Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

741K 28.3K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 24

10.3K 550 241
By LadyAva16

I wanted to cry but I felt like I've spent it all. Wala na akong mailuluha pa. Tulala lang ako, hindi alam kung anong tamang gawin. Kagigising ko lang, ang huli kong maalala ay nawalan ako ng malay pagkatapos ng komprontasyon namin ni Gaston. Hindi ko na alam kung sino ang nagdala sa akin dito. 

Nakaupo na ako ngayon sa kama nakatingin sa labas ng pintuan. Nakikinig sa mga taong nagsisigawan pero wala akong maramdaman, ayaw magproseso ng utak ko. 

"For fucksake! I just want see my wife, Marfori. Tang-ina! Asawa ko ang andyan sa loob bakit ayaw mo akong papasukin?" Dinig ko ang nagwawalang boses ni Gaston mula sa labas ng silid.

"I can't allow you to come inside in that state. You're bleeding. Mauubusan ka ng dugo kung hindi ka magpapagamot."

"I don't care! I need to see my wife." Pagkatapos biglang bumukas ang pintuan. Nagmamadaling iharang ni Doc RN ang katawan niya pero nagpupumilit na pumasok si Gaston. 

"Fuck! Sandoval, what the hell are you doing?" Pero nilagpasan lang siya ni Gaston at lumapit ito sa akin.

"Star, Baby, how are you feeling?" Bakas sa pagmumukha niya ang pag-aalala.

Walang buhay ang mga mata kong tumingin sa kanya. May mga pasa at sugat ito sa mukha at duguan ang damit. 

"Sandoval, you're bleeding." hinawakan siya ni Doc RN pero tinabig niya ang kamay nito. " Why are you so hard headed, fucker? Magpagamot ka mun---"

"I just want to make sure that my wife is safe—"

"Nasaan ang katawan ng Lolo ko, Doc? Gusto ko po siyang puntahan." 

Tumayo ako at iniwas ang tingin sa kanya kahit pa nanghihina. Kailangan kong magpakatatag,   sa huling pagkakataon gusto kong mabigyan ng disenteng libing ang lolo ko.

"Naasikaso na ang katawan ng Lolo mo, Camilla. Hinihintay na lang ang desisyon mo kung saan mo gustong ihimlay—"

"Salamat po, Doc." putol ko sa kanya. Nakakaunawa itong tumingin sa akin. "Ako na pong bahala sa Lolo ko." 

Hindi ko na ibabalik ang katawan ni Lolo sa bahay dahil ayaw ko ng tumuntong sa lupaing pagmamay-ari ng mga Sandoval.  Kakausapin ko si Aling Edna na makiusap sa barangay na doon namin sa kapilya gagawin ang lamay. Tatlong araw lang. Ayoko ng patagalin pa.

Kung sarili ko lang ang iisipin ko mas gusto kong ilibing na lang agad si Lolo pero kailangan kong e-respeto si Aling Edna bilang ka-relasyon ni Lolo. 

"Cam, Baby..." tawag niya sa akin. His eyes filled with despair  but I looked at him without any emotion in my face. " Let me help you please?"

"I don't need your help, Mr. Sandoval." malamig kong sabi sa kanya. Iniwas ko ang tingin at binaling kay Doc. RN. Kilala ko si Doc RN dahil dito ako naka-assign magduty sa ospital nila at isa ako sa mga student nurse na nag-aassist sa kanya. "Mauna na po ako, Doc. Pupuntahan ko lang po si Lolo."

Tumango siya sa akin. "Don't worry about the bill, it's all on me. If you need any help you know where to find me, right?" I nodded. " My condolences to you and your family. Be strong, Camilla."

"Thank you, Doc. Hindi na po ako tatanggi. Balang araw babawi ako sa lahat ng kabutihan niyo sa akin at sa lolo ko. Salamat po talaga."

