Illicit Affair

By cc_chase

22K 1.2K 941

a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when th... More

CHARACTERS AND WARNING
PROLOGUE
Chapter 2 - Darna's First Transformation
Chapter 3 - Case 1 (Renato Reyes)
Chapter 4 - Case 1 CLOSED
Chapter 5 - Her Offer
Chapter 6 - Regina's Sexuality
Chapter 7 - Amusement Park Date
Chapter 8 - Era Salvador
Chapter 9 - New Worker
Chapter 10 - Night Date
Chapter 11 - Private Island
Chapter 12 - Bar
Chapter 13 - Babaeng Ahas
Chapter 14 - The Event PH
Chapter 15 - N Seoul Tower
Chapter 16 - Going Home
Chapter 17 - Seaside
Chapter 18 - Sudden Confession
Chapter 19 - Mix Signal
Chapter 20 - Jealousy
Chapter 21 - Bite
Chapter 22 - First Time
Chapter 23 - Engagement Party For Who?
Chapter 24 - What's on your Back?
Chapter 25 - What If
Chapter 26 - Dream
Chapter 27 - Do You Like Me?
Chapter 28 - Beloved Regina
Chapter 29 - Architect
Chapter 30 - Beach
Chapter 31 - Drunk Regina
Chapter 32 - No
Chapter 33 - Kissing Valentina
Chapter 34 - Who are you?
Chapter 35 - Karaoke Night
Chapter 36 - Lost Necklace
Chapter 37 - Senior High Crush
Chapter 38 - The Last Fight
Chapter 39 - A mix of them
EPILOGUE
hello
Special Chapter

Chapter 1 - First Meet

1K 48 0
By cc_chase

Narda's POV




Kamamatay lang ng nanay ko dahil nabaril sya ng mga alien na 'yun. Problemado na rin ako dahil paano ko pagsasabayin ang pag-aaral ko at trabaho ko? Lalo na si Ding. Kailangan nyang makatapos. Nandito ako sa bundok ngayon kung saan kami nag p-practice ni nanay ng martial arts. Akala ko sinasanay nya lang ako para protektahan ang sarili ko pero hindi. Sinasanay nya ako dahil ako ang protektor ng bato. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko nang may makita akong isang babae na parang tatalon.

Agad naman akong umakyat dun para pigilan sya. "Miss! Halika dito! Mali 'yang ginagawa mo!" Sambit ko sakanya pagkatapos ko sya hilahin pabalik sa malawak na lupa. "What the hell are you even saying?! Tatalon? Ako? No!" Maarteng sabi nung babae.

"Eh akala ko kasi tatalon ka. Para ka kasing tatalon."

"Pano mo naman nasabing tatalon ako?"

"Mukha ka kasing problemado miss. Kung gusto mo ng kausap edi tayo nalang mag-usap dito pero wag kang tatalon. Wag mo sayangin buhay mo." Pangaral ko pa sakanya bago sya tumawa ng malakas. "Alam mo, napatawa mo'ko ngayon. I'm not gonna waste my life and jump here. Not my precious and expensive life. I'm just here to think and you're right, i do have a lot of problems." Sabi nya sa'kin habang unti-unting nawala ang mga ngiti nya sa mga labi nya.

"Teka how about you? Why are you here?" Tanong nya sa'kin pabalik.

"Dito kasi kami nagp-practice ng nanay ko bago sya mamatay. Si Leonor Custodio kilala mo ba sya?"

"Oo naman. Sya yung nag-alay ng buhay nya para dito sa Nueva Esperanza hindi ba?" Tumango ako sa sinabi nya ng malungkot.

"Hayaan mo, mula ngayon magkaibigan na tayo at nandito ako lagi para damayan ka. Wag kang mahihiya sa'kin magsabi ng problema mo ha?" Tumango muli ako sa sinabi nya nang bigla nyang hawakan ang isang kamay ko ng dalawa nyang kamay.

"You're not alone. I'm always here for you." Sambit nya sa'kin ng nakangiti. May tumawag sakanya at nang makita nya kung sinong tumatawag sakanya ay nagpaalam na kaagad sya sa'kin.

