MR.COLD GUY IS INLOVE

By DarkSupremo5

1.9K 238 0

He used to be cold person in others but one day, he fell in love to the girl named Veena. He changed because... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTHTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
SPECIAL CHAPTER 1

CHAPTER TWENTY NINE

31 5 0
By DarkSupremo5

CALVIN POV

“Mukhang nagkakasundo na kayo ni Jaydrix ahh”—Veena

“Ahh, Hehe medyo”—sabay kamot mo ng ulo

CALVIN! JADRIX!

“Ang ganda nyo!”

“Pwede pa picture ako!”

“Tara!”—Jaydrix

Pumwesto si Veena sa gitna nyo at pareho nyong inakbayan ang dalaga.

Hindi nyo parin inaalis ang make up na gawa ni Veena habang nanunuod kayo ng movie sa TV nila.

Saglit na nagpaalam si Veena sa inyo at pagkababa nito ay bihis na bihis.

“Baby, aalis ka?”—takang tanong mo dito

“Ah, bibili lang ako sa grocery store!”

“Sama ako baby, please?”—pagmamakaawang sambit mo

“Pasama din ako Veena!”—Jaydrix

“Hay, ano pa ba magagawa ko, tara na!”—wika ni Veena

“Sandali, sasama kayo ng ganyan mga itsura nyo?”—gulat na wika pa nito

Nagkatinginan naman kayong dalawa ni Jaydrix at humarap kay Veena habang tumatango-tango.

“Seryoso! sige kayo bahala!”—gulat na wika ng babae

Napagdesisyonan nyong tatlo na kotse nalang ni Jaydrix ang gamitin nakarating narin kayo sa Grocery store agad.

“Ahh, baby kami nalang bibili ng bibilihin mo baka mapagod kapa maglakad, diba Bro”—wika mo kay Jaydrix

“Ahh, oo Veena kami nalang bibili.”—sang-ayon na wika ni Jaydrix sayo

“P-Pero”—utal na wika ni Veena

“Baka mapagod ka pa magbitbit, kaya kami nalang baby”

“Ah! Sige”

“Ano pala mga bibilhin Veena?”—takang tanong ni Jaydrix

“Mga Delata tapos Noodles at Itlog”—Veena

“Sige, baby dyan ka nalang sa kotse, kami na bahala”

Nakapasok na kayo sa loob ng grocery store at halos lahat ng madaan nyong tao ay nakatungangang nakatingin sa make up at suot nyo.

“Ano bayang itsura nila ang sasama!”

“Bihis na bihis ang mga bakla!”

“Sayang pagka ganda-ganda ng katawan, beki naman!”

Ilan sa mga dinig nyong komento ng mga tao habang naglalakad kayo.

“Brad, unahin na natin yung noodles at itlog”

“Sige bro!”

Agad naman kayong nakakuha ng itlog at noodles kasunod naman ay ang mga Delata.

“Bro! May sinabi ba si Veena kung anong ka delata?—takang tanong mo kay Jaydrix

“Sabi nya mga Delata daw!”—kibit balikat na sabi ni Jaydrix sayo

“Patay! pano bro, balikan ba natin si Veena?”—wika mo

“Nandito na tayo, tapos babalik ulit?”—Jaydrix

“Sige sige, bilhin nalang natin iba't-ibang klase ng Delata?”

“Ano, goods ba?”—tanong mo kay Jaydrix

“Hahaha, sige brad magandang idea yan!”—manghang wika pa ni Jaydrix sayo

Halos lahat ng makita nyong ibat ibang klase ng Delata ay pinagdadampot nyo na at nilagay sa isang lalagyan.

Natapos nyo na bilihin ang pinapabili ni Veena ngunit napahinto kayo sa tapat kung saan nakapatong lahat ng klase ng sanitary pads na ginagamit ng babae.

Mangha kayong nakatingin sa paligid nyo dahil napapalibutan kayo ng iba't-ibang klase ng napkin.

