Via Dolorosa

By Dimasilaw_101

4K 403 2.9K

Sa taong 1891, ang Bayan ng San Fernando ay nababalot pa rin ng mga kakaibang nilalang. Ano kaya ang magiging... More

PAUNANG SALITA
Kapitulo - I
Kapitulo - II
Kapitulo - III
Kapitulo - IV
Kapitulo - V
Kapitulo - VII
Kapitulo - VIII
Kapitulo - IX
Kapitulo - X
Kapitulo - XI
Kapitulo - XII
Kapitulo - XIII
Kapitulo - XIV
Kapitulo- XV
Kapitulo - XVI
Kapitulo - XVII
Kapitulo - XVIII
Kapitulo - XIX
Kapitulo - XX
Kapitulo - XXI
Kapitulo - XXII
Kapitulo - XXIII
Kapitulo - XXIV
Kapitulo - XXV
Kapitulo - XXVI
Kapitulo - XXVII
Kapitulo - XXVIII
Kapitulo - XXIX
Kapitulo - XXX
Kapitulo - XXXI
Kapitulo - XXXII
Kapitulo - XXXIII
Kapitulo - XXXIV
Kapitulo - XXXV
Kapitulo - XXXVI
Kapitulo - XXXVII
Kapitulo - XXXVIII
Kapitulo - XXXIX
Kapitulo - XL
Kapitulo - XLI
Kapitulo - XLII
Kapitulo - XLIII
•Capítulo Especial•
Aún No Es El Final
Author's Note
Via Dolorosa

Kapitulo - VI

119 13 48
By Dimasilaw_101

BUONG araw na wala sa kalooban ni Adrian ang makihalubilo sa kapwa niya mag-aaral. Tahimik lamang siyang naglalakad sa pasilyo palabas ng paaralan. Nakita niya ang kapatid na si Marco ngunit nilagpasan niya rin ito.

"Ginoong Adrian!"

Napalingon si Adrian sa pamilyar na boses. "Binibining Aina?"

Nahihiya man si Aina ay nilapitan niya ang binata at binigyan niya ito ng masarap na puto. "Pagkain pasasalamat nga pala, Ginoo. Niligtas mo ako sa maalipustang madre na 'yon."

Tinanggap naman ni Adrian ang puto na nakabalot ng dahon ng saging at napangiti. "Paanong nailigtas?"

"Kasi...wala na raw bakas ng pagkabasag at ang linis linis na."

"Ganoon ba, salamat nga pala sa handog mong puto, Binibini. Paborito ko ang mga ito."

Halos abot tenga ang ngiti ng dalaga dahil sa kabaitang taglay ni Adrian.

"Niluto ko 'yan kanina sa bahay. Nagbabasakali rin akong dadaan ka rito sa pasilyo kanina, kaso..."

"Hindi lamang ako lumabas ng silid-aralan, Binibini."

"B-bakit? Wala ka bang kaibigan?"

Napabuntong-hininga si Adrian. "Mayroon naman, ikaw."

"Kaibigan tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aina.

"Syempre." Napalingon si Adrian nang makita ang kaniyang kapatid at mga kaibigan nito na panay tawa sa kanilang pinag-uusapan. "Aalis na ako. Mag-ingat ka parati."

Hindi na nakapagpaalam si Aina kay Adrian na ngayon ay nagmamadaling makalabas. Napansin niya na lamang na may humintong lalaki sa kaniyang harapan.

"Huwag kang palinlang sa kapatid ko, magaling lang iyan sa mabulaklaking salita." Ani Marco at nilagpasan si Aina.

Napataas ng kilay si Aina at napaismid na lamang.

Habang patakbo na lumabas si Adrian ay panay naman ang kaniyang paglingon at baka maabutan siya ng kaniyang kuya. Hindi naman siya takot, ayaw niya lang na mas masira pa ang kaniyang araw.