"I have to go. Thank you for the chitchat again...uhm what's your name again?" Tanong nya sa'kin kaya napatawa ako ng kaunti. "Narda. Narda Custodio."

"Ayan bagay naman pala sa'yo yung ngumingiti eh! Pero i hope we can see each other again soon. I have to leave now. Take care of yourself, Narda!" Sambit nya habang naglalakad sya papalayo sa'kin.

Maganda na nga sya, mabait pa, at mukha ring mayaman. Ano pa kayang kulang at problemado sya? Eh halos nasakanya na nga lahat.

Nang umalis sya ay umalis na rin ako dahil nasira na rin moment ko kanina sa kakaoverthink ko eh. Mabuti nalang siguro na makapagtapos si Ding kesa sa'kin. Malaki na ako at kaya ko na rin yung sarili ko. Si Ding marami pa akong pangarap para sakanya at ayokong masira ko 'yun. Ako nalang mag s-sacrifice para samin.







After 4 Years...









Nagpapalipas nalang ako ng araw ngayon. Alas kwatro na rin at dalawang oras nalang tapos na yung shift ko dito sa tindahan nang biglang pumasok yung may-ari. "Narda, pasensya ka na pero kailangan na kitang tanggalin dahil nalulugi na 'tong tindahan ko." Paagad na sabi ng may-ari ng tindahan sa'kin. "Ha? Teka po, paano naman ako? May pamilya pa po akong binubuhay boss. Kahit hanggang sa makahanap nalang ako ng bagong papasukan boss wag lang ngayon." Pagmamakaawa ko pa sakanya.

"Pasensya na Narda pero bago ka mag out ibibigay ko na yung huling sweldo mo. Siguro naman sapat na yun hanggang sa makahanap ka ng bagong trabaho 'noh?" Mukhang wala na nga talaga akong magagawa. Tumango nalang ako at naghintay uli hanggang sa mag ala-sais na at ibinigay nya na sa'kin ang sweldo ko.

Habang naglalakad ako sa may pilahan ng tricycle ay nakita ko ang poster na naghahanap ng trabahador sa EMT. Kasama dito ang picture ni Regina Vanguardia.

"Regina Vanguardia...'yan pala ang pangalan nya." Sambit ko nang makita ko ang itsura ng babaeng akala kong tatalon sa bangin 4 years ago.

"Mas mabuti siguro kung dito ako mag a-apply dahil mag n-nurse naman ako magiging training ko na rin 'to kung makakapag aral ako soon." Sambit ko. "Bukas na bukas pupunta na rin ako dito." Dagdag ko pang sabi sa sarili. Napagdesisyonan ko nalang rin na maglakad nalang pauwi dahil kailangan ko tipirin 'tong huling sweldo ko at baka hindi ako matanggap bukas sa EMT.

Mabuti na yung nagp-plano at nag-iingat.

"Lola? Ding? Nandito na po ako!" Sigaw ko sakanila pagpasok na pagpasok ko palang sa bahay namin. "Oh apo nakauwi ka na pala! Halikana dito at kumain ka na!" Agad ko namang nilapag ang bag ko sa sofa namin at naglakad papunta sa lamesa para kumain.

"Kamusta naman ang trabaho apo?" Tanong ni lola sa'kin. "Eh natanggal po ako la eh." Nagtinginan si Ding at lola at binalik nila ng sabay ang mga tingin nila sa'kin.

"Oh eh papano na 'yan?" Tanong ulit ni lola. "Hindi ko rin po alam la. Bukas na bukas mag a-apply na ho ako. At ito po pala yung huling sweldo ko. Kukuha lang ako ng konti para pamasahe ko bukas sa pag a-apply." Sagot ko kay lola. Hinawakan ni lola ang kamay ko at ngumiti saakin ng kalmado na parang sinasabing ayos lang 'to at malalagpasan rin namin.

Natapos na kaming kumain. Pumunta na agad ako sa kwarto ko at agad naman akong sinundan ni Ding.

