Maraming uri ang pagmamahal
Mayroong pansamantala at mayroon ring nagtatagal
Pero tama nga bang sabihin na ang pagmamahal ay sagabal sa pag aaral?
O sadyang may tao talagang hangal
Pagmamahal ay isang biyaya ng Maykapal
Ito ay Kanyang ipinagkaloob na bukal sa kanyang kalooban
Tayong lahat ay may karapatang magmahal
Kaaway man o kaibigan ay maaaring magmahalan