I'm In Love With Ms. Author (...

By _jennex

29.9K 1.6K 138

It all started with a 'Hi Miss!' Until followed by many messages that until now I still do not reply. "Ms. Au... More

Author's Note
Introduction
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

EPILOGUE

1K 51 29
By _jennex

Tala POV



Noong makita ko na straight na ang linya mula sa monitor ni Blake ay kusa na lamang nanlumo ang mga tuhod ko at napaluhod sa sahig, habang patuloy na napapahagulhol sa pag-iyak.

Wala akong ibang magawa kundi ang lihim na manalangin. Wala akong ibang magawa kundi ang ilaban siya at ang sitwasyon na meron kami sa panalangin. Halos ayaw ko siyang tignan dahil alam kong hindi niya ako iiwanan. Alam kong babalik siya. Alam kong panghahawakan niya ang mga pangako niya.

Nangako siya sa akin na hindi niya ako iiiwan. Kanina lang nangako siya na magkakasama pa kami ng mas matagal. Alam kong hindi niya ako bibiguin. For the last time, alam kong hinding-hindi kami pababayaan ng Maykapal. Alam kong ibabalik niya si Blake at hindi niya tuluyang kukunin sa akin.

Ikakasal pa kami. Nangako siya sa akin eh.

Gayon na lamang ang buong puso na pasasalamat ko nang biglang magkaroon muli ng buhay si Blake. Kahit na medyo mabagal pa ang pagtibok ng kanyang puso, alam kong buhay siya. Alam kong may pag-asa pa.

Mas lalo akong napangawa dahil sa saya na aking nararamdaman.

Alam kong hindi niya ako iiiwan eh. At araw-araw akong nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa miracle na ibigay niya sa babaeng mahal ko, sa babaeng gusto kong makasama habambuhay. Isang himala na hinding-hindi namin kailan makakalimutan, ang mabigyan si Blake ng pangalawang pagkakataon na mabuhay.

Si Blake ang isa sa nagbigay ng patunay na anuman ang gawing paghahadlang ng mundo, kung hindi mo hahayaan na mangyari ito ay hindi magtatagumpay. Pinatunayan niya na kahit hanggang sa kamatayan, ipaglalaban niya ang kanyang pangako at aming pagmamahalan.

Hindi pa man siya tuluyang nagkakamalay mula sa mala-pigil hiningang pangyayari na iyon na buong akala ko ay mawawala na siya sa akin ng tuluyan, ay hindi ako tumigil sa pagdarasal at pagpapasalamat sa buhay na muling ibinigay sa kanya.

I never left her side even once. Hindi ko siya magawang alisin sa aking paningin. Hindi ko siya magawang iwanan sa kanyang kwarto. Mabuti na lamang at nasa private room siya kaya mayroong sariling CR sa loob, hindi ko na kailangang lumayo para lamang umihi o dumumi kapag kailangan.

Sobrang natakot kasi talaga ako na maulit muli ang nangyaring iyon.

Isang gabi, habang nakatitig ako sa kanyang magandang mukha, ay naisipan kong tapusin ang 'I'm In Love With Ms. Author', ang sinimulan niyang libro kung saan, kaming dalawa ang pinaka-main character. Sarili naming pangalan at kwento, ngunit winakasan ko ito sa isang malungkot at mapait na pagtatapos.

Sa dahilang gusto kong mag-iwan ito ng aral sa lahat ng mga mambabasa, na pahalagahan nila ang oras lalo na kung kasama nila palagi ang mga taong mahal nila sa buhay. Na hindi dapat nila ito binabalewala, gusto kong mag-iwan ng marka sa kanilang mga puso na ang isa sa pinakamahalagang bagay dito sa mundo ay ang ORAS.

Alam kong magugulat si Blake oras na magkamalay na siya dahil ang librong sinimulan niya ay tinapos ko na. Well, it's our story naman eh. Alam kong matutuwa pa s'ya oras na makita niya at malaman niyang tinapos ko na ang kwento naming dalawa, ngunit sa kakaibang ending nga lamang.

Dahil kaming dalawa? Walang ending ang totoong kwento namin. I mean, nagsisimula pa lamang kaming dalawa. At hindi pa rito magtatapos ang lahat.

Blake is a cancer survivor now.

Hindi rin namin alam kung anong nangyari. Naging mabilis ang pagpapagaling niya, naging mabilis ang panunumbalik ng lakas ng pangangatawan niya, na kung sabihin pa ng iba ay isang 'MIRACLE' daw talaga.

Tunay nga na kapag alam mong talo ka na, idaan mo lamang ang lahat sa panalangin, tiyak na magtatagumpay ka. At isa na roon si Blake.

At isa pa, except for that miracle o ang nangyaring pangalawang buhay ni Blake, ay nagpapatunay lamang rin na isa iyon sa power ng pag-ibig na hinding-hindi mapipigilan kahit ng kamatayan.

Sabi pa nila, ako raw talaga ang blessing sa buhay ni Blake kaya pinili niya ang lumaban sa buhay na dati naman daw ay sinukuan na niya.

Well, I guess ganun talaga kapag totoong nagmamahal, hindi ba? You will do everything for the person you love, para sa pag-ibig itataya mo ang lahat. At napaka-blessed ko dahil hindi basta sumuko si Blake. She fought for our love even unto death.

