Serendipity

By Vnestt

17 2 0

Love can take all the pain , life goes on so you should live your life to the fullest. More

Serendipity
CHAPTER 1

CHAPTER 2

2 1 0
By Vnestt

Rosalina

"Ma!"Sabay naming nilingon ang isang babae, natigil ang tingin ko sa kanya.

Nakapantalon ito at  black loose shirt, mahaba ang kulot nitong buhok . Napatitig ako sa kanyang mata ,kagayang-kagaya ito kay Salina.

Mabilis itong tumalon sa bangka at tumakbo papunta kay Sanya. Bulong-bulungan kaagad ang bumalot sa dalampasigan.

Nagyakapan ang dalawa , umiiyak na ngayon si Sanya habang nakayakap sa anak nito. Hindi ko inalis ang tingin sa babae.

Tiyak na ito si Rosalina, ang kapatid ni Salina. Hindi nga sila magkamukha pero kitang-kita mo ang pagkaremsemblance nila.

Maamo at inosente ang mukha ni Salina habang ang babaeng ito ngayon kabaliktaran naman. Maangas at masungit ang mukha nito, nakakunot ang noo nito habang busangot ang mukha pero kitang-kita ang ganda nito, simple pero lumulutang ang ganda niya.

"Anak ba niya yan?" Nasa dalampasigan kami ngayon, hinahanap namin ang bangkay nina Angelina at Salina.

"Naku, baka ganyan-ganyan lang iyan pero magaling din iyan sa kama" Bumaling ang babae saamin. Kunot ang noo nitong tiningnan ang katabi kong nagsabi nun.

Kinalas nito ang yakap sa kanyang mama at mabilis itong humakbang papalapit saamin.

"Anong sabi mo?"Matigas nitong saad.

"Bakit,hindi ba?"Si ante Damian.

"Tumahimik ka ,hindi mo ako kilala, baka gusto mong supalpalin ko iyang bunganga mo"Natahimik bigla ang bulong-bulungan.

Ngumuso ako.

"Rosalina, halikana dito, huwag mo ng patulan sila"

"Totoo naman eh, huwag mong sabihin na hindi ka kagaya ng ina at kapatid mo?" Mariin itong nakatitig kay ante Damian.

"Ano ngayon ha? Sino kaba para magsalita ng ganyan, hindi kita kilala at ganun karin saakin kaya tumahimik ka diyan"

"Aba, walang respito"

"Aba, ibibigay ko rin sa taong deserve ang respito ko noh!"

"Rosalina"Tawag ng kanyang mama . Napatayo ako ng mabuti ng bumaling ito saakin, umirap ito at tumalikod para puntahan ang kanyang mama.

"Walang modong babae"Nilingon ko si ante Damian.

"Huwag nalang po kayong magsalita ante, baka marinig kayo"Saad ko habang nakatitig sa babae.

Pinuntahan nanamin ang karagatan at bulubundukin ng Isla para hanapin ang katawan ni Salina at Angelina pero ang katawan lang ni Angelina ang nakita namin sa bangin, sa cliff na kung saan pinupuntahan nila ni kuya.

Yakap -yakap ni kuya ang katawan ni Angelina kuno, wala na itong mukha at halos kita narin ang buto ng babae.

Hindi ko halos matingnan si kuya, hindi ko kayang makita siya ng ganyan. Naisip ko tuloy nasana nakipagtanan nalang si Salina, alam kong masakit iyon pero ayaw koring mawala siya dito sa mundo.

"Nahanap  na nila ang babaeng nawawala ?"Nasa dalampasigan kami ngayon, nilingon ko si Rosalina, tinanong niya  si kapitan.

"Ang narinig ko wala na daw mukha iyon, saan na  ang bangkay?" Ulit nitong tanong.

"Naku eha, nilibing na"Kumunot ang noo nito. Kahit hindi sila magkamukha ni Salina, masasabi mo talagang magkapatid ang dalawa, makinis ang mukha nito, namumula narin ang balat nito dahil sa init, ang tangos din ng ilong nito , makapal ang brown nitong kilay , mapula ang natural nitong labi at malabigas ang hugis ng mukha nito.

