Fix Our Future (2yeon Fanfic)...

By LolaJoStory

3K 135 0

Only a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN] More

Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 21

58 3 0
By LolaJoStory

Chapter 21

"Guys! May kasama ako dito, guest who?" Bungad ni Dahyun sa triplets nang makapasok na sila ng mansyon.

Bumungad naman sa kambal ang tatlong tao sa pinto. Ang isa ay bago sa kanila pero nang makita nila ang dalawa sa mga ito ay napatayo agad si Sana sa upuan niya.

"Auntie Linda! Ryu!" Masigla niyang sigaw habang palapit sa dalawa at niyakap ang mga ito.

Napatayo naman sina Mina at Momo sa mga pwesto nila. Binati nila ang mga bisita at inanyayahan na umupo.

"Napadalaw po kayo dito, Auntie. May kailangan po kayo?" Ani Sana sa babae.

"Ah.... Dapat kasi ay mamamasyal kami ngayon. Isasama sana namin si Jeongyeon eh kaso, sabi nitong kapatid niyo baka nag-overtime. Aalis na sana kami pero inimbitahan niya na kaming pumasok." Paliwanag naman ng babae kay Sana.

"Masaya po akong nakita ko ulit kayo mga Noona. At nakilala ko na rin itong si Hyung. Lumalaki at dumadami na ang pamilya natin, Ma." Masaya namang saad ni Ryujin sa mga ito.

"Kasama naman ba ako diyan?" Singit naman ni Daniel na kanina pa nakikinig sa usapan nila.

Nilingon naman siya ni Ryujin maging ng iba pa.

"Syempre naman, Hyung. Kaibigan ka ng kapatid ko eh." Sagot naman ni Ryujin.

"Hay Salamat."

Nakaupo na sila ngayon sa sala at nag-usap-usap.

"Noonas, ito nga pala ang kaibigan ni Jeongyeon-hyung, Si Daniel. Kang Daniel." Pakilala naman ni Ryujin sa lalaki.

"Gaano na kayo katagal na magkakilala ni Jeongyeon-oppa?" Tanong ni Sana rito.

"Bata pa kami nun. Bago sila umalis at lumipat ng bansa, matagal na kaming magkakakilala." Sagot naman ni Daniel.

"Kung ganun, kilala mo siya nang bata pa kayo. May naikikwento ba siya sayo noon? Di ba kasi kapag bata, hindi napipigil sa pagkwento." Ani Sana.

"Ikaw lang yun, Sana. Wag mo kaming idamay." Sabat naman ni Momo.

"Bakit? Hindi ka ba naging madaldal nung bata pa tayo? Sa pagkakatanda ko, si Mina lang naman yung tahimik dito." -Sana

"Whatever." -Momo

"So, Oppa, meron ba?" Pag-uulit ni Sana sa tanong niya kanina.

"Meron naman. Kahit nga yung first love niya, I mean puppy love niya naikwento niya rin. I think we're 5 or 6 that time? Tinatawag niya yung babae na Tokki (bunny). Bago sila umalis nun, matapos niyang magpaalam sa akin, pinuntahan niya pa yung batang babaeng yun." Kwento naman ng binata.

"Wait, Tokki?" Sabat naman ni Dahyun.

"Ah! Naalala ko na. Nung araw na paalis na kami, nakita ko pa yung bata na yun. Tinawag niya pa ang anak ko bilang Tajo (Ostrich). Natawa na lang ako sa cuteness nila pati na yung batang babae. Mukha talaga siyang bunny." Aniya ng Ina ni Jeongyeon.

Nagkatinginan naman ang triplets maging si Dahyun.

"Kung ganun pala, si Jeongyeon ang kinukwento ni Noona noon sa akin." Ani Dahyun.

"I'm Home!!" Sigaw naman ng isang lalaki sa pinto.

Napunta naman ang atensyon nila sa taong yun.

"Daddy!!" Parang batang saad ni Sana dito. Niyakap niya pa ang lalaki.

"Good Evening, Dad// Good Evening, Sir." Bati naman ng iba pa.

"Mr. Kang!! Naparito ka?" Ani Mr. Park sa binata.

"Magandang gabi po, Mr. Park. Sinamahan ko lang po sila." Itinuro naman nito ang mag-inang kasama niya.

"Linda?" Saad niya nang makilala ang babae.

"Magandang gabi sayo, JinYoung." Bati naman ng babae sa kanya.

"Kaytagal na rin nung huli tayong nagkita. Masaya ako na nakita kita ulit ngayon." Ani Mr. Park.

"Ito na siguro ang kapatid ni Jeongyeon. Magkahawig silang dalawa."

"Tama ka riyan. Para nga silang kambal."

"Magkakilala kayo, Dad?" Tanong ni Mina.

"Ah.... Oo. Noon pa nung wala pa kaming pamilya. Nag-aaral pa lang kami nung mga panahong yun."

"Parang instant reunion pala ang nangyaring ito?" Ani Sana.

"Parang ganun na nga, tama ka. Si Nayeon at Jeongyeon, wala pa ba?" Tanong naman ni Mr. Park sa mga anak.

