Illicit Affair

By cc_chase

22K 1.2K 941

a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when th... More

CHARACTERS AND WARNING
PROLOGUE
Chapter 1 - First Meet
Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)
Chapter 4 - Case 1 CLOSED
Chapter 5 - Her Offer
Chapter 6 - Regina's Sexuality
Chapter 7 - Amusement Park Date
Chapter 8 - Era Salvador
Chapter 9 - New Worker
Chapter 10 - Night Date
Chapter 11 - Private Island
Chapter 12 - Bar
Chapter 13 - Babaeng Ahas
Chapter 14 - The Event PH
Chapter 15 - N Seoul Tower
Chapter 16 - Going Home
Chapter 17 - Seaside
Chapter 18 - Sudden Confession
Chapter 19 - Mix Signal
Chapter 20 - Jealousy
Chapter 21 - Bite
Chapter 22 - First Time
Chapter 23 - Engagement Party For Who?
Chapter 24 - What's on your Back?
Chapter 25 - What If
Chapter 26 - Dream
Chapter 27 - Do You Like Me?
Chapter 28 - Beloved Regina
Chapter 29 - Architect
Chapter 30 - Beach
Chapter 31 - Drunk Regina
Chapter 32 - No
Chapter 33 - Kissing Valentina
Chapter 34 - Who are you?
Chapter 35 - Karaoke Night
Chapter 36 - Lost Necklace
Chapter 37 - Senior High Crush
Chapter 38 - The Last Fight
Chapter 39 - A mix of them
EPILOGUE
hello
Special Chapter

Chapter 2 - Darna's First Transformation

558 43 16
By cc_chase

First day ko na ngayon sa trabaho kaya inagahan ko yung gising para maaga na rin ako makapasok. 5 am palang ng umaga nang makarating ako sa station. Dalawa palang kaming nandito. Yung guard sa baba at ako. Hinanap ko yung desk na para sa'kin at nakita ko na yung desk na may pangalan ko. Nang makaupo na ako ay may biglang nagsalita sa likod ko.

"Oh Narda andito ka na pala? Ang aga mo naman."

"Ay kabayo!" Pagkagulat ko sa biglang nagsalita na may pahawak pa sa braso ko.

Paglingon ko ay si Regina lang pala.

"Huh? What do you mean? Do i look like a horse to you?" Mukhang na offend yata si Regina sa sinabi ko ah.

"Ah hindi! Expression lang 'yun! Sorry." Paghingi ko ng sorry na naka awkward na ngiti.

"Oh okay. It's fine." Sambit nya.

"So bakit nga ang aga mo?" Inulit nya ulit yung tanong nya sa'kin kanina.

"Eh Regina syempre first day ko 'to dapat talaga maaga ako." Sagot ko sakanya. "Ano 'yun first day ka lang maaga papasok?"

Nagbibiro ba sya? Tatawa ba ako?

"It was a joke." Pagkumpirma nya dahil natulala ako at baka nakakabasa rin sya ng isip.

"Ahh hehe. Sorry medyo slow ako dun." Pagbibiro ko pa sakanya.

"Did you ate breakfast already?" Tanong nya ulit sa'kin.

"Hindi pa po eh. Di ko na ginising si lola bago ako umalis." Sagot ko sakanya.

"Okay. Do you want to have a breakfast with me? Let's go out."

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya.

"Oh i mean let's go outside and find a restaurant na makakainan natin sa gantong oras." Akala ko naman kung ano.

Huminga ako ng malalim bago ako magsalita ulit at tumawa para hindi magmukhang awkward yung situation namin ngayon.

"Nako nakakahiya naman Regina. Malaking tulong na nga sa'kin at samin ng pamilya ko 'tong trabaho na 'to." Pagtanggi ko sakanya. Pagkatapos ko magsalita eh kumunot ang noo nya kasama ang kilay nya.

"You have your own family?" Tanong nya sa'kin habang nakakunot pa rin ang kilay at noo nya sa'kin.

"Yes." Sagot ko.

"Wait wait wait. Do you mean you have a husband and a child? Children rather?" Hala ito na nga ba sinasabi ko eh. Namisunderstood ako.

"No! Boyfriend nga wala ako eh asawa pa kaya?" Sabay tawa naming dalawa.

"Kahit girlfriend?" Dagdag nyang tanong.

"Ba't naman ako magkaka girlfriend? Straight ako." Honest kong sagot sakanya na parang kung pagbabasehan sa mukha nya ang nararamdaman nya ngayon ay parang hindi sya natuwa.

"Teka, ikaw ba? Straight ka b---" hindi ko natapos yung sasabihin ko nang putulin nya ang pagsasalita ko.

