The CEO's Temporary Bride

By AnjSmykynyze

245K 10.4K 1.5K

When Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has... More

Chapter 1 : The Perfect Dare
Chapter 2: Wrong Turn
Chapter 3: She's Crushed
Chapter 4 - Securing Permit
Chapter 5 - First Day
Chapter 6 - Gift Giving Spree
Chapter 7 - Making Amendments
Chapter 8 - Erochlophobia
Chapter 9 - Rules of Engagement
Chapter 10 - The Unfolding
Chapter 11 - Dark and Twisty
Chapter 12 - Officially His
Chapter 13 - Say You Won't Let Go
Chapter 14 - Supply and Demand
Chapter 15 - What are the Odds?
Chapter 16 - Put on a Happy Face
Chapter 17 - One Sunny Day
Chapter 18 - History Repeats Itself
Chapter 19 - Hot Stuff
Chapter 20 - Butterfly Kisses
Chapter 21- A Needed Distraction
Chapter 22 - Dark Desires
Chapter 23 - University Ball
Chapter 24 - The Payment
Chapter 25 - Drown the Lie
Chapter 26 - Pop the Question
Chapter 27 - The Time Has Come
Chapter 29 - The Hard Bargain
Chapter 30 - Do I?
Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced
Chapter 32 - Unlucky Fate
Chapter 33 - Ready? Game!
Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!
Chapter 35 - His Bed Warmer
Chapter 36 - Her Vow
Chapter 37 - His Hatred
Chapter 38 - Broken Inside
Chapter 39 - Holding On
Chapter 40 - London Lovelorn
***
Chapter 41 - Clashes and Concealment

Chapter 28 - Sealed Fate

4K 185 18
By AnjSmykynyze


Bumuntong hininga muna si Tamara bago pumasok sa sasakyan. Ngayong gabi pag-uusapan ang tungkol sa magiging kasal nila ni Evo at mismong si Ellena ang nagpatawag ng pagtitipon. Ngunit hindi maiwasan ni Tamara ang mag-alala dahil hindi katulad ng mga nagdaang okasyon, wala siyang balita tungkol sa anumang balak ni Evo para sa pagtitipong ito.

Kanina pa niya hinihintay ang tawag ng binata ngunit tila wala itong pakialam tungkol sa gaganaping pagtitipon. Kung noon ay umaga pa lang, pinaalalahanan na siya ni Chad tungkol sa oras kung kailan siya susunduin para sukatin ang suoting damit na napili ni Evo, ngayon ay siya na mismo ang tumawag.

"Chad?" bungad niya nang sagutin ni Chad ang kanyang tawag, saka siya nagpatuloy, "anong oras ako susunduin?"

"May pinapa-asikaso pa si Mr. McTavish sa akin," sagot ni Chad, "sumabay ka na lang sa mga magulang mo. Doon na daw kayo magkita sa bahay ng lola niya."

"Ah okay," tumango si Tamara saka nagtatakang ibinaba ang kanyang cellphone.

"Ano kaya ang nasa isip ngayon ni Evo?" tanong niya sarili, "Bakit parang wala siyang pakialam sa kung ano ang gaganapin ngayong gabi?"

Nagkibit balikat si Tamara saka pumunta sa kanyang closet para mamili ng damit na susuotin. Marami-rami na ring damit ang naibigay sa kanya ni Evo at madalas ay isang beses lang niyang nasuot. Napangiti siya dahil sa pagkakataong ito, dadalo siya sa pagtitipon ayun sa istilo na gusto niya.

Pero kumunot ang noo niya nang tignan ang sarili sa salamin, "hindi kaya nakita na niya si Shawn kaya parang wala na siyang pakialam?"

Nakaramdam siya ng lungkot dahil sa inisip. Kung sakaling nakita n ani Evo si Shawn, ang ibig sabihin nito, tapos na ang papel na ginagampanan niya sa buhay ni Evo. She will be free from being his temporary bride. Ang problema, unti-unti na siyang nasanay na kasama si Evo. Mamimiss din kaya siya ni Evo kapag wala na siya?

"Nak, okay ka lang?" tanong ni Tina habang nilapitan siya.

She gave her the fake smile that she mastered since she met Evo, "okay lang, mommy; pero pwede bang sumabay na lang ako sa inyo? Busy kasi si Evo kaya hindi raw niya ako masundo."

"Ah 'yan ba?" napangiti si Tina, "ikaw talaga, siyempre okay lang. Saka huwag ka nang magtampo sa boyfriend mo. Alalahanin mo, CEO ng kumpanya ang magiging asawa mo, ibig sabihin, marami siyang inaatupag sa kumpanya."