Pagkatapos kung nakausap si Doc diritso na akong lumabas ng silid. Sinubukan akong sundan ni Gaston pero pinigilan siya n Doc RN. Dinig ko pang tinatawag niyaa ng pangalan ko pero hindi ko na siya tinapunan ng tingin.

Gaya ng hinihiling ko napagkasunduan namin ni Aling Edna na sa kapilya gagawin ang lamay ni Lolo. Pumayag si Aling Edna na tatlong araw lang. Tahimik kaming dalawang nagdadalamhati sa pag-iwan ng lolo sa amin. 

Simula ng araw na yun hindi na ako umuwi ng bahay. Nakiusap lang ako kay Amor na ikuha ako ng damit, yung mga naiwan kong damit. Ayokong bumalik doon sa bahay namin ni Lolo. Hindi ko kayang bumalik doon na wala na ang lolo kong sumasalubong sa akin. 

Gusto kong panatilihin sa utak ko na kasama ko pa si Lolo. Dalawang araw na ang lumipas pero hindi ko pa siya nakikita. Ayaw ko siyang silipin sa loob ng kabaong niya. Ayokong palitan ang imahe niyang nakangiti sa isip ko. Mananatiling buhay ang Lolo Ignacio sa puso at isipan ko. 

Ilang beses na akong nahimatay. Ang sakit isipin na sa ganitong paraan kinuha si Lolo. 

Bakit sa ganitong paraan? Ito ang tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot. Hindi man lang ba sila naawa sa matanda? Wala bang awang natira sa puso nila na pagkatapos nilang bugbugin ang lolo ko binaril pa nila ng maraming beses?

Wala akong maalalang may nakaalitan si Lolo. Magaling makisama at mabait ang Lolo ko. Pero mga demonyo sila. Wla silang awa. Mas masahol pa sila sa hayop. Buhay pa sila pero sinusunog na ang kaluluwa nila sa impyerno.

Tao ang lolo ko, hindi hayop. Wala silang karapatang kunin ang buhay ng Lolo ko. Hinding-hindi ko sila mapapatawad. Pinapangako kong gagawin ko ang lahat. Balang-araw, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Lolo.

"Cam, kumain ka muna." Ilang beses na akong inaalok ni Amor ng pagkain ngayong araw pero puro tango lang ako. Hindi ako nagugutom. Wala akong ganang kumain,  palagi akong nasusuka. 

Hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko. Dama ko ang presensya at pagmamahal nila para sa akin. Salitan si Amor, Meling, Jepoy at Longlong sa pagtabi sa akin kahit hindi ko sila kinakausap. 

Ang mga kapitbahay ay nagtulong-tulong din. Sila ang nag-asikaso sa mga nakikiramay. Wala akong alam sa nangyayari sa paligid. Ang tanging alam ko lang ay huling araw na ni Lolo ngayon dahil bukas hindi ko na siya makikita pa. 

"Kagabi pa walang laman ang tiyan mo,  Cam. Ilang araw ka ng walang maayos na kain at tulog. Baka magkasakit ka."

Mas mabuti pa nga siguro na ganun ang mangyari para mawala na rin ako. Ano pa ang gagawin ko dito sa mundo? Wala ng natira sa akin. 

"C-Cam, kahit konti lang please kumain ka." narinig ko ang pagkabasag ng boses ni Amor kaya napalingon ako sa kanya. 

"A-ayos lang ako, Mor." pilit akong ngumiti sa kanya pero nararamdaman ko ang mainit na likido sa aking pisngi. Mabilis ko itong pinalis ng makita kong dumarami ang mga luhang nag-uunahan sa kanyang pisngi at naawa itong tumingin sa akin. 

"Wag kayong mag-alala sa akin, Mor. A-ayos lang ako..a-ayos lang..."

