Race Of Love

By AteBae_Bae

6.7K 332 17

🏎️Profession and Love Series #1🏎️ More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Epilogue

Chapter 12

90 10 0
By AteBae_Bae

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

"Dave is now on the second to the last lap, which made him in the first. Miguel is also in the same lap with him and he's in the second. Who will gonna win!?" Anunsyo ni Mr. Gwapings.

"This is exciting! It gives me chills! Ayan na naman sila at nagsisimula na namang isigaw ang kani-kanilang cheer para sa kanilang pambato!" Sabi naman ng babaeng announcer.

Wala na kami sa main field at sa monitor na lang nila kami nakikita ngayon. Seryoso at kalmado lang akong nagpapatakbo ng sasakyan kahit sobrang bilis na neto.

Kanina pa rin ako pinaglololoko ng Dave Anthony na 'yon. Kapag nasa kaliwa siya at nasa kanan ako ay bigla siyang kakanan at gegewang-gewang sa unahan ko. May minsan pa na muntik niya ng madikitan ang likod sa bandang gilid ang kotse ko.

Parehong t-tumbling ang sasakyan namon kapag dumikit siya sa kotse ko, tignan niya.

"Ohh!? Totoo ba itong nakikita ko!?" Rinig kong gulat na sabi ng lalakeng announcer mula sa speaker.

"Si Miss Brielle ay nandito! Nandito siya guys!! Hayan ohh sa screen" sabi niya kaya panandaliang nalingat ang atensyon ko at mukhang ganon din 'yong Dave dahil pareho kaming nagdahan-dahan sa pagamaneho.

Napangiti naman ako ng marinig 'yon kaya sinamantala ko na din 'yon upang mag overtake sakanya at mas bilisan ang pag0apatakbo sa sasakyan ko.

"Shit! Nandito siya!" Nakangiti kong sabi bago ko hinampas ang manibela habang nakangiting mas pinaharurot ang sasakyan ko.

"Ohh!? Nalingat lang tayo ng konti at nangunguna na ngayon si Mr. Uganiza! At ang laki na ng pagitan nila ni Mr. Fajardo!" Anunsyo ulit ng babaeng announcer.

Napangisi naman akong napatingin sa rear miror ko at parang galit na galit namang pinapaharurot ni Dave ang sasakyan niya.

Ang ginawa ko nagdahan-dahan ako sa pagmamaneho na parang nasa kalsada lang ako nakikipagsabayan sa ibang kotse pero medyo mabilis pa rin ang takbo ng sasakyan ko. Bumibilis at humihina ang pagpapatakbo ko sa sasakyan para lituhin siya, medyo gumalaw din ako sa pagmamaneho at palipat-lipat ako sa kaliwa at kanan.

"Miguel's car is dancing! Wow! He always do that and I think he's enjoying that, huh" natatawang sabi ng announcer.

Nang magkatapat ang mga kotse namin ni Dave sinabayan ko ang bilis ng takbo ng saaakyan niya pero mas napangisi ako ng medyo ilapit niya ang sasakyan niya sa sasakyan ko kaya panay din ang iwas ko.

He's playing dirty, huh.

"Trying hard to win huh!?" Medyo pasigaw kong sabi ng medyo binaba ko ang bintana ng sasakyan ko.

"I'm sure that I'm gonna win, Uganiza. And after this, I'm sure that you'll never gonna talk to my girl!" Puno ng yabang niyang sabi kaya sinara ko na ulit ang bintana ng sasakyan ko at hindi binigyang pansin ang sinabi niya dahil wala akong alam doon.

Pilit niya pa rin na idinidikit ang sasakyan niya saak8n at kapag pinagpatuloy niya pa 'yan ay siguradong purnada ang sasakyan niya. Tumingin naman ako sa kanan kung saan p'wede akong lumiko ng malaya paikot sa sasakyan niya kung sakaling biglain niya ang pagdikit ng sasakyan niya sa sasakyan ko.