"Wala pa po, Dad. Baka mag-oovertime yun ngayon." Sagot naman ni Dahyun.

"Imposible naman. Wala siyang sinabi sa akin tungkol sa mga projects niya ngayon. Ang bodyguards naman na naka-assign sa kanila, wala pang balita sa akin."

"Sir, nakahanda na po ang hapunan." Balita naman ng isang kasambahay.

"Wag na muna nating isipin yun. Baka mamaya ay uuwi na rin ang mga yun. Halina kayo. Linda, samahan niyo na kaming maghapunan." Alok naman ng lalaki.

-Time Skipped-

Tapos na silang kumain pero hindi pa rin sila umaalis sa hapag-kainan. Naisipan nilang mag-usap-usap muna sandali bago magpahinga. At ang tatlong bisita naman ay uuwi.

"Nabanggit ni Jeongyeon na dito na kayo ulit titira. Maayos naman ba ang tinutuluyan niyo?" -Mr. Park

"Maayos naman kami. Maraming Salamat sa pag-aalala." -Ina ni Jeongyeon.

"Okay lang. Ano pa't naging magkaibigan tayo." Ani Mr. Park habang nakangiti.

Ang mga anak at kasama naman nila ay may ibang topic rin.

"N-nagkabalikan na daw kayo ni Dennis (JY's Dad)?"

"O-oo. Doon na rin kami sa bahay niya nakatira ngayon."

"Ganun ba?"

"Ahm.... Saan ang banyo niyo dito? Pwedeng nakigamit sandali?" Tanong naman ng Ginang sa lalaki.

"Sige. Diretsuhin mo lang itong pasilyo, tapos ikalawang pinto ay yung sa girls restroom."

"Sige. Salamat."

"Sandali, pasasamahan na kita kay Manang. Manang!!"

"W-wag na. Kaya ko na."

"Sigurado ka?"

"Oo."

Inalalayan naman ng lalaki ang ginang sa pagtayo nang matabig naman ng babae ang basong ginamit niya at nabasag ito.

Napahawak naman sa dibdib ang ginang matapos ang nangyari.

Napalingon naman sa gawi nila ang mga kasama.

"Okay ka lang, Ma?" Ani Ryujin.

"Ito po tubig, Auntie." -Sana

"Okay ka lang? Umupo ka muna." -Mr. Park

"Hindi ko alam pero.... bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. At.... si Jeongyeon agad ang naisip ko. Hindi kaya may nangyari na sa kanilang masama?" Nag-aalalang tanong naman ng Ginang.

"Wag ka nang mag-alala, tatawagan ko sila para makasigurado. Di ba, pupunta ka pa sa banyo? Manang, pakisamahan niyo na po siya." -Mr. Park

"Wag na. Nangibabaw na sa akin ngayon ang kaba. Pwedeng pakitawagan na sila. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila wala man lang tayong ideya dito." Ina ni Jeongyeon.

"Susubukan ko pong tawagan si Jeongyeon, Sir." Presinta naman ni Daniel.

"Sige, Salamat." -Mr. Park

"Ako na po kay Noona, Dad." Aniya naman ni Dahyun na tinanguan naman ni Mr. Park.

"Nagri-ring lang yung phone ni Jeong." Saad naman ni Daniel.

"Ganun rin kay Noona." Segunda naman ni Dahyun.

Kinuha naman ni Mr. Park ang cellphone niya at akmang tatawagan na ang naka-assign na bodyguard sa anak nang ito na mismo ang tumatawag sa kanya.

"Hello? Nandiyan pa ba kayo sa office? Bakit--

"Sir, nalooban po kami. Kinuha po sina Ms. Nayeon nung mga lalaking nasagupa namin." Balita naman ng lalaki sa kabilang linya dahilan para di n natuloy pa ang sasabihin ni Mr. Park.

"Si Jeongyeon nasaan?"

Ilang segundong natahimik ang lalaki at rinig sa kabilang linya ang pagdating ng iba niyang kasama.

"Sir, wala po dito si Jeongyeon. Kanina po, nagpaalam siya na dadalaw sa pamilya niya. Wala pa po akong balita sa kanya."

"Nakita niyo na?" Tanong naman ng lalaki sa mga kasama niya.

"Wala talaga. Ang sabi ng guard sa ground floor, bumalik daw si Jeongyeon ilang oras bago matapos ng office hours. Matapos nun, hindi na sila nakitang lumabas." Sagot ng kasama.

"Wala ba kayong nakitang kahina-hinala nung mga oras na yun?" Tanong ni Mr. Park sa lalaki.

"Wala po, Sir."

"Sige, hanapin niyo sila. Balitaan niyo na lang ako."

Matapos maibaba ang tawag, lumapit naman sa kanya ang kasambahay.

"Sir, May tawag po kayo sa telepono."

"Sino daw?"

"Hindi po sinabi pero hawak niya raw po si Ms. Nayeon."

"Bwisit!"

Continue Reading

You'll Also Like

1M 61.8K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
678K 24.7K 100
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
2.2K 108 6
yan muna hirap palang gumawa ng story
864K 19.7K 48
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.