"Kung buhay si Lolo Ignacio ngayon sigurado akong mapapagalitan ka niya. Alagaan mo naman ang sarili mo, Camilla. Sa palagay mo ba, natutuwa si Lolo ngayong nakita ka niyang ganito? Hindi matutuwa si Lolo Camilla dahil ang pinakamamahal niyang apo ay nakikita niyang pinapabayaan ang kanyang sarili. Mahal na mahal ka ni Lolo Ignacio , Cam. Kaya sana alagaan mo ang sarili mo. Lumaban ka Cam, magpakatatag ka. Paano mo mahahanap ang hustisya na sinasabi kung ngayon pa lang sumusuko ka na."

Hinayaan ko ang mga luhang masaganang nahuhulog sa aking pisngi, hindi ko na mapipigilan ang pag-uunahan nito. Nagsisimula na rin manikip ang aking dibdib. Akala ko wala na akong mailuha pa pero heto umiiyak na naman ako. 

"Alam kong masakit, walang kasing sakit ang sakit na nararamdaman mo ngayon pero wala na tayong magagawa, Cam. Andito pa kami Cam, marami kaming mga kaibigan mong nagmamahal sayo. Si nanay, si Aling Edna, pwede mo silang ituring na nanay. Kaya nakikiusap ako sayo, lumaban ka. Wag kang sumuko Cam, kaya natin to. Malalagpasan natin to, Cam. Tutulungan ka namin."

Malungkot akong tumingin sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at tuluyan na akong humagulhol. Sobrang sakit isipin na ang taong nagbigay sa akin ng pag-asa, nagmahal at nagmalasakit sa akin ay ngayon ay nakahimlay na. Nakakapanghina, para na rin akong pinatay. 

"Andito kami para sayo, Cam. Hindi ka namin iiwan."

Hindi ako sumagot sa kanya, nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko rin masabi sa kanya ang mga plano ko. Walang nakakaalam na bukas pagkatapos ng libing ni Lolo aalis na rin ako dito. Mas mabuti ng ang ganito. Gusto kong magpakalayo at yun din ang gusto ni Aling Edna. 

Nabanggit sa kanya ni Lolo ang tungkol sa mga taong naghahanap sa akin. Nagpakilalang mga kamag-anak ko pero hindi sinabi ni Lolo kung saan ako. Madami pa daw gustong sabihin si Lolo sa akin pero hindi na nangyari dahil hindi ko na siya naabutan.

"Gusto mo bang silipin si Lolo?" Mabilis akong umiling kay Amor. Hindi ko kaya. Ayoko. "Huling gabi na ito, Cam. Bukas hindi mo na siya makikita."

"Alam ko, Mor,  pero hindi ko kaya...hindi ko kaya."

"Sasamahan kita." mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Kahit saglit lang, kausapin mo lang siya, mangako ka lang sa kanyang magpakakatag ka. Sa ganung paraan alam ko mapapanatag si Lolo. Basta mangako ka lang sa kanya Cam na hindi ka susuko."

Nagpatiayon ako sa sinabi ni Amor. Inalalayan niya akong tumayo. Dama ko ang panginginig ng katawan ko habang hinahakbang ko ang mga paa palapit sa kabaong ni Lolo. Hindi ito ang tagpong nasa isip ko. 

"H-hindi ko kaya..." mahina kong sabi at huminto ako sa paghakbang. Nagsimula na akong humikbi. "H-hindi ko kaya Mor, hindi ko kaya."

"Kaya mo, Cam, kaya mo. Silipin mo si Lolo, magpakita ka sa kanya. Mangako kang magpakakatatag ka, please Cam, mangako ka."

Nanginginig ang mga kamay kong humawak sa kabaong ni Lolo at tila ba para biglang naramdaman kong mainit na hangin na yumakap sa akin at doon na ako tuluyang humagulhol. Yumakap ako sa kabaong ni Lolo at doon ako umiyak ng umiyak.  

"Cam, Baby..."