Tumingin naman ako sa kaliwa kung saan kasabay ko pa rin ang kotse niya at napatingin ako sa gulong niya ng makita ang sobrang liit pero matalim na bagay sa gilid non kaya kumunot ang noo ko dahil sa inis kaya madiin kong inapakan ang gas at nilagpasanan ang kotse niya pero humabol ulit siya saakin.

Winasiwas naman ng isa lalake yung flag tanda na nasa last lap na kami.

"This is so intense and interesting! May hahabol pa yata sa dalawang halimaw na 'to sa karera!? Sobrnag bilis na halos tangayin na nila ang buong venue sa sobrnag bilis!"

Napatingin ulit ako sa kotse ni Dave at nawala bigla yung matalim na bagay sa kotse niya pero mayamaya lang ay lumabas ulit 'yon.

"Be careful, Miggy" sabi ni papa mula sa earpiece na suot ko.

We use little molded plastic earpiece not just to communicate to our team but also to protect our eardrums from screaming race engines.

Nasa kalagitnaan na kami ng field ng bigla na lang lumiko ang gulong ng kotse ni Dave pakanan kaya dahil medyo nangunguna ako sakanya iniliko ko pakaliwa ang kotse ko at nag-iwan pa ng bakas ang gulong sa kalsada dahil sa biglaang pag-ikot ko at pagkalabit ko sa emergency break.

"Whoa! What happened!?" Gulat na sabi ng announcer.

Galit ko namang tinignan ang kotse ni Dave bago ako mabilis na ginalaw ang shift knob netong sasakyan at mabilis na inikutan ang sasakyan ni Dave na ngayo'y umuusok na ang unahan ng kotse niya. Mabilis naman ulit akong humarurot para tapusin ang race na 'to pero kita ko na sumunod pa rin siya kahit ganon na ang kundisyon ng kotse niya.

"This fvcking idiot, muntik na ako doon." pabulong kong sabi.

"Huwag mo ng patulan ang isang 'yan Miguel, just finish this race, boy!" sabi ni papa mula sa earpiece ko.

"Walang napapala ang pagiging madaya" sabi ko bago nakangising tinawid ang finish line.

"And we have a winner!" Sabay na sabi ng dalawang announcer.

Hininto ko naman ang sasakyan ko ilang metro ang layo sa finish line bago ko tinanggal ang helmet at seatbelt ko bago lumabas ng sasakyan. Tinanaw ko naman si Dave na bumigay na ang sasakyan ng makalagpas sa finish line saka naiinis na lumabas sa sasakyan niya.

"Miguel! Miguel! Miguel!"

"How are you feeling right now?"

"Muntik na kayong maaksidente kanina, ano ang naramdaman mo doon?"

"Sino ang naging inspirasyon mo ngayon?"

"Ano naman sa pakiramdam na nanalo ka ulit sa karera?"

"At ano ang masasabi mo sa mga kapwa mong racers na nandito ngayon?"

Sabay-sabay na tanong nga mga reporter. Buti na lang talaga at naiintindihan ko sila at kaya ko lahat ng 'yon.

"I'm happy of course. And thanks to my supporters and my team, they are my inspiration in this race. Hindi sa pagmamayabang pero hindi ako kinabahan kanina dahil race meant to be dangerous and I'm always ready for that" Nakangiti kong sagot.

"Sa tingin mo ba ay sinadya ni Mr. Fajardo ang nangyare kanina?" Tanong ng isang reporter.

"Uhh I can't answer that but I'm not saying na sinadya niya 'yon and I really don't think so" pagsisinungaling ko.

"Any message for your supporters and co-racers that here with us today?" Tanong ulit ng isa pang reporter.

"Uhmm... Thank you very much for supporting me, mahal ko kayong lahat and thank you dahil nandito kayo ngayon para sumuporta saakin. And to my co-racers, keep racing and I know you'll achieve your finish line" nakangiti kong sabi.

"Idol namen 'yan!"

"Congratulations, Miguel!"

"Thank you din!"

Sigaw ng ilang racers kaya kinawayan ko sila at nakipag apiran bago ako tumaas doon sa stage para tanggapin ang trophy ko.

"Congratulations, Miguel" bati saakin ng matandang racer na siyang may ari netong racing field at nagsimula nitong competition.