"Ate." Tawag nya sa'kin. "Oh, ano 'yun Ding?" Tanong ko sakanya. "Kung gusto mo huminto nalang muna ako sa pag-aaral. Kaya ko naman habulin next year lahat."

"Ngayon ka pa ba hihinto, Ding? Andami na nating pinagdaanan oh. Lahat gagawin ko makapag tapos ka lang ng pag-aaral."

"Eh ate diba ikaw naman si Darna? What if pabayarin mo muna yung mga taong tutulungan mo. Buhay mo naman kapalit nun eh." Malokong suggestion nya. Nalaman nyang ako at si nanay ang darna nung nabaril si nanay sa harap nya at binato ko ang bato kay nanay.

Kasabay ng pagbato ko ng bato ay ang pagkawala ni nanay.

"Kalokohan mo talaga Ding! Tsaka kahit naman ganon wala naman dito sa'kin yung bato."

"Malay mo ate bumalik. Tsaka iba na panahon ngayon 'noh, pati super hero nagigipit na rin." Tinawanan ko nalang sya at kinuskos ko ang kamay ko sa buhok nya.

"Matulog ka na nga dun!" Sambit ko habang nakangiti sakanya. Lumabas sya ng kwarto ko na nakangiti rin.

Gumising ako ng maaga para naman mas malaki yung chance na matanggap ako dun. Isa pa, kahit kilala ko na si Regina eh 4 years ago na 'yun at isang beses lang rin 'yun. Baka nga hindi na ako naaalala nun eh.

"Lola aalis na po ako!" Paalam ko kay lola. "Oh teka lang apo baunin mo 'to at mag-ingat ka ha?" Sabi ni lola habang pinaplastik nya yung ibabaon ko at nilalagay sa bag ko. "Opo naman la! Ako pa ba?" Pagbibiro ko pa.

"Oh sya sige na umalis ka na at baka mahuli ka pa sa interview mo." Umalis na agad ako pagkasabi ni lola at hindi rin nagtagal, nakarating na rin ako sa building.

Pagpasok ko ay puno ng saya ang makikita sa mukha ko.

"Iha nakikita ko rito na hindi ka nakapag tapos ng highschool. Kailangan namin dito atleast highschool graduate lang." Sambit ng nag iinterview sa'kin.

"Eh ate marunong naman ho ako. Tinuruan ako ng nanay ko. Dito rin sya nagt-trabaho dati."

"Yun na nga iha, kahit nanay mo pa si Aling Leonor wala akong magagawa dun dahil policy namin 'yun."

"Sige na naman ate oh." Pagpupumilit ko. "Kailangan na kailangan ko kasi ng trabaho." Dagdag ko pa sakanya.

"Nako pasensya na talaga iha hindi talaga pwede." Pagtanggi ulit sa'kin ng babae.

Kinuha ko na ang resume ko sakanya at mga gamit ko. Tumayo na rin ako at tatalikod na sana ako nang may biglang tumawag sa'kin na pamilyar ang boses.

"Narda?"

Pagtingin ko ay si Regina.

"Ma'am goodmorning po!" Pagbati ng staff na babaeng nag interview sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito? Long time no see!" Pagbati nya sa'kin habang lumalapit sya at niyakap ako.

"Ah ma'am Regina mag a-apply po sana ako dito." Sagot ko sa tanong nya.

"Oh edi good! You're hired. You can start by tomorrow." Ang kanina'y halos di maipintang kalungkutan sa mukha ko ay napalitan ng abot ngiti na ngiti.

"Talaga po ma'am?!" Tanong ko sa masayang tono ng boses ko.

"Yes! And by the way, we're friends naman so don't call me ma'am. Regina nalang." Sabay nilabasan nya ako ng matamis nyang ngiti.

Niyakap ko sya ng masaya at nagpasalamat.

"Salamat ma'am--- este Regina! Malaking tulong 'to sa pamilya ko ngayon!" Pagpapasalamat kong muli sakanya.

"Sige na, umuwi ka na dahil starting tomorrow, marami ka nang gagawin dito at i'm warning you na busy lagi dito." Babala nya pa sa'kin.