Narinig ko ang mga yabag ng mga tao palapit sa akin pero patuloy lang ako sa pag-iyak. Dinig sa bawat sulok ng maliit na kapilya ang mga hinagpis ko. Hindi ko matanggap at kailanman hindi ko kayang tanggapin na ganito ang sinapit niya.  

"L-Lo bakit mo ako iniwan? Ang daya-daya mo...ang daya mo. Sabi mo sasamahan mo pa ako. Ang dami pa nating gustong gawin Lo. Ang dami pa nating gustong puntahan pero bakit mo ako iniwan? Ikaw na lang ang natira sa akin, Lo pero pati ikaw iniwan na rin ako. Para saan pa ang lahat ng mga pagsisikap ko kung wala ka na?"

Tiningnan ko ang mukha ni Lolo, malungkot ito. Parang naiiyak at mabigat sa pakiramdam. Lalong lumakas ang pag-iyak ko. kung nagkasakit si Lolo siguro mas madali para sa aking tanggapin pero ito hindi...kailanman hindi.

"Cam, tama na... please lalong malulungkot si Lolo." si Amor.

"Pakalmahin niyo ang apo ni Ignacio baka anong mangyari dyan."

"Ate Camilla, tama na..." 

Madaming lumapit para pakalmahin ako pero patuloy akong humahagulhol yakap ang kabaong ni Lolo. May brasong sumubok na kunin ako pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap ko sa kabaong.

"Sino ang gumawa nito sa Lolo ko? Bakit niyo ginawa to sa lolo ko? Mga wala kayong awa! Sa dinami daming taong masasama ang Lolo ko pa talaga ang kinuha niya! Isinusumpa ko, hahanapin ko kaya. Pagbabayaran niyong kinuha niya ang buhay ng Lolo ko...pagbabayaran ninyo!"

"Wife please calm down..."

That's my last straw. I feel so helpless, I feel so drained, I feel so broken. And hearing that words from him fuel my anger.

"Alin sa ayaw kitang makita, ayaw kitang mahawakan, ayaw kitang karamay ang hindi mo maiitindihan ha?!"

Umalis ako sa kabaong ni Lolo at malakas ko siyang sinuntok sa dibdib ng paulit-ulit.  Doon ko binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Halos maupos na ako, halos na akong lakas pero patuloy pa rin ako sa pagsuntok, sampal, kalmot sa kanya pero hindi ito lumalaban. Hinayaan niya lang akong suntukin siya, hinyaan niya lang akong murahin siya. Pero kulang pa, kulang pa ito sa lahat ng sakit na dinulot nila sa akin ng pamilya niya. 

Wala na akong pakialam kong may makakakita man sa aking sinasaktan ko ang bunsong anak ng mga Sandoval. Ubos na ang pagtitimpi ko sa kanya. Ilang beses ko na siyang pinagtabuyan pero ayaw niyang lumayo sa akin. 

"Baby, calm down... please calm down... I'm sorry, I'm so sorry..."

"Sorry?" malakas ko siyang sinampal. "Walang magagawa ang sorry mo pagkatapos mo akong akong saktan! Nanahimik ako pero ginulo mo ang buhay ko. Tapos ngayon hindi ka pa makuntento? Ano pa bang gusto mo ha Gaston!? Ayaw niyo sa akin diba dahil mahirap lang ako, mababang uri ng babae, bayaran, pakawala! Sabihin mo lahat! Sabihin mo lahat sa harap ng lolo ko kung gaano niyo niyurakan ang pagkatao ko!"

"Baby." nagsimula na rin itong umiyak pero muli ko siyang sinampal.

"Wala akong ibang hiniling sayo Gaston kundi ang mahalin at e-respeto mo lang ako pero anong ginawa mo? Ikaw pa ang unang nanakit sa akin. Diba sabi ni Lolo sayo na kung hindi mo ako kayang panindigan mas mabuting layuan mo nalang ako pero hindi ka nakinig. Hindi ka nakinig dahil madamot ka! Gusto mong nakukuha lahat ng gusto mo! Pati ako ginamit mo!"