"Thank you" sagot ko at nakipagkamay sakanya bago ako bumaba ng stage matapos ang ilang picture taking.

"Yeah! That's my boy!" Tuwang-tuwa na sabi ni papa saka ako niyakap habang tinapik-tapik ang likod.

"Thank you. Thank you sainyo" sabi ko sa team ko. Tinaguan at nginitian naman nila ako.

"Mukhang makakaharap na nung isang 'yon ang karma niya" pabulong na sabi ni papa kaya lumingon ako sa likod at nakita kong kausap na ni Dave yung mga head netong racing.

"Hayaan na natin siya" sabi ko.

Naalala ko naman bigla si twenty nine kaya ko siya napangiti ako agad ng makitang pababa siya dito kaya binigay ko kay papa ang trophy ko bago ko sila tinapik isa-isa sa balikat.

"Susunod ako" nakangiti kong sabi sakanila bago tumakbo at sinalubong si twenty nine.

Inabot ko naman ang kamay ko sakanya para ligtas siyang makababa kaya agad niya naman 'yon tinanggap. At magsasalita na sana ako ng biglang may magsalita mula sa likod ko.

"Honey, you're here!" Masayang sabi ni Dave kaya kahit naguluhan ako sa sinabi niya hindi ko pinahalata.

Bigla naman akong hinila ni twenty niya sa tabi niya kaya tinignan ko siya.

"I'm not here for you" sagot niya kay Dave.

"What? Nag-usap na tayo neto noon pa. What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong bago ako matalim na tinignan, at akmang aagawin na ang kamay ni twenty nine na nasa braso ko pero umatras si twenty nine kaya nahila niya ulit ako.

"Have you forgotten? Really, Dave? We're over and I'm here for Miguel" nakangising sabi ni twenty nine pero naguguluhan pa rin ako.

"No! Is this about our fight again? Honey no-"

"A deal is a deal, Dave. There's no reason to marry you, my ex fiancée" may pagkamaldita niyang sabi at diniinan pa ang pagkakasabi nung ex fianée. "Let's go, Miggy?" Baling niya saakin.

"Ha?"

"Let's go, let's celebrate!" Nakangiti niyang sabi at sinenyasan akong sakayan na lang ang sinasabi nita kaya ngumiti din ako sakanya bago tinignan ulit si Dave.

"Congratulations sa'yo, Dave. Mauna na kami ng kaibigan ko, salamat sa pag-aalaga sakanya kukunin ko na siya sa'yo ahh" sabi ko sabay ayos nung kamay ni twenty nine na nasa braso ko bago kami sabay na naglakad palabas ng field na 'yon.

So siya pala ang fiancée ni twenty nine at hindi ang lalakeng sumundo sakanya kagabi?

Paglabas na paglabas namin, muntik namang matumba si twenty nine at buti na lang ay nakahawak siya sa braso at naalalayan ko kaagad siya.

"Are you ok?" Nag-aalala kong tanong at kita ko na sobrang putla ng mga labi niya.

Pinilit niyang tumayo ulit at sobrang higpit na ng kapit niya sa braso ko pero muntik na naman ulit siyang matumba kaya ipinulupot ko na ang braso ko sa bewang niya. Mabilis naman kaming tumalikod sa mga tao dahil baka makilala nila si twenty nine.

Baka bagong iskandalo na naman ito kung sakali.

Bigla din naman na may kotseng huminto sa harapan namin at pagbukas ng pintuan saktong si papa 'to kaya tinulungan niya akong isakay si twenty nine na tuluyan na ngang nawalan ng malay.

The heck!? Ano ba ang ginawa nung lalakeng 'yon kay Brielle at ganito na lang siya mag-reack!?

๋࣭ ⭑🏍️ ๋࣭ ⭑

Continue Reading

You'll Also Like

657K 93.9K 36
Yaduvanshi Series #3 it is a book under yaduvanshi series. But it could be read as standalone too. Nitya Raghavendra is a telugu businesswoman earnin...
797K 21.2K 99
Y/n moves back to The Valley after years of living in Florida. She's making new friends, when a certain someone catches her eye. What will she think...