In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [33] - Grant Turner Loriete

66.7K 2K 561
By chiXnita

-33-

Grant Turner Loriete's POV

HINDI KO na mabilang kung ilang shots ng brandy ang aking nainom. Tinitigan ko ang tatlong bote ng beer sa itaas ng counter dito sa mini bar sa bahay. Walang epekto ang mga 'yon kaya brandy ang ipinalit ko.

Hindi naman ako mahilig uminom; kung may okasyon lang. Kaso gusto kong lunurin ang sarili hanggang sa mamanhid ang aking buong katawan, makatulog at makalimutan ang lahat.

Kahit sandali lang.

Nagsalin ako ng alak sa kopita. Dumulas 'yon sa palad ko't bumagsak. "Damn..." Napasabunot ako sa buhok at isinubsob ang mukha sa counter. Hinawi ko ang mga bote ng beer hanggang sa mahulog din ang mga ito at magkabasag-basag. "Fuck... Shit!"

Hindi ko na alam kung ano pang mura ang hindi ko nababanggit sa sobrang frustration na nararamdaman.

Nang malaman ko kaninang binawian ng buhay si Lexy para rin akong pinatay.

Walang nakakaalam kung ano'ng naramdaman ko. Walang nakakaintindi kung ano'ng nararamdaman ko. Si Heather ang may gawa no'n pero pakiramdam ko ako ang sumaksak kay Lexy at hindi siya. Ba't ba nangyari 'to?

Lahat ng ginawa kong katangahan simula umpisa napunta sa wala.

Pinapunta ko si Lexy sa bahay para dalhin ang mga mahahalagang papeles na dadalhin sa Singapore. Wala na akong balak na pumasok ng opisina no'n dahil wala pa akong tulog buong magdamag.

Gulong-gulo rin ang isip ko sa mga nangyari sa pagitan namin ni Heather.

Nagpaalam din si Lexy na magleleave. Nasa ospital ang mga magulang niya, sa kanilang probinsiya, dahil sa isang aksidente. Pinayagan ko.

Malamang na ang naabutan ni Heather na eksena sa kusina, habang nagluluto ako ng almusal namin, ay iyong napuwing ako ng tanginang paminta na hindi ko alam kung paano napunta sa 'king mata.

Siya dapat ang magluluto dahil natalo siya sa napag-usapan namin, kaso ang himbing ng tulog niya. She's physically and emotionally tired. She needs to rest. Kaya inako ko na. Tumulong lang si Lexy na kunin 'yong puwing sa 'king mata.

Walang hiyang paminta! Tangina!

Then... it happened.

Hanggang ngayon, hindi pa rin 'yon nawawala sa isip ko. Nakokonsensiya ako para kay Lexy. Hindi ko rin maiwasan ang mag-alala. Sa oras na magising si Heather, tiyak na magkakatrauma siya.

Hindi rin mabura sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Mommy Xyria kanina sa ospital.

Heather's obsessed with me.

Alam ko naman, eh.

Dati pa!

Noong una, hindi ako makapaniwala. Kaya kung ano-anong kagagohan ang mga pinaggagawa ko para layuan niya ako.

Pero sa huli... hindi ko rin kaya na iwan niya ako.

Katangahan. Kabobohan. Katarantaduhan. Kagagohan. Ano pa bang 'di ko nagagawa?

Akala ko, may magagawa ako para sa kanya. Pero ako lang din ang sumisira at nananakit sa kanya.

Gago ko talaga!

Sa oras na magising si Heather, itutuloy nila ang four to five months therapy. Ang masaklap baka umabot pa nang mahigit kalahating taon. 'Tapos ano?

Hindi niya ako p'wedeng makita? Hindi ako maaaring magpakita? Fuck!

Pinaparusahan ba ako? Ito ba ang kabayaran sa mga kasalanan ko?

Handa naman akong bumitaw, eh.

Naghahanap lang ako ng tiyempo. Sasabihin ko sa kanya ang lahat. Ang totoo. Walang pagpapanggap.

Pero bakit bago ko gawin ang bagay na 'yon... nangyari 'to?

Siguro nga... pati kapalaran ay kontra sa 'ming dalawa.

Walang nakakaalam kung ano'ng nararamdaman ko ngayon. Masakit.

'Yong halos mamanhid na ako sa sobrang sakit.

Nakakagago, pero 'yon ang totoo.

Gago, tarantado at siraulo man ako'y nasasaktan din ako.

It sucks... It really sucks to feel this painful feeling again. It's tearing my heart into million pieces of shits. Kasing sakit ito n'ong nakita mismo ng dalawang mata ko ang nangyari kay Xyrene.

