Serving The Heir's Father

By Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... More

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Twenty- Eight

244 3 0
By Haaadeez

"Bakit ba hindi na lang ako ulit? Lakas umepal nung kurimaw na ‘yon." Nanginginig ang boses ni Blake habang nagsasalita. Sa kanilang tatlo, siya ang pinaka nakarami ng nainom.

Ngumisi naman si Geo, alam ko na ang binabalak nito. Iinisin na naman niya ang kaibigan niya. "Pre, ayos lang ‘yan. Baka kasi hindi kayo ang para sa isa't isa. Malay mo tayo pala talaga."

Napailing na lang ako, sabi ko na nga ba. Wala ka na talagang maasahan sa isang ‘to.

"Dati ka bang baliw?" Natatawa na lang talaga ako sa sagutan nila. Kanina pa ‘yan. Si Blake kasi ang nag aya ng inuman, baka magwala na naman kasi siya sa bar kaya rito na lang sa bahay pinatuloy ni Geo.

Tama, si Geo ang nagpapunta kay Blake rito, mas maiging dito daw sila mag inuman. Ang nobyo ko naman ay kanina pa nakasimangot, malamang ay hindi natutuwa sa mga ito.

"Hoy tanga neto, may kotse ako ‘no! Kaya kitang buhayin!" Sagot ni Geo, seryoso ang mukha niya at parang hindi nagbibiro.

Kumunot ang noo nung isa. "Ako pre, may sariling airline, isampal ko kaya sa mukha mo."

"‘Yan tayo e, binili ba naman ang buong airline para kay ano. Literal na all the things I did just so I could call you mine."

"At least ako minahal." Deretsong tinignan ni Blake si Geo.

Napakurap kurap si Geo at napahawak pa sa dibdib niya. Pigil na pigil naman ang tawa ko, ganoon din si Vince. "At least ako hindi pinagpalit sa architect."

"Fuck you, Geo!"

Tuluyan na nga akong natawa, natawa na rin si Vince na kanina pa walang imik.

Kumunot ang noo ni Geo at napatingin kay Vince. "Oh, andiyan ka pala?"

"This is my fucking house, lunatic." Umirap si Vince

"Ay grabe naman si uncle!"

Natatawang umalis naman ako sa gilid ni Vince at pumanhik sa kusina. Kukuha pa ako ng chips nila at beer. Paubos na rin kasi at kita ko namang wala pa silang balak tumigil.

"Babe, stop giving them foods." Sinamaan akp ng tingin ni Vince ngunit pinandilatan ko lang siya ng mata.

Ngumuso siya kaya ngumiti naman ako bago nagsalita. "Ano ka ba, Vince, mga kaibigan mo sila."

Tinanggap ni Geo ang hawak kong beer at chips. "‘Di ba? Nakakasakit ka na kasi Kleive!"

"Oh Lord, give me more patience."

Natatawa na lang ako habang nakikinig sa kanila.

Naaawa na natatawa ako kay Blake dahil naglalabas siya ng sama ng loob niya ngunit binabara lang siya ni Geo.

Ang boyfriend ko naman ay tila sumasakit na ang ulo at gusto na silang palabasin ng bahay namin.


Ilang minuto pa silang natahimik dahil nagkanya kanya na sila sa cellphone. Si Geo ay nakangiti habang nag-ce-cellphone. Si Blake naman ay nakakunot ang noo habang nagtitipa. Si Vince naman ay nakahawak sa bewang ko.

"Pauline!" Tawag sa akin ni Blake.

"Bakit?"

"See mo ’to, mas gwapo ako 'di ba?" Pinalapit niya ako at may pinatingin.

Tumayo ako at lunapit sa kaniya kahit na ayaw pa akong bitawan ni Vince.

Litrato ito ng apat na lalaki, ang gagwapo ngunit mukhang mga bata pa.

"Saan diyan?" Tanong ko naman habang inuusisa ang mga larawan.

"Itong naka white." Aniya ngunit parang hindi ko yon narinig.

May pumukaw sa atensyon ko. Maputing lalaki at mas matangkad siya sa iba. Biglang pumasok sa isip ko ang pangalan niya. "Sir Exton?" Bigkas ko, hindi ko alam saan nanggaling yon. Hindi ko siya kilala, pero bakit parang ang tagal ko siyang kilala?