"Tara na Narda oo. Mag aalasais na oh at baka magsidatingan na rin yung mga early birdies." Baka nagiging pakialamera talaga ako sa part na 'to kaya ngumiti nalang ako sakanya at sumunod habang naglalakad sya sa harap ko.

Nakahanap kami ng 24/7 na restaurant at nagulat ako sa presyo dito.

Grabe 50 pesos para sa bottled water?

100 pesos for extra condiments? Baka ibayad ko pa dito kaluluwa ko pag napunta na ako sa dish section ng menu ah.

Ito na nga kinakatakutan ko.

Pag tingin ko sa kabilang page eh yung kare-kare nila 500 kapiranggot lang ata 'to wala pang kanin.

Yung kanin nila 50 pesos per scoop.

Yung pork steak nila dito 900 wala ring kanin.

"Narda? Are you okay?" Mukha ba akong okay Regina? Dinala mo ako dito alam mo namang wala akong pera.

Pero syempre di ko sasabihin 'yun baka matanggal pa ako sa trabaho.

"Yes ma'am ayos na ayos!" Pagsisinungaling ko sakanya kahit sa totoo lang eh namomroblema na ako pano ako magbabayad.

"Don't worry, i'll treat you because this is your first day of your work." Wow galante talaga si Regina ah.

"Nakakahiya naman ma'am." Kunwaring pagtanggi ko pa pero ang gusto ko lang talaga pilitin nya ako.

"Oh sige wag na. Ikaw na magbayad." Nako unexpected naman ng sagot nya sobrang baba ng pasensya ah.

"Joke lang! Ito naman di mabiro ito na nga pipili na oh. Kuyang waiter! Isa nga pong adobo na ginto tapos kanin na ginto rin isa. Bottled water na ginto rin kuya isa." Tumawa si Regina sa'kin habang sinasabi ko sa waiter yung order ko.

"Loko ka talaga Narda!" Sabi nya habang tumatawa sya kaya nakisali na rin ako sa pagtawa nya.

"Okay waiter, me naman i'll have the sinigang, one order of it and one rice ofcourse and a 2 bottled of water." Napaka sosyal nya namang magsabi ng order nya samantalang ako parang ewan eh.

Sana sinosyalan ko na rin pala yung pagsasalita ko and the way i deliver the words para di ako magmukhang walang pera talaga.

"Ma'am thank you nga po pala talaga ah. Una tinanggap nyo ako sa trabaho tapos ngayon sinama nyo pa ako dito."

"Ayan ka na naman sa ma'am mo. And besides, it's nothing. You deserved the work and all i'm asking for is don't disappoint me." Binabantaan nya ba ako or what? Nakaka intimidate.

"Ah yes Regina. I won't disappoint you. Pangako 'yan." Sambit ko at nginitian ko sya.

Maya-maya pa ay natapos na rin kaming kumain kaya bumalik na kami sa station. Pagbalik namin ay marami na ring nandon at binati si Regina.

Hindi maitatago sa mga mukha nila na nagulat silang magkasama kaming dalawa ni Regina.

Baka tuloy isipin nila sipsip na ako nito sakanya.

"Well Narda thank you for having a breakfast with me. If you need anything just go into my office, okay?"

"Yes Regina." Ngumiti sya sa'kin at naglakad papuntang office nya.

"Regina? Bakit Regina tawag nya at hindi ma'am? First day palang sipsip na masyado." Rinig kong pinagbubulungan ako nung tatlong babae sa likod ko pero syempre ayoko namang unang araw palang eh may kaaway na ako dito sa trabaho kaya di ko nalang pinansin at nagtrabaho nalang.

"Narda right?" Sabi nung nakasalamin na babae na nasa mid-age na siguro. "Yes ma'am." Sagot ko sakanya.

"Wala kasi yung secretary ni ma'am Regina. May sakit. Since first day mo palang naman at wala pa tayo masyado ginagawa dito eh pwede bang ikaw nalang muna ang maghatid nito kay ma'am?" Pakiusap nya sa'kin.

"Ha? Bakit po ako? Kayo nalang rin naman po nandyan eh." Sagot ko naman. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero maglalakad nalang sya papunta sa office ni Regina oh.

"Eh kasi si ma'am lagi kaming natatarayan at takot na rin kaming i-approach sya. Nakita ka namin na close ka kay ma'am kaya kung pwede ikaw nalang muna maghatid nito." Hindi na nya hinintay ang sagot ko at nilapag na nya sa desk ko yung papers na ibibigay kay ma'am.

Naglakad na ako papuntang office ni ma'am at sumakay ng elevator dahil nasa pinakataas yung office nya. Taas ng office nya eh rooftop na.