"Hindi yan totoo, mahal kita Camilla."

"Mahal? Ang sakit mong magmahal Gaston. Hindi ganyan ang pagmamahal na pinapangarap ko." malakas kong tinabig ang kamay niyang gustong humawak sa akin. " Hindi mo ako totoong mahal! Nakiusap akong pakinggan mo ako pero anong ginawa mo? Hinusguhan mo agad ako! Hinusgahan mo ako ng hindi ka man lang nagtanong. Hinusgahan niyo ako ng pamilya mo ng hindi niyo man lang ako kinausap. Pagod na ako Gaston. Pagod na akong maghanap ng pagmamahal. Pagod na pagod na akong isiksik ang sarili ko sa pamilya mo. Pagod na pagod na akong intindihin ang nanay mo."

"Nagtiis ako dahil akala ko darating ang araw na magugustuhan ako ng nanay mo pero anong nangyari Gaston? Hindi dumating ang araw na yun. Madami kang hindi alam, dahil pinili kong hindi ipaalam sayo dahil nagbakasakali akong baka isang araw biglang magbago ang tingin ng nanay mo sa akin. Pero hindi nangyari. Sa bawat araw na lumipas lalo kong naramdaman ang pagkamuhi niya sa akin. Pero may narinig ka ba? Wala! Wala dahil pinili kong itago dahil ayaw kong maipit ka!"

"Ayos lang sa akin na ako ang masaktan! Kaya kong tiisin basta wag ka lang maipit  sa pagitan namin ng nanay mo. Hindi ako nagreklamo sayo, wala kang narinig sa akin. Pero isang sabi lang ng mama mo, anong ginawa mo naniwala ka agad. Hindi mo man lang ako tinanong. Sa palagay mo ba kaya kong gawin sayo ang lahat ng yun? Ha Gaston?"

"Wala akong alam sa perang nilagay niyo sa pangalan ko. Hindi ako naghahabol ng kayaman niyo. Kaya kong buhayin ang sarili ko. Oo mahirap lang ako, pero hindi ako magnanakaw. Sana naisip mo yun bago mo ako hinusgahan."

Kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya pero wala na, gusto kong ibuhos lahat ng mga hinanakit ko bago ako tuluyang umalis sa lugar na to. 

Humakbang siya palapit sa akin pero mabilis ko siyang naitulak. Sinusubukan niya akong abutin pero ayaw kong mahawakan niya ako. Bumabalik sa isip ko ang masasakit na salitang binitawan niya sa akin. 

"Patawarin mo ako, Cam..."

" Patawad?" malakas ko siyang tinulak. " Para saan pa? Diba nandidiri ka sa akin? Diba gusto mo akong mawala sa buhay mo? Heto, ginagawa ko na! Kaya nakikiusap akong gawin mo din ang parte mo! Ayaw ko na sayo! Hindi kita kailangan sa buhay ko, kayo ng pamilya mo. Tama na Gaston! Hindi ako ang tamang babae para sayo."

"Mali ako, Star, mali ako. Inaamin ko nagkamali ako, hindi man lang kita pinakinggan. Pero nakikiusap ako, Cam,  hayaan mo akong bumawi."

"Huli ka na! Huli na ang lahat. Hindi ka na makakabawi. Wala na akong mabibigay sayo. Inubos niyo na lahat ng lakas ko. Wala kayong pinaagkaiba sa mga taong nanakit sa akin. Pero pinapangako kong ito na ang huli. Hindi ko na hahayaang may mananakit pa sa akin ulit. "

Kinabukasan sa libing ni Lolo wala ng luhang lumabas sa akin. Naubos na ang lahat. Tahimik ako hanaggang sa matabunan na si Lolo. Masakit, hindi ko maipaliwanag ang sakit na naramdaman ko. Hindi ko alam kung kailan ako makakabangon pero kailangan kong bumangon para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya. 