"You know him?" Napatayo si Vince sa upuan niya.

May kumirot sa ulo ko pero kaya ko namang tiisin. "H-hindi, pero noong makita ko ang mukha niya ay sigurado ako sa pangalan niya. Exton siya, hindi ba?"

"Yeah, uhm..." Umiwas siya ng tingin.

"Baka makatulong siya sa akin, Vince." Napahawak ako sa kamay niya at mataman siyang tinitigan. "Baka kilala niya ako."

"I'll- we'll talk to him." Aniya at tinalikuran ako at bumalik sa inuupuan niya kanina.

"Pauline, hello?" Agaw ng atensyon sa akin ni Blake kaya sa kaniya ko naibaling ang tingin ko.

"Blake."

"Sino ngang mas pogi?" Parang batang lumingkis ito sa braso ko.

"Ikaw, ano ka ba, sino ba siya?" Tanong ko naman, hindi ko kilala kasi ang lalaking tonutukoy niya. Katabi niya si Exton.

"Si kurimaw." Diin niya,para siyang galit na galit sa taong yon, akala mo nga'y may lalabas na na usok sa butas ng ilong niya.















Ngayon sana kami makikipagkita kay Exton Ross. Buti nga ay napagbigyan kaming makausap siya, sabi ng secretary niya ay busy itong tao. Isa sa mga batang bilyonaryo kasi ito. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kaniya. Ngunit hindi ko alam kung bakita parang may galit si Vince sa kaniya.

Hindi ko alam kung sa akin lang ba pero simula kahapon ay parang tahimik lang si Vince.

Galing kaming trabaho, medyo hapon na rin dahil tambak ang trabaho.

"Daddy, look oh!" Salubong sa amin ni Xy. May hawak itong libro. "Bagong book po."

"Wow, who gave that you?" Agad na binuhat naman siya ni Vince. Ibinaba ko na ang hawak kong laptop bag sa side table at pinuntahan sila.

"Teacher Kisses, she gave me a lot of coloring book po. Ang pretty niya pa po." Napatingin ako kay Xy dahil humahagikhik pa siya habang nagkukwento sa daddy niya.

"My little boy has a crush already, hmm?" Ngumisi pa ang ama niya.

Aba, ang mag amang ito!

"Vince!" Masamang tingin ang iginawad ko sa kaniya. "Baby ko pa siya."

"It's just a crush, my Pauline." Hinuli niya pa ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay niya.

"Kung babae ang anak natin, sigurado akong hindi ganyan ang reaksyon mo." Konklusyon ko naman.

"Let's make a princess, then." Ngisi niya at hinalikan ako.

Nanlaki ang mga mata ko hinampas ang braso niya. "Shh! May bata, ikaw talaga!"


Sa ViTon Chains kami magkikita, isang sikat na restaurant dito sa Manila dahil dito nagpa appointment ng secretary ni Exton.

Maaga kaming nakarating pero nagulat ako nang mas nauna pa siya sa amin. Nakaupo na siya roon at nakaharap lang sa laptop niya. Mukhang busy pa nga siya.

"Alvarez..." Nang mamataan niya kami ay agad siyang tumayo. Kumunot ang noo niya nang makita ako. "Pauline?"

Kilala niya nga ako, ngumiti naman ako sa kaniya.

"We want to talk to you..." Hindi na niya binati si Exton ay deretsong umupo na sa harap nito. Napasunod na lang tuloy ako.

"Is it about Vienna?" Tanong kaagad ni Exton. Vienna? Kilala niya si Vienna? "How's Vien?" Dumaan ang lungkot sa mga mata nito habang nagtatanong.

"Hindi kami pumunta rito para sa kaniya, akala mo naman may pake ka talaga sa kaniya." Masama ang tingin at tono ni Vince sa pagsagot kaya napalingon ako sa kaniya. "I can't do this. Let's go."

Agad siyang tumayo ay hinuli ang kamay ko.

"Pero-" Nagpalipat lipat ang mata ko sa kanilang dalawa, naguguluhan.

"Let's go." Hindi na niya ako hinayaan pang magsalita at pinatayo na ako.