Nandoon ako n'ong naganap ang mga 'yon, pero wala akong nagawa. I'm the most useless creature in this freakin' world.

Hinawakan ko ang bote ng brandy. Hinampas ko 'yon sa counter. Nabasag. Muntik pa akong masugatan ngunit wala akong pakialam. Hindi ko nararamdaman ang kirot na nagmumula sa kaliwang palad ko. Dumudugo ito. Pero 'yon naman talaga ang gusto ko. Nang mabawasan kahit papano ang sakit na nararamdaman ko.

The grief was breaking my heart into fragments made my brain impossible to think.

"K-Kuya Turner?" Napaangat ako ng tingin. Nakita ko si Grey sa pagitan ng mini bar at kitchen. Nandito ako sa bahay ng pamilya ko. Ayoko munang bumalik sa bahay namin ni Heather dahil bumabalik sa isip ko ang nangyari. "I know you're shattered. Don't worry, I'm here for you, Big Bro."

Napangiti ako nang tipid. 'Di ko gaanong makita ang mukha niya dahil mild lang ang ilaw dito sa bar. Humakbang siya palapit. Dali akong tumayo dahil baka makaapak siya ng bubog.

"You're bleeding. You're broken. What's the rational explanation why you're still hurting yourself?" mababakas sa boses niya ang pag-aalala nang lapitan ko siya.

Napansin ko ang tatlong kasambahay sa kanyang likuran. Nakayuko ang mga ito at nasasalamin sa mukha nila ang nararamdaman ni Grey. Iniiwas ko na lang ang paningin. Wala akong sa mood para pagtuonan sila ng pansin.

"Shit! Your cut is fucking deep—" Tinakpan ko gamit ng kabilang kamay ang bibig ni Grey.

"Don't cuss!" Damn this kid.

Tinabig niya ang kamay ko. Salubong ang mga kilay niya at itinaas ang gilid ng labi para magprotesta. "Why? You were shouting 'fuck', 'dammit', 'the hell' and other cool words. So, why can't I do it?" Cool words?

Hindi ako sumagot. Iniwanan ko sila. Tumungo ako sa sala para umupo sa sofa, kung saan nangyari ang encounter namin ni papa. Ipinatong ko ang mga siko sa ibabaw ng tuhod at yumuko. Tumutulo ang dugo mula sa palad ko.

Hell! I don't feel anything at all.

Kalaunan, nasa tabi ko na naman si Grey. May hawak na emergency kit, na nakakasiguro akong nakuha niya sa clinic malapit sa kwarto ni mama.

Inabot niya ang kamay ko at nilagyan ng kung ano-ano. "You know what, I wanna be a doctor like mama," maya-maya ay sambit niya. "I don't wanna be like papa."

Tumingin siya sa 'kin at ngumisi. Nakikita ko sa mukha niya si Ryder. Napailing na lang ako, isinandal ang ulo sa backrest ng sofa at pumikit. Hinayaan ko lang si Grey sa ginagawa.

Nang naramdaman kong nilalagyan niya ito ng bandage, muli akong dumilat. He should be a doctor.

"Kuya Turner..." aniya nang matapos. Inilagay niya sa itaas ng glass table ang kit at tumingin sa 'kin. Now, I'm looking straight into my father's eyes. Seriously threatening and intimidating. "I'm seven but turning eight next month. I'm not a kid anymore. You can tell me your problems. I know you don't need someone who can give you some advices, but I'm sure you need someone who can just listen to you. I'm here, Big Bro; Grey Trevon Loriete, your awesome brother."

Ginulo ko ang buhok niya at tipid na ngumiti. He inherited the physical features and brainpower of our father, and the good heart of our mother. Umiling lang ako. "I'm okay, Grey."

Pinitik niya ako sa noo at sumimangot. "Idiot! Jackass! Lunatic! Simpleton! Moron! Jerk!" Napaawang ang aking bibig sa narinig. "You, bubblehead, are obviously not okay. I could see it in your gloomy eyes. I could feel it in your dreary body. I could sense it in your lonely heart." Sinuntok niya ako sa dibdib. Napapiksi ako. "Your heart is breaking. I think, it was broken yet still breaking. Could you please just talk to me or cry silently?" Hindi ko napigilan ang mapalunok.

Nakatingin lang ako kay Grey. Nilalabanan niya rin ako ng titigan. Ako ang unang umiwas ng tingin. Parehas sila ni Ryder pagdating sa salitang... persistence.