"Okay lang trabaho naman eh." Sambit ko habang abot tenga pa rin ang ngiti ko.

Niyakap ko ulit sya for the last time at umalis na ng building. Paglabas na paglabas ko palang sa building ay nagtatatalon ako sa tuwa dahil hindi ako nahirapan sa paghahanap ng trabaho.

"Yes! Tanggap na ako agad!" Sabi ko sa sarili ko.

"Oh Narda anong ginagawa mo dito?" Pagtingin ko sa nagtatanong sa'kin ay nakita ko ang mukha ni Brian.

"Nag apply ako dito. Eh ikaw, ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya pabalik. "Ahhh. Nagtatrabaho rin ako dito kay Regina. Magpartners kami sa isang kaso." Sagot nya sa'kin.

Kababata ko si Brian. Parang di pa yata kami pinapanganak magkaibigan na kami eh.

"Sige na papasok na ako. Hihintayin mo pa ba ako para hatid kita pauwi o ikaw nalang?" Tanong nya ulit sa'kin.

"Ako nalang! Pumasok ka na dyan sa loob makakaabala pa ako." Sagot ko sakanya.

"Oh sige basta mag-ingat ka ha! Wag ka nang sasali sa gulo. Lapitin ka pa naman ng gulo." Pang-aasar nya pa sa'kin.

"Che! Dyan ka na nga!" Pakunwaring inis na sabi ko sakanya.

Pagtingin ko sa cellphone ko ay 10am na ng umaga. Ambilis ng oras.

Sabagay maraming applicant na naghihintay kanina. Mabuti nga't maaga ako pumunta dahil kung hindi baka inabot na ako ng hapon ngayon.

At baka hindi rin ako nakita ni Regina.

Teka napansin ko lang na parang may nagbago sakanya.

Yung kulay ng buhok nya at yung mga tingin sa mata nya.

Dati yung mata nya masaya pa tignan kahit problemado sya pero ngayon parang anlungkot lungkot na kahit ngumingiti sya.

Baka hanggang ngayon hindi pa rin nya nasusulusyonan yung problema nya dati?

Pero wala na siguro ako dun para makialam sa private life nya.

Pero ang hindi nagbago sakanya, yung ugali nyang mabait tsaka yung maganda nyang mukha.

Hayst ba't ko ba iniisip 'to?

Siguro dahil matagal na rin nang huli kaming nagkita.

Maya-maya pa ay nakarating na ako sa karinderya ni aling Rubi. Sakto namang nandon si Mara at kuya Pancho.

As usual, tambayan nila 'yun.

"Bes! Tanggap ako!!!" Paunang sabi ko kay Mara na kaibigan rin namin ni Brian simula bata.

"Omg bes! Congrats! Pa softdrinks ka naman dyan! Ehem!" Buraot talaga 'to si Mara parang softdrinks lang eh di pa nya mabilhan sarili nya.

"Aling Rubi dalawa ngang softdrinks para saming dalawa ni Mara!"

"Oh pano naman kami dito? Wala bang libre dyan?" Dagdag pa ni kuya Pancho.

"Oh sige kayo na rin! Bilangin mo nalang yung babayaran ko aling Rubi. Buraot kasi 'tong mga 'to eh!" Pang-aasar ko sakanila.

"Dyan talaga magaling 'yang mga 'yan. Mamburaot! Nako bumili bili naman kayo dito di puro tambay lang! Walang upuan mga customers ko oh!" Pabirong sabi ni Aling Rubi.

"Anong di bumibili?! Bumili palang kami ng lasang tubig mong adobo ah!" Pang-aasar pa ni Kuya Pancho kay aling Rubi.

"Anong lasang tubig?!" Inis na tanong ni Aling Rubi kay kuya Pancho habang nagtatawanan sila.

"Oh tama na 'yan wag na kayo mag-away. Magkakapikunan pa kayo." Pag-awat ko sakanila.

Binuksan naman ni Bes ang tv sa karinderya at nakita namin si Mayor.

"Mayor Zaldy, anong balak nyo po dito sa bagong tayo nating hospital? Bubuksan nyo na ba kaagad?" Tanong ng reporter kay mayor Zaldy.