"Hindi naman ako nagtampo," napayuko si Tamara, "ngayon lang kasi ito nangyari."

Bumuntong hininga si Tina saka mahinang tinapik ang likod ni Tamara saka sinabing, "tulad ng sinabi ko kanina, CEO ng isang malaking kumpanya ang boyfriend mo kaya dapat habaan mo ang pasensya mo."

Tumango lamang si Tamara ngunit sumabat ang kanyang ama at sinabing, "Pinili mong tanggapin ang proposal ni Evo kaya kailangan mo itong panindigan."

Hindi na kumibo si Tamara saka kinausap ang sarili, "Get yourself together, Tamara. Matatapos din ang lahat na ito. Mahahanap din ni Evo si Shawn at pagnangyari 'yun, makakawala ka na sa kasunduang naglagay sa'yo sa sitwasyong ito."

___________________________

Nasa kalagitnaan ng meeting sina Evo at Chad nang biglang tumunog ang cellphone ni Chad. Tinignan ito ni Chad saka ipinakita kay Evo kung sino ang tumawag.

"Gawin mo ang balak natin," matabang na saad ni Evo.

Bumuntong hininga si Chad saka sinagot ang tawag ni Tamara, "Chad, anong oras ako susundiin?"

Bahagyang tumingin muna si Chad kay Evo at nang tumango ito, alam niyang hindi niya dapat ito susuwayin. Ngunit hindi niya maiwasang maawa kay Tamara, dahil sa lahat na naging babae ni Evo, si Tamara lang ang naging malapit sa kanya. Maliban nito, dalawang tao din ang nag-uutos na alagaan si Tamara. Isa doon si Evo at ang pangalawa ay si Ellena.

"May pinapa-asikaso pa si Mr. McTavish sa akin," sagot ni Chad kay Tamara, "sumabay ka na lang sa mga magulang mo. Doon na daw kayo magkita sa bahay ng lola niya."

Evo gave him a satisfying smile.

"Sigurado ka na ba dito?" tanong ni Chad habang inabot kay Evo ang papeles na pinapaasikaso sa kanya.

"This is the only way she can repay her debt from me," ma-awtoridad na sagot ni Evo.

"Hindi kaya sumubra ang isiningil mo?" tanong ni Chad.

"For what she did and for how much her father took from my company, this payment is not even enough," tiim bagang saad ni Evo.

"Paano kung mahulog ang loob niya sa'yo?" tanong ni Chad.

"That is part of the plan," ngiting saad ni Evo saka pumihit upang humarap sa glass window, "sisiguraduhin kong mahuhulog siya sa akin at pagkatapos iiwanan ko siya. I will make sure that she will feel the pain that I felt when Shawn decided to leave me."

"Pero sisirain mo ang buhay niya," pag-aalalang saad ni Chad.

"Sinira din niya ang buhay ko," galit na hinarap ni Evo si Chad pero agad naman siyang kumalma nang sabihin niyang, "besides, she has been warned, kaya kung hahayaan niya ang kanyang sarili na mahalin ako, wala na akong pananagutan niyan."

"Paano kung ikaw ang mahulog sa kanya?" tanong ni Chad.

"That will never happen!" bahagyang tumaas ang boses ni Evo, "I will never love a woman who caused me my miseries."

Malungkot na tumango si Chad saka sinabing, "mag-ingat ka dahil baka kainin mo ang sinabi mo."

Hindi na hinintay ni Chad na sumagot si Evo dahil agad din siyang nagpaalam, "kailangan ko pang ihanda ang lahat para mamaya. Wala ka na bang ibang nais na ipagawa?"

"Just make sure everything will fall into their rightful places," saad ni Evo.

Tango lang ang isinagot ni Chad saka ito pumihit.

___________________________

Masayang sinalubong ni Ellena ang kanyang mga panauhin at agad na giniya ang lahat sa dining area kung saan niya pinahanda ang hapunan.

Mga magulang ni Tamara, si Tamara, mga magulang ni Evo at si Evo ang inaasahan niyang darating. Unang dumating si William saka sumunod sina Darius, Tina at Tamara. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si Eva. Nagkamustahan muna ang lahat habang hinihintay ang pagdating ni Evo.

"Kumusta ang pag-aaral mo, hija?" tanong ni Ellena kay Tamara.

"Tinatapos ko na lang ang thesis ko," sagot ni Tamara.

"'Yan na lang ba ang kulang mo?" tanong ni Eva.

"Oo," malimit na sagot ni Tamara.

"That's good!" masayang saad ni Eva saka sinabing, "that means we can include your honeymoon in our discussion tonight."

Napaubo si Darius habang agad namang inabutan siya ng tubig ni Tina.