“Bro! Iniisip mo ba, iniisip ko?”—tanong mo kay Calvin

“Ito yung ginagamit ng babae sa ano nila, woah!”
—manghang wika ni Jaydrix sayo

Tumango-tango ka naman sa sinabi ng kasama mong si Jaydrix habang mangha din na nakatingin sa mga ito.

Ahh, Sir/Ma'am?”—wika ng babaeng nag a-assist sa mga customer sa grocery.

Napatingin naman kayong dalawa sa nagsalita.

“Bibili po ba, kayo ng pads?”—takang tanong ng babae sa inyo

“Pwede nyo pong, I testing hawakan dito!”—sabay pakita ng mga nakadikit na napkin sa cardboard

Lumapit ka sa babae at hinawakan ang isang napkin.

“Put*! Bro ang lambot”—manghang sabi mo kay Jaydrix

Lumapit naman si Jaydrix at dali-dali din na hinawakan ito at inamoy.

“Hindi lang malambot brad, mabango pa!”—manghang wika ni Jaydrix sayo

Inamoy morin ang napkin at manghang-mangha ka dahil mabango din ito.

“Shit! Heaven!”—wika mo

Paulit-ulit nyo itong hinawakan at inamoy-amoy.

“Ahh, excuse me po! Bibili po ba kayo”—takang tanong ng babae

“Hindi naman kami babae, pero si?”

“Veena! Tama si baby, kaylangan nya nito!”—nakangiting sabi mo sa isip

“Oo, Ms. bibili paki bigyan kami ng iba't-ibang klase nyang napkin!”—wika mo sa babae

“Sige po Sir/Ma'am”

Nabili nyo na mga kaylangan ni Veena kaya pumunta na agad kayo sa sasakyan kung saan naghihintay si Veena.

“Bat, ang tagal nyo?”—takang tanong ni Veena

Nagkatinginan kayong dalawa ni Jaydrix.

“Ahh Tara nalang baby, uwi na tayo!”—sabay kamot mo ng ulo

Tahimik lang kayong tatlo sa biyahe at maya maya lang ay nakarating narin sa bahay nila Veena.

Agad nyong pinatong sa lamesa ang mga pinamili nyo.

“Sige, maiwan ko muna kayo dito, luto lang ako saglit ng noodles para satin”—Veena

Nagpaalam na ang babae sa inyo para magluto habang kayong dalawa ay nakatunganga.

Pumunta ka sa may pinamili nyo at binuksan ang isang box na ang laman ay napkin.

Agad mong binuksan ito at kumuha ng dalawa sabay lumapit kay Jaydrix.

“Bro Catch!”—sabay bato mo sa isang nakabalot na napkin

Nasalo naman ito ni Jaydrix at sabay nyong binuksan ito habang magkatabi kayong nakaupo sa sofa.

“Nice! pang pawala ng stress”—sambit ni Jaydrix habang inaamoy ang napkin

“Agh! Sarap sa pakiramdam”—tanging sambit mo habang pinipisil-pisil ang hawak mo rin na napkin

Nagpatuloy kayo sa ginagawa nyo at libang na libang sa pinaglalaruan nyong napkin.

Hindi nyo narin namalayan ang pagdating ni Veena.

“Anak ng!”

Napatingin kayong dalawa sa nagsalita sa kanan nyo at nakita nyong gulat itong nakatingin sa hawak nyong napkin.

Sabay kayong napalunok ng laway.

“B-Baby!”

“V-Veena!”

Sabay nyong wika sa dalaga.

“Mag-mag papaliwanag kami B-Baby”—utal na wika mo sa babae

Agad na lumapit ang dalaga sa inyo at sabay na piningot ang magkabila nyong tenga.

“Aray baby!”

“Veena, sorry na!”

“At sinong may utos sa inyo na paglaruan ang napkin!”
—galit na wika ni Veena habang pingot-pingot parin ang tenga nyo

“Patawarin muna kami baby, hindi na po mauulit!”
—pagmamakaawang wika mo kay Veena

“Oo nga Veena, Di na namin uulitin!”—pagpapaumanhin na wika din ni Jaydrix

“Puro kayo, kalokohan!”—galit na wika ni Veena habang nakahawak parin sa magkabila nyong tenga

Continue Reading