Sa kaniyang pagtakbo ay hindi na namalayan ni Adrian na may nabangga siyang mesa na naglalaman ng mga libro at mga gamit para sa mga batang mag-aaral. Nagkalat sa lupa ang mga iyon.

"Pasensya na ho." Ani Adrian at wala sa sariling nagpulot ng mga kumalat na libro.

"Kumalma ka lamang."

Natigilan si Adrian sa kaniyang ginawa at napatingin sa lalaking may edad na dahil na rin sa nakikitang puting mga buhok sa ulo nito at sa bigote.

"Ikaw ba ay hinahabol?"

"W-wala po." Ani Adrian at narinig niya ang pagtawa ng batang paslit sa kaniyang likuran.

"Giovanni..."

Nahinto ang pagtawa ng bata nang sinuway siya ng kaniyang lolo.

"Pasensya na ho, Ginoo."

"Tawagin mo na lamang akong Tatay Himala."

"Pasensya na po, sadyang iniiwasan ko lamang ang aking kapatid sapagkat noong nakaraang araw ay nasuntok ko sa mukha ang kaniyang kaibigan." Saad ni Adrian at pinatuloy ang pagpulot sa mga kumalat na gamit. Nakita niya naman na napangisi ang matanda. "Isa ka po palang magtuturo, tay? Ang galing!"

"Isa akong magtuturo sa mga batang paslit, tinuturuan ko sila ng abecedario, magbasa o mag sulat. Walang bayad. Kahit papaano'y nakatulong ako para ituro sa mga bata kung ano ang kahalagahan ng karunungan."

Napahanga si Adrian sa angking katalinuhan at kasipagan sa pagtuturo ni Ginoong Himala.

"At heto, ang aking apo na si Giovanni na ubod ng pilyo." Pakilala pa ni Ginoong Himala sa kaniyang apo.

Napatawa naman si Adrian. "Ako po si Adrian."

"Adrian?"

"Adrian Sarmiento po."

Natigilan si Ginoong Himala sa narinig. Hindi niya akalaing maraming panahon na ang lumipas at ang tanging nakikita pa lamang niya ngayon ay ang anak. "S-sino ang iyong mga magulang?"

"Si Xavier Sarmiento po at si Araceli De La Vega."

"Kay liit ng mundo."

"Po?"

"W-wala, anak. Salamat at nakilala kita."

"Napakabait niyo po, Ginoong Himala."

"Tatay Himala..."

"Tatay Himala nga po." Ani Adrian at napahimas pa ng batok dahil sa hiya. "Aalis na ho ako. Kayo'y mag-iingat sa pag-uwi." Tapos kinurot ng mahina ni Adrian ang pisngi ni Giovanni.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Adrian. Ikinaway na niya ang kaniyang kamay hudyat na siya'y aalis na.

ISANG linggo na ang nakaraan at naghahanda na ang lahat para sa kapistahan ng San Fernando.

Inimbitahan din ni Alcalde Timoteo Cabrera ang pamilya Sarmiento sa kanilang mansyon.

"Maligayang pagdating sa mansyon!" Panimulang bati ni Alcade Timoteo sa kakarating na pamilya Sarmiento.

Maging ang asawa ng Alcalde na si Doña Milagros ay nagalak nang makita ang mga Sarmiento, agad siyang nagbigay galang.

Napangiti naman si Don Xavier at nakipag-kamayan sa Alcalde. "Maraming salamat sa pag imbita mo sa amin dito."

"Hindi pwedeng wala po kayo, Don Xavier." Ani Alcalde Timoteo. Nagbigay galang din siya kay Doña Araceli at sa mga anak nito.

"Salamat, Alcalde. Saan ang iyong ama?"

"Nasa salas po. Tuloy na po kayo." Magalang na tugon ng Alcalde.

Samantala, si Dolorosa naman ay namangha sa mga palamuti ng mansyon. Maraming dumalo na bisita na nabibilang sa mataas na antas. Abala rin ang lahat ng katulong ng Alcalde sa paghahanda ng mga iba't-ibang putahe sa mesa.