"Oo naman! Pero bago natin buksan sa publiko, kailangan muna nating tignan at subukan kung matibay ang pagkakagawa nito para naman masiguro nating ligtas." Pagsagot ni Mayor Zaldy sa reporter.

"Nako ilang taon yang ospital na 'yan ginawa ngayon lang natapos." Komento ni kuya Pancho kay mayor Zaldy na sa tv namin pinapanood ngayon.

"Eh kung ikaw kaya gumawa ng ospital nang makita natin kung gaano kadali magtayo!" Sagot pa ni aling Rubi kay kuya Pancho habang inaabot nya samin ang softdrinks na binili ko kanina pa.

"Oh sya bago pa ulit kayo dalawa mag-away dito eh uuwi na ako." Pagbibiro ko sakanilang lahat habang nakangiti ako.

Umalis na ako ng karinderya at dumiretso na ako ng uwi.

"Lola! Nandito na po ako!" Salubong ko kay lola at agad ko syang niyakap dahilan para tumigil sya sa pagdidilig ng mga halaman nya.

"Oh lola magiging farm na 'tong bahay natin ah!" Pagbibiro ko kay lola.

"Hayaan mo na ako apo! Ayaw mo ba nun maganda tignan ang bahay dahil sa mga halaman ko?"

"Opo na po lola. Binibiro lang kita."

"Oh kamusta pala ang pag a-apply apo?" Tanong nya sa'kin.

"Tanggap ako la! Magsimula na raw po ako bukas!" Sambit ko sa masayang boses. Niyakap naman ako ni lola sa tuwa nya.

"Talaga apo?! Wow congrats! Dahil dyan, magluluto ako ng pancit! Pampahaba ng?"

"Buhay!"

"Buhay!"

Sabay naming binanggit ang buhay at pagkatapos ay parehas kaming tumawa.

"Oh sya apo, magpahinga ka na sa loob at alam kong pagod ka." Sambit pa ni lola.

"Sige po lola. Pakigising nalang po ako bago mag uwian sila Ding para masundo ko sya mamaya." Sabi ko kay lola at tumango sya.

Pumasok na ako ng kwarto ko at tinanggal ang sapatos at humiga na rin tsaka ko pinikit ang mga mata ko.

"Apo! Gising na! Mag-uuwian na sila Ding!" Gising ni lola sa'kin.

"Opo la!" Sagot ko sakanya at pagkatapos ay bumangon na ako.

Nag-unat lang ako saglit at di na rin ako nagbihis. Inayos ko lang yung damit ko dahil yung damit ko kanina yun pa rin naman.

Umalis na ako ng bahay para sunduin si Ding.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko nang may biglang sumigaw.

"TULONG! TULONG MAGNANAKAW!" Sigaw ng ale.

Agad naman akong tumingin sa direksyon nila kaya nakita ko yung nagnakaw na lalaki na tumatakbo.

"Hoy! Tigil!" Sigaw ko sa lalaki at hinabol ko sya.

Lumiko yung lalaki sa kanan kaya lumiko rin ako dun hanggang sa nadapa yung lalaki at naabutan ko.

Yung mga tao parang walang nakita para pigilan yung lalaki eh.

Imbis na pigilan eh tinititigan lang.

Nang madapa yung lalaki ay agad ko syang hinawakan sa tshirt nya pero bigla nya akong tinulak.

Tatakbo pa sana sya nang bigla ko syang sinipa.

Binugbog ko sya hanggang sa naging mahina na sya at di na makakatakbo tsaka ko tinawagan si Brian.

"Brian! Pumunta ka dito malapit sa school ni Ding! May nahuli akong magnanakaw." Sambit ko.

"Sige papunta na! Wag kang aalis dyan ha." Nang matapos sya magsalita ay inend ko na agad yung call.

"Ano ha? Magnanakaw ka pa ah!" Sambit ko pa sa lalaki.

Di kalaunan eh dumating na ang may-ari ng bag na ninakaw nya at pinaghahampas nya ito ng bag.