Paglabas ko ng elevator eh nakita ko na yung office ni Regina pero guarded.

"Ops teka lang. Anong gagawin mo sa loob?" Tanong nung bodyguard nya ata 'to.

"Ibibigay ko lang 'to kay Regina. Inutusan kasi ako kasi wala yung secretary nya may sakit."

"Oh sige na pasok." Binuksan nung bodyguard ni Regina yung pintuan kaya pumasok na ako. Nakita kong may bisita syang lalaki.

Boyfriend nya kaya?

"Oh Narda! What brings you here?" Tanong nya sa'kin.

"Sorry to interrupt po, pinapabigay po pala 'tong papers na 'to." Sambit ko habang binibigay ko sakanya yung papers.

"Thank you. By the way this is Noah Vallesteros, my friend." Ahhh friend naman pala Narda eh.

Tumingin sa'kin yung lalaki tsaka tumayo na parang nag panic tapos nakipag shakehands.

"Nice to meet you Miss?"

"Narda. Narda Custodio." Sabi ko habang nakikipag kamay ako sakanya. Ngumiti sya sa'kin at kung titignan sa mukha nya eh parang tumigil yung mundo nya.

"Well to cut you guys off, Narda can you please bring these papers down? I already signed this na kamo." Sambit ni Regina dahilan para maputol yung binibigay na tensyon ni Noah sa'kin.

"Thank you." I said mouthing it to her and nakita ko rin syang ngumiti.

Siguro napansin nyang awkward ako sa sitwasyon namin kanina ni Noah.

Nang nakapasok na ako sa elevator tsaka ko tinignan yung papers kung anong nakalagay dito para alam ko sasabihin ko sa pagbibigyan ko sa baba.

Pagbukas ko eh may naka drawing na smiling emoji tapos sa baba nung malaking drawing eh may nakasulat.

"Wag ka lalapit kay Noah. Engage na 'yan kay Xandra."

Galing talaga. Sabagay sa mukha palang eh halata nang cheater at playboy. Pero sino ba si Xandra? Kung sino man si Xandra eh goodluck sakanya dahil cheater at playboy ang fiancé nya.

Sa lagay ngayon eh mukhang wala naman akong ipapasa sa baba kaya tinago ko nalang yung papel sa bulsa ko.

Floor ko na yung next floor.

Pagbukas nung elevator eh nakita ko si Brian na naghihintay.

"Narda!" Sigaw nya bago sya pumasok ng elevator. Lumabas na ako ng elevator nung saktong pagpasok nya.

"Oh bakit lumabas ka? Maasim ba ako?" Pagbibirong tanong nya.

Pag ito sinagot ko ng oo baka mamatay 'to sa hiya.

"Floor ko na 'to. Dito ako nagtatrabaho." Kasabay ng pagsasalita ko eh ang pagsarado ng pinto ng elevator kaya hindi ko na rin naitanong kung anong pakay nya dito.

Magtatanong pa ba ako? Alam ko namang si Regina pakay nyan. Baka may irereport sya sakanya.

Pagpasok ko ng office namin eh biglang tumunog yung alarm. Nasunog raw yung hospital na pinapagawa ni Mayor at nandon rin si Mayor nadamay.

Agad kaming tumakbo sa mga sasakyan namin at maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa place kung saan nangyari yung aksidente.

Maaga pa pero marami nang trabaho. Okay lang pinili ko naman 'to eh ba't ako magrereklamo?

Isa isa namin silang nilabas sa loob ng ospital ng mabilis.

Yung iba ay nasugatan at malala yung injury habang yung iba naman eh nawalan ng malay.

Dumating na rin sila Brian pero hindi ko pa nakikitang dumating si Regina.

"Narda wag kang papasok sa loob. Dito ka lang. Kami na bahala maglabas sa mga nasa loob pa." Sabi nya.

"Pano naman ako mag s-stay dito sa labas habang alam kong may mga tao pa sa loob?" Galit kong tanong sakanya. "Basta. Dito ka nalang. Wag ka na makulit." Sagot nya sa'kin tsaka sya pumasok sa loob.

Alam ko na kung paano ako makakapasok sa loob na hindi nila ako nakikita.

Pag nakita nila ako makakadagdag pa ako at syempre ilalabas nila ako. Edi babagal pa yung operasyon.

Naglakad ako papunta sa likod para hanapin kung nasan yung entrance nito sa likod.

Nakita ko na yung entrance sa likod kaya pumasok ako.

Habang naglalakad ako at naghahanap ng mga survivor ay sumisigaw rin ako.