"Vince-" Sinubukan pa siyang pigilan ni Exton ngunit galit na tingin ang iginiwad niya rito.

"I am still mad at you, fucker!" Matigas na aniya at hinila ako palabas.

Lumingon ako kay Exton ngunit nakatingin lang ito sa baba.

Walang imikan kaming dalawa habang nagbabyahe pauwi.

Nang makarating kami sa garahe ay mabilis akong bumaba.

"Pauline." Habol niya sa akin ngunit dere-dretso lang ang lakad ko. Naiinis ako. "Baby, I'm so sorry."

Humawak ito sa pulsuhan ko kaya napatigil ako.

"Nandoon na tayo kanina." Mahinang saad ko, ayaw kong magalit pero kasi magtatanong lang kami. Kung ano man ang galit niya, hindi ba pwedeng isang tabi na lang muna niya? Hindi naman matatagalan ang pagtatanong ko.

"Yes but I can't talk to him." Umiwas siya nang tingin ngunit hindi pa rin bumibitaw.

"Bakit?" Tumingin ako sa mata niya. Hindi siya umimik kaya nagsalita na naman ako. "Nandoon na tayo, Vince. Magtatanong lang tayo, bakit umayaw ka?"

Napabuntong hininga siya at mukhang pagod pa. "Dahil galit ako sa kaniya. He abandoned Vienna."

Winaksi ko ang kamay kong hawak niya.

"Kakausapin lang natin siya, hindi naman 'to tungkol kay Vienna." Tumataas na ang boses ko sa inis. Hindi ko alam bakit sobra sobra ang inis ko. Dahil ba nabanggit niya sa Vienna? Ayoko mang isipin ‘to... "Bakit, siya pa rin ba, Vincent?"

Nanlaki ang mga mata niya at agad na hinawakan ulit ang kamay ko. "No-no, it's not like that."

"Magpahinga na tayo." Agad akong tumalikod sa kaniya.

Ayokong umiyak pero hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko, hanggang sa nanlabo na ang paningin ko dahil sa luha.

Ang sama ng loob ko. Ayaw kong magalit o magselos, pero hindi iyon ang gusto ng utak ko.

Alam kong mahal niya ako, ramdam ko 'yon, pero kasi kapag si Vienna na ang pinag uusapan ay iba na. Napakahalaga niya para kay Vince hindi dahil magkaibigan lang sila kundi dahil minsa'y minahal niya rin ito.

Ilang taon niya itong sinamahan noon sa Canada.

Mahal niya pa rin ba si Vienna? Si Vienna pa rin ba, Vince?

Tinuyo ko ang luha ko at tumungo sa kwarto ng anak ko, mahimbing na siyang natutulog. Nakaupo sa gilid niya ang personal nurse niya kaya nginitian ko ito, ngumiti naman siya pabalik at marahang lumabas ng kwarto ni Xy.

Masyado akong emosyonal, hindi dapat ako umiiyak sa ganitong bagay, alam kong nadadala lang ako ng emosyoñ ko.

Bumuntong hininga na lang ako pumikit na.

Nagising ako nang may humaplos sa mukha ko. Unti unti kong minulat ang mata ko.

Naamoy ko ang alak sa kaniya na humahalo na sa pabango niya. Napalunok ako sa nakikita ko, namumula ang pisngi niya at magulo na ang buhok. Kusot na rin ang suot niyang polo.

"I'm so sorry, baby. I'm sorry. Ikaw ang mahal ko, I promise you that. Wala kang kahati sa akin." Mapupungay ang mga mata niyang tumitig sa akin. "May pake ako kay Vien because she's a friend not because I love her. I got mad because of what he did to her." Hinuli niya ang kamay ko at ipinunta sa pisngi niya. "I'm really sorry, Pauline. I don't mean to hurt you, promise. I love you so much."

Hindi ako makapagsalita, masyado akong naiinis. Tinalikuran ko siya at naririnig ko pa ang mahihinang sorry niya ngunit hindi ko pinapansin hanggang sa makatulog na ako.


Continue Reading

You'll Also Like

293K 33.9K 85
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
4.8M 301K 108
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
3.7M 294K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
541K 25.7K 31
He's a blind mafia man, the heir who lost his eyesight. She's a kindhearted girl whose job is to take care of him. Will the two of them find their wa...