"I am sorry if you think I am rushing things," pagpapaumanhin ni Eva, "nandito rin naman tayo para pag-usapan ang paghahanda sa kasal ng mga anak natin, isali na lang din natin ang kanilang honeymoon. Besides, I plan to give that to them as my wedding gift."

"Naiintindihan namin, ma'am," sagot ni Tina pero agad na sumabat si Eva.

"Eva na lang ang itawag mo," ngiting saad ni Eva.

"Okay, Eva," panimula ni Tina, "sa tingin ko ay dapat sina Tamara at Evo ang mag-usap tungkol sa bagay na 'yan."

Ngumiti si Eva saka sinabing, "hindi na mga inosente ang mga anak natin. For all we know, baka nga nauna na ang first night nila kaysa proposal ni Evo."

Sa pagkakataong ito, si Tamara naman ang napaubo. Marahil ay dahil minsang naabutan ni Eva na magkatabi sila ni Evo na natutulog kaya naisip nito na may nangyari na sa kanila ni Evo. She can't blame her. Marami nang naikama si Evo kaya kung totoo siyang girlfriend, hindi malayong naikama na rin siya ni Evo.

"Anyway, going back to your thesis," pag-iiba ng paksa ni William, "how far are you with your paper?"

"Actually, naghihintay na lang ako ng schedule para sa final defense," sagot ni Tamara.

"That's good," sabat ni Evo na kararating lang, "pwede kong tawagan ang dean para maipaschedule agad ang oral defense mo."

"Evo, nieto," sinalubong ni Ellena si Evo.

"Abuela," pagbati ni Evo bago niya hinalikan sa pisngi ang lola.

"Bakit ka na-late? Saan ka ba galing?" tanong ni Eva.

"I just dropped had to take care of a very important matter," sagot ni Evo.

"Hmm? Important matter? Mas importante ba 'yan kaysa kay Tamara?" tanong ni Ellena.

"Honestly?" bahagyang huminto sa pagsasalita si Evo saka tumingin kay Tamara.

Kinabahan si Tamara nang tignan siya ni Evo.

"Nakita na ba niya si Shawn? Sasabihin niya na ba ang totoo na nagpapanggap lang kami? Ano ba talaga ang nasa isip ni Evo?" sunod-sunod na tanong ni Tamara sa sarili.

Naramdaman niya ang lungkot ngunit agad niyang pinaalalahanan ang sarili, "Stop it, Tamara! Ito naman ang gusto mo, 'di ba?"

"Evo, what do you mean?" tanong ni William.

Bumuntong hininga si Evo saka inabot ang folder kay Tamara sabay sabing, "mula noong sumang-ayun ka sa proposal ko, hindi pa natin naisagawa ang isang mahalang bagay kaya dumaan ako sa civil registry para i-proseso ang license to marry natin. Kailangan ko lang ang pirma mo at ng mga magulang mo."

"Wow! That's great, Evo," masayang saad ni Ellena habang inaabangan ng lahat ang pagtanggap ni Tamara sa dokyumento para pirmahan.

Kinakabahang ngumiti si Tamara bilang sagot sa makabulohang titig ni Evo sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang takbo ng utak ni Evo pero sa tingin niya, isa ito sa mga paraan ni Evo upang mapabagal ang proseso ng kanilang pagpapakasal.

"Delaying tactics lang 'to ni Evo. He is doing this para hindi na siya kulitin ng lola't mga magulang niya," pinapakampante ni Tamara ang sarili.

Tinanggap ni Tamara ang brown envelope saka nilabas ang dokyumento. Kahit kailan ay hindi pa siya nakakita ng "Marriage License Application Form" kaya hindi niya mawari kung peke ba o totoong dokyumento ang hawak niya.

Agad na inabot ni Chad ang signpen kaya agad niya itong tinanggap saka pinirmahan.

"Mahal ni Evo si Shawn kaya impossibleng totoong dokyumento itong pinirmahan ko," sa isip ni Tamara ngunit nakaramdam siya ng kaba pagkatapos siyang pumirma. Ito ay dahil nakita niya ang matagumpay na ngiti ni Evo.

"So, kailan niyo balak magpakasal?" masayang tanong ni Darius.

"Chad will process the paper, first thing in the morning. Kapag ma-okay na, bukas ng hapon gaganapin ang kasal," sagot ni Evo.

"Seryoso?" si Tina.

"Agad-agad?" si Darius.

"Really" si Ellena.

"True?" si Eva.

"That's great!" si William.

Silang lahat ay may kanya-kanyang reaksyon maliban lang kay Tamara na agad na napalingon kay Evo saka tinapunan ito ng mga nagtatanong na tingin.