"May tao pa ba dito?! Sumagot kayo kung meron at ilalabas ko kayo!" Sigaw ko sakanila.

"Dito po! Meron po dito!" Narinig ko sa kabilang side ko kaya pinuntahan ko yun.

Nakita ko kaagad sila. Tatlo sila dito. Yung dalawa ay walang malay habang yung isa naman ang sumigaw sa'kin kanina. Paano ko sila ilalabas lahat ng isahan lang?

Narinig naming rumupok ang mga bato dahil ayon sa news na napanood ko kahapon, hindi pa sigurado kung safe ba talaga 'to gamitin.

Sigurado ako na yung mga nandito ngayon eh sinusubukan nila kung ayos ba yung structure nitong ospital.

Hindi ko napansin na may kahoy sa likuran nung lalaki.

Bumagsak yung kahoy sa ulo naming dalawa.

Nawalan ng malay yung lalaki habang ako naman ay hirap na hirap itayo yung kahoy dahil mabigat at malaki.

Habang binubuhat ko patayo yung kahoy ay may nakita akong umiilaw na nanggagaling sa pinasukan ko kanina.

Patay nalaman yata ni Brian na sumunod ako sa loob at baka flashlight nya 'to.

Pero mali ako...

Ang bato!

Lumapit sa'kin ng kusa yung bato at parang sinasabi na isubo at lunukin ko na sya.

Wala na rin akong choice ngayon kasi kahit na magulat ako eh kailangan ko munang iligtas ang mga taong nandito.

Sinubo at nilunok ko ang bato sabay sabing,

"Darna!"

Grabe naman 'tong suot ko kay Darna napaka revealing.

Pero wala akong magagawa ganito yung suot ni nanay eh.

Agad kong nilabas yung tatlo at ibinigay ko sila sa team ko.

Gulat na gulat yung mga katrabaho ko.

Nakilala kaya nila ako?

Bumalik ulit ako sa loob para makita kung meron pa bang mga tao pero wala na.

Hindi ko na rin nakita sila Brian baka lumabas na rin sila at siguro mabuti na rin yun at baka makilala pa nya ako.

Pumunta ako sa may tahimik at hindi masyadong malayo sa sunog para na rin mabilis akong makarating dun sa human form ko.

Teka paano ba ako babalik sa human form ko?

"Darna!" Hala patay na.

"Darna Darna!" Dalawang beses ko sinabi baka kasi ganon pero nagmukha lang akong tanga sa ginawa ko.

Subukan ko kaya pangalan ko?

"Narda!" Sa isang iglap ay bumalik na rin ako sa human form ko kaya tumakbo na ako papunta sa site kung san nasusunog at pagdating ko ay nandun na rin si Regina kausap si Brian.

"Where have you been Narda?" Tanong ni Regina. "Wala ma'am pumunta ako sa likod para tignan kung meron pang na stuck dun." Sagot ko.

"Diba sabi ko naman sa'yo wag kang papasok dun? Ang tigas talaga ng ulo mo. Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Brian.

"OA naman nito. Ayos lang ako ano ka ba? Tsaka hindi naman ako pumasok sa loob eh. Tinignan ko lang sa likod sa labas lang." Pagsisinungaling ko dahil maski si Brian ay hindi pwedeng malaman na ako si Darna.

"Sige na, there's a lot of people who needs our help at this very moment." Sabi ni Regina kaya bumalik na rin ako sa trabaho ko.

Dadalhin sila sa isang ospital na 10 minutes away lang naman mula dito kaya okay na rin.

Nag perform kami ng first aid at yung mga nawalan ng malay eh yun ang mga inuuna. Yung mga kritikal ang lagay.

Ang sumunod na inassist namin eh si Mayor Zaldy na.

"Tignan mo nga naman talaga. Ganto dapat nangyayari sa mga corrupt." Rinig kong sabi ni Regina kay mayor Zaldy na ngayon ay walang malay.

"Sige na dalhin nyo na rin 'yan sa ospital baka masisisi pa tayo dyan pag namatay 'yan." Galit na sabi ni Regina na parang natutuwa rin na naaksidente si Mayor.













To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

456K 17.4K 43
A story in which an ordinary fan sleeps with her rockstar idol. Question is ... Can she go back to her ordinary self after Glaiza De Castro rocked h...
78.2K 2.5K 82
"Kung hindi na pwede babalik ka pa ba? Maibabalik pa ba natin kung ano ang hindi natin naituloy noon? Kung hindi na, tama na, ayoko na." "Huli na, hi...
39.1K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
191K 6.7K 40
Glaiza is a play girl since her girlfriend left her in no reason. she's been desperated and drunk girl. until one day she met someone who revived he...