"Hayop ka! Magnanakaw! Anlaki laki ng katawan mo di ka makapagtrabaho ng maayos!" Galit na sabi ng ale.

"Tama na po. Tumawag na ho ako ng pulis."

"Salamat iha ah. Malaking tulong 'to sa'kin lalo na't may malaki akong pera dito. Ito bibigyan kita ng pasasalamat." Ibig sabihin ba nya eh bibigyan nya ako ng pera?

Agad syang dumukot ng dalawang libo sa pitaka nya pero tumanggi ako.

"Wag na po. Tinulungan ko po kayo para mabalik sainyo 'yan di para kunin ko rin." Sagot ko pa sakanya.

"Sigurado ka ba iha? Nako salamat ah. Napaka bait mo." Sambit pa ng ale habang binabalik na nya sa pitaka nya ang dalawang libo.

Dumating na rin sila Brian di nagtagal at nakita yung lalaki na inaapakan ko sa lupa para hindi makatakbo.

"Narda." Tawag nya sa'kin. "Brian." Sagot ko sakanya.

"Oh ito yung magnanakaw. Kayo na bahala dyan ah!" Sambit ko kay Brian.

Pinatayo ni Brian at nung kasama nya yung lalaki at pinosasan yung magnanakaw.

"Alam mo ikaw lapitin ka talaga ng gulo, 'noh?" Pagbibiro nya pa.

"Hindi ako lapitin. Sadyang tumutulong lang ako." Sagot ko pa sakanya.

"Ba't ba kasi nasa labas ka pa? Kanina ka pa umuwi diba? Alas dose na oh."

"Ha? Alas dose na?! Nako patay, si Ding!" Nagmadali ako at tumakbo na mula sa exit ng school ni Ding at iniwan si Brian dun.

Sya na bahala dun malaki na sya.

Nag-antay ako hanggang ala-una dito sa exit ng school pero hindi lumabas si Ding.

Napagdesisyonan ko nalang na umuwi dahil baka nakauwi na rin 'yun ngayon.

Pag-uwi ko ay di nga ako nagkakamali at nakauwi na rin sya.

"Oh apo akala ko ba susunduin mo si Ding?" Tanong ng Lola. "Eh la napasabak ako kanina eh may magnanakaw. Hanggang ala una ako nag hintay sa labas ng school nila Ding." Sagot ko sa taning ni Lola.

"Ah ganon ba? Eh nakauwi na kanina pa si Ding dito." Sambit ni Lola.

"Paalis na ulit ako ate eh. Tapos na ako sa homeworks ko kaya magcocomputer na ko." Sagot ni Ding sa'kin.

"Oh sige basta wag ka magpapagabi ha! Delikado na ngayon." Pagpapaalala at babala ko kay Ding.

"Oo naman ate." Sagot nya at umalis na ng bahay.

"Eh apo, nung nakipaglaban ka ba eh bumalik na yung bato?" Tanong ni lola sa'kin.

"La hindi na babalik 'yun. Wala na 'yun eh. Nawala kasama ni nanay." Sagot ko pa sakanya.

"Wala lang nagbabakasakali lang."

"At isa pa la kahit bumalik 'yun eh hinding-hindi ko lulunukin 'yun dahil 'yun ang dahilan kung ba't namatay si nanay." Dagdag ko pa sakanya kaya tumango nalang si lola sa'kin.

Kung bumalik rin yung bato siguro ibibigay ko nalang sa ibang mas deserving pa kesa sa'kin.

Yung matapang at kayang harapin yung panganib.












To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

456K 17.4K 43
A story in which an ordinary fan sleeps with her rockstar idol. Question is ... Can she go back to her ordinary self after Glaiza De Castro rocked h...
105K 1.7K 56
Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niy...
318K 11.3K 65
Here we are, you tell me I'm the only one who makes you feel loved. I realized, when you touch me its like nothing I have known, could I let you go?
246K 8.2K 52
anong ggawin mo kung yung taong mahal na mahal mo eh nakalimutan ka ng dahil sa isang insedente... tuluyan mo na ba siyang kakalimutan? oh mas pipil...