"H-hindi ba dapat paghandaan natin ang kasal?" tanong ni Tamara kaya agad ding tumingin ang lahat kay Evo.

"I arranged a simple, intimate wedding tomorrow. Saka na natin isusunod ang engrandeng kasal," sagot ni Evo saka hinapit ang baywang ni Tamara at nagpatuloy, "I just want to marry you right away."

Napalunok si Tamara saka tumingin sa mga matatanda habang umaasang kahit isa sa kanila ay tututol sa gusto ni Evo. Pero nabigo siya dahil lahat sila ay masaya sa desisyon ni Evo.

"Don't worry, Evo," saad ni Eva, "sa tingin ko may kakilala akong pwede nating pakiusapan upang makuha mo kaagad ang lisensya bukas."

"Naku, masayang usapan ito," natutuwang saad ni Ellena, "tara punta muna tayo sa hapagkainan at doon natin pag-usapan ang mga detalye para sa mga nais gawin ni Evo."

__________________________________

Nakapalibot ang lahat sa mesa habang hinihintay nila na matapos ang mga katulong ni Ellena sa paghahanda ng hapagkainan.

Ramdam ni Tamara ang malakas na tibok ng kanyang puso habang parang katabi niya ang kanyang mga magulang.

"Naiintindihan ko na nagulat kayo sa naging desisyon ni Evo," panimula ni Eva nang makaalis na ang mga katulong, "my son had a traumatic experience about long-range planning of weddings. Pero, huwag kayong mag-alala. Tulad ng sinabi ni Evo, sini-secure niya lang ang legal papers sa kasal pero ipagkakaloob pa rin niya ang isang magarang kasal para kay Tamara."

"Hindi naman sa gusto ko ng magarang kasal para sa anak ko," saad ni Tina, "nalungkot lang ako dahil akala ko magkakaroon pa ako ng mahabang oras na makasama siya."

"Hindi naman mawawala si Tamara, Tina," saad ni Ellena, "she is just getting married, pero pwede mo siyang makita kahit kailan mo gusto."

"Oo nga," mangiyak-ngiyak na inabot ni Tina ang kamay ng anak saka sinabing, "'di bale, pwede ko pang lasapin ang makasama namin siya ngayong gabi."

"Ahm, about that," sabat ni Evo, "I prefer to take her to my mansion para mapaghandaan namin ang magiging kasal namin bukas."

"H-huh?" tila parehong hindi makapagsalita sina Tina at Tamara pero hindi na hinintay ni Evo na tututol ang mag-ina kaya agad siyang nagsalita.

"I can allow Tamara to stay with you for a week after the wedding. I just want to make sure that my bride is fine once our license to marry is finalized tomorrow," saad ni Evo saka pilyong dinagdag ang, "besides, I want to make sure that my bride will not runaway from me this time."

"Hindi lalayo si Tamara, Evo. I assure that to you," sabat ni Darius.

"I know that," inabot ni Evo ang malayang kamay ni Tamara dahil hinahawakan pa ng ina ni Tamara ang kabila.

"But I still don't want to gamble things. Tamara's staying with me tonight since the wedding will be set at the garden in my house," pagpapatuloy ni Evo.

"Hayaan na natin sila, Darius at Tina," ma-awtoridad na saad ni Ellena saka nagpatuloy, "magiging isang pamilya na tayo mula ngayon. Kaya dapat, supportahan natin ang kanilang mga desisyon."

Tahimik lang na kumain si Tamara. She was still in shock. Hindi niya alam kung paano humantong sa totoong kasalan ang pagpapanggap niya bilang fiance ni Evo. Ano ang nangyari? Bakit naging ganito ang sitwasyon nila? Ang buong akala niya ay isa lang siyang temporary bride, bakit parang totoong ikakasal na sila bukas?

"Siguro pekeng kasal ang gaganapin bukas," sa isip ni Tamara saka nagpatuloy, "tama! Isang pekeng kasal lang ang magaganap bukas," pangungumbinsi ni Tamara sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

171K 2.1K 17
(Soon to be publish) Stanly and Eliza story My Amnesia Wife Isang masugid na manliligaw si Stanly--- makulit ang binata at persistent, hindi talaga...
8.2K 1K 27
A single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single th...
4.3K 252 53
(short chapter.) Business or love? Alin ang mas uunahin mo? Ang pagmamahal ba o ang business? Lia Cassandra Nicolette M.Gomez a party girl met a b...
144K 983 5
SAMPLE ONLY Si Kristoff Santiago ay hindi basta-bastang lalaki. Sobrang guwapo niya at nag-uumapaw ang kanyang karisma at talas ng pag-iisip. Bawat b...