang mga kalalakihan na pawang hinahabol ang kuya ko.

Sa sobrang taranta ay nahatak ko rin si Rocket palabas ng eskwelahan. Sinigawan pa kami ng gwardya pero wala na siyang nagawa nang makalagpas kami at lumiko sa kabilang kanto.

"Shit!" singhal ni Rocket nang mapagtanto rin niya ang pangyayari.

Matulin siyang tumakbo na kayang-kaya kong sabayan. Kaya nagtagumpay kaming sundan si Kuya Shadow hanggang marating ang underground arena.

Akala ko mapipigilan ko ang mga lalaki ngunit napang-abot na sila ni Kuya Shadow sa loob ng ring!

"Kuya..." Akma na kong papasok din doon upang tulungan ang kapatid ko ngunit mas humigpit ang hawak ni Rocket sa braso ko.

"Nakapasok na sila, wala na tayong magagawa," aniya. "Ipanalangin na lang natin na manalo si Shadow."

Mabilis ko siyang nilingon dahil sa matinding gulat. "K-Kilala mo ang kapatid ko?"

"Matagal na." Ngumisi siya. "Matagal na kaming magkaibigan ni anino."

Ang awa ay napalitan ng inis para sa aking kapatid na ngayon ay nakahanda nang makipaglaban.

Bakit hindi mo sinabing magkaibigan kayo ng crush ko? Bakit ngayon ko lang nalaman?

Lumingon si Kuya Shadow sa aming gawi na tila kanina pa niya alam ang aming presensya. Saka siya kumindat sa akin na para bang sinasagot ang aking mga katanungan.

"'Wag kang mag-alala," bulong ni Rocket sa akin. "Mahigit sa siyam ang buhay ng aninong 'yan."

"Eh, ikaw? Ilan?" panghahamon ko.

"Dalawa lang."

"Isa para sa pamilya mo. 'Yong isa para kanino?" untag ko pa, sinusubukan ang kaniyang desisyon sa buhay.

Binitawan niya ang braso ko at tumitig sa aking mga mata. "Para sa'yo."

Napalunok ako ngunit kasabay nang pagtunog ng bell bilang hudyat ng pagsisimula ng bakbakan ay siya ring malakas niyang pagtawa.

"Joke lang."

🥀 

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

218K 5.8K 59
Every people have a hidden secret.. She's Clarity,the innocent lady and 'THE MYSTERIOUS PRINCESS' .
3.8K 165 30
| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. If two points are destined to touch, the...
1.3M 60.3K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...