Natigil ako sa mapupungay nitong mata, kahit matigas ang dating niya kitang-kita mo parin ang pagkainosenti nito.

Umiling ako sa mga naiisip ko, gago ka ba Keesh. Ano pagkatapos sa bunso, sa ate naman?!

"Paano nila nasabing iyon ang babaeng hinahanap nila, ano ang katibayan nila para magconclude sila na iyon nga ang babaeng hinahanap nila?"Bumuntonghininga ako, iyon nga ang iniisip ko.

Pero hindi naako nagsalita pa dahil doon daw nahulog si Angelina sa bangin, nasa bangin din ang singsing na binigay ni kuya .

"Bakit ninyo kaagad nilibing? Baking hindi niyo manlang kami tinawagan, dalawang babae ang nawawala o nagpaDNA test ba sila?!"

"Hindi eha, hindi nila kayang magpaDNA test dahil segurado naman sila na iyon nga si Angelina "Si Kapitan.

"What a nonsense "Malutong nitong saad.

"Naku eha, iyon daw talaga si Angelina, nakitaan kasi ng singsing"Pumikit ito ng mariin at dahan-dahang tumango.

"Babalik kami bukas sa gubat, doon kami maghahanap"Bumuntonghininga ang babae sa sinabi ng Kapitan.

"Mahahanap niyo po kaya iyon? Halos tatlong linggo ng na wala ang kapatid ko, ilan-ilan lang din ang mga taong naghahanap"

"Naku eha, malayo tayo sa modernisasyon kaya mga tao ko lang din ang naghahanap pero huwag kang mag-alala hahanapin namin ang kapatid mo"Hindi naito nagsalita pa.

"Pero baka nagtanan na iyon ?"Si Kapitan.

"Hindi iyon makikipagtanan, kilala ko ang anak ko "Si Sanya. Hindi narin nagsalita pa ang Kapitan.

Nauna nasilang umalis sa dalampasigan, may importante daw silang gagawin. Kaya ng mag-alas kwatro na ay umuna nadin ako sa mga tauhan ni Kapitan.

Nasa daanan na ako ng gubat ng makarinig ng isang boses, napatigil ako sa paglalakad ng makilala kong sinong boses iyon.

"Hindi ba sinabi kong huwag kayong pumunta dito, huwag kayong sumama sa lalaking iyon! Bago niyo palang nakilala ang lalaking iyon mama!"

"Rosalina, mabuti naman si Fernando "

"Mabuti oh, nasaan na ngayon si Salina? Ma, pagod napo ako, nag-aalala po ako, nasasaktan po ako sa mga desisyon ninyo!"Napakagat ako ng labi ng marinig ang garagal nitong saad .

"Huwag mona akong sisihin Rosalina "

"Bakit pa kasi kayo pumunta dito, buhay po ni Salina ang pinag-uusapan natin mama"

"Ayaw korin sa nangyari Rosalina, natatakot rin ako para sa kapatid mo"

"Ano ba talaga ang nangyari mama, umalis ba siya? Lumayas? Nakipagtanan?"

"Hindi ko alam Rosalina, impossibleng nakipagtanan iyon, nandito ang boyfriend niya"Kumunot ang noo nito at marahas nitong pinunasan ang luha.

"May boyfriend sya dito?"

"Oo.."

"At hindi niyo manlang siya pinigilan, mama naman ilang buwan palang kayo dito, sino ang boyfriend niya at gusto kong makilala!"

"Tumahimik ka nga diyan Rosalina, parang hindi mo naman kilala ang kapatid mo"Pumikit ako ng mariin at nakaramdam kaagad ng sakit ng maalala ang ginawa ni Salina.

"Pero dapat pinigilan niyo siya mama , sana nga nagpumilit nalang ako, sana nga sinama ko nalang siya sa maynila"Puno ng panghinanakit nitong saad.