Nakita niya rin si Immaculada na tumutugtog ng piyano sa harap ng madla.

"Umupo ka, Dolor. Ang ganda mong dalaga." Ani Doña Milagros nang nilapitan niya si Dolorosa na nakatingin sa gawi ni Immaculada.

"S-salamat po, Doña Milagros." Tugon ni Dolorosa at napaupo sa isang silya.

"Sana nga ay mabibiyaan kami ng babaeng anak. Para pares na sila ni Armando. May lalaki, may babae."

Napangiti naman si Dolorosa sa naging litanya ni Doña Milagros.

"Ay, sandali lang hija...may mga bisitang dumarating."

Napatango si Dolorosa at umalis na rin ang Doña.

"Ate Dolor!"

Napalingon si Dolor sa gawi ni Luna. May kasama itong ka-edad niyang batang lalaki.

"Ate Dolor! ito si Ginoong Armando, bagong kaibigan ko."

"Magandang araw, munting Ginoo." Saad ni Dolorosa sa batang si Armando. Kinurot niya ng mahina sa pisngi ang bata.

Napangiti naman si Armando at sumilay ang kaniyang bungi sa ngipin.

"Ate Dolor, mamamasyal ba tayo mamaya?"

Ngiti na lamang ang naitugon ni Dolorosa dahil kahit siya ay hindi sigurado kung papayag ba talaga ang ama.

Habang abala ang lahat, si Adrian naman ay tahimik lamang siya na nakatingin sa nag pa-piyanong si Immaculada.

"Gusto mo?"

Natauhan si Adrian nang makita niya sa kaniyang harapan ang isang baso na naglalaman ng vino.

"Binibining Aina?"

"Ako nga, Ginoo."

Napatingin si Adrian sa kabuuang kasuotan ni Aina. Nakasuot ito ng pangkatulong pero kahit ganoon ay nangingibabaw ang kaniyang kagandahan sapagkat nakatali ang buhok nito.

"Bakit ka narito? Isa ka sa mga katulong dito?" Tanong ni Adrian.

"Oo, ngayon lang. Walang pasok kung kaya wala ring trabaho sa paaralan, walang lilinisan."

"Ba't hindi ka na lang nagpahinga?"

Napangiti ng tipid si Aina. "Naku! Wala lang sa akin iyan. Kailangan kong mag banat ng buto para may makain ang aking pamilya."

Napangiti si Adrian sa kasipagang taglay ni Aina. "Nakakahanga ka ngang tunay...salamat nga pala sa vino."

"Walang anuman, Ginoo... Kayo ba ay mamasyal sa peryahan ngayon?"

"Siguro? Bakit?"

"May pwesto ang aking ama roon. Pang-aliw sa manonood mamayang gabi."

"Naroroon ka ba?"

Nahihiya man si Aina ngunit napatango na lamang siya. "Isa akong manananggal sa dula."

"Talaga? Sige, ako'y pupunta at isasama ko ang aking kapatid at pamangkin."

Nagkaroon ng kagalakan ang puso ni Aina nang marinig na pupunta si Adrian sa dula mamayang gabi.

ABOT tenga ang ngiti ni Luna nang marating nila ang peryahan kasama si Adrian, Dolorosa, Immaculada, at Marco.

Makulay ang bawat paligid ng perya at maraming tao rin ang naglalaro ng mga iba't-ibang pakulo ng taga-perya.

Walang magawa si Marco nang sabihin ng kaniyang ama na samahan sila kahit na kasama na si Adrian dahil mas mainam na may dalawang lalaki na kasama.

"Ang daming laruang kahoy, ate Dolor!" Manghang saad ni Luna, halos mapatalon pa siya sa tuwa.

"Gusto mo ba ng ganito?" Tanong ni Adrian kay Luna nang makita ang maliit na buwan na gawa sa kahoy. Isa itong pulseras.

Agad na napatango si Luna at napangiti. "Ang ganda!"

Nagbayad na agad si Adrian. "Pumunta tayo sa dula."