Kaya talagang paghahawakan ko na siya habambuhay. Itong relasyon namin ay hindi perpekto, pero alam kong araw-araw paghihirapan at pagtutulungan namin pareho na makaabot hanggang pinapangarap naming dulo.


---


Blake POV


Nagising na lamang ako nang mayroong ngiti sa aking mga labi. Alam kong buhay pa ako, pero pakiramdam ko parang nasa langit na rin ako, kung ganitong sa muling pagdilat ng mga mata ko ay ang mala-anghel na mukha ni Tala ang bubungad sa paningin ko.

Mukhang abala ito sa kanyang ginagawa at pagdutdot ng keyboard ng kanyang laptop. Hindi ako kaagad nagsalita at sinulit ko muna ang sandaling pagkakataon na matitigan siya ng hindi niya namamalayan.

Pansin ko na nangayayat siya, pero hindi iyon nakabawas sa taglay nitong kagandahan. Ang gulo rin ng buhok niya at halatang hindi pa ito naliligo. Noon din ay napaisip ako, gaano kaya katagal wala akong malay?

"Ang busy naman ng future misis ko." Hindi ko na napigilan pa ang magsalita.

Mabilis naman na napalingon ito sa akin habang naluluha ang mga mata.

"Oh my gosh! Blake!" Agad na napatakbo ito sa akin at dinaganan ako. Agad naman akong napangiwi sa sakit ng siko nitong tumama sa tagiliran ko.

Hindi nagtagal ay basta na lamang itong umiyak, iyong iyak na ngumangawa pero iyon ay dahil alam kong masaya lamang siya. At pagkatapos ay hinalikan ako nito ng maraming beses sa aking mukha.

Hindi ko mapigilan ang mapatawa habang inaawat siya.

"Hey, why are you crying?" Natatawa na tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang luhang pumapatak sa kanyang pisngi.

"I-I thought I was going to lose you!" Ngumangawa pa rin na sambit nito at muli na naman akong niyakap.

Napapangiti na niyakap ko na lamang din ito kahit na ang totoo ay nanghihina pa rin ang katawan ko, ngunit ramdam kong okay na ako. "I am still here. I have fulfilled one of my promises. At magiging Mrs. Salor ka pa, 'di ba?" Sabay taas baba ko ng kilay sa kanya.

Napatango naman ito na parang bata at nagsumiksik sa leeg ko.

"Uhhmmm... T-Tala. Thank you." Buong pusong pagpapasalamat ko sa kanya. "Thank you for not leaving my side. Kahit na wala akong malay, ramdam kita, alam kong nasa tabi lang kita at never mo akong iniwan. Thank you sa gabi-gabing pag-iyak at pagkakausap sa akin, hindi man ako makapagsalita, pero naririnig kita sa pamamagitan ng panaginip ko, andoon ka mahal ko. Kaya thank you, you are my angel." Dagdag ko pa. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha mula sa aking mga mata.

Hindi ko man alam kung gaano ako katagal na walang malay, pero isa ang natitiyak at ramdam ko, hindi ako iniwan ni Tala kahit na isang beses, hindi siya umalis sa tabi ko. At iyon ang isa sa malaking dahilan bakit nagpatuloy akong makipaglaban.

Sa ngayon, araw-araw akong nagpapasalamat dahil sa pangalawang buhay na ibinigay sa akin. At masaya akong matutupad ko na ang mga plano at pangarap na meron kami ni Tala.

Ang totoo, hindi naman pala talaga mahirap tumupad ng pangako eh, basta determinado kang tuparin ito, magagawa at magagawa mo para sa taong mahal mo.

Alam kong hindi madali ang buhay at walang perpektong relasyon, araw-araw kailangan mong paghirapan at pagsikapan, pero alam kong makakayanan ang lahat dahil wala naman akong ibang gusto kundi ang mapagtagumpayan ang lahat ng mga kakaharapin namin ni Tala, basta palagi lamang kaming hawak-kamay at magkasama, hindi imposible na makamit din namin ang habambuhay na sinasabi ng karamihan.



A/N: Yaaay!!! May natapos na naman tayong panibagong kwento. Kaya hayaan po ninyo na magpasalamat akong muli sa patuloy na pagsuporta sa aking mga nobela. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Tandaan, na sa bawat libro na nagtatapos ay may bagong kwento na sisimulan. Kaya hanggang sa susunod na nobela mga mahal ko! ❤️❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

170K 5.1K 22
COMPLETED - TOP 2 HIGHEST RANK LESBIAN GENRE Demon is a demon, human is a human, but a human demon is what? How does a Lovestory between a Princess...
161K 3.3K 47
A threatened gangster seeking refuge in the Philippines. A package of romance, comedy, drama and intense action. Join these two gangsters as they fac...
116K 2.1K 198
Paano ba kung mafall ka sa kapwa mo babae? Paano nalang kung sa hindi inaasahan sa straight na babae ka nahulog? Paano kung ayaw nang mga magulang mo...
3M 78.9K 37
Ayaw mong mag-asawa pero gusto mo ng anak. Galit ka sa mga lalaki pero ayaw mong tumandang mag-isa. Anong pwedeng solusyon sa ganyang problema? A. Hu...