Kasabay ng bulaklak na hinulog ko sa kabaong ni Lolo ay ang pangako ko sa kanyang magpapakatatag ako. Iaahon ko ang aking sarili sa lahat ng sakit. Mahirap, alam kong mahirap pero kakayanin ko para kay lolo, para sa mga pangarap namin. 

Hindi ko na hinintay pa na matapos ang libing. Nakausap ko na si Aling Edna kagabi. Nakapagpaalam na ako sa kanya na aalis ako. Umiyak pa ito pero mas gustuhin niya pa daw na umalis ako para sa kaligtasan ko kesa ang manatili ako dito . Parehas kaming masama ang kutob doon sa nabanggit sa ni Lolo na mga taong naghahanap sa akin. 

May kinontratang taxi si Aling Edna na maghahatid sa akin sa airport. Nandun na ang lahat ng mga gamit ko. Isang maliit na bag lang ang nilagyan niya ng mga luma kong gamit na naiwan sa bahay ni Lolo. 

Ang perang naipon ko ay pinawithdraw ko sa kanya lahat. Binigay niya rin sa akin ang perang inipon ni Lolo para sa akin. Ayaw ko sanang tanggapin dahil alam kong kailangan din ni Aling Edna pero ang sabi niya para sa akin daw talaga yun. Kahit may asawa na ako, hindi pa rin ako kinalimutan ni Lolo. Hindi niya pa rin kinalimutan ang obligasyon niya sa akin kahit hindi niya naman ako tunay na apo. 

"Makisabay ka sa mga tao, wag mong ipakita ang mukha mo at dumiritso ka doon sa taxi." yan ang bilig sa akin ni Aling Edna. Kaming dalawa lang ang nakakaalam. 

Kaninang umaga pinasuot niya ako ng damit na katulad ng damit ni Amor at Meling. May binigay din siyang hoodie na kagaya ng suot nila. Ang sabi niya suotin ko ang hoodie kapag nasa sementeryo na kami dahil ipapasuot niya din ito kina Amor at Meling. At ganun nga ang ginawa ko.

Nakisabay ako sa mga taong palabas ng sementeryo. Mabilis at alerto ang bawat galaw ko dahil pakiramdam ko may nakamasid sa akin. Pagkakita ko sa taxing nakapark sa unahan lakad takbo akong pumunta doon. Hindi ko na nilingon si Aling Edna. 

"Airport Manong."  sabi ko, nanatiling nakayuko at nakatago ang mukha. 

Walang tanong-tanong, mabilis na pinasibad ng driver ang taxi. Abot-abot ang kaba sa aking dibdib. Humiga ako sa taxi para walang makakita. Abot langit ang dasal ko at paghingi ng tulong kay Lolo na sana tulungan niya ako. Sana hindi kami nasundan. Halos kalahating minuto akong nakatago sa taxi ng magsalita ang driver. 

"Pwede na ka mulingkod ug tarong Day. Hapit na ta sa airport."

Doon pa ako nakahinga ng maayos. "Salamat, Man---" natigil ako ng magpang-abot ang tingin namin ng driver. "Papang Andot?" Malungkot itong ngumiti sa akin.

"Pag-amping sa byahe, Day Camilla. Ang Ginoo magauban kanimo."

_______________________________

09-08-2022

Continue Reading

You'll Also Like

509K 3.4K 8
WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY After losing her family in a tragic accident, Adrianna Averleigh Mijares was le...
15.8K 521 35
STATUS: COMPLETED [ISLA GRANDE SERIES #01] Four years after the tyranny happened in Lourense's life, she finally got out of her comfort zone. Vhanne...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
15K 428 29
Kassandra Alejandrino 12.13.22 After suffering from physical abuse in the hands of her ex-boyfriend, Kassandra Alejandrino was left with a broken sou...