"At alam mong hindi iyon papayag sa gusto mo,magkaibang-magkaiba kayo kaya hindi mo siya mapipilit"

"Sasama po kayo saakin pagbalik ko sa maynila at iiwanan ninyo ang gagong iyan!"Sigaw nito.

"Nababaliw kanaba Rosalina, dito kanalang,huwag kanang bumalik pa sa maynila nagpapakahirap kalang doon eh"

"Sa tingin mo hahayaan ko iyon, mabuti pang maghirap kaysa sumama sa taong hindi niyo kilala, hindi po ba kayo nandidiri mama? Kilalang gago daw iyon dito!"

"Wala akong pakialam Rosalina, bumalik kang mag-isa sa maynila, ambisyosa ka kasi, nangangarap ka kasi ng gising. Alam mong impossible ang pangarap mo, alam mong impossibleng makapagtapos ka ng pag-aaral "

"Iyan ang pinakain mo kay Salina diba mama? Hindi ako gagaya kay Salina mama na ginagawa ang lahat ng mga gusto mo, may sarili akong pananaw, may sarili akong gustong gawin. Ikaw eh?! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Bata palang si Salina sinasama mona siya sa mga gawain mo, sinasama mo na siya sa pagbibinta ng katawan!"Malutong ang sampal ng ginawa ni Santa sa kanyang anak, nakahawak naman si Rosalina sa kanyang pisngi.

Halos hindi naako makahinga ng mabuti dahil sa mga naririnig ko. Gulat na gulat ako dahil sa mga naririnig.

"Matagal naakong may galit sayo! Matagal ko ng kinikimkim ang galit at puot na nararamdaman ko sayo, wala akong nagawa ng binaboy ninyo ang kapatid ko! Kung hindi ako nakatakbo baka ganun rin ang mangyari sakain diba,hindi ko iyon makakalimutan kahit bata paako nun mama, I don't have voice to speak out! Gusto kong patayin ang mga taong gumawa nun sa kapatid ko!"

"Ano kaba Rosalina, ginusto iyon ni Salina!"

"Because you manipulate her, bata palang siya, she's just ten years old and have no power to decline you at malaki ang tiwala niya sayo dahil Ina kaniya ,malaki ang tiwala niya sayo kaya ginawa niya lahat ng gusto mo sa kanya"

"Tumahimik kanga  Rosalina,sana hindi kanalang pumunta dito"

"For once naman mama, tanggapin mo ang pagkakamali mo, you should repent lalo na ngayon, buhay ni Salina ang nakasalalay dito!"

"Kaya nga tumahimik ka diyan, namomroblema din ako!"

"Talaga, hindi ko manlang naramdaman!"

"Tumahimik kanga diyan Rosalina, nakakahiya ka, kung ano-ano pinagsasabi mo diyan. Nawawala nasi Salina tapos galit parin ang inaatupag mo diyan!"

"Kasi hindi ko masisi ang sarili mama sa mga pinagagawa mo sa kapatid ko, hindi mo magawa ang ginagawa mo kay Salina saakin dahil alam mong lalaban ako, ginawa ko ang lahat para tulungan si Salina sa poder ninyo, ginawa ko ang lahat pero anong ginawa ninyo, binaliktad ninyo ang estorya at ginawan ako ng masama , pinagkalat niyong pokpok ako sa Tondo kahit alam niyong kahit kailan hindi ako gagaya sainyo"

"Tumahimik kana diyan Rosalina, baka hindi kita papatulugin sa bahay, matagal na iyon , kalimutan mona ang lahat. Nakakaloka ka, malaki ang problema natin ngayon,sumasali kapa"

"Hindi ako matutulog don, mabuti pang sa dalampasigan o sa damuhan ako matutulog kaysa doon sa bahay na walang kaseguradohan ang ligtas ko"

"Segi diyan kana!" Iniwan nga nito si Rosalina.

"Salina!"Sigaw nito sabay upo sa damuhan.

"Saan kana ba?"Iyak nito, bumuntonghininga ako at dahan-dahang nagpakita sa harapan nito. Mabilis nitong inangat ang tingin saakin.