"I'm not leaving you here 'til you talk to me!" Sumandal siya sa sofa. Nakasalikop ang mga braso sa likod ng ulo. Nakapatong ang kaliwang paa sa kanang tuhod. "All men will get hurt, eventually, but real man cries. You're a real man. If you wanna cry. Just cry. Weep... Don't be afraid to do it."

Naibuka ko ang bibig, kaso wala akong masabi. Sa sandaling 'to, pakiramdam ko siya 'yong mas matanda sa 'kin. Ang sikip ng pakiramdam ko, pero nang marinig ang mga sinabi ni Grey nakaramdam ako ng katiting na pag-asa.

"Weep and grant to yourself that you genuinely love Ate Xhai as much as you love Ate Xy. If you do that at least the pain you're feeling right now will lessen." Nakakatitig lang nang matiim sa 'kin si Grey. "You're franticly in love with her, right?"

Lumunok ako at muling tinitigan si Grey. Tumingin na siya sa chandelier. All he said hit me.

"But..." Putol niya sa pag-iisip ko. "There's a big problem, aside from this whacking problem you already have." Umayos siya ng upo, ipinilig ang ulo at hinimas ang batok. Kumunot ang noo ko. "Kuya Ryder has a big crush on Ate Xhai. I think, he loves her as much as you do. A bona fide love!"

"W-What?" Umawang ang aking bibig. Parang nabingi pa yata ako sa pagpanting ng aking pandinig. Natutop naman ni Grey ang bunganga at biglang tumayo. Hindi magawa ang muli akong tingnan. Nagtangis ang aking bagang.

Mahal ni Ryder si Heather?

Hindi 'yon pumasok sa sistema ko. Alam ko galit sa 'kin si Ryder... kaya ginagamit niya si Heather. Pero mahal?

Kailan pa?

Bumukas ang main door at pumasok ang hinihingal na si mama. Kaso, 'di ko magawa ang ibaling ang buong atensiyon sa kanya. Hinawakan ko ang siko ni Grey at pinaharap siya.

"What did you just say, Grey?" Hindi ko alam na mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya kaya napangiwi siya. Kasing diin din nang mga binitiwan kong mga kataga.

"Son... Grant!" Hysterical na lumapit sa 'min si mama. Mukhang 'di niya napansin ang higpit ng hawak ko sa bunso niya.

Nabaling ang tingin ko sa kanya Nakasuot siya ng pang-ospital na uniporme. Mukhang kauuwi niya lang. Namumutla siya, hindi mapakali. Sinalakay ako ng kaba. Nabitiwan ko si Grey at agad naman itong pumunta sa likod ni mama.

"X-Xhai's—"

Napatayo ako bigla. Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng tahip ng aking dibdib. Lumunok ako at muling ikinuyom ang mga kamao. Pigil na pigil ang hininga. Ano mang oras sasabog na yata ako sa pag-aalala.

"H-Heather's what?"

Damn! Don't let it be a vast bad news again. I don't think I can still handle it.

"S-She's here!" I released the breath that I was holding. "She left the hospital when everyone was sleeping. Nagpapanic sila. So, I decided to go home to let you know, but I found her outside." Tumigil siya saglit para huminga. "Sinabi ko na pumasok siya, pero ang gusto niya ay lumabas ka't makipag-usap sa kanya."

Tinitigan ko si mama. Namamasa ang kanyang mga mata. Gusto kong itanong kung ano ba ang dapat na gagawin ko. Gusto kong humingi ng tulong.

Buong buhay ko naman sila ang nagsasabi kung ano'ng tama. At kung ano'ng mali.

Natatakot na akong magkamali ulit.

Kaso ayaw lumabas ng mga kataga sa bibig ko. Ayoko nang magpadikta.

Hinimas niya ang balikat ko at marahang tumango. Napabuntong-hininga ako. Naisuklay ko ang mga daliri sa buhok at ginulo ito. Namalayan ko na lang na nasipa ko ang sofa. Napatalon sila palayo sa 'kin at natulala.

Napatitig ako sa wall clock na napapagitnaan ng mga portraits ng buong pamilya namin, individually; at family picture, sa taas ng 48 inches LED monitor. Lagpas ala-una na ng madaling araw. Hindi ko na pinansin kung bakit hanggang ngayon... gising pa rin si Grey.

Wala si papa rito dahil nasa private meeting sa Singapore. Pinapasunod niya nga ako roon kaso 'di ko nagawa dahil sa mga nangyari.

Naikuyom ko ang mga kamao. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin kami nakakapag-usap nang maayos ni papa. Wala rin si Ryder. Hindi naman 'yon madalas na umuuwi at may sarili siyang unit.