Nang marinig iyon ni Dolorosa ay siya na naman ang nasabik. Napahawak siya sa bisig ni Immaculada dahil sa tuwa. "Sige, kuya!"

Si Marco naman ay tahimik lamang at walang magagawa kundi sundan sila.

Hindi na sila nahirapan sa paghanap sa nasabing pwesto kung saan gaganapin ang dula dahil malaki ang karatulang nakapaskil sa labas:

'LUGAR DE CIRCO y OBRAS DE TEATRO'

Pumasok silang lima sa loob nang makabayad ng pitóng pû’t limáng sentimos para sa boleto si Marco.

Umupo sila sa may harapan at saktong lumabas ang isang lalaking nakasuot ng itim na tsaleko at may bilog na salamin sa mata. May dala rin itong sungkod na pakurba ang hawakan.

"Magandang Gabi sa lahat na naririto! Isang minuto na lamang at magsisimula na ang dula at sirko!" Saad ng lalaki at bumalik ulit sa likod ng entablado.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat maliban kay Marco na napahalukipkip lamang sa sobrang kabagutan. Minsan ay naririnig niyang siya ay pinag-uusapan ng mga Binibini.

Samantalang si Aina naman ay napasilip sa isang butas ng pader at inalam kung sinu-sino ang naroroon. Nakita niya si Adrian na katabi si Immaculada, masaya silang nag-uusap. Nakaramdam siya ng paninibugho ngunit hindi niya na lamang iyon inintindi. Ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin ay ang pagsasadula niya bilang isang manananggal.

"Anak, handa ka na ba?"

"O-opo tatay Boyong." Sagot ni Aina sa ama.

"Kayo diyan?"

"Opo, Manong Boyong!"

Inayos ni Mang Boyong ang tsaleko at ang salamin sa mata. Tumungo siya ngayon sa asawa na nakaupo lamang sa silya at pilit na ngumingiti sa kaniya kahit paralisado ito.

Pagkatapos ng isang minuto ay nagsimula na ang palabas. Lumabas na rin ang mga tauhan sa dula.

Hanggang sa kalagitnaan ng dula ay lumabas si Aina bilang isang manananggal.

"Kukunin ko ang sanggol sa iyong sinapupunan! Sisipsipin ko ang dugo at kakainin ang laman!" Pagsasadula ni Aina.

Nakasuot siya ng itim na damit at  sa likuran niya ay may pakpak na nahahalintulad sa isang paniki. Ang kaniyang kalahating katawan ay natatago sa ilalim ng mesa na nababalutan ng itim na tela. Magulo ang kaniyang buhok at maitim ang paligid sa kaniyang mata na ginamitan lamang ng uling.

Halos napatago sa balabal ni Dolorosa si Luna at napayakap pa sa sobrang takot.

"Hindi iyan totoo, Luna." Ani Dolorosa.

"Oo, hindi iyan totoo. Sa katanuyan ay kaibigan ko 'yan si Binibining Aina. Ang galing niyang magsadula ano?" Pagmamalaking saad ni Adrian.

"Talaga kuya? Ang galing nga!" Tugon pa ni Dolorosa.

Hindi na lamang umimik si Immaculada dahil kanina sa piging ay napansin din niyang magkausap ang dalawa na dahilan ng kaniyang paninibugho at pagkadismaya.

Natapos ang dula at biglang nawala ang ilaw sa entablado.

Si Mang Boyong naman ay nag salita mula sa likod ng entablado, "Kayo ba ay nasiyahan sa ating padula? Ngayon ay matutunghayan niyo naman ang sirko!"

Nagpalakpakan ang lahat at may napasipol pa sa sobrang pagkasabik.

Naghahanda na rin ang mga tauhan sa sirko kung saan may nakasakay sa isang upuan na may isang gulong. Ang isa naman ay may bitbit na limang bote para ihagis sa ere at sasaluhin. May magbubuga rin ng apoy at may tatawid sa isang lubid.