Kaagad nitong pinunasan ang luha nito at dahan-dahang tumayo.

"Sino ka?!"Lumunok ako at lumapit pa lalo sa kanya. Kitang-kita ko ang mariin nitong pagtitig saakin.

"I'm Keesh,b-boyfriend ni Salina"Umikot ang mata nito.

"That explain why I always see you "Tumango ako.

"Umalis kana alam kong gago ka"What the! Tumawa ako ng mahina.

"Wow, what a judgemental,bakit mo nasabi"Matapang ako nitong tinitigan.

"Obviously, isang linggo palang ang kapatid ko dito tapos kayo na kaagad, kung matino ka edi sana ligaw lang muna, noh?"Ngumuso ako.

"Seryuso ako sa kapatid mo, mahal ko siya kahit ginawa niya akong tanga"Akala ko magsasalita pa ito , nakatitig lang ito saakin. Mayamaya ay bumuntonghininga ito.

"Mahal mo ang kapatid ko?"Marahan akong tumango.

"Then sana nandito siya, iyan ang pangarap niya, ang mahalin siya ng tapat"Nakangiti nitong saad, hindi naako nagsalita. Alam ni Salina na mahal ko siya, ilang beses ko nang sinabi ito sa kanya,pero bakit? Bakit siya biglang nawala.

"Uhm, saan ka matutulog?"Kinakabahan kong saad. Tinuro nito ang damuhan sa gilid.

"Diyan, bakit? Marami bang mga gagong tao dito?"Nakataas ang kilay nito. Ngumuwi ako.

"Kadalasan lang pero tiyak na marami ditong mga naglalakihang mga ahas o wild animals"Akala ko matatakot ito pero ngumuso lang ito.

"Okay lang saakin,mas mabuti ng pagpistahan ang katawan ko sa mga ahas o wild animals kaysa sa mga gagong tao"Ramdam na ramdam ko ang galit niya, hindi ko ngalang alam kong kanino siya galit na galit, o baka sa kanyang mama.

"Doon kanalang kina Kapitan, tiyak na ligtas ka doon"Umiling kaagad ito.

"Okay lang ako dito, kaya ko naman ang sarili ko, hindi ko kailangan ng tulong "Sa tingin baniya iiwanan ko siya dito? No way, baka may mangyaring masama sa kanya o mawala  edi dalawa na ang hahanapin namin.

"Segi na, doon kanalang"Ngumuwi ito at umiling. Kaagad naitong umupo sa damuhan.

"Umalis kana , dito lang ako"Bumuntonghininga ako, ang tigas ng ulo nito, pinapanindigan talaga ang mga pinagsasabi niya.

Umupo narin ako at tumabi sa kanya, pero dinistansiya ko ang sarili ko . Inis itong bumaling saakin.

"Ano ba, umalis ka nga"

"Sa tingin mo kaya kitang Iwan dito, malapit ng mag-alas singko kaya ang mabuti pa ay sumama kanalang saakin"

"Ayaw ko nga diba"

"Edi sa bahay kanalang namin , doon kanalang matulog,huwag kang mag-alala safe doon"Umismid ito.

"Ayaw ko nga, dito lang ako, hindi kita kilala noh, baka anong gawin mo saakin"Tumawa ako.

"Excuse me, hindi kita gusto,si Salina ang mahal ko kaya huwag kang magsalita ng ganyan saakin"Lumingon ito saakin, seryuso na ang mukha nito, mayamaya ay tumango ito.

Gulat na gulat ako sa pagtango nito.

"Kung ganun, segi doon ako matutulog sa bahay ninyo basta ang bilin ko sayo, kaya-kaya kong pumatay na tao kapag gagawan  ako ng masama"
Tumango kaagad ako.

"Huwag kang mag-alala....?"Paghinto ko.

"Rosalina "Dugtong niya.

"Okay, Rosalina matutulog kang safe and sound ngayong gabi"Ngisi kong saad, bumuntonghininga lang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 98.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...