Ibinalik ko ang tingin kay mama. "Ma—" bigla niya akong niyakap. Napapikit ako nang mariin at bumuga ng hangin.

I don't know what to do anymore, 'Ma.

Gusto kong sabihin sa kanya, pero nanatili lang 'yon sa isip ko. Humigpit lang ang yakap ko sa kanya. Ano man ang mangyari. Magulang mo pa rin ang tutulong at aagapay sa 'yo sa huli.

"You're brave, son. I'm so proud of you," bulong niya habang hinihimas ang likod ko. Bigla na lang siyang humagulhol ng iyak. Pinipigilan niya pa ang sarili, pero mas lalo lang lumakas ang hikbi niya. Si Grey, tinatap ang braso ko.

"H-Hindi ko sasabihin kung ano'ng dapat mong gawin. Kasi alam mo na 'yon. At... ayoko nang manghimasok sa mga desisyon mo. Dahil sawang-sawa ka na do'n. Just remember that: I'm here for you, whatever the decision you may choose. I'm always here." Hinimas niya ang likod ko at tumingin sa 'kin. Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi. "I'm really sorry, Grant. I'm sorry for the pain. I'm sorry for everything. I want you to be happy, so please, son... choose the right thing."

Ano ba'ng tinutukoy niya? Naguguluhan din ako. Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko ngunit nakapagpasya na ako.

"Ma, can I have a syringe and some sedatives?" I gritted my teeth. I can do it. I must do it. Masakit. But I have no more choices left.

Bumitiw si mama. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatutop sa bibig. Bigla siyang umiling. "You're gonna sedate her...? Oh God, Grant. Son, please, make the decision that will make you happy. You love Xyrene. But, I know you love Xhaiden too... Right?" Umiwas ako ng tingin. "Y-You'll never know what might happen after five months—"

"'Ma..." awat ko sa kanya. I know that. That's why I want to protect her. "The syringe and sedative!" Damn! I thought that this would be easy. But it's fuckin' painful. Wala pa siya sa harapan ko, pero hindi ko na alam kung kaya ko bang ituloy. But, bullshit, I need to...

I need to let her go. She's better without me.

"S-Son—"

"I'm choosing the right thing. She deserves to be happy and free. 'Ma, please..." I begged.

Matagal siyang nakatitig lang sa 'kin. Awa ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Pero nararapat ba akong kaawaan?

Marahan siyang tumango at tinapik ako sa pisngi. Tumalikod siya at tinungo ang daan papuntang clinic. Pagbalik niya, inabot niya ang mga hinihingi ko. Bumuntong-hininga ako bago 'yon kinuha.

"You just need to wait for her," aniya.

Mapakla akong ngumiti. "It won't be the same again. Her feelings will definitely change."

Lumabas na ako at tinungo ang daan papuntang gate. Madilim ang kalangitan. Pero tanaw na tanaw ko siya na nakatayo sa tapat ng nakabukas na gate, katabi ang dalawang security.

Natigil ako sa paglalakad. Gusto kong ibalik kay mama ang syringe at sedative sa loob ng aking bulsa. Pero hindi ko 'yon maaaring gawin.

Nakatayo lang siya doon at nakatitig sa 'kin. Umiiyak siya. Naikuyom ko ang mga kamao.

Umiiyak na naman siya.

She's wearing black cotton jacket and fitted jeans. Simple yet always so stunning and gorgeous with my two damned eyes.

Gago ka, Grant! Tangina... tumigil ka na.

Muli akong humakbang. Ayokong gawin pero kailangan. She needs it for her own benefits.

Hindi maaaring palagi na lang siyang nakadepende sa 'kin.

Hindi p'wedeng sa lahat ng mga desisyon niya ako muna ang kanyang iisipin.

Sa lahat ng bagay ako ang madalas na una bago ang sarili niya.

She doesn't deserve all of these shits.

She even stabbed someone because of her obsession with me.

Tumigil ako sa harapan niya. She hugged me firmly and cried like a baby. I'm hearing the beats of our hearts thumping stupidly. I patted her head and combed her hair using my fingers. I took a deep sigh.

I can do this.

It will hurt her. It will break me. But I need to accept the painful truth that, right this moment, I'm letting her go. It's killing me, but this is the right thing to do and always will be.

I need to set her free.


Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 305 8
What's meant to be will always find a way
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
31.4K 971 15
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #3
5.1M 45.5K 40
My name is Jared, and this is the story on how I fell in love with a stranger, which started with A KISS IN THE RAIN..