Hindi na makakurap ngayon si Luna at Dolorosa dahil sa makapigil-hiningang palabas.

"Aatakihin yata ako sa puso rito." Pabirong saad ni Immaculada.

Tumawa lamang ng mahina si Adrian sa sinabi ni Immaculada

Si Marco naman ay kanina pa may naaamoy na kakaibang baho na para bang patay na daga ngunit hindi niya lamang iyon ininda.

Sa pagpatak ng alas nuwebe ng gabi ay hindi na niya maintindihan ang kakaibang nararamdaman na tila ba tumataas ang kaniyang mga binti at nagsisimula ng magdikit. May mga sumisilay na kulay dagtum na kaliskis sa kaniyang paa.

Naririnig na niya ang lakas na hiyawan at pagsipol ng mga taong naroroon. Malakas ang kutob niyang isa sa mga madla ay nakasuot ng kwintas ng pulang buwan.

Mas naging malakas pa ang hiyawan ng madla nang bumuga ng apoy ang isa sa mga tauhan ng sirko. Lalo nang makita ang isang babae na may sungay sa gitna.

"Ang galing!" Napapalakpak ang isang Binibini. "Paano kaya ginawa ang ganoon?" Tukoy niya pa sa babaeng may sungay.

Bigla na lamang nahulog ang lalaki na kanina'y nagba-balanse sa lubid.

Biglang napasigaw ang isang Ginang nang makita ang nahulog na lalaki sa kaniyang paanan. Wala na itong mata at may lumalabas pa na insektong gumagapang sa kaniyang bunganga.

Napatayo si Marco at Adrian sa pangyayari.

Nagkaroon ng pagkakagulo ng mga tao sa loob.

Agad na niyakap ni Dolor si Luna.

"Anong nangyayari!" Tarantang saad ni Immaculada.

"Lumabas na kayo!" Ani Marco sa kanila. "Adrian! Samahan mo sila palabas!"

Agad na sumunod si Adrian sa utos ng kaniyang kapatid.

"Kuya anong nangyayari?" Tanong ni Luna na ngayon ay naiiyak na.

"Dolor, mas mabuti pa ay pumunta kayo sa mansyon nila Immaculada!"

"Ikaw kuya? Paano ka?" Nag-aalalang tanong ni Dolor

"Huwag kayong mag-alala. Sige na! Dolor, buhatin mo si Luna, hawakan mo ang kamay ni Immaculada. Tumakbo na kayo ng mabilis!" Saad ni Adrian.

Samantalang si Marco ay nakita ang babaeng may kakaibang kalahati sa katawan na kakalabas lamang mula sa madilim na entablado. Napatingala pa si Marco sa babae.

Mali ang sinabi ng lalaki na isa itong ahas!

Ani Marco sa sarili at bigla siyang nag palit ng anyo. Umaangil siya at matalim na napatingin sa isang

Babaeng Alupihan.
-------------------

Talaan ng kahulugan

Abecedario
:Alpabetong binibigkas pa-kastila.

Boleto
: Ticket.

Bakit walang nabanggit na ferriswheel sa perya?

-Dahil ang ferriswheel o tsubibo ay nagawa noong 1893. At ang taon na nakasaad sa nobelang ito ay 1891. Samakatuwid, wala pang ganoon.

Babaeng Alupihan:


(Ang litratong ito ay hindi ko pagmamay-ari.)

Continue Reading

You'll Also Like

12.8K 411 57
DISCLAIMER: Please be reminded that this story is not mine. Any typographical or grammatical errors you might stumble upon while reading this story w...
55.5K 934 13
This will be a compilation of my GOT7 one shots. It has been a while since the last time I wrote a one shot. Not all stories here have happy endings...
3.1K 192 6
Morgan who was just shot opened her eyes and found herself in a strange world. A koala took her in and taught her about the world she now live in, tu...
71.8K 1.6K 14
Just a fanfic of Classroom of the Elite which has collection of interaction between different characters. Also there is a after 5 years arc, I'll con...